webnovel

Chapter Forty Two

Oh bakit ka nakasimangot diyan?" Tanong ni Dennis kay Anica nang abutan niya ito sa club room nila na nag-iisa. Kakapost lang nang mga first year participants sa mock trial at isa si Anica sa mga napiling Freshman. Alam ni Dennis na Nakita na ni Anica ang resulta ngunit hindi niya inaasahan na tila hindi ito masaya. Alam niyang she was looking forward for that result.

"The results are out for the participants sa mock trial. Hindi ba dapat masaya ka? Bakit yata. Nakasimangot kapa? Hindi ka ba masaya?" tanong ni Dennis saka naupo sa isang upuan.

"Hindi naman sa hindi ako masaya. May iniisip lang ako." Wika ni Anica saka tumingin sa binata. Ang totoo niyan naiinis siya dahil sa nangyari sa bahay nila ngayong araw. Ang dating silid kung saan nakalagay ang mga wedding gift na natanggap nil ani Andrew ay biglang ginawang silid ni Kimberly. Dahil ang isang silid doon ay ginawang silid nang mga tauhan ni Andrew na salitang nagbabantay sa dalaga. Sinabi sa kanya ni JOyril na hinakot nang mga lalaki at isinakay sa truck ang mga gamit sa loob noon.

Ang bagay na naging dahilan nang inis niya ay ang siniabi ni Kimberly sa kanya. Na inutusan ni Andrew ang mga lalaki na e-dispose ang mga gamit sa loob nang kwarto. Iniisip niyang ito ba nag dahilan ni Andrew kung bakit hindi nito binuksan ang mga wedding gift at tinambak lang sa silid na iyon? Dahil ba, para dito wala namang talagang ibang kahulugan ang kasal nila? At ano naman ang ibig sabihin nito sa kanya noon nang sinabi nitong legal ang kasal nila?

Mga salita lang iyon ni Andrew at walang ibang kahulugan? Naiinis siyang aminin na kahit papano nagkaroon siya nang pag-asa na baka dumating ang panahon na magkakagusto rin ang binata sa kanya at ang mga kilos nito noon sa Italy ang pagpapatotoo noon. He was sweet and was treating her gently, for the first time. Pakiramdam niya asawa ang trato ni Andrew sa kanya. Was she thinking ahead of herself? Hindi na niya alam kung anong iisipin.

"Nag-away ba kayo nang Demon General?" Natatawang tanong ni Dennis. Sa halip na sumagot napatingin lang si ANica sa binata. Nang hindi sumagot ang dalaga. Tumayo si Dennis mula sa kinauupuan saka naglakad patungo sa dalaga. "Come with me." wika ni Dennis saka hinawakan ang kamay nang dalaga saka pinatayo at hinila papalabas nang Club room. Panay ang tanong niya kung saan siya dadalhin nang binata. Hanggang sa mapatigil sila sa baseball field nang university nila.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Anica na nilingon si Dennis. Nang napatingin siya sa binata Nakita niyang naglalakad na ito papalapit sa kanya dala ang isang bat at baseball mit at bola. Hindi niya alam kung kailan kinuha nang binata ang mga gamit gayong magkasama silang nagpunta doon.

"Ito ang isang paraan para mailabas mo ang sama nang loob mo." Wika ni Dennis saka ibinigay sa kanya ang Bat. Na alangan man ay hinawakan niya. Saka walang pasabing dinala siya nang binata patungo sa field. Inakay siya nang binata patungo sa home plate saka pinatayo sa batter's box. Saka ito naglakad patungo sa mound.

Nakakapanood siya nang baseball sa TV ngunit ito ang unang beses niyang tumayo sa batters box at umaktong isang batter. Nakita niyang nag pitch si Dennis. Habang papalapit ang bola sa kanya bigla siyang natakot dahil sa bilis nang pagbulusok nito patungo sa kanya dahil sa nangyari bigla siyang napalayo sa batters box saka napatingin sa bolang tumama sa pader. Saka napatingin kay Dennis.

"Did you just try to hit me?!" bulaslas nang dalaga. Natawa naman si Dennis saka tumankbo papalapit sa kanya.

"At nakuha mo pang tumawa." Inis na wika nang dalaga.

