@International_Pen
((( SEAN )))
Sinabi nga sa akin na maraming nagbabantay sa labas. Wow naman… lakas na ngayon ni Sena. Sa nangigil na ako sa inis dahil, kasama lang naman niya sa kabila si Luis!
Kapag pinagpilitan ko nga at gumawa ako ng gulo dito… di ko talaga makukuha si Sena. At lalong lalo na kung… sapilitan ko siyang iuwi. Mas maganda yung tipong nakatulog siya at pagmulat ng mga mata niya. Bulaga, welcome back Sena.
Natawa ako sa ideyang yun.
Ngunit parang mahihirapan kami. Paanong di magigising si Sena kung isa-isahin ko ngang patatahimikin ang bantay nila sa labas na halatang napakaloyal ng tauhan nila sa kanila. Ang tanong bakit ako nahihirapan ngayon? Bakit di na lang isipin ko yung kailangan na kilos na isasagawa ko ng tuluyan na ngang mabura ang Madrid Empire na yan! Nakakagigil. Sobra. Tsss…
Siguro dahil ayaoko na umaaligid aligid kay Sena si Luis. Si Luis na lang kaya ang ipadukot ko nang magkaroon nga ako ng Piece of Mind.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com