Pag uwi ng magkakaibigan ay sinalubong sila nina Nathan,Cindy at Erika ng yakap.
"Kamusta?" Sabi ni Nathan habang tinitingnan sila isa-isa.
"N-Nathan n-nakita n-namin s-si G-Gail" kinakabahang sabi ni Jaymar.
"Oh asaan si gail?" Sabi naman ni Jonathan na waring hinahanap si gail sa likod nila jacob.
"Nakagat siya ng holocaust ng iligtas niya ang batang ito at may kumuha sa kanya na itim na van" sabi ni ken habang hinehele ang bata.
"What?! Bakit di niyo sinundan?!" Napasigaw sa gulat si Nathan ng marinig iyon.
"Hindi namin magawa mel may bata kaming kasama" nakayukong sabi ni Jaymar.
"Awit sa inyo." na sabi ni nath at umupo habang hawak ang kanyang ulo.
"Nath wag mo pagurin sarili mo hindi ka pa lubos na magaling." sabi ni erika habang inaalalayan si nathan na napaupo sa sofa ng malawak na ground floor ng hotel.
Naaawang tumitig ang magkakaibigan kasama si Selena kay Jonathan na inuuntog ang sarili sa pader habang hinaharangan ito ng palad ni Erika, itutuloy pa sana ni Nathan ang pag untog sa sarili ng biglang umiyak ang sanggol na bitbit ni Ken.
"Anong pangalan niya?" Sabi ni Cindy habang kinukuha ang sanggol sa bisig ni Ken.
"Wala pa kaming naiisip di nga namin alam kung babae ba o lalaki lalo na't wala na ang magulang nito" sabi ni Jacob habang sinisilip ang ibabang parte ng sanggol ng makita nila na isa pala itong batang babae.
Nang sabihin ito ni jacob ay tumayo si Nathan habang lumuluha at kinuha ang batang paiyak na dahil pinagkakaguluhan na ng kanyang mga kaibigan.
Umupo si Jonathan sa sofa ng hotel at hinele na ang bata na nagsisimula nang ipikit ang maliliit nitong mata.
"P-pwede b-bang a-ako n-na lang a-ang mag p-pangalan s-sa kanya?" Nanginginig na sabi ni Nathan habang hinehele ang bata.
"Wala naman na siyang magulang kaya sige lang nath" seryosong sabi ni Lei habang nakasandal kay Cindy.
Habang tinititigan ni Nathan ang bata ay di niya maiwasang maiyak muli habang tinitingnan ang bata, di niya maiwasang sisihin ang magulang nito dahil sa katigasan ng mga ulo nito..
'Napahamak siya ng dahil sa mga magulang mo' sabi ni Nathan sa kanyang isipan habang tinititigan ang bata
"I want to name her Miracle" sabi ni Jonathan ng lumingon ito sa kaniyang mga kaibigan.
"May I ask? Why miracle?" Sabi ng doctor na gumamot kay Nath.
"Why? Because she was saved by the most beautiful angel I've known" pigil luhang sabi ni Nathan habang tinititigan si Baby Miracle.
"Can we make it the second name? Miracle as the first name is too common in this world" mahaba at maarteng sabi ni jaymar habang nakahiga sa sahig dahil sa sobrang pagod.
"Arte nito" bulong naman ni Jacob sa Kay Ken.
Nag kanya kanyang upo naman ang iba sa mga sofa at carpeted floor ng maliit na hotel habang si erika at cindy ay dumiretso sa kitchen area para magluto ng kanilang meryenda.
"What if we'll name her Azure Miracle? It's a beautiful name for her" sabi naman ni Ken habang nakasalampak sa sahig at inaantay ang pagkain na niluluto nila Erika.
"Yes, Azure Miracle is a beautiful name, here some blanket and pillows for the baby" sabi naman ni Selena na ngayon lang nilang napansin na kabababa lang galing sa second floor ng hotel na may dalang kumot na sobrang kapal at mga unan at inilatag ito sa carpeted floor at inaayos ito.
"Azure Miracle it is." May pinalidad sa boses ni Nathan habang inaantay na maayos ang higaan. Nang matapos inilapag niya ang bata at pinalibutan ng dalawang unan sa magkabilang gilid nito at humiga siya sa tabi ng unan habang nakatagilid sa bata.
