webnovel

Chapter Eighteen

Nang makabalik si Anica at Andrew sa bansa agad silang tumuloy sa mansion nang mga Bryant dahil sa request nang matandang si Don Edmund na manatili sila sa mansion nila nang isang linggo bago sila lumipat sa bahay ni Andrew sa Compound nang mga Military officers.

"Okay ka lang bang bumalik ka dito sa mansion?" Tanong ni Andrew nang bumaba sila sa kotse. Napansin niyang napatingin ang dalaga sa malaking bahay. Noong na engage sila dahil sa kasunduan ni Edmund at Menandro dito din tumira si Anica.

"Dito rin nakatira si Daniela habang naghihintay sila sa araw nang kasal nila." Wika ni Andrew sa dalaga. Alam ni Anica na sa mansion nakatira lahat nang miyembro nang pamilya ni Edmund mula sa anak nito hanggang sa mga apo. Sa laki nang mansion kasya kahit ilang apo pa meron ang matanda. Sa pagkakaalam ni Anica, tanging si Andrew ang hindi tumitira sa mansion.

"Are you gonna be okay? Magkikita kayo ni Daniella halos araw-araw." Wika ni Andrew sa dalaga.

"Isang linggo lang naman tayo dito. Hindi naman siguro kabawasan sa akin kung magkikita kami. Dati naman kaming nagkasama sa mansion ni Lolo Menandro." Wika ni Anica. Tumango naman si Andrew at kinuha nag hawak namalita sa dalaga saka nagpatiuna. Tahimik namang sumunod ang dalaga sa asawa niya.

Nang pumasok sila sa pinto nang entrance nang mansion sabay pa silang nagulat nang nasa living room lahat nang miyembro nang pamilya kasama si Edmund na halatang naghihintay sa kanila.

"Welcome home Hija." Wika nang matanda kay Anica saka lumapit dito at niyakap ang dalaga. SImpleng napangiti ang dalaga saka niyakap ang matanda. Alangan naman siyang napatingin sa mga kapatid ni Andrew at sa anak nang mga ito. Naroon din si Zane at Daniella na tila hindi gusto ang makita siyang naroon.

"TIyak na napagod kayo sa biyahe. Ipinahanda ko na ang silid ni Andrew. Naghanda rin kami nang salo-salo para sa pagdating nang bagong miyembro nang pamilya." Wika nang matanda. Tumango lang si Anica. Tila hindi siya masasanay sa ipinapakitang lambing sa kanya nang matanda. Nahihiya tuloy siya kay Daniella.

"Masyado niyo namang ipinapakita na giliw na giliw kayo sa asawa ni Andrew." Wika ni Francis. "Akala ko naman kung ano ang pinaghandaan niyo. Kinailangan mo pang ipa cancel lahat nang mga meetings namin dahil dito."

"Ano ka ba naman, Hindi naman ibang tao si Anica, SIya ang asawa nang Kapatid niyo. Ganoon din naman ang gagawin ko kung magpapakasal ang mga apo ko." Wika nang matanda.

"Salamat po sa pangtanggap niyo sa 'kin." Wika ni Anica sa matanda.

"Siyempre naman. Matagal ko nang gustong makitang magkaroon nang asawa itong si Shin. Masaya akong sa huli ay kayo din ang nagkatuluyan. Sa totoo lang nalungkot ako noong, hindi natuloy ang kasunduan namin ni Menandro at natigil ang pagpapakasal ninyo. Mabuti na lamang at kayo pala ay para sa isa't-isa at hindi na kailangan nang kasunduan upang magpakasal kayo. Masaya akong maging miyembro ka nang pamilya." Wika nang matanda. Simpleng ngiti lang ang tinugon ni Anica.

Sorry, hindi kita masasamahan dito. I had an urgent call." Wika ni Andrew kay Anica nang inihatid siya nang dalaga sa labas nang mansion. Bigla kasi siyang nakatanggap nang tawag mula sa General nang armed forces at pinagre-report siya sa kampo. Sinabi nitong may urgent silang kailangang gawin.

"Wala naman akong magagawa. Eh trabaho naman ang pupuntahan mo. Kahit pigilan kita hindi ka rin naman papipigil." Wika nang dalaga.

"Good thing that you know. Are you gonna be okay?" tanong nang binata.