"You don't just stare at the ball you try to hit it back." Wika nang binata saka hinawakan siya at iginiya patungo sa Batter's box. Saka muli siyang pinatayo. Tinilungan din siya nitong tumayo na para bang batter nang baseball.

"I will pitch another ball make sure to hit it as hard as you can. Think about it as you are hitting the person you are angry at the moment." Wika ni Dennis saka naglakad patungo sa mound.

"Ready?" sigaw nang binata sa kanya. TUmango naman si Anica.

Hit it like you are hitting the person you are angry at the moment. That won't be hard. Wika nang isip ni Anica habang iniisip si Andrew. This time mahina ang pagbato ni Dennis sa bola. It was like it was coming to her in a slow motion nang makalapit na ito sa kanya, She swing her bat hitting the ball as hard as she can. Nagulat naman si Dennis na napasunod ang mata sa bolang lumipad nang tamaan nang bat ni Anica. Malayo din ang nilipad nang bola bago maglanding saccenter field.

"Nice batting!" wika ni ni Dennis na ngumiti at lumapit sa dalaga. "That was a perfect arc. Hindi ko alam may talen ka pala sa baseball." Wika ni Dennis nang makalapit sa kanya.

"That felt good." Wika nang Lumapit si Dennis saka ngumiti.

Habang masaya sina ANica at Dennis sa baseball field. Iyon ang eksenang Nakita nina Paula at Natasha nang napadaan sila sa field.

"That girl is shameless." Wika ni Natasha. "Huwag mong masyadong isipin ang Nakita mo. I will take care of everything. And make sure to put that girl in her rightful place." Wika ni Natasha sa dalaga. Hindi naman kumibo si Paula saka tumingin lang sa dalawa.

"He was not even that gentle to me before." Wika ni Paula habang nakatingin sa dalawa. "He sure have changed." Dagdag pa nito.

"O baka naman he is being seduced by her. Knowing her background hindi na nakakapagtaka yun." Wika ni Natasha.

"Let's go." Wika ni Paula matapos tingnan nang mataman lang ang dalaga saka nagpatiuna. Si Natasha naman ay ilang sandali na nanatili bago sinundan si Paula. Alam niyang hindi pa rin nakakaget over si Paula kay Dennis at ang makita ang binata na giliw na giliw sa ibang babae ay tiyak na nagpapasama nang loob nito. And to think na ang babaeng kinagigiliwan nito ay isang babaeng may asawa na.

Isang malakas na sampal ang sumalubong kay Anica nang dumating siya sa mansion nang lolo niya. Nabigla pa siya nang makatanggap nang text mula kay Melissa at pinapapunta siya sa mansion. Unang beses itong nakatanggap siya nang message kay Melissa at pinapapunta siya sa mansion. Dahil alam niyang kung maaari ay hindi siya nito gustong makita lalo pa at ang presensiya niya ay sapat na upang bumalik sa alaala nito ang pangangaliwa nang asawa nito at sa kasamaan, Tinanggap pa nang pamilya niya ang pangalawang pamilya nang asawa niya.

Dahil sa malakas na sampal na iyon agad na napahawak si ANica sa pisnga niya saka takang napatingin sa babae. Ano na naman ang ginawa niya at bakit tila galit ito sa kanya? Nakita niya sa mansion si Natasha at nakangisi sa kanya habang naka cross ang mga kamay, parang inaasahan nito ang nangyari sa kanya.

"Hindi ka na nahiya." Wika ni Melissa sa kanya. "Gusto mo bang siraain ang pamilya natin? Hindi ka na nahiya. You are seducing the fiancé of your husband's niece." Galit na wika nito.

"Seducing who?" tanong nang dalaga na hindi maintindihan ang sinsabi nang asawa nang kanyang papa.

"Ang galing mo namang nagpanggap na inosente ka. Just like your mom. Ganito ba inuto nang mama mo ang asawa ko?" galit na asik nito. Napakagat labi naman ang dalaga dahil sa sinabi nang babae saka nagkuyom nang kamao.

"Hindi ko alam kong anong sinasabi niyo. At huwag niyo ring idamay ang mama sa kung ano man ang galit niyo sakin." Wika nang dalaga.

