@International_Pen
((( SENA )))
Tauhan ng Madrid. Kinuha nila ako sa puder ni Sean… iniisip ko kung paano, ngunit hindi na yun mahalaga. Dahil… sa gustong mangyari ni Sean. Na hangang ngayon,kapag naiisip ko… kinikilabutan ako. Maayos na lumapag ang sinasakyan namin… sa minsan nang napuntahan kong pamamahay. Sinalubong nila ako, at binati sa muli kong pagbabalik. Mukha nila, may sigla at galak.
Baby sa tingin mo, may masama pa ba silang gagawin sa atin? Nang makita ko sa naghihintay… si Luis. Nakangiti ito. Isang batang babae ang binuhat nito. May pinag-uusapan sila. Halata yung ilan, di naman katulong. Ito ba ang pamilyang Madrid?
"Miss Sena, sa totoo lang sabik na makilala kayo ng pamilyang Madrid." Si Jun. Oo, siya yung nagpaliwanag sa akin na dito muna ako mamalagi, at gagawin nila ang lahat basta mailayo muna ako kay Sean.
((( GEORGE )))
Support your favorite authors and translators in webnovel.com