@ International_Pen
((( Sena )))
Nang nasa harapan ko na siya… sa gitna kami tumigil… labi namin pareho may ngiting kala mo galing sa
paggawa ng baby.
Hindi…
sadyang pareho lang ata ang nararamdaman namin…
Sa boung araw na ito,
ako ata ang pinakamasayang babae sa daigdig. Thank You… Sean… at sa poong maykapal… Salamat.
Inilahad ni Sean yung kamay niya sa akin.
Marahan kong inabot ang kamay ko.
Nagsipalakpakan yung mga tao…
At pati yung flash ng mga camera ayaw paawat… Ito na ba? Talaga bang seryoso na siyang ipakilala ako?
Tiwala lang tayo Sena kay Sean. Inihatid niya ako sa may harapang mesa… at nakaharap kami sa mga
tao… may mga kasama kami sa mesa, at bigla kong napansin yung matandang… isa ang mata… at halata
na parang… niretoke mukha niya.
Tumayo ito… at agad na inilahad ang kamay sa akin.
" Nice to meet you Mrs.Herald."
Ohhhhwww… foreigner din to… parang Sean lang kasi… di mo alam kung hinalong Filipino nga talaga.
" Thank you."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com