webnovel

Chapter Four

Kasama ang Officer na inutusan ni Andrew na mag escort sa dalaga sa hotel, dumating sila sa Restaurant na inireserve nang lolo niya para sa pamilya nila. Nang dumating wila ay naroon na ang Buong pamilya nila at mga bagong mukha na sa palagay ni Melfina ay ang pamilya ni Andrew.

"So that's the Demon General? He looks like ang averge uncle to me." Narinig ni Anica na wika ni Natasha kay Daniella.

"Mabuti nalang pala at nanindigan akong hindi magpakasal. Dahil kung hindi ay sa isang gaya niya lang ako babagsak." Wika ni Daniella. Napatingin naman si ANica sa lalaking nasa tabi niya. Nakasuot ito nang casual suit. He is older than Andrew at sa palagay niya ay nasa early thirties na ito. Kung pagbabasihan ang deskripsyon nang mga tao sa Demon General maaring mapagkamalan nga ito.

She then realize wala pa sa pamilya niya ang nakakakilala sa totoong General.

"Siya na ba ang bunso mo?" Tanong ni Menandro kay Edmund nang makita ang bagong dating na kasama ni Anica.

"No." giit nito saka tumayo. "What's going on here? Where is he?" Tanong nang lalaki saka naglakad papalapit kay Anica.

"That---" naputol na wika nang dalaga. Paano niya sasabihin na bumalik sa kampo ang binata. Did he not call his father na babalik ito sa kampo? How can he ditch her sa ganitong sitwasyon? Papaano niya ngayon ipapaliwanag ang nangyayari.

"Kung hindi siya ang anak niyo? Nasaan ang tunay na General? Bakit siya ang kasama mo?" tanong ni Daniella. "Don't tell us you have already inherited your mom's strategy and go with any man. nakakahiya ka." Wika ni Daniella.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Edmund kay MEnandro saka bumaling sa matanda.

"I am also dying to know what's going on here. Who is this man?" Ramdam ni Anica ang inis sa boses nang lolo niya.

"Lolo. He is not the general. And I have a reason why he is with me. But it's not what Daniella is trying to imply." Wika nang dalaga.

"Oh really? Bukod sa nakikita naming ano pang gustong ipahiwatig nito. Talaga bang hindi mo na kami binigyan nang kahihiyan. Dito ka pa------"

"Sorry for being late." Biglang na putol ang sasabihin ni Melissa nang biglang bumukas ang pinto nang restaurant at pumasok ang binatang si Andrew na nakasout nang uniporme. Napatingin naman ang lahat sa kanila. Si Daniella at Natasha naman ay hindi makapaniwala sa nakitang bagong dating. Nakita nila itong naglakad papalapit kay Anica.

"Sir." Wika nang lalaking kasama ni Anica saka sumaludo sa bagong dating. SUmaludo din ang binata sa officer at ngumiti sabay tapik sa balikat nito.

"Thank you for your help. You can go back now."

"Thank you sir." Wika nang lalaki saka lumabas nang restaurant. Naiwang ang lahat na nakatingin kay Andrew na hindi halos makapaniwala. SI Anica naman ay nakatingin lang sa binata.

"Let's go." Wika nang binata saka inilahad ang kamay sa dalaga

"You are late." Wika nang dalaga saka ngumiti at inilagay ang kamay sa kamay nang binata. "Did you go back to change into your uniform?" Bulong nang dalaga habang naglalakad sila papalapit sa pamilya nila.

"I realize, I can only wear my uniform. I am not good with suit." Wika pa nang binata na dahilan upang mapangiti ang dalaga.

"Pa, Mr. Earhardt, everyone. Sorry to keep you waiting." Wika ni Andrew nang makalapit.

"What was that all about earlier?" tanong ni Menandro.

"Oh, Sorry for that. I had my officer accompany her. I had to go back to change my clothes. I am not comfortable wearing suit." Wika nang binata. "Oh, How rude of me. I haven't introduce myself. I am Andrew Shin Bryant. You can call me Andrew."

