@International_Pen
((( Sena )))
"Sean… my dear Sean. Sa totoo lang po Pikon na ako. Pikon na pikon." Mahinahon kong sinasabi sa kanya… na pilit kong napa-eye contact sa kanya… kaya lang ang mga mata niya… tumatawa na rin. At ako yung pinagtatawanan!
"Please lang Sean…. Baka pumutok ng dis-oras ang bulkan nang dahil sayo! Tigilan mo na ako!"
"Well Sena… ang cute mo kapag ganyan ka kapikon. I like it. Panatilihin natin yang pagiging pikon mo."
Sinasabi ko na nga ba… masaya nga siya kapag nakikita akong naiihi na sa sobrang pikon sa kanya. Ano ba tong si Sean! Naihagis ko sa kanya ang mga unan!
"Lumayas ka na muna Sean, please lang!" Nang mahawakan ko yung phone niya…
"Sige ka! Basag ang phone mong to sa mukha mong makapal!"
"Makapal mukha ko Sena?" at bahagyang nga siya napahaplos ng daliri niya sa mukha. "Habang ang kinis kinis naman na parang Chinese Vase na inaalagaan sa sobrang antigo. Habang sayo Sena ano?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com