webnovel

Chapter Seventeen

Kumusta na ang lolo ni Anica?" Tanong ni Rafael kay Andrew nang dumating ito sa hotel room kung saan naroon ang grupo niya. Nakita niyang abala ang mga ito sap ag-aayos nang mga gamit nila. Dahil tapos na ang kanilang trabaho doon kaya babalik na sa bansa ang miyembro nang task force nai turn over na rin niya ang mga paper works sa UN. Sila na ang bahalang mag follow dito lalo na sa paghahanap nang mga miyembro nang grupo nang kabilang Mafia at sa abogado ni Antonio.

"Sir!" wika nang mga tauhan niya at tumayo saka sumaludo sa kanya.

"Continue what you are doing." Wika ni Andrew saka sumaludo sa mga ito. Saka naman muling bumalik sa ginagawa nila ang mga tauhan ni Andrew. Bumaling naman si Andrew sa kaibigan.

"Nasa ICU pa rin siya. Sabi nang mga doctor kailangang obserbahan sa loob nang 24 hours. May mga internal organ na na damage dahil sa mga tama nang bala. The next 24 hours will be critical for him." Wika ni Andrew.

"Si Anica at ang Ina niya?"

"Nag check in sila sa isang Hotel. Hindi ko na muna pinabalik sa mansion dahil baka sumugod doon ang mga miyembro nang kabilang grupo."

"I just hope they will be okay. Babalikan mo ba sila? Alam mo hindi mo naman kami kailangang samahan sa Airport. Kaya na naming ang sarili namin."

"Alam ko naman yun. Nagpunta lang ako dito para ibigay sa ito 'to" wika ni Andrew at ibinigay ang isang USB drive sa kaibigan agad namang tinanggap ni Rafael saka takang napatingin sa kaibigan.

"Mga files yan tungkol sa Grupo ni Antonio at sa nakalaban nila, gusto kong pag-aralan mo ang Files na iyan. Baka may makuha tayong lead tungkol sa nangyari." Wika ni Andrew.

"May iba ka bang iniisip tungkol sa nangyari?" tanong ni Rafael.

"Hindi pa ako sigurado. But I want you to look into this file. Sabihin mo sa akin kung ano ang palagay mo. Sa ngayon hindi pa ako makakabalik dahil sasamahan ko pa si Anya dito." Wika nang binata.

"Sige ako nang bahala dito. Yeah Mabuti pa ngag samahan mo dito ang asawa mo. Kailangan ka niya ngayon." Wika pa ni Rafael. Simple namang tumango si Andrew at napatingin sa mga tauhan.

Nang pumasok si Andrew sa silid nil ani Anica sa hotel kung saan sila nanatili Nakita niya ang asawa niya na natutulog. Napatingin siya sa asawa habang tulog ito. Pansin na pansin niya ang pamumugto nang mata nito dahil sa kakaiyak.

"This brat." Wika ni Andrew saka lumapit sa dalaga saka naupo sa kama at inayos ang kumot nang dalaga. Nang maayos ang kumot nang dalaga napatingin siya dito saka hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha nang dalaga.

"You've been through a lot. I'm sorry kung hindi ko sinabi saiyo ang tungkol sa lolo mo at sa tunay niya pagkatao. I don't want you to get her. But here you are, you get hurt because of what happen." Wika nang binata saka hinaplos ang mukha nang dalaga.

"I am not sure if I am the right man to say this. But I will do everything to make sure that you will never be hurt again." Wika nang binata. Tatayo na sana ang binata nang biglang hawakan nang dalaga ang braso niya. Dahil sa ginawa nang dalaga ay biglang nabuwal ang binata at napahiga sa tabi nang dalaga.

"When you tend to so clingy when you sleep. Clumsy girl." Wika ni Andrew saka hinaplos ang mukha nang dalaga. Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nang dalaga ngunit lalo namang humigpit ang hawak nang mga ito sa kanya. Dahil hindi naman binitiwan ni Anica walang ibang nagawa si Andrew kundi ang matulog sa tabi nito.

