webnovel

Chapter Forty Five

Biglang napaubo si Carlos at Jeremy, habang kumakain sila nasa bahay sila noon ni Andrew, sila ang nakatukang magbantay kay Kimberly. At dahil doon sila natulog sabay-sabay na silang kumain nang almusal. Ito ang unang beses na doon nag-almusal ang dalawa sa bahay nila. Dahil madalas magdamag si Kimberly sa hospital at doon din nagbabantay ang mga tauhan ni Andrew.

Napatingin naman si Kimberly at Anica sa dalawa binata saka agad na inabutan nang tubig ang mga ito.

"General. Huwag niyo nang inomin ang sabaw na yan. Parang tubig dagat." Wika ni Jeremy na tinangkang pigilan ang binata habang kumakain.

"Tubig dagat?" tanong ni Kimberly saka tinikman ang sabaw na agad naman nitong iniluwa dahil sa sobrang alat.

"General sasakit ang tiyan mo." Wika ni Carlos. "Ngayon lang ako nakainom nang sabaw na parang tubig dagat sa alat." Wika pa nito. Si Anica naman na na kikinig sa kanila na siya ding gumawa nang sabaw ay napakuyom nang kamao At dahil sa inis, akma niya sanang kukunin ang bowl pero gaya nang dati pinigilan ni Andrew ang kamay niya.

"I told you not to waste food, didn't I?" wika nang binata saka tumingin sa dalaga. SIna Carlos at Jeremy naman na doon napagtanto kung sino ang gumawa nang sabaw ay bilang natigilan.

"Sorry, Excuse me." wika ni Anica na lumabas sa comedor. Sina Carlos at Jeremy naman na tila na konsensya sa sinabi nila ay alangan na inabot ang sabaw.

"Huwag niyong pilitin ang sarili niyo kong hindi niyo kayang kumain niyan." Wika nang binata.

"Ito nalang ang kainin niyo." Wika ni Kimberly saka iniabot kay Carlos at Jeremy ang ham at Sausage. "Andrew ikaw din huwag mong pilitin ang sarili mo. Gusto mo bang magkasakit?" wika ni Kimberly.

"I'll be fine." Wika nang binata.

"General, you don't have to ack modest in front of us." Wika ni Carlos.

"Just eat." Wika nang binata na inubos lahat nang niluto ni Anica.

Mabuti na lamang at hindi gaanong marami ang niluto nang dalaga. Hanggang ngayon hindi parin nito magawang I timpla nang maayos ang sabaw. Nang lumabas siya nang bahay agad siyang nagtungo sa basement. Naisip niyang baka doon na naman nagtatago ang dalaga. Hindi naman siya nagkamali dahil naroon nga ang dalaga at panay ang sipa sa sandbag tila ba doon ibinuhos lahat nang galit niya.

"What are you furious about?" tanong nang binata na naglakad papalapit sa dalaga. Natigilan naman ang dalaga saka nilingon ang binata.

"Let's spar." Wika nang dalaga sa binata.

"Aba. That's the first. Pero tika lang busog pa ako. I had to finish that bowl----" bilang natigilan ang binata nang bigla siyang atakehin nang dalaga.

"Sandali lang. Bakit ang init nang ulo mo." Wika nang binata habang iniiwasan ang dalaga. Ngunit sa halip na mainis ay natutuwa pa siya. Nakikita niyang maayos na ang posture nang dalaga. And he can throw a decent kick this time.

"You need a time out." Wika nang binata saka sinalo ang paa nang dalaga ngunit agad na binawi nang dalaga nag paa niya saka hinawakan ang braso nang binata at tangkang ibalibag ang binata, ngunit mabilis ang reflex nang binata at and counter attack nito. Sa halip na ang binata ang kanyang mabalibag ay siya ang siyang ibinalibag sa sahig nang binata.

"You have improved a lot, but you still---" biglang na putol ang sasabihin nang binata nang makita ang dalagang naupo saka niyakap ang sarili at humagulgol.

