webnovel

Chapter Thirty Two

Oh, dumating na pala kayo." Masiglang wika ni Amanda nang makita sina Andrew at Anica na pumasok sa Dinning Hall. Papalapit noon ang ginang sa misa nina Edmund at Menandro dala ang isang tray nang pagkain. "Maupo na kayo para makakain kayo." nakangiting wika nang babae. Napatingin naman si Anica sa kinauupuan nina Rafael at Claire. Kumaway pa ang dalawa sa kanila na ang ibig sabihin ay doon sila maupo.

"Doon na tayo maupo sa tabi ni Rafael at----" tumingin si Andrew kay Anica para akayin sa mesa ni Rafael at Claire ngunit biglang natigilan ang binata nang biglang bumahing si Anica. Na dahilan din upang mapatingin ang lahat sa kanila.

"Don't tell me nagkasipon ka dahil lang sa konting basa?" wika nang binata sa dalaga saka inayos ang jacket na nakalagay sa dalaga. Napapahid naman ang dalaga sa ilong niya saka muling bumahing.

"May lagnat ka ba?" tanong nang binata dahil sa sunod-sunod na pagbahing nang dalaga. Inilagay naman nang binata ang kamay niya sa noon ang dalaga upang tingnan pakiramdaman kung may lagnat ang dalaga. Ang eksenang iyon ay nakikita nang lahat at may mga nakakakita na hindi nagugustuhan ang nakikita nila. Lalo na sina Daniella, Natasha, Paula at Dennis.

"Wala akong lagnat at hindi naman ako ganoon ka hina para magkasipon dahil sa maliit na basa lang." wika nang dalag na panay punas nang ilong. Ilang saglit pa may narinig nilang kahol nang isang aso. Saka sila napatingin sa isang maliit na aso na tumatakbo patungo sa kinaroroonan ni Anica nang mapansin ni Anica ang aso. Agad siyang napahawak sa braso ni Andrew at nagkubli sa likod nang binata.

Nang makita naman ni Dennis ang reaksyon ni Anica agad niyang pinigilan ang aso at kinarga.

"Are you scared of dogs?" Tanong ni Dennis na lumapit sa kanila. Habang papalapit naman binata na karga ang aso ay lalong sumisiksik si Anica sa likod ni Andrew. Nang mapansin naman ni Andrew ang reaksyon ni Anica at sa walang tigil nitong pagbahing agad niyang iniharang ang sarili at sinalubong niya ang binata.

"I don't think it would be a good Idea na lumapit ka sa kanya dala ang asong yan." Wika nang binata kay Dennis.

"I think it's allergies." Wika ni Claire na tumayo.

"Allergies?" Gulat na wika nang lahat lalo na si Dennis na agad napatingin sa Aso. Saka umatras.

"I didn't know." Mahinang wika ni Dennis.

"Of course you don't." wika ni Andrew saka tumingin kay Anica. Ang sinabing iyon nang binata ay dahilan upang manggigil si Dennis ngunit pinigilan lang niya ang sarili dahil nasa harap sila nang mga matatanda.

"You better take her to your room." Wika ni Menandro.

"Sasamahan nakita. I have medicines with me." wika ni Claire. Tumango naman si Anica. Sabay na lumabas sina Claire, Andrew at Anica sa dining hall dahil sa panay na pagbahig nang dalaga. Nang makarating sila sa silid. Agad naman siyang binigyan ni Claire nang gamot sa allergies.

"It should take effect after a few minutes." Wika ni Claire. "You didn't told us you have this allergies." Wika ni Claire.

"Hindi naman siya ganoon ka importante. Isa pa, ang kailangan ko lang gawin ay iwasan ang mga aso" ngumiting wika ni Anica.

"Silly." Wika ni Andrew saka kinusot ang buhok nang dalaga. Natigilan naman si Andrew nang biglang dumating si Rafael sa pinto nila.

"Pinababalik na kayo nang mga lolo at papa niyo. Sa tabing dagat sila mag ba-barbeque dinner. Nandoon na ang lahat at wala na rin yung aso ni Dennis." Wika ni Rafael. "Are you feeling okay?" tanong ni Rafael kay Anica.