Mahinang napaungol si Anica sabay mulat nang mata. Napakurap-kurap siya nang makita ang mukha nang binata na malapit sa kanya. Napansin din niya ang pagkakayakap nito sa kanya at siya din ay nakayapos sa binata. Napakagat labi ang dalaga saka marahang tinanggal ang kamay nang binata na nakayapos sa kanya ngunit sa halip na matanggal niya ang kamay nang binata ay lalo lamang humigpit ang pagkakahawak yakap nito sa kanya.

"Shin." Mahinang wika ni Anica saka tinapik ang braso nang binata. Ilang ulit niyang tinapik ang binata dahil natagalan bago ito magising.

"Shin." Biglang tumaas ang boses ni Anica dahilan upang biglang magising si Andrew. Nang mapansin nang binata ang kanyang pagkakayakap sa dalaga. Agad naman siyang kumawala nang makita ang mukha nang dalaga. Agad ding naupo ang dalaga nang lumayo ang binata.

"I'm sorry." Wika nang binata. Hindi naman kumibo si Anica bagkus ay napatingin lang sa binata. Ito ang pangalawang beses na nagising siya sa tabi nang binata. Hindi niya niya maintindihan kung anong nangyari at bakit magkatabi na sila.

Nakahinga nang maluwag ang pamilya ni Alice dahil nakaligtas sa critical na sitwasyon si Antonio. Dahil din sa nangyari kaya naman naging mahigpit ang siguredad sa hospital para sa pagbabantay sa matanda. Hanggang ngayon din wala pa ring balita kung saan naroon si Atty. Brambilla. Sinabi niya Andrew kay Alice na maging maingat sila lalo na at hindi nila alam kung nasaan ang binatang abogado at sinabi din niyang hindi maganda ang nararamdaman niya pagkawala nito.

"Mama sigurado ka bang okay ka lang dito? Ayaw mo bang samahan kita?" tanong ani Anica sa mama niya. Kahit nasa hospital pa ang lolo niya at sinabi nitong bumalik na sila ni Andrew sa bansa.

"Oo naman. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya naman akong ipagtanggol nang mga tauhan ni papa. Saka, nag-aaral ka pa. babalitaan nalang kita sa tungkol sa lolo mo. Huwag ka nang mag-aalala sa akin." Wika ni Alice sa anak saka bumaling kay Andrew.

"Andrew. Ikaw na ang bahala sa anak ko." Wika nito.

"Huwag kayong mag-alala. Kapag may nangyari tawaga niyo ako kaagad." Wika nito kay Alice.

"Oo gagawin ko yan." Wika ni Alice saka bumaling kay Anica. "Huwag mong masyadong bigyan nang problema si Andrew ha. Maging mabait ka sa biyanan mo at sa pamilya niya. Tawagan mo ako." Wika ni Alice saka hinaplos ang pisngi nang anak. Tumango naman si Anica saka niyakap ang mama niya.

Ayaw sana niyang iwan ang mama niya lalo na at nasa hospital pa rin ang lolo niya at hindi nila alam kung anon ang mangyayari. Maging siya ay nabigla dahil sa nalamang totoong katauhan nang lolo niya. Lalo na dahil sa gulo nito sa ibang Mafia group na naging dahilan nang gulo at sa pagkaka ospital nito. Kahit wala na sa panganib ang lolo niya hindi niya maiwasang hindi mag-alala dahil hindi pa nila alam kung nasaan ang leader nang kabilang grupo maging ang kanang kamay nang lolo niya ay hindi rin makita.

"Ikaw nang bahala sa anak ko." Wika ni Alice sa binata. Tumango naman si Andrew. Pasimpleng nilingon ni Anica ang mama niya habang papasok sila sa boarding area ni Andrew. Mabigat sa loob na iwan niya ang mama niya ngunit kailangan din niyang bumalik dahil nag leave lang siya sa school nila at may trabaho din si Andrew.