"Hey, why are you crying at this time?" Tanong nang binata saka lumapit sa dalaga. "Napalakas ba ang ginawa ko? Did you hurt your back." Wika nang binata saka hinawakan ang likod nang dalaga. Ngunit hindi sumagot ang dalaga umiyak lang ito habang nakatungo ang ulo sa tuhod niya.

And totoo niyan, umiiyak siya hindi dahil sa natalo siya nang binata. Kailangan lang niya nang rason upang umiyak. Nahihiya siya sa nangyari sa almusal. Kahit anong gawin niya hindi niya magawa nang tama ang pagluluto and it will always Andrew to suffer because of it. Hindi niya alam kung self pity ba ito o pride.

"You are hopeless." Wika ni Andrew saka naupo sa tabi nang dalaga saka kinabig niya ito papalapit sa kanya saka niyakap. Mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit ito umiiyak. Napangiti siya saka hinalikan ang ulo nang dalaga.

Kaarawan nang asawa nang Major, na nakatira sa compound nang mga military at imbitado ang lahat sa munting salo-salo. Dinaos ang salo-salo sa labas nang cooking school nang Compound. Naroon lahat nang mga asawa nang Offiers at miyembro nang task force ni Andrew. Dumalo din si Kimberly, para hindi naman ito mabore sa bahay nila gayong Rest day nito mula sa hospital.

Lahat nang mga asawa nang officer na nandoon ay agad na nawili kay Kimberly lalo na dahil sa galing nitong magluto. Nagdala pa ito nang Russian Cuisine sa salo-salo na dagdag point para sa mga ginang na nandoon. Kahit hindi nila kilala ang putahing dala nito dahil sa sosyal pakinggan kaya naman giliw na giliw ang mga ito sa dalaga. Mas lalo pa silang nawili dahil sa galing nitong makipag-usap kahit na tumira ito sa ibang bansa nang matagal.

"Sana naman maturuan mo din ang batang yan magluto." Wika nang asawa nang major na nakatingin kay Anica na nasa isang mesa na nakasimangot at kumain. Narinig naman nang dalaga ang sinabi nang ginang.

"Hindi naman ako magaling magluto." Humble na wika ni Kimberly dahilan upang lalong mainis ang dalaga.

"Ang batang yan. Hindi ko maintindihan kung puro kaliwa nag kamay o Walang panlasa hinding-hindi niya magawa nang tama ang niluluto, Mabuti nalamang at mabait yang si General." Wika nang ginang.

"She is still a child, at balita ko galing siya sa mayamang pamilya kaya walang akam sa kusina." Wika nang isang babae.

"Hindi rason yan para hindi ka matutong magluto. Trabaho mo bilang may bahay ang ipagluto ang asawa mo." Dagdag pa nang isa.

"Baka naman, hindi pa lang ngayon. But may be in the future she can create dishes that Andrew would love." Wika ni Kimberly saka tumingin sa kanya.

Hindi ko kailangan nang simpatya mo. Wika nang dalaga saka inialayo ang tingin sa mga babae. Nagsisisi tuloy siya kung bakit siya nagpunta dito. Napatingin siya sa di kalayuan kung saan naroon sina Andrew saka siya napabuntong hininga. Tumayo ang dalaga upang sana aya umalis mula sa salo-salo nang biglang may narinig silang malakas na pagsabog. Lahat sila napatingin sa cooking center kung saan nila narinig ang pagsabog. Hindi lang isang beses ang pagsabog na iyon.

"Mikha!" wika nang asawa nang major nang makitang nag-aapoy ang gusali sinubukan nitong tumakbo papasok. Ngunit bigla siyang pinigilan ni Anica.

"Delekado po." Wika ni Anica sa babae.

"Wala akong pakiaalam nasa loob ang anak ko." Wika nang babae saka napahawak sa kamay nang dalaga. Napatingin naman si Anica sa gusali. Hindi pa lumalabas sa main door ang usok at nasa ikalawang palapag pa ang apoy. Kung saan din nandoon ang pahingaan nang mga bata.

"Nasa pangalawang palapag ba siya?" Tanong ni Anica.

