@International_Pen
((( Sena )))
Piinagpapawisan ako... nahihilo ako... at sa huli parang masusuka ako...
Ano to?...
Hala Sena...
" Sena."
Si Miss Rhen
Napakapit kasi ako sa railings ng tinitrain nila ako maglakad ng maayos... suot ang heels na halos... malulumpo na ako...
Habang silang tatlo naka Tsaa na parang mga princessa sa Englatera...
Tumayo si Rhen para puntahan ako.
" Tayo!"
Sinubukan ko tumayo... ngunit parang... liliparin na ako dahil... umiikot na yung boung paligid.
" Ayusin mo sabi ang tayo mo!"
Pinipilit ko naman diba? Bulag ba siya?
Ako talaga kapag napikon na din, mas sasabog ang pamamahay na ito ni Sean!
Binigyan diin ko ang paghawak sa Railings. Tumayo...
Nang hahampasin ako ni Rhen.
Ngunit napigilan ko braso niya.
Mata sa mata kami ni Miss Rhen.
Selos na selos na ba siya sa akin kung bakit ginagagawa niya ang bagay na ito! Halata naman na pinapahirapan nila ako.
Yung mga mata niya noon na mala anghel ang dating, wala na.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com