webnovel

Chapter Twenty Three

Hey! Saan ka pupunta?" tanong ni Dennis nang makitang nagmamadali siyang lumabas sa club room nila. Kakatapos lang nilang mga brain storming para sa isang kasong pina-aanalyze sa kanila para sa mock trials. Ang grupo ni Dennis ang siyang napiling defense counsil para sa assailant.

Pinigilan ni Dennis ang braso ni Anica nang papalabas na ito. Nahihiwagaan siya sa kinikilos nang dalaga. nItong nakaraang araw nakikita niyang marami itong binabasa tungkol sa Children and women rights. Maging ang mga kasong may kaugnayan dito. Noon pa alam niyang seryoso ang dalaga sa pagpasok nito sa law school. He was even attracted to her dahil sa ugali nito. Kahit na wala itong masyadong kaibigan ang she appears to be a girl with so many secrets. Hindi niya magigilang hindi ma hook and get drawn to her.

"Sorry may kailangan akong puntahan." Wika ni Anica saka. Marahang binawi ang braso na hawak ni Dennis saka nagmamadaling umalis.

"That girl sure is mysterious." Wika nang isang kaibigan ni Dennis na isang miyembro nang club nila. "Alam mo na ba? Half sister pala ni Natasha si Anica? She is the daughter of the famous Actress Alice Sutherland. She is an illegitimate daughter of the Kingdoms President. Know I know why she is always alone." Wika nang binata.

"Anong masama sa pagiging illegitimate child?" wika ni Dennis na biglang nainis at pumasok sa loob nang club room. Ngunit bigla ding lumabas upang sundan ang dalaga nang maisip kung saan pupunta ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit tila kinukuha nang dalaga ang atensyon niya kahit na tila hindi naman ito nagpapansin sa kanya hindi gaya nang ibang babae. At bukod doon. Siya lang din ang tila hindi tumitingin sa kanya na may mata nang isang babaeng nagkakagusto.

Nang dumating si Anica lugar nina Donna. Narinig niyang nag-aaway na naman ang mag-asawa at naririnig niyang umiiyak ang batang babae. Wala namang kapitbahay na lumalapit sa bahay nila at tila hinayaan lang ang naririnig na ingay.

"Kung ako sa iyo miss huwag kang makialam. Isang pulis si Mario--- hindi magandang makalaban mo ang isang tulad niya." wika nang isang ginang saka hinawakan ang kamay ni ANica nang natangka siyang lumapit sa bahay.

"Ang mga katulad niyang ginagamit ang lakas upang saktan ang mas mahina sa kanya ay hindi nababagay tawaging pulis." Wika ni Anica saka binawi ang kamay at lumapit sa bahay. Bukas ang pinto nang bahay nang makalapit siya.

Tumigil na rin ang ingay sa loob nang bahay. Nang buksan niya ang pinto. Nabigla siya nang makita si Donna na may hawak na kutsilyo habang nangingig may dugo ang ilong at labi nito. Agad naman niyang hinanap si Missy Nakita niya ang batang babae na umiiyak na nakasiksik sa gilid nang upuan may mga latay din ang braso nito. Saka Nakita niya ang Pulis na si Mario na nakahundusay sa sahig na may gilit ang leeg. Humihinga pa ito ngunit tila nag-agaw buhay.

Nang makita niya ang Lalaki. Agad siyang lumapit dito ang idiniin ang kamay sa leeg nitong may sugat. Saka bumaling kay Donna na nakatayo at nangingig. Gulong-gulo din ang loob nang bahay at nagkalat ang mga basag na gamit.

"Tumawag ka nang tulong!" wika ni Anica sa babae.

"B-Bakit ako tatawag nang tulong. Dapat lang sa kanya ang ginawa ko. Kung hindi ko siya papatayin ako at ang anak ko ang mamatay sa kamay niya." Wika ni Donna na nagsimulang tumulo ang luha.

"Get a hold of yourself! Kapag namatay Siya. Magiging mamatay tao ka! Anong mangyayari kay Missy?" wika ni Anica. Napatingin naman si Donna sa anak na nakasiksik sa Gilid nang upuan at umiiyak.

"Hindi ba. Sinabi mo kakampi moa ko. Magsasama tayo. Hindi moa ko iiwan. Missy sasama ka kay Mam hindi ba. Tapusin na natin ang paghihrap natin wala nang makakasakit sa atin. Pupunta tayo sa lugar na hindi nila tayo mahahabol." Wika nang babae na nakatingin sa bata habang hawak ang kutsilyo. Tila ba wala na ito sa katinuan.

"Hey! Donna! Please. Wake up!" sigaw ni Anica. Hindi siya magawang makatayo dahil kapag tinigil niya ang pag hawak sa leeg nang lalaki baka tuluyan na itong mamatay dahil sa dami nang dugong Nawala dito. Napatingin siya sa labas nang pinto. Nakita niya ang ilang kapit bahay na nakatingin sa kanila ngunit walang may nagtatangkang lumapit.