"Huminto na ang pagbahing ko dahil sa gamot ni Claire. Pwede na akong bumalik. Ngayon lang ako makakadalo sa isang barbeque Dinner sa tabing dagat." Nakangiting wik nang dalaga.

"Mukhang excited ka. Tayo na." ngumiting wika ni Claire. Sabay namang naglakad patungo sa pinto sina Anica at Claire.

"Wait." Biglang wika ni Andrew dahilan upang matigilan ang dalawang dalaga saka tumingin sa binata. "Wear this. Malamig sa may dalampasigan." Wika nang binata saka walang pasabi na isinuot sa dalaga ang isang sweater. Nang makarating sila sa kwarto kanina tinanggal nang dalaga ang jacket niya kaya naman kumuha siya nang sweater nang malaman na babalik sila sa dalampasigan.

"All right." Wika ni Anica saka isinuot nang maayos ang sweater.

"You are slowly showing your gentle side to your little wife huh." Nangiting wika ni Rafael habang pinapanood si Claire at Anica na naglakad patungo sa Dalampasigan.

"You are talking nonsense." Wika ni Andrew at sinundan ang dalawa.

Nang makarating sila sa dalampasigan nagsisimula na ang mga ito na mag-ihaw. Sina Paula, Natasha at Bejamin ang nasa ihawan. Nang makita nina MEnandro at Edmund si Anica. Agad nilang nilapitan ang dalaga saka kinumusta Saka naman inakay patungo sa kinauupuan nila.

Habang naghihintay sila sa paghahanda nang pagkain. Nakita ni Anica na sa isang mesa kung saan siya dinala nang dalawang matanda may isang chess board. Nakita niyang naupo sa magkabilang upuan ang dalawang matanda. Napatingin si ANica sa paligid. Lahat nang mga noon ay kanya-kanyang ginagawa habang naghihintay. SI Zane at Daniella kausap ang mga magulang nila at nagpaplano sa kasal na gaganapin sa susunod dalawang araw. Ang iba naman ay nasa isang mesa at naguusap habang natatawanan. Nakikita niyang nagkakasundo ang dalawang pamilya. Maging ang ama ni Dennis at si Dennis ay madali ding nakasundo ang pamilya nila.

"Who's winning?" Tanong ni Andrew na dumating kasama si Rafael. Napatingin naman si Anica at Claire sa dalawa.

"Well, they are at it again huh." Wika nang ama ni Dennis na dumating kasama ang binata na agad namang tumingin sa dalaga.

"Are you feeling all right? Pasensya na hindi ko----"

"It's okay. I am all right." Agaw ni Anica sa sasabihin ni Dennis saka ngumiti.

"That's a relief." Wika ni Dennis.

"Let's eat everyone." Wika ni Amanda na tapos nang ihain ang pagkain sa isang habang mesa. Agad namang tumayo ang lahat saka nagtungo sa mesa. Habang nagahahapunan sila napuno nangkwento ang paligid. May tawanan din. Habang nakatingin si Anica sa mga ito hindi niya maiwasang hindi Malala ang mama niya. Ilang buwan na rin silang hindi nagkikita naiwan ito upang bantayan ang lolo niya.

"Are you okay?" tanong ni Andrew nang napansin si Anica na tila nakatitig lang sa pagkain niya.

"Okay lang ako." Wika nang dalaga saka ngumiti sa binata.

"You don't have to force yourself ang smile. You are face says you are not okay."

"What?" Gulat na wika nang dalaga.

"Kumain ka nalang." Wika nang binata saka nagsimulang kumain. Hindi naman namamalayan nang dalaawa na nakatingin si Dennis sa kanila. Biglang nabitiwan ni Anica ang hawak niyang kobyertos dahil sa biglang pag kulog at pagkidlat.

"Mukhang uulan yata." Wika ni Alfredo.

Napatingin naman si Andrew sa dalagang katabi dahil sa nangyari. Nakita niya ang namumutlang mukha nang dalaga at na nginginig na kamay nito. Saka niya naalala noong minsang namasyal sila sa compound na kumulog at kumidlat din. Hindi rin nakaligtas sa mata ni Dennis ang nangyari.

