Freya Jane Morales' POV
"Nana Mercy, alis lang po ako ah." Paalam ko kay Nana.
"Freya! Saan ka naman pupunta ngayong oras ng gabi ah?! Delikado na ang panahon ngayon! At saka bakit ganyan ang suot mo ah!? Ang ikli at sikip!"
"Hay Nana.. Wag nyo na po ako pagalitan.. Please?!" Pakiusap ko. Pero alam ko naman kasi na nag-aalala lang sya para sa akin. "Malaki na po ako. Magkikita lang po kami ni Rhea.."
"Bakit hindi na lang bukas?!"
"Nana naman eh, minsan lang naman ako lumabas sa gabi at saka I have my car.. I promise you that I'll drive carefully. Kaya please let me go out.." Sabi ko na may lambing sa boses at halos yakapin ko na si Nana.
"Sya sya.. Basta wag ka masyado magtatagal sa labas ah. At ingat sa pagmamaneho.." Paalala ni Nana Mercy.
"Promise Nana! Sabay angat ng kamay ko sa ere. At hinalikan ko sya sa pisngi. "Nana ingat ka rin dito ah. Locked all the doors.."
"Oh dala mo ba duplicate keys mo?!"
"Yes Nana.. So I'll go ahead na po. Ingat. Bye po."
Pintados Bar.
Kakapasok ko palang sa bar na kung tawagin ay pintados.. This place is so cool. Ang mga murals ay mga pintados. Ang may-ari siguro nito ay mahilig sa tattoos.. Anyways, as I enter the bar wala pa masyadong tao, sabagay medyo maaga pa naman pero may mangilan-ngilan ding sumasayaw.. Naghahanap ako ng mauupuan.. And there it is, I saw a vacant stool in the mixing bar.. Idi naglakad na ako papunta doon. I don't know if I am a head turner or what as I wearing a fitted small black dress na tube with a pair of red high heels shoe.. Everyone got stuck their eyes on me, syempre patay-malisya lang ako noh! Nandito naman kasi ako para uminom with friends at hindi para makipaglandian or what.
No, it's not my first time to enter a club or bar.. at hindi ko rin first time uminom.. The truth is, first time ko makapasok sa bar noong nasa high school ako, I was with my friends, nag-cutting classes kami nun dahil nabored kami sa lessons namin.. so ayon.. at marami pang beses pabalik balik kami sa bar.. that's when I learn how to drink and smoke.. Yes I am smoking.. But that was before.. Kasi nang malaman ni Mama na nagyoyosi ako pinagalitan ako ng todo, masama daw kasi sa kalusugan yun. They were right. So I stopped smoking and mild na lang kung uminom ako ng alak. But you know, masarap daw ang bawal kaya paminsan-minsan panakaw-nakaw ng inom ng hard kasabay ng pagyoyosi.
Nang maupo ako sa stool, lumapit agad ang bartender na magseserve ng mixed drinks.. Bago pa sya magtanong sa gusto kong inumin.. "One shot of margarita on the rocks please.."
"Your drinks will be serve in one minute miss.." Sabi ng bartender.
Sa hindi kalayuan natanaw ko ang isang couple, the girl is dancing like wild sa gitna ng dance floor.. Yung kasayaw naman nyang lalake ay likod lang ang nakikita ko.. at nakikipagsabayan din sya sa babaeng kasayaw nya. While sipping my margarita may lumapit na lalake sa akin..
"Hi, I'm Trevor.. And you're?!"
"I don't give out my name to stranger.. So don't talk to me.."
"Hard to get! That's more I like it babe." Sabay kindat sa akin.
"Tsss and as I told you a while ago, don't talk to me and I am not interested in flirting with you so back off!" Fudge! Nakakairita sya ah, hindi ba sya makaintindi?!
Nagulat pa sya sa sinabi ko and then he smirked. "Ok I get it. See you around here babe."
"I hope not." Inirapan ko sya pero ngumiti lang sya ng nakakaloko pagkatapos nun umalis na sya sa harap ko.
One Hour Later.