"What about her surname?" Sabi naman ni Lei habang naka upo lamang sa Single Sofa.
"She will carry her familys name" sabi ni selena habang inaangat ang paa sa sofa.
Habang pinag uusapan ang apelyido ng bata ay pina-pat naman ni Nathan ang hita ng bata upang hindi ito magising sa mga ingay na dulot ng kanyang mga kasama doon.
Nang dumating ang meryenda ay nag sikain ang lahat, kahit na malungkot sa nangyari sa kaibigan ay sinikap nilang kumain. Pagkatapos kumain ng meryenda ay pumunta ang ibang guest sa kanya kanyang kwarto upang magpahinga at ang magkakaibigan ay nasa ground floor ng hotel at doon na nagkwentuhan.
"What is her family surname?" tanong ni cindy habang tinatalian niya si Erika.
"Wait, I will check their records here" sabi naman ni Selena habang papunta sa may information desk ng hotel at hinanap ang apelyido ng magulang na bata.
Bawat guest ay may picture nila sa computer at doon nakalagay ang information ng mga pumapasok sa hotel at kapag nag check out na sila ay kusa itong made-delete at dahil hindi pag nag checheck out ang mag asawa ay nahanap agad ito ni Selena.
"Gotcha!" Sabi ni Selena at binasa ang mga impormasyon at kinuha niya ang Ipad na nandon at chineck kung nandoon din ang impormasyon ng mag asawa at di nga siya nagkakamali, agad niyang dinala ang Ipad sa magkakaibigan at umupo sa tabi ni Cindy..
"So here's the info about sa mag asawa na yon the woman is Alisha Dawson and the man is Leon Dawson, they're here dahil gusto daw ni Alisha which is mag 9 months na buntis na manganak dito they're staying here for a week now so ibig sabihin non ay inaantay na lang nilang manganak ang babae, and they're from Florence" mahabang lintanya ni Selena habang palipat lipat ang tingin sa Ipad at sa kanilang lahat.
"So you're saying na kabuwanan na ng babaeng yon? Bakit naglilihi pa din siya?"nagtatakang sabi ni Ken.
"I think palusot lang nila ang paglilihi niya para makaalis na din dito" sabi naman ng seryosong si Jaymar.
"Ang talino mo pero nauto ka lang non pre?" natatawa kunong sabi ni Nathan habang pinapat ang balikat ni Ken.
"Fuck you!" sigaw nito kay Jonathan ngunit natatawa din.
"We need to call someone to help us here" sabi ni John habang nakahiga sa sahig kaya napabaling sa kaniya ang tingin ng lahat.
Si Nathan naman ay natahimik lamang at nakikinig na sa kanilang lahat.
"What if we call na sila Yasmin? We really need their help na talaga" conyong sabi naman ni Lei.
"Oo nga kailangan na talaga natin ng tulong"sabi naman ni jacob habang nakatulala lamang.
"At wag ka magrereklamo John. We're all desperate to get out of here pag nagreklamo ka, sasapakin na talaga kita" sabi naman ni erika habang nakatingin ng masama kay John.
"Oo na, di na ko magrereklamo" sabi naman ni John sabay taas ng dalawa nitong kamay na parang susuko sa batas habang bumubulong bulong na napaka harsh daw ni erika.
Agad tumayo si ken at lei para tawagan ang mga kasamahan na naiwan sa pilipinas habang ang iba ay nagpahinga na muna sa lobby ng hotel.
Umakyat ang dalawa sa second floor ng hotel na tinutuluyan nila at kinuha ang kanilang mga teleponong hindi nila nagamit dahil walang kuryente kahapon sa di malamang dahilan at kanina lang ay bumalik ito at doon lamang sila nakapag charge ng maayos.
Nang makita nilang full charge na ang lahat ng telepono ay kinuha na ni Lei at Ken ang mga cellphone at bumaba sa lobby kung saan nagpapahinga ang mga kasama.
"Nakuha na namin" sabi ni Lei habang pababa ng hagdan at inabot isa isa ang mga telepono sa mga kasama upang makatawag ng tulong at kamustahin ang mga pamilya nito sa ibang bansa
"Tatawagan ko na sina Leinard for rescue operation sa buong Venice baka may iba pang survivor except us." seryosong sabi ni Nathan ng maabot na sa kanya.
