webnovel

Chapter 1: Pagsisimula ng aking kwento

Siguro lahat naman tayo nagmahal ng sobra kahit alam naman natin na dapat nagtitira tayo sa ating sarili. Ako nga pala si Khryss, hindi po kris ang bigkas diyan ah, kundi Christ ganyan po. Simple lang ang aking pamumuhay biglang dalaga na lumaki sa pamilyang hindi mayaman ngunit pinaka laki ako ng maayos ng mga kinikilala kong magulang. Mula noon pa naman hindi ko na nasilayan ang aking mga tunay na magulang dahil sila ay matagal nang patay sabi sakin nung mga taong kumupkop sakin sa bahay ampunan. Naging masaya naman ako sa bahay ampunan sapagkat marami akong kaibigan na maasahan lalo na sa assignment at projects. Isang araw may pumunta sa bahay ampunan na lalaki at kinausap ang mga nagbabantay sa bahay ampunan, bago lang siya dito at ngayon ko lang nakita, ano kayang gagawin niya(sa aking isip) hanggang sa kinausap niya lahat ng bata upang makapalagayang loob. Si Khryss ang sobrang nakakuha agad ng loob ng lalaki dahil siguro sa kanyang kakulitan at kadaldalan, mabilis niya nakukuha ang loob ng kahit na sino. Kaya lumipas ang mga araw ang lalaki pala ay magaampon, at ang kanyang napili ay si Khryss. Malungkot ang pamamaalam ni Khryss dahil sa ilang taong niyang pamamalagi sa bahay ampunan, ngunit dito na nagsisimula ang kanyang bagong buhay dahil sa taong umampon sa kanya.

Lumipas ang mga taon siya ay nagdadalaga na at nagkakaisip habang lumalaki siya ay nasa isip niya ang sinabi ng kanyang tatay-tatayan na "Maging pursigido ka sa buhay dahil gusto ko makatapos ng pagaaral at umiwas muna sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil ayoko maging miserable ang buhay mo habang bata ka pa". Isa siya sa mga estudyante na may mataas na grado sa kanilang klase kahit ang section niya ay nasa bandang walo na section sa kanilang paaralam. Grade 7 pa lang siya ay nakitaan na siya ng kakaibang galing sa akademikong aspeto, hindi nakakapagtaka na maraming humahanga sa kanya at isa na dun si Trey isang lalaki na magaling sa pagkanta at pagsayaw. Isa sa mga hinahangaan ng maraming kababaihan dahil sa kakaibang charisma na kanyang nadadala sa stage habang siya ay nagpeperform. Nagkataon sa isang araw na nagkatagpo ng landas si Khryss at Trey, sa hallway at biglang napatingin si Trey dahil sa nakakakit na mga mata ni Khryss, biglang nagsalita si Trey upang tanungin ang kanyang pangalan "Um, miss anong pangalan mo??" Hindi kumibo sa Khryss at nagmamadali upang pumasok sa kanyang klase. Sa isip ni trey "Kahit masungit yan, tingin ko naman mabuting tao to" Gagawa ako ng paraan upang makausap kami nito sa susunod na araw