"I think We should go back." Wika ni Andrew at dinampot ang nahulo na kobyertos nang dalaga.

"What is it Shin?" Tanong ni Edmund nang mapansin ang ginawa nang anak.

"Seems that Anya is still not feeling well. Kung okay lang sa inyo babalik na sana kami sa-----"

"Bakit ba kailangang sumunod tayo sa kung anong nangyayari sa kanya."agaw ni Daniella. "We are supposed to have our dinner in the dining hall but we have to move outside dahil sa allergies niya. Ngayon naman should we stop the dinner because she is not feeling well. She is acting like a spoiled brat and everyone is yielding with all her whim." Inis na wika ni Daniella.

"Daniella Stop it." Saway ni Alfredo sa anak.

"Tama naman ang sinasabi ni Ate Daniella." Wika pa ni Natasha. Tahimik lang ang lahat habang nakikinig at alam din nilang tumataas ang tension sa dating masayang salo-salo. Muling kumulog at kumidlat. Dahilan upang lalong manginig si Anica. Na agad namang napansin ni Andrew. Nanginginig itong ibinaba ang kamay sa mesa upang ikubli sa lahat ang takot niya.

"My apologies that we ruined your dinner. But please don't stop your gathering just because of us." Wika ni Andrew saka inilagay ang kamay sa balikat ni Anica saka marahan itong tinapik upang bigyan nang assurance ang dalaga. Napatingin naman ang dalaga sa kanya. Nang tumingin si Anica sa binata nabigla pa si Andrew nang makita ang reaksyon sa mukha ni Anica. She is about to cry habang pinipigilan ang takot dahil sa sunod-sunod na kidlat.

"If your wife is not feeling well. You can bring her to your room." Wika ni Menandro. "Besides I think we should continue this inside. It appears that it will rain soon." Dagdag pa nito.

"Thank you Sir." Wika ni Andrew saka nag bow sa kanila bago inalalayan si Anica na tumayo. Kung hindi siya nakaalalay sa dalaga tiyak na napaupo na ito sa buhangin dahil sa pangangatog nang tuhod. At dahil din dito, tiyak niyang hindi nito magagawang makalakad. Lalo pang napahawak sa kanya ang dalaga nang biglang kumulog muli.

"It's fine. I'm with you." Bulong ni Andrew sa dalaga saka walang pasabing pinangko ang dalaga. Dahilan upang magulat ang lahat maging si Anica. Nguni hindi nakapagsalita ang dalaga napahawak lang siya sa binata. Nanghihina siya dahil sa takot at wala siyang lakas para makipagtalo sa binata.

"We will leave first." Wika nang binata saka naglakad papalayo sa kanila.

"Most people say your son is a Demon General. But the way I see it he is so gentle to be considered as a demon General." Wika ni Robert.

"This is the first that I saw him like that." Wika ni Edmund. "He always has a firm figure. I think people changes as they are given more responsibility." Wika ni Edmund saka tumingin kay Menandro.

"It is to be expected to someone with responsibility." Wika ni Menandro saka ininom ang laman nang baso niya. Ngumiti naman si Edmund sa naging tugon nang kaibigan. Kanina lang ay galit na galit ito nang malamang hindi niya anak si Andrew. Ngunit nang makita ang pagiging seryoso nang binata na protektahan ang dalaga iniisip niyang kahit papaano ay maniniwala ito sa kakayahan ni Andrew na protektahan ang dalaga. Kailangan lang na patunayan ni Andrew ang sarili niya sa matanda. Kilala niya si Menandro. May katigasan ang ulo nito.

"Mauuna na rin po ako. Nawalan na ako nang gana." Wika ni Daniella at tumayo. Sumunod naman sa kanya si Natasha at Melissa.

"That was one good family Dinner." Sakristong wika ni Benjamin saka tumayo. At umalis hindi naman kumibo ang iba saka pinanood lang ang pag-alis nang mga ito.

"Young generations. I am really having a hard tim understanding them." Wika ni Edmund. Hindi naman kumibo si Robert at Menandro ngunit sangayon sila dito.