"Ako tatawagan ko sila Yasmin at Micky para mabalaan nila ang main branch ng 'Nouva Era' dito sa italy at para makapag padala sila ng medical team." mahabang sabi ni Ken habang binubuksan ang kanyang telepono.
"I'll contact Mitch para masabihan siyang makipag cooperate kela mikay sa coordinates nating lahat" sabi naman ni jacob sabay salampak sa sahig at tinawagan ang girlbestfriend nito.
"Kami tatawagan na namin ang iba pang tropa para maka ready sila baka pumasok na ang virus pati sa pilipinas" sabi ni John habang nakahiga sa tabi ng nakaupong si erika.
"Sasabihan ko na ang mga tauhan natin na magpadala ng planes at mga helicopter for rescue" seryosong sabi ni Lei habang naglalakad papasok ng kitchen area.
"Tatawagan ko sila Avrianna for back up" sabi naman ni Cindy habang nag da-dial sa phone niya at pumwesto sa tabi ng kakabalik lang na si Lei
Lahat sila ay busy sa pag tawag sa kanilang mga kasamahan na hindi pa sumasagot sa ngayon kaya't minabuti pa ni Selena na magluto na ng kanilang magiging hapunan sa araw na iyon kasama ang iilang kasamahan na kababaihang guest.
Ngunit napabaling sila kay Nathan ng magsalita ito "It's unsual right?" sabi nito habang nagtatakang nakatingin sa cellphone nito.
"Why" halos sabay na banggit ng iba sa kanila.
"I mean ang tagal na nating magkakaibigan nung natayo ang Nouva Era ni Yasmin sa tulong naden nila Micky pero ni kailan di tayo nakapunta doon" nagtatakang sabi ni Nathan habang nakahalumbaba.
Binalot din ng pagtataka ang isipan ng lahat kaya't natigil sila sa pag tawag sa mga kaibigan.
"You're right, never ko nasilayan yon kahit si Mitch ay di masyadong nagkwe-kwento about don basta ang sabi nila hahanga tayo sa ating makikita pag nakita natin yon" nagtataka ding sambit ni erika habang nakahalumbaba sa kaniyang mga tuhod.
"What's the secret behind those words" sabay sabay na sabi nila sa kanilang mga isip.
Jonathan Monsaints
KINAGABIHAN ay nag sikain na kaming lahat sa hinandang pagkain ni Selena para sa lahat lalo na at ayon sa kaniya ay wala na ang kanilang mga cook na namatay dahil inatake daw ng mga holocaust sa daan paalis ng hotel at kaming mag kakaibigan ay umakyat sa isang kwarto upang doon na lamang magpahinga
Habang nag kwe kwentuhan at nagkakainan ang lahat ay dinalhan ni Selena at ng iba pang kababaihan kaming magkakaibigan na inaaral ang bawat pasikot sikot ng buong Venice.
"Ano natawagan niyo na ba mga kaibigan niyo?" Sabi ng isang dalagitang filipina habang nakatingin kay John na nakatitig lamang sa Ipad ni Selena habang naka earphones
"We're still waiting for them to answer because i think it's just 2 am there and I'm sure they're still sleeping while here is only 8 pm in the evening" paliwanag naman ni Jacob habang tina try pa ding tumawag kay mitch.
"You're right but they really can sleep with this kind of situation? You know, there's holocaust everywhere" maarteng sabi ng isang italyana na kasama ng unang nagtanong sa kanila?
"Philippines is one of the most secured places in world" sagot naman ni Jaymar sa babae
"But it doesn't change the fact that Philippines is a small country so its weak. Then why are you here?" nakataas na kilay na sabi ng italyana sa magkakaibigan.
"Yah, their friends are having fun in the Philippines, probably clubbing" maarteng dugtong ng isa nitong kasama.
Napataas naman ang kilay nila Erika at Cindy na halatang napipikon na sa sinasabi ng haliparot
"So you're saying that our friends is having fun in the philippines while us isn't?" Kalmado ngunit sarkastiko at nakataas na ang kilay ni Erika habang naka cross arms pa.
