@ International_Pen
((( SEAN )))
" Heto na ba ang pa bridal shower mo sa akin… Ayieee… galing naman ng asawa ko. "
" SENA!" sigaw ko sa pangalan niya! Natigilan siya… Napatitig sa akin. At yung titig na..
" Inaano ba kita! Tsss… Killjoy!"
Babangon na sana siya sa sofa… ng hilain ko siya pabalik.
" May seryoso akong sasabihin tungkol sa magulang mo at pagkatao ko na din! Kaya umayos ka!"
Yung mata niyang magagalit sana sa akin… bigla na lang binalot ng takot. Kaya naiyuko na lamang niya ang paningin sa akin. Binitiwan ko siya… at naupo sa sofa. Itinaas ang kanyang paa… niyakap ang tuhod niya… at itinago ang mukha sa kanyang braso.
" Sena."
Tsk… kasalanan ko ito. Ako ata talaga ang walang pasensya sa amin. Alam ko naman na pabago-bago ang emotion ng mga babae lalo na kung nagdadalang tao ito… pero ano itong ginawa ko. Tss…
Naupo ako sa tabi niya.
"Sena… pasensya na." yun na lamang ang mahina kong sinabi.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com