Fudge, asan na ba sila?? Haisst! As usual late na naman sila! Nakatatlong shot na ako ng margarita wala padin sila. So I decided to call them.
"Ey! Where are you guys!? I've been waiting here like ten years na!"
"Aish! Traffic mo mukha mo! Just hurry up okay?!" Sabay baba ng tawag ko.
-----
"Wow ha! Pinaghintay nyo ako ng isang oras at kalahati! Grabe kayo!!! Grabe!" Pagmamaktol ko sa kanila.
"Sorry na Frey!" Si Rhea.
"Sorry, sorry, hoy kayong dalawa ni Donna ang magbayad nitong ininom ko ha!"
"Okay, okay!" Sabi ni Donna. Ang totoo hindi naman ako galit talaga. Hehe.. Gusto ko lang makabawi sa pagkalate nila. Ganyan naman lagi ang mga to eh, tuwing magkikita kasi kami palagi late ang mga to. Sadyang mabagal kumilos ang dalawang best friends ko. Yup! There are my best friends since high school. And yeah ang friends ko na sinasabing kasama mag-bar kapag nagcu-cutting classes. Haha. Sila din yun!
Si Rhea Gavin, ay half Pinay half Mexican. Maganda yan! Habulin ng mga hunks, paano ba naman kasi high school palang kami well developed na ang kanyang katawan, kaya ayan pinagpapantasyahan ng mga lalake sa school. Nanggaling din sya sa mayamang angkan pero super bait nyan, maalaga. Kaming dalawa ang unang nagkakilala parehas kaming transferee and we get along well. Mag-isa lang sya dito sa Pilipinas, mga kapatid nya at parents nasa Mexico, meron kasi silang business dito at sya ang nag-volunteer na mag-asikaso nito after she graduated from college pero kahit high school palang kami noon binibisita na nya ang business nila.
Si Donna Montellano, old student sa school na yun, from grade to high school sa Montellano Academy na sya nag-aaral. Well obvious naman na pamilya nya ang may-ari ng school. Maganda din yan medyo nerd nga lang dahil maagang lumabo ang mga mata nya so she need to wear eyeglass and she was bullied as nerd. Matalino. Masunurin. Nga pala si Donna ay half pinay half Korean, super puti nyan at maganda ang kutis at singkit.
Nang magcollege kami madalang na kami magkita pero everytime ang isa sa amin ay may problema we give time to hang out para damayan ang isa't isa. O kaya'y may okasyon like birthday, valentine's day, birthdays at holidays. After we graduated from college nagkaroon na kami ng kanya kanyang buhay dahil trabaho na ang inaatupag namin. Si Donna sya naman ang namamahala ng pag-aari nilang school. Sa ngayon lahat kami ay single. Well ako kakasingle lang pero yang dalawang yan ewan ko ba kung nagkarelasyon na ang mga yan ayaw magkwento eh. Hmm.
"Psh! Tara na nga at mag-inuman! Ngayon lang ulit tayo nagkikita-kita eh." Sabi ko sa kanila. Sobrang miss ko lang kasi silang dalawa.
Umupo kami sa medyo sulok na bahagi ng bar. Ayaw naman kasi namin na maka-agaw pansin sa ibang tao kasi alam ko mamaya lang maingay na tong dalawa lalo na kapag lasing na. Sa aming tatlo ako ang may mahabang tolerance sa alak. Well don't ask me how, psh sige na nga ikukwento ko na. Hindi lang naman kasi shoe business ang meron kami meron din kaming winery. Fine. Fine. Aaminin ko na meron kaming lupain sa Italy at doon kami nagpapatubo ng grapes para sa paggawa ng wine at iba pang process sa pagpapasarap ng wine. Kapag inaangkat namin ito sa Pilipinas buo na sya, as in nasa bottle na, at isang lang ang store namin dito, dito lang sa Davao. So ayon ang reason kung bakit mahaba ang tolerance ko sa alak. Tikim ako ng tikim, usually palihim lol.
"So kumusta kayo?!" Pangungumusta ko.
"Eto stress sa work. You know naman.." Sabi ni Rhea.
