@ International_Pen
((( SENA )))Siguro sa mood ko… mapagkakamalan nga akong buntis ata? Mukha akong baliw eh… Pero pagkatapos ko mag menstruation… wala namang nagyari sa amin ni Sean… paanong magiging buntis ako nito.Pero halos gusto ko palakpakan si Luis dahil mukha ni Chelsea parang namutla. Saka siguro sinabi ni Luis na English yun at sinadyang maintindihan ng kabute. Magaling Luis… kaya lang…" Are you talking about Chelsea?." Halos malaglag ako sa upuan ko… nasaan ako ngayon. Gusto ko na talagang maliwanagan. Nang marinig ko ang boses niya, lumakas talaga ang tibok ng puso ko… na kanina kinalma ko. Pero ngayon… halos gusto ko nang umiyak. Inaano ko ba ang lalaking to? May ginawa ba akong mali sa kanya?... Yun bang padabog na sagot ko sa kanya sa telephono… yun ba? Wag iiyak Sena. Pero tumawa si luis. Yung tawa niya… na parang sinasabi sa akin… Wag kang iiyak Sena… Be positive. Okey lang umiyak mamaya. At ngayon ko pa lang narinig ang tawang yun sa kanya.Support your favorite authors and translators in webnovel.com