"Oo naman." Ngumiting wika ang dalaga.

"Don't act so tough, clumsy girl." Wika ni Andrew saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga at kinusot iyon. Napalabi naman ang dalaga saka pasimpleng tinanggal ang kamay nang binata sa ulo niya.

"Pwede ba, bakit ba ang hilig mong gusutin ang buhok ko. At isa pa, kung ano-anong tawag mo sa 'kin. Minsan kinikilabutan ako saiyo. Hindi ko alam kung ikaw pa ba yung kilala kong demon General."

"This is still me. I only do this things to a clumsy girl." Wika nang binata.

"Sige na umalis ka nab aga hinihintay ka n ani General." Wika nang dalaga sa binata. "Mag--- Mag-iingat ka." Wika nang dalaga saka ibinaba ang tingin. He smirk at simple kinusot ang buhok ni Anica saka umalis.

Inihatid nang tingin Anica ang sasakyan nang binata. Nang makalayo ang sasakyan nang binata napatingin siya sa mansion saka napabuntong hininga. "Paano naman ako haharap sa pamilya niya. Mukha namang hindi ako gusto nang mga kapatid niya. Maliban nalang kay Don Edmund. Wala na atang ibang tumatanggap sa akin dito." Wika nang dalaga saka napabuntong hininga.

"Buti naman alam mong hindi ka tanggap dito." Wika ni Daniella na bigla na lamang lumapit sa kanya. Nakita din nito nang magpaalam si Andrew sa dalaga. Hindi nito nagustuhan ang pagiging malambing nang binata kay Anica.

"Daniella." Mahinang wika nang dalaga. Just my luck. Ngayon kailangan ko ring makisama sa kanya dahil sa iisang bahay kami titira. Wika nang isip nang dalaga.

"Mukhang naging malapit kayo ni Andrew sa halos isang buwan niyong honey moon. Ang swerte mo naman dahil si Lolo Menandro at Edmund ay tila giliw na giliw sa iyo. Tuwang tuwa ka naman dahil sa pagtingin nila." Naiinis na wika ni Daniella.

"Hindi ko naman hiniling na bigyan nila ako nang pansin."

"Don't act like an Hypocrite!"

"Hindi ko gustong makipag-away saiyo." Wika ni Anica saka nilampasan ang Kapatid. Ngunit bigla siya nitong pinigilan.

"Hindi pa ako tapos makipag-usap saiyo." Wika ni Daniella saka hinahawakan ang buhok ni Anica. Dahil sa ginawa nang kapatid. Naging mabilis ang reflex nang dalaga saka umikot at itinulak si Daniella dahil sa ginawa niya. Bumagsak sa damuhan ang dalaga na siyang inabutan ni Zane, at nang iba pang miyembro nang pamilya.

"Daniella!" gimbal na wika ni Zane saka nilapitan ang Fiancee at tinulungang tumayo.

"Ano naman ang ginagawa niyong dalawa?" asik ni Michelle ang asawa ni Luke na Ina at ama ni Zane. Napatingin naman si Michelle sa dalagang si Anica. "Kabago-bago mo dito gumagawa ka nan ang eksena. Alam kung hindi kayo magkasundo ngunit huwag niyong dalhin sa bahay na ito ang pagiging wala niyong Delekadesa." Asik ni Michelle.

"Tita Michelle. Pasensya na. Gusto ko lang naman sanang kumustahin si Anica. Pero bigla niya akong itinulak." Umiiyak na wika ni Daniella saka yumakap kay Zane. Napaawang naman ang labi ni Anica sa Narinig.

Pwede kang artista. Wika nang isip ni Anica.

"Ngayon natin makikita ang tunay niyang ugali." Wika ni Paula. Ang bunsong anak ni Francis at Aurora.

"Ano ba naman kayo. Para tayong hindi pamilya dito." Wika nang matanda na pumagitna na sa kanila. "HIja. Tayo na sa loob. Alam kong napagod ka. Magpahinga ka nalang muna." Wika ni Edmund saka inakay si Anica papasok sa mansion. Ang iba naman ay inis na napatingin sa dalaga dahil sa trato nang matanda sa kanya. Kahit sa ibang manugang nito o apo ay hindi ganoon ang trato nang matanda.

"Talagang ipinapakita ni Papa kung sino sa mga anak niya ang kinikilingan niya. Maging sa manugang niya." Wika ni Aurora ang Asawa ni Francis.