"Halata nga sa itsura mo.." Pang-aasar ko. Panic mode to sigurado.
"Omo! Really?" Tumango naman ako. "Oh my gosh! I need to see a dermatologist!"
Kitams! Panic mode! "Tss biro lang. Conscious agad!"
"Frey naman eh! Kainis to!"
"Ano?!" Natatawang sabi ko. "Tampo ka na ba nyan?! Oh ikaw Donna, musta?!" Si Donna naman ang binalingan ko.
"Stress din."
"Ang tipid naman ng sagot. Pagod ka talaga ah?!" Sarkastik na tanong ko. Ayaw pa kasi magkwento. Hehe.
"Hayss.. Pinoproblema ko kasi ang mga student.."
"Anong problema sa kanila?!"
"Lately kasi may students na kailangang isuspended dahil matigas ang ulo. Eh syempre ayaw ko naman magkaroon ng bad records ang mga students.. Lalo na ang reputation ng school baka sabihin ng iba na puro war freak mga students dun eh. Haist!"
"Sus! Don't worry too much about that Donn.. Na-i-stress ka lang.. At saka hindi mo naman maiiwasan ang ganyan.. Mga bata yun eh, agressive, impulsive you know.. Have a little more of a patience kasi natural nagkakaroon ng clash.."
"Tama ka Frey.. Mag-iisip na lang ako ng paraan para magkaroon ng nice interaction ang mga students.. Anyways, enough of those stressful topic. Kumusta mga holidays nyo? Ikaw Frey kumusta ka na? Sorry can't avoid the stressful topic yet.."
"Oo nga, how are you feeling right now? Tanong ni Rhea na alam kong concern na concern sa akin lalo na nung nalaman nya na naghiwalay na kami ng ex ko."
"I will be hypocrite if I'm gonna say that I am okay coz I am not yet okay." Sandaling katahimikan. Hinihintay nila ang sunod na sasabihin ko. "I saw him couple of days ago.. With some other girl.. Eh syempre hindi ko na pigilang hindi maiyakk.." Basag na boses na sabi ko.
"Haist! Let's avoid talking about it na lang." Suhestyon ni Donna.
"Shh tama na nga yan wag mo na ikwento para hindi mo na maalala okay?! Nandito tayo para magsaya hindi para problemahin yan." Sabi ni Rhea.
"Of course.."
"Ahm, kumusta na pala ang shoe business nyo.." Donna open a new topic to lighten the mood.
"Tsss stressful din ayun."
"Why? Hehe parehas lang pala tayong lahat."
"Well I have a business deal sana nung nakaraang araw pero yung ka-business meeting ko ay hindi sumipot, nakakainis lang naman kasi noh dahil hindi nya kami ininform, tapos magpapadala lang pala sya ng representative nya.. nakaka-init ng ulo."
"Aww ganun?! Parang pa importante!"
"Oo. Kaya ang sinabi ko wag na sila ulit magtry mag-invest sa kompanya dahil wala naman silang respeto sa oras ng ibang tao."
"Hindi ba yun kawalan Frey?!" Tanong naman ni Donn.
"Na ah! On top parin naman ang business. Kumikita yearly beyond sa target sales. So it means bentang-benta parin sya."
"Di ba ikaw ang nagdedesign ng mga sapatos?!
"Yup!" Ngiting sabi ko.
"Eh hindi ka ba na-ha-hassle sa trabaho mo na mag dedesign ka na nga, mag alaCEO at president ka pa!?"
"Medyo nahihirapan ako pero masasanay din siguro ako. Ayaw kong pabayaan sa iba ang pagmanage ng shoe business."
Pagkatapos namin mag-usap tatlo ng kung ano-anong topic umuwi nadin kami. Thank goodness hindi lasing ang dalawa, maayos kaming lahat nakauwi sa bahay namin. Although yong dalawa may sariling condo, at dun na din sila umuuwi.
After I took a warm shower, bumaba ako saglit sa kusina para magtimpla ng gatas at syempre iinumin ko. Maya-maya humiga na ako at nakatulog na.
To be continued..