"Well, Andrew we didn't expect that the General and the youngest son of Bryant Group will be this young." Wika ni Alfredo.

"I think I heard someone said the same thing. Did I disappoint you?" Wika ni Andrew saka tumingin sa dalaga nanapakagat labi dahil alam nitong siya ang tinutukoy nang binata.

"No of course not." Wika ni Alfredo.

"Siya sige. Maupo na tayo so everyone can eat." Wika ni Edmund saka sumenyas na maupo na ang lahat.

Inakay naman ni Andrew si Anica sa bakanteng upuan malapit sa mga matanda. Sina Daniella at Natasha naman ay hindi parin makapaniwala sa Nakita. Hindi nila akalaing ganito ka gwapo ang Demon General na tinutukoy nang lahat. Akala nila isa itong matandang maraming wrinkles ang mukha.

During na entire Dinner, walang ibang pinag-usapan ang dalawang lalaki kundi ang kanilang karanasan sa Korean War at kung papaano sila naging mabuting magkaibigan at ngayon ay ang pamilya nila ay magiging isa dahil sa pagsasakatuparan nina Andrew at Anica sa pangako nila sa isa't-isa.

Ipinakilala nang mga matanda ang miyembro nang kanilang pamilya. Sa pamilya ni Edmund, nakilala ni Anica ang mga nakakatandang kapatid ni Andrew at ang pamilya nang mga ito. Ang panganay ni Edmund na si Francis ang siyang bago Presidente nang Byrant Group of Companies. Napangasawa nito si Aurora na isang Theather actress sa England. Mayroon din silang dalawang anak Si Bernard na siyang CEO nang Bryant Shopping malls May asawa ito at isang 5 taong gulang na anak.

Kapatid nito si Paula isang Master of Business Administration student na nalaman nilang rival pal ani Natasha sa University.

Nakilala din nila si VP nang Bryant Group. At ang asawa nitong si Michelle na isang Abogado. Anak nila si Zane Louie na isa ring abogado gaya nang mama niya at legal advisor nang Bryant Group. At si Benjamine isang aspiring Painter. Na sa tingin ni Anica ay siyang black sheep nang pamilya.

Maraming napagkwentohan ang pamilya hanggang sa maitanong ni Frances kung bakit hindi ang panganay na apo nang pamilya ang siyang naging fiancée ani Andrew. Isang matagal na katahimikan ang namayani sa panig nang pamilya ni Anica.

"Well, you see." Biglang wika ni Daniella na siyang bumasag sa katahimikan.

"I was suppose to be the bride. But my Half sister, as innocent as she looks is cunning an ambitious. Nang malaman niyang isang mayamang general ang lalaki sa arrange marriage she immediately take my place."

Ha. Napakapaniwalang napabuga nang hangin si Anica saka nakapahawak sa damit niya nang mahigpit. She was forced into accepting the marriage and black mailed. Ngayaong Nakita nila ang mukha nang Heneral siya ang lalabas na masama at mukhang pera.

Dahil sa inis nakagat ni Anica ang pang ibabang labi niya habang mahigpit paring hawak ang damit niya.

"You have such an interesting young grand daughter." Wika ni Edmund kay Menandro.

"You think so?" Nahihiyang wika nito saka tumingin kay Anica at sa ina nito na tahimik lang sa tabi nang dalaga.

"I was taken aback. When you mentioned she is the daughter of your son's mistress. I don't see it as a bad thing, I even admired your courage."

Tumingin ang matanda kay Alfredo na tahimik lang sa tabi nang asawa nito.

"I mean, I admired you for being honest to your wife. And I admire your wife for accepting them without reservation." Anito saka bumaling kay Menandro. "You have raised such a wonderful family. I am sure. Shin here will be glad to be part of this family." Dagdag pa nito.

"We are equally lucky and grateful we have the honor to marry such a fine young man." Wika ni Menandro.