"If that's your understanding then yes." maarteng sagot ng babae sa kanila
"Watch your mouth lady, you don't know us or even our friends." sabi ni Nathan habang nakatingin ng seryoso sa babae
Tumawa ang babae "Huh?! Do you think I'm going to be scared by all of you?! We will all die here! " napapraning na tawa nito ngunit napatigil ito ng bigla siyang sampalin ni Cindy
PAK!
"Nathan said watch your mouth girl! You don't know us and the things we can do if we get out of here?! I'll swear! I'll remove that arrogant eyes of yours!" Nanggigigil na sabi ni Cindy habang tinititigan ng mariin ang babae at umupo sa sofa at nanahimik na
Tumawa si Ken at nagsalita "As they said you don't know us and If I say that you will not getting out of here and you're staying HERE ALONE with holocaust outside, then it will be so fun HAHAHAHA" Sabi ni Ken at sabay tawa habang nakikita ang paglaki ng mata ng babae sa aming lahat.
Habang nagsagutan kami ay nakatanga lamang si selena at ang unang babaeng nagtanong sa magkakaibigan at napa tindig ang kanilang mga balahibo sa mga pinagsasabi naming mag kakaibigan.
Hinatak ng unang babae ang maarteng nakipag sagutan sa magkakaibigan palabas ng kwarto at pumasok sa sarili nitong mga kwarto
Nang maihatak ng babae ang maarteng kaibigan ay mukhang nakahinga ng maluwag si selena ng mawala ang tensyon sa loob ng kuwarto
"Napasubo tuloy ako sa englishan nakaka haggard." sabi ni Cindy sabay harap sa salamin at nagsuklay
"Napaka arte nampuchek." sabi ni john habang humilata sa king size na kama sa loob ng kwarto
"Teka kanino ba kwarto to pinasok agad natin" sabi ni erika na kanina ay nananahimik lamang
"Kay Jacob" sabay sabay na sabi namin ni Lei at Jaymar.
"WHAT?! Bakit di niyo sinabi agad!" Sabi ni John ng napa bangon ito sa gulat.
"Di ka naman nagtanong eh kaya di ka namin sinagot" pamimilosopo ko sa kaniya habang nakangisi kay John
"Yuck! Inamoy ko pa naman yung unan niya baka may panis na laway! Atsaka aba't!! Namimilosopo ka na?!" Sabi ni John kay Nathan habang nanlalaki ang mga matang bumabangon sa kama.
"Obvious naman diba? Tungek!" Sabi bigla ni Erika sabay batok kay John na katabi lang niya abang tinuturo ang luggagge ni Jacob na nasa tabi lang ng kama.
"Aray! Ikaw! Kung di ka lang babae naano na kit--"
"Naano? Nahalikan? Omayghad as if! diba lalaki ang hanap mo." pang aalaska ni Erika kay John kaya nagpatawa sa lahat ng naroon
"Sabi ko sayo pre ako na lang." lapit ni Lei kay John sabay haplos sa braso nito na lalong nagpatawa sa lahat
"Yuck! Ewww!! Pre layo! Layo!! Jusko!" Lumalayong sabi ni John sabay tabi kay Jacob at Ken na naka upo na lang sa sahig habang tumatawa sa kanila.
"Jacob oh pinagkakaisahan nila ako" nakangusong sabi ni John at kunwaring pinikit pikit ang mata nito
"Bakit kita tutulungan? Sabi mo diba may laway ung unan ko kahit wala!? Di ko pa nga ginagamit yan!" Sabi ni Jacob sabay headlock kay John at dinamba ito ng kanyang katawan kaya nagkalat ang mga cellphone at papel sa sahig dahil sa dalawa
Tawa naman ng tawa kami nila Selena at di namalayanang oras ng biglang may narinig ang lahat na ring ng cellphone at agad nilang hinanap iyon ng biglanh magsalita si Ken at trinashtalk si John.
"Bobo mo kasi John!" Sabi ni Ken habang hinahanap ang cellphone na nag riring
"Sisihin mo si jacob bakit ako?! Aba! Ako yung nadamba!" Sabi ni John habang nakadapa sa ilalim ng kama
"Bakit?! Sinong nagsabi ng may laway yung unan ko?! Diba ikaw?" Sabi naman ni Jacob habang tumitingin sa ilalim ng mesa.