"Talagang magkakaila ka? Eh anong ibig sabihin nito?" galit na wika ni Melissa saka tinipon sa harap ni Anica ang mga larawan. Dahil sa ginawa nito nagkalat ang lawaran sa sahig saka niya Nakita ang larawan niya at ni Dennisa baseball field. Saka siya napatingin kay Natasha na nakangisi parin.

"Ngayon ka magkaila." Wika nang babae sa kanya. Naapakuyom muli nang kamay si Anica. Hindi naman niya pwedeng ipagkaila ang nasa larawan dahil totoo namna ang naroon. Ngunit ginawa iyon ni Dennis upang tulungan siyang pagaanin ang loob niya. Hindi niya alam na naroon si Natasha ay kumuha nang larawan nila ay binigyan nang ibang meaning ang nangyari.

"Wala kang masabi?" asik ni Natasha saka naglakad patungo sa kanya saka dinampot ang isang larawan. "You look happy here while seducing that guy. Siya ba ang next target mo dahil anak siya nang isang judge at may ari nang isang malaking private island?" wika ni Natasha. "Alam na nang General ang ugali mong ito?" tanong nang dalaga. "For sure hindi. Dahil sa harap niya isa lang inosenteng tupa. Ang dami mong taong naloloko dahil sa pagkukunwari mong isang di makabasag pinggang inosente."

"Wala kong ginagawang masama. I won't deny those picture. Pero hindi ibig sabihin may ginagawa na akong masama." Wika nang dalaga.

"At nagtatapang-tapangan ka ngayon? Anong sasabihin nang General kapag Nakita niya ang mga larawang ito? Tanggapin------" biglang naputol ang sasabihin ni Natasha nang mapatingin sa pinto at makitang pumasok si Alfredo, Meynard at Menandro sa loob nang bahay at Nakita ang mga nakakalat na picture na dinampot naman nang mga lalaking dumating. Maging si Anica ay nabigla din dahil sa Nakitang reaksyon nang tatlo lalo na ang lolo at papa niya.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong nang matanda saka tumingin kay Anica habang hawak ang isang larawan. Hindi naman sumagot si Anica at nakatingin lang sa matanda. Alam niyang madidismaya ito sa Nakita. At maniwala naman kaya ito sa kanya kung magbibigay siya nang paliwanag? O dedepensahan niya ang kanyang sarili?

"I didn't know you are this photogenic." Wika ni Meynard sa dalaga.

"Tinatanong ka nang lolo mo!" biglang wika ni Alfredo na nagtaas nang boses. "Bakit ka may ganitong larawan kasama nang anak ni Judge Espinosa?" Tanong nang ama niya.

"Wa----" biglang naputol ang sasabihin ni Anica at naudlot din ang pagtangka niyang paglapit sa matanda nang makita ang dismayado nitong mukha.

"Ano pa ba ang hinihingi niyong paliwanag. Nakikita naman sa larawang yan. This girl is just like her mom." Wika ni Melissa.

"Masyado kayong napauto sa mag-inang yan. Ngayon, nakikita niyo nang kung ano ang puno siya rin ang bunga. Alam naman nating Fiance ni Paula, na pamangkin ni Andrew ang binatang yan. Pero bakit sweet na sweet sila sa isa't isa? Ano pa ba ang ibig sabihin niyan?" Dagdag pa ni Melissa.

"I am asking you, Ano ang ibig sabihin nito?" Matigas na tanong ni Menandro saka tumingin kay Anica. Ito ang unang beses na Nakita niyang tila nakakatakot ang lolo niya. Nanginginig ang tuhod niya at malakas ang kalabog nang dibdib niya dahil sa takot.

"Umurong ba ang dila mo!" biglang bulalas nang matanda dahilan para mapaigtad ang dalaga. Ngayon lang niya narinig ang sigaw nang matanda at sapat na ang sigaw na iyon upang manginig ang buong katawan niya.