"Help please." Wika ni Anica na tila gusto na niyang umiyak. Biglang natigilan si Anica nang biglang lumitaw sa pinto si Dennis.

"Senior!" wika ni Anica. Nakatingin ito sa kanya habang nagtataka. Humahangos din ito na tila kagagaling lang sa pagtakbo.

"Please stop her." Wika ni Anica. Agad naman napatingin si Dennis sa babae. Nang makita niya itong lumapit sa batang may dalang kutsilyo ay agad siyang lumapit sa babae at pinigilan ito at inagaw ang kutsilyo.

"Huwag kang makialam. Tatapusin ko na ang paghihirap naming." Nagwawalang wika nang babae. Isang malakas na sampal ang ginawad ni Dennis sa babae dahilan upang mapaupo ito sa sahig saka napahawak sa pisnging sinampal ni Dennis. Maging si Anica ay nagulat din sa ginawa nang binata.

Dahil sa ginawa ni Dennis tila nagising naman si Donna saka napatingin sa anak at sa lalaking hawak ni Anica ang leeg saka nito na tuptop ang bibig. Nanginginig ito habang nakatingin kay Anica.

"Try to relax okay? He is still alive. We can bring him to the hospital? Right Senior." Wika ni Anica na pinipigilan ang panginginig nang boses. Nakikita naman ni Dennis na nginginig ang kamay nang dalaga habang nakadiin sa sugat ni Mario sa leeg.

"Right." Wika ni Dennis saka kinuha ang celphone at tumawag sa rescue center. Ilang sandali pa ay narinig niya ang sirena mula sa ambulansya. Nang dumating ang mga medics agad na isinakay sina Anica at Mario doon habang nakadiin parin ang kamay nang dalaga sa sugat nang lalaki. Sa isang ambulansya naman isinakay sina Dennis, Donna at Missy. Nang makaalis sila saka dumating ang mga pulis at nilagyan nang yellow line ang buong bahay nina Donna.

"Anica!" gulat na wika ni Claire nang makita ang pinsan sa hospital. Napatingin ito sa dalaga punong-puno nang dugo ang damit nito at ang kamay nito ay pulang-pula dahil sa dugo. "Anong nangyari saiyo? Are you hurt?" Tanong ni Claire.

"I am okay. But please help him." Wika ni Anica saka bumaling kay Mario na sasa Stretcher. May benda ang leeg nito.

"Anong nangyari sa kanya? Do you know him?" tanong ni Claire na lumapit sa lalaking naka uniporme.Ngunit hindi kumibo si Anica. Hindi na muling natanong si Claire.

Nakita din niyang may dumating na mga pulis at lumapit kay ANica at sa binatang noon lang niya Nakita. Kasama nang lalaking sugatan na dumating sa hospital ang isang babae at batang babae na nanginginig. Agad namang may mga nurse na umasikaso sa kanila dahil sa mga sugat na taglay nang mga ito.

Nakita ni Claire na sumama si ANica at Ang binata sa mga pulis na dumating hindi na niya napigilan ang mga ito dahil kailangan niyang sumama sa operasyon sa lalaking may sugat sa leeg. Mabuti na lamang at hindi malalim ang sugat nito sa leeg. Bago siya pumasok sa operating room tinawagan niya si Rafael upang sabihin ang nangyari.

Dumating sina Anica at Dennis sa presinto. Isi-nurrender din ni Dennis ang kutsilyong ginamit ni Donna upang saktan si Mario. Maraming tanong ang mga pulis kay Anica at Dennis ngunit hindi halos makausap ang dalaga. Naka upo lang ito sa isang upuan at nakatingin sa kamay na puno nang dugo. Si Dennis ang nakikipag-usap sa mga pulis.

Naririnig niya si Dennis na nagpapaliwag sa mga pulis at sinasabing wala silang alam sa gulo nang pamilya nagkataon lang nandoon sila. Narinig din ni Anica na sa presintong iyon pala naka assign si Mario. Sabi pa nang pulis isang magaling na pulis at matapat sa tungkulin niya ang lalaki kaya bakit naman ito sasaktan nang asawa nito. At nagdududa ang mga ito sa motibo nila.

"I told you to run a finger print analysis on that knife. You can only see mine and that lady. Pinigilan ko siya bago niya masaktan ang anak niya. At ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala kaming kinalaman sa kanila." Wika ni Dennis.

"Hindi kayo kaibigan o pamilya kaya bakit kayo nandoon at sa sandali pang nasaktan ang kasama namin." Wika nang isang pulis.

"Man! You are not listening." Nagtaas nang boses na wika ni Dennis dahil kakulitan nang pulis.

"Baki ayaw magsalita nang kasama mo? Paano mo ipapaliwanag ang dugo sa kamay niya." Wika nang pulis na tumingin kay Anica.

"Sinabi ko na. She is still in shock. Bakit bas a tono nang pananalita niyo Para bang kami pa ang lumalabas na suspect." Inis na wika ni Dennis.