"Eto na! Tama na yan nag away pa kayo!" sabi ko naman habang hawak ang cellphone na itim.
Nag sitayuan silang lahat at nagtitigan ng masama si Jacob at John kaya di na naman nila napigilang tumawa ng malakas.
"Kanino ba yan?" Sabay sabay na sabi nila habang ang iba ay nagtataka ang mukha ng biglang nagsalita si Ken
"Akin yan, akin na baka si Yasmin or sa Nouva Era yan." sabi ni Ken habang kinukuha ang cellphone at tinitigan kung sino iyon
"Sino yan ken?"
"Boy sino?
"Sino Ken?"
Yan ang mga boses na maririnig sa loob ng kwarto kasama si Selena ng buksan ito ni Ken
"Si Yasmin..." Sabi ni Ken at pinakita ang kulay ng pangalan ni Yasmin sa phone nito
"Oh shit!" Sabi ni Jaymar sabay upo sa upuan na malapit sa kanya
Nanghihina na napaupo naman sila Cindy at Erika sa kama at napahawak sa mga ulo nito
Nagtataka naman si Selena kaya nagtanong ito kay Jaymar
"Anong meron? Akala ko ba may lakas ng loob na kayo na sabihin sa kanila?" Sabi naman ni Selena habang nagtataka sa umiilaw na phone call ni Yasmin
"You don't know it, in our circle of friends there's a color code for us to know kung anong kailangan nila" sagot ni Jaymar sa tanong nito habang pinapakita ang cellphone nito na may iba't ibang kulay ang call sign.
"And what is that color code?" Takang tanong ni Selena
"Orange for chismis"
"Pink kung mag aaya ng gagala"
"Yellow kung mangangamusta"
"Green kung vacation"
"Red kung urgent or emergency"
"At Black if they know that we'll have a secret that we don't tell to them" pagtatapos ni Ken sa mga kulay
"And it will blink so fast na akala mo may multong sumasapi sa phone kapag galit na yung tumatawag" sabi bigla ni Erika.
Napatingin si Selena sa cellphone at nagulantang siya sa kanyang nakitang kulay nito
"It's so high tech but you're all fucked up" sabi naman ni Selena habang nakatingin sa cellphone ni Ken
"It's made by our friend Mitch" sabi naman ni cindy.
"We're all fucked up" sabi naman ni Lei
"We need to ready the explanation that she will be needed" sabi ko naman habang nakasamplak sa sahig.
"Lalo na't siya na ang nag initiate ng tawag, mukhang alam na niya" lalong tumamlay ang lahat sa dinugtong ni cindy sa sinabi ko sa kanilang lahat.
"But first eat muna tayo malamig na ang pagkain" nakangiting sabi ni Selena
"Oh sure"
"Okay"
Yan lang ang maririnig sa kwartong kanina lang ay puno ng tawanan matamlay ang lahat habang kumakain at nagtataka kung paano nalaman ito ni yasmin lalo na't tuloy tuloy ang ring nito
"Sa tingin niyo alam na niya?" Sabi ni Cindy sa kanilang lahat.
"Maybe? we don't know" sabi naman ni Jaymar at Jacob
Habang tinatapos ang pagkain ay nag ring muli ang cellphone ni Ken at huminto ito pagkatapos ng ilang sandali at nag ring muli ito
"Ang dami niyang load ah" sabi naman ni John na tina-try na magbiro sa mga kasama.
"Oo nga eh" sabi naman ng inosenteng si Jacob.
"Mga kupal pare-parehas tayong mayayaman alangan naman may pambili siya ng mamahaling equipment for her experiments tapos pang load lang wala siya" sabi naman ni Ken habang binabatukan si John at Jacob na napa aray habang tumatawa ng slight sa kalokohan nilang dalawa kay Ken na naiistress na sa kalokohan nila.
Lumapit si selena sa cellphone at tinitigan ang kulay at ang pangalan ng taong tumatawag nito.
"Oh selena? Bakit? Nagbago ba ang kulay? An
o ng kulay?" Nakangiting sabi ni Jacob.
Napalingon si Selena sa kanila at hinarap ang cellphone na nagpagulantang sa lahat.
"It's black and it's blinking so fast!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AN:
PAKTAY kayooooo HAHAHAHAHAHAHAH
ENJOY READING :)