"Ngayong alam na natin na si Daniella pala dapat ang bride. Should it not be right na sila ang I- engage ngayon?" wika ni Benjamin saka tumingin sa lolo niya. "Not that I have anything against this marriage but, I think Uncle Andrew here is okay with anyone." Wika nito saka tumingin kay Andrew.

"I guess, Benj, has a point. So who will it be?" tanong ni Zane saka tumingin sa dalawang matanda sa kabisera. Si Daniella naman ay tumingin kay Anica saka simpleng ngumiti. It was like she was saying na she won this game.

"Well, for me I don't have anything against who will Andrew marry. What I am after is the promise I made." Wika ni Menandro.

"But for me personally, I want to follow the order of their age. I am an old man, of course I want to see my eldest granddaughters child first." Dagdag pa nito.

"You have a point there, and besides. Anica is still young. They have an 8 years gap with Andrew. That might be a problem with their marriage If I will think about it." Wika ni Edmund.

"I guess, the elders have spoken. I should be the bride of-----"

"Permission to speak, sir." Wika ni Andrew na dahilan nang pagkakaputol nang sasabihin ni Daniella saka tumingin ang binata sa dalawang matanda. Napatingin naman si Anica sa binata nang bigla nito hawakan ang kamay niya.

"Trust me on this." Wika nang binata na inilapit ang mukha sa dalaga at pabulong na nagsalita. Agad din naman lumayo ang binata saka bumaling sa matatanda. Si Anica naman ay naiwang gulantang at namumula ang mukha. Iniisip niya kung anong binabalak nang binata but most of all her heart si racing.

"Yes." Sabay na wika nang dalawang matanda.

"I am not particularly sure why this is becoming a big fuss right now. But I want to say this. I have no intention of marrying other woman." Wika ni Andrew

Bumaling nang tingin ang binata kay Menandro "Sir with all due respect. It was part of the agreement that you will send my bride to me. And you sent Anica to the camp." Dagdag nang binata.

"The way I look at it is that. You send her to check how I look and based on that you will decide to whom you will have me marry? That is going against the promise you made with my dad. If I happen to be a Demon general as what everyone talks about and an old geezer. Would it still be Anica who will end up Marrying. Am I correct?"

"H-Hindi sa ganoon." Nag-alangang wika nang matanda.

"Then, We will stick with the first agreement. I will marry your grand daughter. Anica." Wika ni Andrew saka tumingin sa dalaga. "That is if, she is still willing to."

Manghang napatingin ang dalaga sa binata. Hindi niya alam pero pakiramdam niya nakahinga siya nang maluwag nang sabihin iyon nang binata. She is choosing her as his wife sa kabila nang katotohanang si Daniella dapat ang nasa lugar niya.

Is she doing this to save her face from humiliation? Lantad na ang pagiging anak niya sa labas, kung tutuusin ay, dapat piliin ni Andrew si Daniella dahil ang ay legal na Earhardt.

"If you are in doubt and being force to this marriage you can always says no. walang sino man ang dapat gumawa nang mga bagay na hindi nila gusto o labag sa kalooban nila. You are free to choose or do whatever you want." Wika ni Andrew na nakatingin parin sa mukha nang dalaga.

"Wait, so you are saying that she can choose not to marry you?" bulalas ni Daniella.

"Wait, Shin what's this. You can't do this. This is -------"

"You can always ask my nephew to choose from the ladies of Earhardt right?" wika ni Andrew na pinutol ang sasabihin nang ama niya. "As your son, I want to fulfil your promise to a friend. But if it is causing someone else's trouble and unhappiness then----"

"No. I-" biglang agaw ni Anica sa sasabihin ni Andrew saka napahawak nang mahigpit sa kamay nang binata. Napatingin naman ang binata sa mukha nang dalaga. Habang hinihintay ang sunod na sasabihin niya.

"I already said I will marry the General. I had my resolve even before I knew who he was. At hindi pa ako sumisira sa sinabi ko." Wika ni Anica saka timingin sa Binata. Kung ano man ang magiging pasya nang binata tatanggapin niya iyon. If she will end up being bullied by her father's family then she will just have to make sure she can graduate early and be independent.

