@International_Pen
((( SENA )))
Unat kamay. Nang mapansin kong… umuumbok na ang tiyan ko. Napakapa nga ako… at bigla akong namula… Sa kaisipan na baby namin ni Sean ang dinadala ko. Excited na ako baby na makita ka. Yung ilong mo na galing sa Daddy mo, yung mga mata niya, yung psingi niya na namumula kapag nangingibabaw ang emotion, labi niyang kala mo napapa-lipstick… Ayyy parang kerubin lang. Teka… bakit parang replica lang ni Sean ang ini-expect kong mukha ng anak ko? Wala bang physical features galing sa akin?
At ng napaharap nga ako sa tabi ko…
Huli… parang mukha nga ng lalaking to ang iniimagine ko.
"Good Afternoon Sena."
Sabi niya sa akin na di man lang nakatitig sa akin, at yung mga mata nagpapatuloy sa pagbabasa ng hawak niyang mga papel. Ang busy niya… Nang abutin niya sa bedstand yung baso ng alak…
Yun ata ang vitamins niya eh…
Support your favorite authors and translators in webnovel.com