"Lolo!" biglang gimbal na wika ni Natasha at Anica nang makitang biglang nabitiwan nang matanda ang larawan saka napahawak sa dibdib nito maya-maya ay biglang napaluhod habang namimilipit sa sakit. Agad namang sumaklolo si Alfredo sa ama niya. Lalapit sana si Anica sa matanda ngunit bigla siyang natigilan dahil sa uri nang tingin nito sa kanya. Hindi na siya nakakilos sa kinatatayuan habang nakikita silang nagpapanic dahil sa biglang pagkawala nang malay nang matanda.

Dumating sa bahay nila ang ambulansyang tinawagan ni Meynard upang dalhin sa hospital ang mantandang tila inatake sa puso. Hindi naman sumama si Natasha, Meynard at Anica na naiwan sa mansion. Hindi parin gumagalaw sa kanyang kinatatayuan niya si Anica.

"Manalangin kang walang mangyaring masama sa lolo namin. Dahil kahit kapatid kita sa ama. Hindi kita mapapatawad." Wika ni Meynard na dinampot ang mga larawan niya saka inilagay sa kamay niya. Saka siya nilampasan at umakyat sa hagdan. Nasa gilid naman nang mata niya ang mga luhang kanina pa gustong tumulo. Naguguluhan siya sa kung anong gagawin niya. Natatakot siyang baka kung anong mangyari sa matanda.

"Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na." wika ni Natasha sa kanya. Saka naman napatingin si ANica sa kapatid niya saka doon tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Alam naman niyang matagal na siyang hindi gusto nang mga ito.

"Ano namang iniiyak-iyak mo? Hindi ako maawa saiyo." Wika ni Natasha. "hindi mo na binigyan nang kahihiyan ang pamilya na ito. Ngayon naman ikaw pa ang magiging dahilan nang pagkakasakit ni lolo. ANo pang kamalasan ang hatid mo sa bahay naa ito at sa pmailya ko." Wika pa nang dalaga. Napakuyom nang kamao si Anica dahil sa sinabi nito. At dahil wala naman siyang masabi agad na tumakbo ang dalaga papalabas nang mansion habang tumutulo ang luha. Hindi niya alam kung anong dapat gawin niya upang tigilan na siya nang mga ito.

Anica, dumating kana pala. Halika mag meryenda tayo----" wika ni Carlos na nasa harden kasama si Joyril, Trisha, Rafael at Kimberly. Hindi niya pinansin ang mga ito bagkus nagmamadali lang siyang pumasok sa bahay saka dere-derechong pumasok sa loob nang bahay at umakyat nang silid nila. Naiwan namang tigalgal ang mga ito napatingin lang sa dalaga saka nagkatinginan dahil sa naging asal nang dalaga. Hindi naman nito ugaling balewalain ang mga taong nasa paligid niya.

"What's wrong with her? Did something happen?" Tanong ni JOyril saka napatingin kay Rafael. Nagkibit balikat lang ang binata. Wala sa bahay nila nang mga sandaling iyon ang binatang Heneral dahil pinatawag nang Presidente. Kasama din ni Andrew sina Michael at Charles. Habang sila naman ang naiwan sa bahay upang Samahan si Kimberly.

Habang naguusap sila naatanggap naman nang mensahe si Rafael mula kay Claire na nagsasabing isinugod sa hospital ang lolo nang dalaga at nasa critical na sitwasyon saka naman siya napatingin sa bahay kung saan pumasok si Anica.

"Bakit Sir?" Tanong ni JOyril sa Binata.

"May pupuntahan ako. Kayo muna ang bahala dito." Wika ni Rafael saka nagmamadaling lumabas nang gate.

"What's going on?" tanong ni Kimberly. Hindi naman sumagot ang mga naiwan dahil sila din ay hindi alam kung anong nangyayari.

Simula din nang dumating si Anica sa bahay hindi na ito lumabas nang silid na ikinabahala naman nang lahat. Ilang beses nilang kinatok ang pinto nang silid ngunit hindi sumasgot si Anica. Naka lock din ang silid at wala sa kanilang may alam kung nasaan ang master key upang buksan ito.

"General!" wika nina JOyril at Trisha nang dumating sa bahay si Andrew kasama si Jeremy, Michael at Charles. Napansin nang binata ang tila balisang mukha nang mga ito at nagkukumpulan sa sala.