Dahil sa sinabi ni Anica biglang napakagat nang labi si Daniella at napakuyom nang kamao. Iniisip niyang aatras si Anica sa kasal dahil napilitan lang naman ito. Hindi niya alam kung anong iniisip nito at bakit hindi ito natatakot sa pwedeng mangyari sa kanila nang mama niya.

"Well, there you have it." Wika ni Andrew at inilagay ang kamay sa ulo ni Anica na ikinagulat nang dalaga. Napatingin naman si Andrew sa matatanda. "I guess, it's all settled. Ang matagal niyo nang pangako sa isa't-isa ang matutupad with our wedding right?" nang binata. Para kay Anica. He still sound so cold but his gestures are warm.

"Well, I guess. Wala nang tayong dapat pagtalunan pa. Seems both party's agreed to this marriage." Wika nito saka bumaling kay Anica. "Just remember this, You are not forced into this marriage whatever happen, you should take responsibility and be mature enough to make decisions." Habang nakatingin sa kanya ang lalaki. Pakiramdam niya ay hindi magiging madali ang buhay niya lalo na sa pagiging asawa nang heneral na ito. Para bang papasok siya sa isang magulong gyera.

"All right then. Shin Come here a bit." Wika nang matandang si Edmund. Agad namang tumayo si Andrew saka naglakad patungo sa matatanda. Nang makalapit siya sa dalawa. Inilabas ni Edmund ang isang maliit na box. Saka ibinigay sa binata. Tinanggap naman ni Andrew ang kahon saka binuksan.

Nagulat pa si Andrew nang makita ang laman nang kahon isang silver ring na may white and red diamond. Hugis rosas din ang disenyo nang rosas. Sa labis na gulat niya napatingin siya sa matanda. Hindi niya alam kung bakit ibinibigay nito sa kanya ang ganoon ka mahal at kahalagang bagay.

"Sir, this is." Wika ni Andrew sa matanda.

"That's your mom's ring. " simpleng wika nang matanda kay Andrew.

"I know you're mother will be happy that your bride will be the one to wear her most precious ring." Dagdag pa nito.

"Thank you." Mahinang wika ni Andrew.

"Now, give it to your bride." Wika nang matanda saka ngumiti.

"Yes Sir." Wika nang binata saka naglakad patungo kay Anica. Lahat nakatingin sa binata habang naglalakad ito patungo sa dalaga dala ang maliit na kahon na naglalaman nang mahalagang bagay mula sa ina ni Andrew. Hindi naman alam ni Anica kung paano kikilos. Lahat nang mata nakatingin sa kaya. Lalo na ang mga kapatid ni Andrew. Pakiramdam niya kahit ang lumunok nang laway ay hindi niya magawa.

Bigla siyang napatayo mula sa kinauupuan nang biglang lumuhod sa harap niya si Andrew saka inilahad ang singsing.

"Hey." Mahinang wika ni Anica na napalingon sa mga miyembro nang pamilya niya. Hanggang sa madako ang mata niya kay Daniella na nag-ngingitngit sag alit ang mga mata dahil sa nakitang ginawa ni Andrew.

Lalo namang nagngitngit si Daniella nang makitang tinanggap ni Anica ang singsing at isinuot ni Andrew sa daliri niya ang singsing. Kasunod ay ang malakas na palakpak mula sa mga matatanda.

"You know you don't have to do that." Pabulong na wika ni Anica sa binata nang tumayo.

"It's a good show for them to believe." Wika nang binata.

"Now I really believe you are a demon." Mahinang wika nang dalaga.

"Then you just have to become's the Demon General's Angel." Wika nang binata saka muling naupo. Taka namang sinundan nang tingin ni Anica ang binata. Hindi niya alam kung paano magrereact those words are utter coldly. May kahulugan ba sa sinabi nito? Can she interpret it the way she want. And oh her hearts is in chaos right now. The Icy Demon General is giving her so much emotion.