"Are you okay?" Tanong ni Zane sa fiancée.

"Yeah." Mahinang wika ni Daniella ngunit sa loob niya ay labis ang poot nanararamdaman niya para sa kapatid.

Inabutan ni Anica sina, Daniella Michelle at Aurora sa kusina na naghahanda nang almusal. Noong nasa mansion siya. Parati niyang nakikita ang mga katulong na gumagawa noon. Ngayon lang niya Nakita ang mga babae nang pamilya na siyang gumagawa nang almusal sa kusina. Napansin din niyang magkasundo ang tatlo.

"M-magandang umaga po. May maitutulong ba ako?" tanong ni Anica sa tatlo. Maaga siyang nagigising kaya naisip niyang magpunta sa kusina at tumulong sa mga maid. Bago siya pumasok sa school. Ayaw naman niyang isipin nang pamilya ni Don Edmund na isa siyang pabigat at asal prinsesa.

"May alam ka ba sa pagluluto?" tanong ni Aurora.

"Sa pamilyang ito. Dapat isa sa mga kayang gawin nang asawa nang isang Bryant ay ang maghanda nang pagkain. Mabuti nalang itong si Daniella ay magaling pala sa kusina." Wika ni Michelle na tuwang-tuwa kay Daniella.

"Oo naman po. Eh si mama, gusto rin niyang ipinaghahanda si papa nang pagkain. Tinuruan niya din kami ni Natasha dahil gusto niya hindi kami maging pabigat sa mapapangasawa naming." Wika ni Daniella saka tumingin sa kanya nang makahulugan.

"I am lucky ikaw ang mapapangasawa ni Zane." Wika ni Michelle.

"Kung gusto mong tumulong. Ito." Wika ni Aurora kay Anica at iniabot sa dalaga ang lalayan na may lamang hiniwa-hiwang parte nang manok. "I-prito mo, Siguro naman marunong kang magprito?"

"Po?" gulat na wika ni Anica.

"Anong po. Kanina nagtatanong ka nang maitutulong mo. Huwag mong sabihing hindi mo kaya." Ani Aurora. Napatingin siya kay Daniella at she saw her smirk. Alam nitong wala siyang alam sa pagluluto. Ilang beses siyang napagalitan noon ni Melissa dahil muntik na niyang masunog ang kusina nila.

Napakagat labi si Anica saka tinanggap ang lalagyan saka naglakad papalapit sa pinaglalagyan nang kawali. Lumapit naman si Daniella saka binuksan ang stove kung saan nito inilagay ang kawali. Saka nilagyan nang mantika.

"Ah!" tili ni Anica nang tumalsik sa kamay niya ang mantika nang ilagay niya ang isang piraso nang Manok. Agad din siyang lumayo dahil nagsisitalsikan ang mantika sa kanya. Iyon naman ang Nakita ni Aurora at Michelle.

"Ano bang ginawa mo!" asik ni Aurora saka lumapit sa kanya at kinuha ang lalagyan nang ipi-pritong manok. "What a useless girl. Hindi ka ba tinuruan nang mama mo na magluto? Simpleng pa piprito natatakot ka. Doon ka nalang at tumulong kay Daniella sa paghiwa nang gulay." Wika ni Aurora.

Hindi naman kumibo si Anica saka lumapit kay Daniella. Tahimik naman nitong ipinasa ang kutsilyo sa kanya at ang gulay na hihiwain. At dahil wala naman siyang alam. Ilang beses na nagkahiwa-hiwa ang daliri niya ngunit hindi naman niya magawang mag reklamo. Nasa kamay pa niya ang hapdi mula sa mantikang tumalsik. At nakikita niyang masaya si Daniella na nakikita siyang parang tanga.

Bakit kasi naisipan ko pang tumulong. Wala naman akong alam dito. Wika nang isip nang dalaga.

"Ang galing ko naman. Simplang agad ako sa dalawang sister in law ni Shin." Wika ni Anica habang nasa silid nila ni Andrew at ginagamot ang mga hiwa sa daliri niya at ang paso mula sa talsik nang mantika.

"Nakakahiya naman. Wala akong maitulong sa kusina." Wika nang dalaga.