"What's going on?" Tanong ni Andrew sa mga ito. "Nasaan si Captain Rafael?" Tanong nang binata. Biglang natigilan ang binata nang tumunog ang cellphone niya na agad naman niyang kinuha at binasa ang message mula kay Rafael na sinabing nasa hospital si Don Menandro at nasa kritical na sitwasyon. Nasa mensahe din ni Rafael na mukhang hindi Mabuti ang pakiramdam ni Anica.

"General----" wika ni Trisha nang makitang naglakad patungo sa hagdan ang binata. Hindi sila nito nilingon. Nakita nilang humarang si Kimberly sa daraanan nang binata. Na dahilan upang mapahinto ito.

"Everything is okay right?" Tanong ni Kimberly sa kanya.

"Yes, I'll take care of it." Wika nang binata saka nilampasan si Kimberly at umakyat. Sinundan lang nila nang tingin ang binata.

"Okay lang kaya ang lahat?" tanong ni Joyril.

"Hindi natin alam." Sagot naman ni Trisha.

"Whatever it is, I think our general would be able to handle it." Wika ni Kimberly na nakatingin sa itaas nang hagdan.

Nang buksan ni Andrew ang pinto nang Silid nila. Hindi niya Nakita si Anica sa loob noon. Pumasok pa siya sa banyo ngunit hindi rin niya Nakita ng dalaga. Saka siya napahinto at nag-isip saka napatingin sa message mula kay Rafael.

Where are you cyring right now? Tanong nang isip nang binata. Iniisip niyang tiyak alam na nang dalaga kung anong nangyari sa matanda. Ngunit nasaan ito? Sab isa message ni Rafael wala sa hospital ang dalaga. At umuwi itong dila balisa at umiiyak.

"What happen?" Tanong ni Kimberly nang bumaba ang binata sa hagdan.

"Si Anica?" Sabay na tanong ni Joyril at Trisha.

"Wala siya sa taas." Wika nang binata.

"Wala? Paano nangyari yun? Nakita naming siyang pumasok sa bahay kanina." Wika ni Carlos. Umiling lang ang binata na tila sinasabi na hindi rin niya alam kung nasaan ang dalaga.

"Hindi rin naman namin siya nakitang lumabas. Right?" tanong ni JOyril saka tumingin kay Carlos at Trisha. Umiling lang ang dalawa na nagtataka din. Kaya pala walang sumasagot sa silid noong kumakatok sila dahil wala palang tao. Pero saan nagpunta ang dalaga? Hindi naman nila ito nakitang umalis o lumanas nang bahay.

"I have to go to the hospital. There is a sudden operation ang I am needed there." Wika ni Kimberly matapos matanggap ang isang message mula sa hospital. Kasalukuyan siyang nag tatrabaho sa hospital nina Claire. Bilang surgeon at researcher.

"Michael, Carlos and Jeremy, Samahan niyo siya sa hospital." Wika ni Andrew sa mga binata.

"Yes Sir." Sagot naman nang mga ito.

"Charles, JOyril and Trish. BUmalik na muna kato sa kampo May mga naiwan akong gawin doon. Kayo na muna ang bahala doon." Wika pa ni Andrew sa iba.

"Roger that General." Sabay na wika nang tatlo.

"Will you be okay?" Tanong ni Kimberly sa binata.

"I'll be fine. Ako nang bahalang maghanap kay Anya." Wika nang binata.

"Tawagan mo kami sir kung kailangan niyo nang tulong." Wika nang anim bago Umalis. Sina Michael, Carlos at Jeremy ay sinamahan si Kimberly patungo sa hospital habang ang tatlo naman ay bumalik sa headquarters upang tapusin ang naiwang paper works ni Andrew. Nang makaalis ang lahat. Lumabas nang bahay si Andrew saka napatingin sa paligid. Saan naman pwedeng mag punta ang dalaga. Sabi naman nang iba hindi nila nakitang lumabas nang bahay ang dalaga.

"Could it be?" Tanong nang isip ni Andrew saka napatingin sa likod nang bahay. Marahan siyang naglakad patungo sa likod. Isang lugar lang sa bahay nila ang pwedeng puntahan nang dalaga kung hindi ito lumabas nang bahay tiyak nandoon ito sa lugar na iyon. Ito ang iniisip ni Andrew.