"OO, Iniwan ko siya doon. Anong gagawin ko." Umiiyak na wika nito.

"Stay here and wait for the soldiers. Akon ang magliligtas sa anak niyo." Wika ni Anica na tangkang tumakbo papasok ngunit hinawakan siya ni Kimberly.

"Are you stupid? Gusto mo bang ----"

"Alam ko ang ginagawa ko." Wika ni Anica saka winaksi ang kamay ni Kimberly saka tumakbo papasok nang gusali nang hindi nag-aalalinlangan.

"What an Idiot." Wika ni Kimberly.

"What's going on? Is everyeone safe." Tanong ni Andrew na dumating kasama ang ilang sundalo at ang major na agad na nilapitan ang asawa niya na umiiyak. Agad namang inutusan ni Andew ang kanyang mga tauhan na apulahin ang apoy agad namang kumilos ang ilan sa kanila upang tumawag nang bombero habang nag ibang naiwan ay inapula ang apoy. Ang ilan naman ay inalalayan ang mga babaeng naroon na lumayo muna sa gusali dahil hindi ito ligtas para sa mna naroon. Siniguro nilang walang makakalapit sa gusali habang inaapula ang apoy.

"Yes we are safe." Wika ni Kimberly sa binata. "But not your wife. She stupidly entered that building on fire." Wika pa nito.

"General, Gusto lang niyang iligtas ang anak ko." Wiika nang asawa nang major. Napatingin naman si Andrew sa building. Ilan sa mga sundalo ay gumamit na nang hose para apulahin ang apoy.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Kimberly nang maglakad si Andrew patungo sa gusali. "Gusto mo rin bang mapahamak?" wika nang dalaga sa binata at pinigilan ito. Ngunit hindi sumagot ang binata binawi lang nito ang kamay saka bumulusog papasok. Napakuyom nang kamao si Kimberly dahil sa naging Reaksyon nang binata.

Nang makapasok si Anica sa loob nang bahay. Agad niyang binaybay ang hagdan patungo sa second floor. Medyo makapal na ang usok sa second floor kaya wala siyang nagawa kundi ang takpan nang kamay niya ang ilog niya upang hindi siya makalanghap nang usok Habang tinatawag ang batang si Mikha. Nang makarating siya sa second floor, sa resting room nang mga bata Nakita niya si Mikha na nakasiksik sa isang mesa at umiiyak.

"It's okay. I am here to help you." Wika ni Anica na lumapit sa batang babae saka kinuha ang Isang kumot at binalot ang bata. Tatayo na sana sila nang biglang kumapal ang usok. Hindi na rin makita ni Anica ang daanan niya at panay na ang ubo niya at nahihirapan na siyang huminga.

Ngunit dahil kasama niya si Mikha at nangayo siyang ililigtas ito ay tinatagan niya ang loob niya at binaybay ang daanan patungo sa hagdan ngunit pababa palang sila nang manhina siya at napaupo. Ang bata naman ay panay ang iyak habang hawak siya. Ngunit kahit na anong gawin niya upang tumuloy ayaw nang kumilos nang kanyang mga paa hanggang sa tuluyan siyang nawalan nang malay. Naririnig niya si Mikha na umiiyak gusto man niyang buksan ang mata niya. Ngunit wala na siyang lakas.

"Anya!" wika ni Andrew nang umakyat makita si ANica na nakahiga sa may hagdan habang nasa tabi nito ang isang bata na umiiyak. Biglang napatingala ang binata nang makita ang dingding sa itaas ni ANica na pagbagsak. Nang makita niya yon. Agad siyang tumakbo papalapit sa dalaga saka itinulay papalayo ang batang babae saka tinakpan nang katawan niya si Anica upang hindi mabagsakan nang nag-aapoy na dingding, nang lumapat sa likod niya ang dingding agad niya itong tinanggal sa pagkakadagan sa kanya saka sinipa papalayo. Agad naman niyang hinawakan ang mukha nang walang malay na asawa. Saka napatingin sa batang babae na umiiyak.

