@International_Pen
((( SENA )))
Nanginginig na naman ang aking katawan ng makita ko si Hint. Anong ginagawa nila sa pampublikong Hospital na ito? Sino yung dinala nila? Isa ba sa tauhan ni Sean. Heto ako nakatayo sa labas ng palikuran habang nagbibihis sa isang cubicle si Elaine.
Nagising lang ako ng sumigaw siya.
Kaya napapasok ako… Parang masusuka na talaga ako sa amoy… hilong hilo na ako kanina pa ng dahil nga sa amoy!
"Ate Sena… sa wakas po…"
"Elaine?"
"Ate… nakakita na ako ng Ipis. Ayan oh…."
Parang gusto kong manghampas ng mayaman na kagaya ni Elaine! Talaga lang! Ngayon pa lang siya nakakita ng Ipis?!
"At… inapakan ko siya… kaya… yuck…"
"Ugh…" Masusuka na talaga ako, lalo na ng makita ko yung… lamang loob ng ipis na kulay gatas…kaya bago pa man masuka ako sa lababo na ang naitungo ko. Goodbye… Jolibee spaghetti. Feeling ko… mahihimatay na ako sa sakit ng ulo ko.
Diyos ko pong… ipis na yun. Ughhhh…
Support your favorite authors and translators in webnovel.com