"ANYA!" wika nang isang lalaking biglang dumating sa presinto. Nabaling lahat nang atensyon sa bagong dating. Nakatayo ito sa pinto habang hawak ang isang camouflage jacker. Naka suot din ito nang camouflage pants at combat shoes at itim na t-shirt. His presence screams of a dignified soldier. Unang hinagip nang mat anito ang dalagang nakaupo malapit sa desk nang isang pulis habang hawak ang kamay na may dugo agad ding napansin nang binata ang dugo hindi lang sa kamay nito maging ang sa damit nito.

Nang marinig nang dalaga ang pamilyar na boses agad siyang napatingin sa pinanggagalingan nang boses doon Nakita niya si Andrew. Nang makita niya ang binata para bang sa likod nito ay isang matinding liwanag. Napatayo siya at nang hindi namamalayan ay biglang tumulo ang luha niya.

"Anica!" wika ni Dennis nang biglang makita ang dalagang umiyak. Lalapit na sana siya sa dalaga ngunit biglang lumapit dito ang binatang bagong dating.

Nakita ni Andrew na tumayo ang dalaga and then tears fall down from her eyes. Nang makita niya ang dalaga na umiiyak agad siyang lumapit dito. Nang makalapit siya agad niyang inalalayan ang dalaga dahil tila biglang nanghina ang tuhod nito. Inalalayan niya ang dalaga na muling maupo saka inilapag ang jacket niya sa upuan sa tabi nito.

"This is what I meant when I say you should have stay out of it. But you are ----"

"Please. Mamaya mo na ako pagalitan." Wika ni Anica saka napahawak sa kamay niya habang umiiyak. Kanina lang kahit na gusto niyang umiiyak ayaw tumulo nang luha niya. Ngunit nang makita niya ang binata bakit bigla nalang tumulo ang luha niya na parang ayaw nang tumigil sa pagpatak.

"Such a troublesome girl." Wika ni Andrew saka kinabig ang dalaga papalapit sa kanya upang yakapin "Just cry all you want. I know you were scared." Wika nang binata. Nangyakapin ni Andrew si Anica, bigla namang nagulat si Dennis. Hindi niya alam kung ano ang kaugnayan nang binata kay Anica at kung bakit pamilyar na pamilyar ang kilos nito sa daaga. Saka napatingin siya sa kamay ni Anica na may suot na singsing. Doon lang niya napansin ang singsing na iyon. Maging ang daliri nang lalaki ay may singsing din. Napansin niya ito nanghawakan nito ang kamay ni Anica.

"It's okay now. I'm here." Wika ni Andrew habang marahang tinatapik ang likod ni Anica upang pakalmahin ito.

"Hey!" wika ni Dennis na lumapit sa binata at kay Anica. Simple namang tumingin si Andrew sa binata saka muling bumaling kay Anica.

"I'll get you home in a bit okay." Masuyong wika ni Andrew saka hinaplos ang mukha nang dalaga nang bahagya niya itong nilayo sa kanya sa kinuha ang jacket niya saka itinalukbong sa dalagang umiiyak pa rin. Saka tumayo at bumaling kay Dennis.

"Are you the one who helped her?" Tanong ni Andrew sa binata.

"I am and who are you?" Tanong ni Dennis sa binata.

"You did good." Wika nang binata saka tinapik ang balikat nito saka nilampasan ang binata at lumapit sa pulis. Napaawang ang labi nang binata na sinundan nang tingin si Andrew. He has this aura of being in great authority at palagay niya ay na-oover whelmed siya sa presensya nang binata. Lalo na sa kilos nito kay Anica.

Nakita ni Dennis na sumaludo ang mga pulis kay sa Binata. Bagay na ikinagulat naman niya. Kilala ba ang binatang ito nang mga pulis. Kinausap nito ang mga pulis at ilang sandali lang ay bumalik sa kinalalagyan ni Anica.

"Come on let's go." Wika ni Andrew saka inalalayan ang dalaga na tumayo.

"Hey! I was with her. I will send her home." Wika ni Dennis saka hinawakan ang braso ni Andrew. Napatingin naman si Andrew sa braso niya na hawak ni Dennis saka tumingin sa binata. Bigla namang tinanggal nang binata ang kamay niya sa braso ni Andrew dahil sa uri nang pagkakatingin nito sa kanya.

Nang bitiwan niya ang braso nang binata wala itong pasabing lumabas akay-akay si Anica habang halos nakayakap na ito sa dalaga habang naglalakad papalabas.

"What the hell was that?" wika ni Dennis saka napatingin sa mga pulis.

"Hindi mo ba siya nakikilala?" tanong nang isang pulis. Napakunot ang kilay niya dahil sa sinabi nang pulis.

"Siya si Brig.General Andrew Bryant. Kilala siya bilang Demon General." Wika pa nito sa kanya. Napaawang ang labi ni Dennis saka napatingin sa labas nang presinto. Marami siyang naririnig tungkol sa Demon General at sa achievements nito. Ngunit ngayon lang niya ito Nakita nang personal. He is intimidating inaamin niya iyon. At nagtataka din siya kung ano ang kaugnayan ni Anica sa binata.