"Shut Up."
At pareho silang tumawa. Bakit ba ako nagpagitna sa dalawang baliw na ito… at lalo na itong nasa likuran ko na ubod dami ng kasalanan sa akin… At wala siyang maalala. Nice. She didn't recognize me… Great.
"Hay naku, Iha, nagpapaka bitter yang anak ko. Di ko nga alam kung bakit."
"Bakit Broken Hearted?! Ay Sorry."
Hindi na lamang ako umimik… Sino ang di makakaramdam ng galit sa nangyari sa aming mag-ama. Ang di ko lang maintindihan bakit parang … wala lang sa kanya yung paglisan ng aking ina.
Bata pa ako noon ng nakikita kong nag-aaway ang mga magulang ko. Di nila yun pinapahalata sa akin ngunit ng dumating ako isang araw, nagsisigawan sila. At ng makita nila ako balik na naman sila sa pagiging isang masayang magulang para sa akin.
Gusto ko man sila tanungin tungkol sa pinag-aawayan nila. Ngunit bata lang ako. Pero isang gabi, galing ako sa kapitbahay kong kamag-aral, may lalaking kinaki-usap si Mama, malayo sa kalagayan ng aking Ama na halata namang merong impluwensya. Pilit na binibigay kay Mama yung bulaklak… at nakangiti si Mama.
Nagkubli ako. Hinalikan si Mama ng lalaki na halos ikinapigil hininga ko. Ang lalaking ba to ang dahilan kung bakit nag-aaway ang mga magulang ko…
Tumalikod na si Mama, dala ang bulaklak at parang pa-uwi na ng bahay.
Pasakay na sana yung lalaki ng lumapit ako, at tinadyakan ko siya sa galit.
Nagulat na lamang ako ng may pumigil sa akin.
"Layuan mo ang Mama ko!"
Ngumisi lamang yung lalaki. Naupo upang maging ka level ko lang siya at hawak parin ako ng dalawang bodyguards nito.
"Eh kung hindi ako lumayo?"
"Isusumbong ko kayo sa Papa ko."
"May magagawa ba ang Papa mo laban sa akin? Patawad bata, pero walang makakapgpigil sa akin sa pagkuha ng Mama mo, Kukunin ko siya sa inyo."
Saka ko siya dinurahan sa mukha.
" I think, kailangan mo turuan ng leksyon."
Tumayo na siya at kinuha ang panyo na inabot sa kanya ng tauhan niya.
"Napag-usapan pa naman sana namin ng Mama mo na kunin ka din, ngunit parang gusto ko na lumaki kang katulad ng Ama mong talunan."
At hinagis sa mukha ko yung panyo na pinunas niya sa kanyang mukha.
"Turuan niyo siya ng leksyon, yung naayon lang sa gulang niya."
At pagbukas niya ng sasakyan… May batang lalaki na kagaya ko na parang matanda pa sa akin.
Umuwi ako noong bugbug sarado, tadyak. Suntok… na halos wala akong magawa.
"Aaron, Anong nangyari sayo." Pag-aalala ni Mama. Na aktong hahawakan ang mukha ko ngunit pinigilan ko ito at nagkulang sa aking silid.
Nang gabing yun, narinig ko na naman silang nag-aaway. Malinaw na sa akin ang pinag-aawayan nila. Alam ko nahihirapan ang aking Ina sa kakarampot na kita nang aking Ama… Pera ba ang sukatan para mahalin mo ang isang tao.
Ngayon, ang mukha ng aking ama, malayong malayo noong iniwan siya ng aking Ina. Laging may mga ngiti ang kanyang labi sa tuwing nasisilayan ako.
Sa likod ng… araw na lakas loob niyang pinirmahan ang divorce Agreement nila ni Mama.
Dumaan ang ilang araw di na umuwi si Mama galing sa kanyang trabaho, at natuklasan ng aking Ama na sumama na ito sa lalaking yun.
Tanging mga tauhan nito ang kumatok sa pintuan namin upang papirmahan ang documentong yun. At kukunin pa sana nila ako…
Pareho kaming tumutol. Saka sila nagsi-alisan. Nakita kong umiyak ang aking Ama sa nangyaring yun…at sinabi sakin…
" Salamat di mo ako iniwan, kahit…"
Patuloy siya sa pag-iyak… Sa araw na yun nakita kong labis na nasasaktan ang aking Ama. Labis na hinagpis…
"Gagawin ko ang lahat! Wag mong iiwan ang tatay."
Ipinangako ko sa sarili ko sa araw na yun… na di na kailanman mangyayari ang pangdadaya sa amin ng mga taong may kapangyarihan upang manipulahin ang lahat.
At ang sinabi ng baliw na babaeng to,
"Oy, kaw lalaki ka, wag kang Killjoy, kung saan ang tao masaya hayaan mo siya…
Ay ang salitang sinabi ng aking ama na
" Kung saan masaya ang Mama mo, hayaan natin siya, doon siya masaya, wala tayong magagawa."
Ito ang salita niya kung bakit wala akong nagagawa para maghiganti sa pamilyang yun… Ang sumira ng pamilya ko.
Sa ngayon ang matandang 'to, ang natitira na lamang sa akin.
Dearest Readers,
Thank you so much!
Here what makes me happy and inspired to finished the story!
Plase Rate the Chapters for 5 Stars!
Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.
Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!
For your kindness...
Arigato!