"Let get out of here." Wika nang binata sa bata saka inilahad ang kamay. Tumayo naman ang batang naka talukbong parin ang kumot. Agad na tumayo si Mikha at nilapitan ang General. Pinasakay ni Andrew sa likod niya ang batang babae kahit na medyo masakit ang likod niya dahil sa pagtama nang nahulog na ceiling kanina.

"Hold tight." Wika ni Andrew sa batang babae nang sumampa ito sa likod niya. Saka agad namang pinangko ang dalaga. Saka lumabas sa gusali. Dumating na ang mga bombero at tumutulong sa pag apula nang apoy.

"Mikha!" wika nang Major at nang asawa niya saka Lumapit sa kanila at kinuha ang bata sa likod nang binata. Umiiyak ito at agad na niyakap. Tinanggal nila ang kumot na nakatalukbong sa anak at tiningnan kung may sugat ang anak sa sa awa nang Diyos ay wala itong galos. Matindi lang ang pag-iyak nito dahil sa takot.

"Andrew, anong nangyari kay ANica?" tanong NI Rafael na lumapit kay Andrew na karga-karga ang dalagang walang malay. Lumapit din sa kanila ang ilang miymebro ang Task force at si Kimberly.

INilapag nang binata si Anica sa damuhan at inayos ang ulo Saka inilapit ang mukha sa sa dalaga upang pakiramdaman kung humihinga pa ito. Kinunan din niya ito nang pulso.

"Is she alright?" tanong ni Kimberly.

Nang maramdaman ni Andrew na mahina ang pulso nang dalaga agad niyang ginawa ang first Aid sa asawa. He put the heel of his dominant hand at the center of the her chest then interlock his fingers and starts chest compressions. Matapos ang 30 chest compressions. He then, stop; tilt her head back and open her mouth at the chin inilapit niya ang bibig sa bibig ni Anica and breathe into her mouth.

"Stay with me." Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Andrew habang inuulit ang CPR sa dalaga. Hanggang sa biglang napaubo ang dalaga. Saka naman tinulungan ni Andrew ang dalaga upang maupo.

Lahat na mangha at napangiti nang makitang nagkamalay na muli ang dalaga. Nang mapaupo ang dalaga. Agad naman siyang niyakap ni Andrew nang magising ito na hindi alintana ang mga nakatingin sa kanila. Saka hinalikan ang ulo nang dalaga dahil sa labis na relief.

"Shin, Ang bata." wika ni Anica kahit na nahihirapan pa ting magsalita habang naka hawak sa braso nang asawang nakayakap sa kanya.

"Ate Anica." Mahinang wika nang batang babae na kasama ang nanay nito na naglakad papalapit sa kanya. Nang marinig ni Anica ang boses na iyon nang bata agad siyang napatingin dito.

"That's a relief, I am happy you are safe." Wika nang dalaga kay Mikha.

"Thank you for saving me Ate Anica. You look like an angel earlier. I was really scared until I saw you." Wika nang batang babae.

"She is a clumsy and nosy Angel, isn't she." Ngumiting wika ni Andrew sa batang babae. Tumango naman ang batang babae at ngumiti. Hindi na nagsalita si Anica dahil wala siyang lakas na makipag talo.

"Andrew, may sugat ka." Biglang wika ni Kimberly na nakatingin sa likod nang binata. Nang marinig ni Anica ang sinabi nang doctor agad siyang bumitaw sa binata saka tiningnan ang likod nito. Saka tumingin sa binata.

"You're reckless." Wika nang dalaga sa binata. "Again, because of me---" putol an wika nang dalaga saka napahawak sa sleeve nang damit ni Andrew. Hindi ito ang unang beses na napahamak si Andrew dahil sa kanya. Dahil sa pagiging bara-bara niya at pagkilos nang hindi nag-iisip.

"I'm fine. Malayo naman ito ----" wika ni Andrew saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga ngunit bigla siyang natigilan nang biglang makita ang luha sa mata ang asawa. "Such a cry baby." Wika nang binata saka niyakap ang dalaga.

