((( SEAN )))
Napapangiti na lamang ako kapag nakikita ko ang dalawang to. Napapasabay sa biruan na halos dati
sineseryoso ko, ngunit ng lumaon kasanayan ang tumapat sa akin. Nadadala din ako ng biruan ng
dalawa. Seeing this old man happy, and her face turning red sa sobrang asar… makes my day perfect.
Namalayan ko na lang… kasama ko na naman sa labas ang babaeng to. Kapag kasama ko siya, parang
bata na hinihila ako kung saan-saan…
"Titignan lang naman natin…"
At kapag nakakakita ng pagkain na bago sa paningin niya…
"Aaron, try natin… parang ang sarap."
Makarinig lamang ng bagong lugar, determinadong puntahan… at si ako ang laging paboritong hinihila.
Matagal na akong bumabalik sa Probinsya na ito, at halos di ko pa napasyalan ang mga pasyalan dito.
Dahil sa kanya… heto, halos mahalughog na namin ang probinsya.
Puno na ang phone niya ng selfies niya na walang katuturan… at ang phone lang naman niya ang di
Support your favorite authors and translators in webnovel.com