Anong ginagawa niyo?" gulat na wika ni Anica nang dumating sa mansion nang lolo niya kung saan nakatira ang unang pamilya nang kanyang papa. Inabutan niya ang asawa nang papa niya na pinapalo sa likod ang mama niya. Kakatapos lang nang kanilang dinner kasama ang pamilya ni Andrew. Nahuli siya sa pag-uwi dahil sinamahan pa niya si Andrew na ihatid ang ama nito pauwi sa bahay nila. Hindi naman niya inaasahan na aabutan niya ang pagmamaltrato nang mga ito sa mama niya.

Nang makita ni Anica ang ginagawa nang tita Melissa niya sa mama niya habang nakatingin lang si Daniella at Natasha dito. Agad niyang nilapitan ang kanyang ina at itinayo saka inilayo sa asawa nang papa niya. Isang matalim na tingin din ang ipinukol niya sa tatlo.

"Aba't---" wika nang kanyang tita Melissa saka akmang hahatawin siya nang pamalo nito nguinit bigla niya itong sinalo na dahilan upang magulat ang tatlo. Ito ang unang beses na lumaban siya sa pang-aapi nang mga ito.

"Kita mo na Ma. Masyado nang mataas ang tingin niya sa sarili niya dahil lang sa siya ang magiging asawa nang Heneral." Wika ni Daniella sa ina niya.

"Of course not!" tanggi ni Anica saka binitiwan ang pamalo ni Melissa. "Hindi ko maintindihan kung bakit niyo sinasaktan ang mama ko. Tinupad ko naman ang gusto niyo. " wika nang dalaga.

"Tinupad? Kanina sa Dinner. You could have said na ayaw mong magpakasal sa kanya. Pero dahil gusto mong gumanti sa amin kaya hindi ka tumanggi di ba? Gusto mong ipamukha sa amin na mali ang desisyon naming." Wika ni Natasha.

"Hindi totoo yan. That Icy general is brutal, sa palagay niyo kung tatanggi ako sa kanya when he is already ready to neglect the promised made by our grand father, sa tingin niyo makakabuti yun sa pamilya natin?" wika ni Anica.

"Kailan pa nagkaroon nang halaga sa isang bastardang gaya mo ang pamilyang ito?" bulalas ni Daniella. "Dahil saiyo, mama mo ang tatanggap nang parusa." Dagdag pa nito saka ngumisi kay Anica.

"No!" bulalas ni Anica. "Sa akin kayo galit hindi ba? Ako ang magpapakasal sa Heneral. Kung gusto niyo ako ng saktan, Gawin niyo. Hindi ako lalaban. Ngunit tandan niyo. Ito ang magiging huling beses na sasaktan niyo ako o ang mama ko. I won't tolerate this next time." Wika nang dalaga saka naglakad sa unahan agad naman siyang pinigilan nang kanyang mama.

"Anica." Pabulong na wika nito. Lumingon naman ang dalaga sa ina niya at ngumiti saka marahang tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Naglakad siya papalapit sa Tita Melissa niya saka nakatalikod na lumuhod a harap nito.

"Anica!" hintakot na wika nang kanyang ina nang makitang inundayan nang palo ni Melissa ang likod nang dalaga. Simula pa noong bata pa si Anica. Tuwing nakakagawa siya nang pagkakamali ay ang mama niya ang tumatanggap nang parusa mula sa kanyang Tita Melissa. Hindi naman nila magawang manlaban dahil sa pangalawang pamilya lang sila nang papa niya. At bukod doon, halos araw-araw na ipinapamukha sa kanila Tita Melissa niya ang naging masamang epekto nang relasyon nang ina niya sa papa niya. Sa labis na guilt nang kanyang ina, alam niyang hindi na lamang itong lumalaban. Maging siya ay tiniis niya ang masamang pakikitungo nang mga ito para sa kanyang ina.