Dahil hindi umuwi nang isang linggo ang binatang si Andrew. Isang lingo ding pinakisamahan ni Anica sina Aurora, Michelle at Daniella.

Kahit na sa tuwing nasa harap sila ni Don Edmund ay tila maamong tupa ang tatlo kapag sila nilang lumalabas ang tunay nang kulay nang mga ito. Ipinapakita nang tatlo na wala siyang kayang gawin at isa lang siyang malaking pabigat at Andrew at sa pamilya nila.

"Gusto pa sana kitang makasama dito kaya lang alam kung kailangan niyo ring lumipat ni Shin sa bahay niyo." Wika ni Don Edmund nang sunduin siya ni Andrew upang umuwi na sa bahay nila sa military compound.

"Huwag ho kayong mag-alala dadalaw ako dito nang madalas." Wika naman ni Anica. Ngunit sa isip niya hindi na siya makapaghintay na umalis kung hindi lang dahil sa matanda hindi siguro niya nagawang makatagal nang isang buong linggo sa mansion.

"Mag-iingat kayo." Wika ni Edmund saka bumaling kay Andrew. Tumango naman ang binata. Nang magpaalam si Anica sa matanda ay saka siya sumakay sa kotse. Kahit gusto niya ang ama ni Andrew. Ayaw din naman niyang manatili sa lugar na hindi siya komportable.

Dalia! Tommy! Ramil!" gulat na wika ni Anica nang lumabas sa kotse at makita na sa harap nang pinto nang bahay ni Andrew sa military compound ay nag-aabang ang tatalo. Nang dumating sila si Rafael ang Nakita niyang nagbukas nang gate. Hindi na rin naman siyan nag taka, baka nasa compound lang din ang bahay ni Rafael at parati naman silang magkasama ni Andrew kaya hindi na nakakapagtakang naroon ito.

"Ate Anica." Masiglang wika ni Dalia at Tommy saka tumakbo papalapit sa kanya at agad siyang niyakap. Sa labis na pagtataka ay napatingin siya kay Andrew na nilapitan ni Ramil. Nakita naman niyang iniabot ni Andrew ang bag nila kay Ramil.

"Kumusta ka." Ngumiti wika ni Ramil sa kanya. Bagay na ikinagulat niya. Dati naman ay hindi ito ngumingiti at tila pasan ang mundo. Napansin din niyang tila malakas na ito. Mukhang nakabawi na mula sa nangyari sa kanya noon.

"M-masaya akong makita kayo. Anong nangyari? Kailan pa kayo----"

"Simula nang makalabas ako sa Hospital. Dito na kami tumira kasama si Sir Andrew." Wika ni Ramil.

"Alam mo Ate. Bumalik na rin kami sa school. Pati si Kuya Ramil nag-aaral na rin." Masayang wika ni Dalia.

"Talaga." Masiglang wika ni Anica saka bumaling kay Ramil. "Masaya akong malaman na nag-aaral kana ulit."

"Dahil iyon kay Sir Andrew. Kapag nakatapos ako nan High school ngayong Taon. Pwede na akong pumasok sa military." Wika ni Ramil na pinamulahan dahil sa hiya habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Anica.

This brat. Wika nang isip ni Andrew habang nakatingin kay Ramil. Bakit tila hindi niya gusto ang pamumula nang mukha nito? Alam niyang hindi nagkakalayo ang gulang nina Anica at Ramil. Nasa Senior high school si Ramil ngunit sa pagkakaalam niya ay isang taon itong natigil sa pag-aaral.

"Halika Ate. May ipapakita kami sa iyo." Wika ni Tommy at Dalia saka inakay si Anica papasok sa bahay naiwan sa labas sina Rafael, Andrew at Ramil.

"Mukhang hindi ka naman magkakaproblema kay Anica at sa mga bata." wika ni Rafael sa binata.

"Mukhang gustong-gusto rin nila si Anica." Wika ni Ramil. Nakatingin sa dalagang papasok sa bahay kasama ang dalawang bata. Hindi naman sumagot si Andrew kundi ang tumingin lang sa mga ito na pumasok sa loob nang bahay.

"Magiging bahay nang isang pamilya na rin itong bahay mo." Wika ni Rafael sa kaibigan. Simula kasi nang itinayo ang bahay na iyon at tumira doon si Andrew. Umuuwi lang ang binata doon tuwing darating ang tagalinis.