"General, Mabuti pang pumunta na kayo sa hospital. Mukhang malalim ang sugat sa likod mo." Wika ni Carlos. Hindi naman tumutol si Andrew dahil sa masakit din ang likod niya at bukod doon ayaw din niyang makitang umiiyak ang dalaga. Tiyak na sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyari sa kanya. Ayaw naman niyang sisihin nito ang sarili.

"Yeah I will. I better be." Wika nang binata saka tumayo at inalalayan naman niya ang dalaga na tumayo. "Hey, Stop Blaming yourself okay. Getting hurt is normal, especially with my line of Job." Wika ni Andrew na huminto sa pagpasok sa ambulansya nang nang mapansing nakatango ang ulo ni Anica habang nakasunod sa kanya.

"I'll go with you." Wika ni Kimberly saka lumapit kay Andrew at Anica. Simple namang napatingin ang binata sa dalagang doctor saka bumaling kay Anica na nakatango parin ang ulo.

"Hey." Wika ni Andrew saka iniangat ang ulo ni Anica. Her eyes are red dahil sa pag-iyak. Seeing her like that gusto niyang yakapin ang dalaga dahil Kaya lang kailangang niyang pigilan ang sarili niya. Baka kung anon ang isipin nang mga tauhan niya sa kanya. "This won't do." Wika ni Andrew na pumasok sa ambulansya saka hinila si Anica papasok. Takang napatingin ang dalaga sa binata saka sumunod sa pagpasok dito. Nabigla pa siya nang paupuin siya ni Andrew. Saka naman ito na higa sa Stretcher na nasa loob nang ambulansya.

"I'll See you in the hospital." Wika ni Andrew kay Kimberly saka tumingin dito. Nakahawak pa rin ang kamay nang binata sa kamay nang dalagang si Anica.

"I don't have to----"

"You have inhaled a good amount of smoke. Kailangan mo ring matingnan nang mga doctor. Am I right?" Agaw ni Andrew sa sasabihin ni Anica saka tumingin sa para medic na pumasok sa loob na nagsara nang pinto.

"That's right General." Sagot naman nito.

"Don't complain okay. I am tired. My back hurts." Wika ni Andrew saka bumaling sa dalaga. "Hey. I am not blaming you okay. You are not cute at all." Wika nang binata saka humarap sa dalaga.

"I didn't Say I am cute." Wika nang dalaga saka inagaw ang kamay sa binata. Saka tumingin sa binata. "Why are you acting like this?" Tanong nang dalaga sa binata saka tumingin dito. Nitong mga nakaraang araw, Hindi niya maintindihan kung bakit napaka sweet and gentle nang binata sa kanya.

"I am Acting like what?" ngumiting wika ni Andrew saka tumingin sa kanya. It is as though his looks are teasing her.

"You are acting weird." Wika nang dalaga saka inilayo ang tingin sa binata.

"Weird huh." Ngumiting wika ni Andrew saka umayos sa pagkakahiga. "You know you should stop involving yourself into trouble. What will you do if I was not there? Or If something bad happen? You also have to think about yourself. It is as if you have a kick out of a near death experience." Wika nang binata na hindi tumingin sa dalaga. Napatingin naman si Anica sa binata. Iniisip niya kung anong nangyari sa kanya kung hindi dumating Si Andrew. Baka kung anon ang nangyari sa kanya at sa bata. Hindi siya minsan nagiisip.

"Thank you." Mahinang wika nang dalaga.

"Ha?" tanong nang binata saka Tumingin sa dalaga. "Hindi yata kita narining." Napakagat labi naman si ANica saka napatingin sa para medic na nasa tabi nila nakangiti Habang pinapanood silang dalawa nang binata.

"Sabi ko Salamat." Wika nang dalaga saka humarap sa binata.

"Nagpapasalamat ka ba talaga? Bakit galit kapa ata." Napairap lang ang dalaga sa binata dahil sa sinabi nito sa kanya. Napangiti lang si Andrew sa dalaga