webnovel

Chapter 5. “A Connection”

Chapter 5. "A Connection"

Laarni's POV

Hingal na hingal ako ng makarating sa gilid ng ilog. Naghahabol ng hininga habang nakatingin sa nakahandusay na lalaki sa harap ko. Lumapit ako dito at ginalaw-galaw siya. Niyuyog siya para magising.

"Gising Abrylle! Gising!"

Pero walang nangyayari sa pagsigaw ko at pag-yugyog dito. "Ano nang gagawin ko?" Natataranta na ako sa sitwasyon ko. Muling nabalik ang tingin ko dito. I check his nose if he still breathing. At halos tumalsik ang puso ko sa kaba nang walang hangin sa lumalabas sa ilong niya.

"Abrylle! Gising!" sigaw ko ulit at tsaka ko pina-pump ang dibdib nito. Ginagawa ko yung natutunan ko sa Red Cross noong nag-training kami roon last year. Pero hindi pa effective ang pag-pump ko sa kanya. Isa na lang ang dapat kong gawin.

Inayos ko ang leeg nito. At tinakpan ang ilong. Dahan-dahan kong inilapit ang bibig ko sa bibig niya. Nang malapit nang dumampi ang labi ko sa labi niya. Ipinikit ko ang mata ko. Nang ipikit ko ang mga mata ko. Biglang pumasok sa isip ko ang ginawang paghalik sa akin ni Lexter kanina. Napadilat ako at napalayo sa mukha ni Abrylle.

"Bwiset! Bakit ko naman naalala 'yon!?" pagmamaktol ko sa sarili ko. "Pero Arni, no choice ka na, you need to save his life!"

Nag-concentrate ako at nag-focus.

"1…2…" bilang ko, pagbilang three. Hahalikan ko siya at bibigyan ng hangin. "…3!"

Matapos ko siyang bigyan ng hangin. Muli ko siya ng pump sa dibdib niya.

"Gising Abrylle. Gising!"

Nabuhayan ako ng loob ng bigla siyang umubo at nang may lumabas na tubig mula sa bibig niya.

"Buhay ka na!" sigaw ko dito. Umuubo pa rin ito kaya naman tinulungan ko siya hinihipos ang likod niya. Pero nagulat ako sa ginawa nito.

"Hey! Stay away!" tinulak ako nito kaya naman napaupo ako sa likod nito. Nilingon naman ako nito. "Why'd you save me?" galit na tanong nito sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa takot sa pagkakasigaw niya sa akin. "Answer me!" nabigla ako sa sigaw nito.

"Kahit naman sinong tao at makikita ang ginawa mo. Ililigtas ka." Marahan kong sagot dito. Parang nanginginig pa ang boses ko dahil sa kaba at takot.

"Then I'm not asking for you help! Damn it!" napatulala na lamang ako at tumayo ito.

"Sandali!" pigil ko dito pero hindi ako nilingon nito. Napanguso na lamang ako. "Pagtapos ko iligtas nagalit pa. Hay nako." Napatingin ako sa hawak ko. Isang kwintas. "Ibabalik ko lang 'to eh."

Kinabukasan. Naging normal naman ang pagpasok ko sa gate. Nang makarinig ako ng hiyawan mula sa fountain pagpasok na pagpasok ko.

"Huh? Ano naman ang meron 'don?" tanong ko sa sarili ko.

"Mukha yatang ang Prince Abrylle nila." Nagulat ako sa biglang nagsalita sa gilid ko. At pagtingin ko si Leicy pala ito.

"Si Abrylle?" tanong ko. At tumango naman siya. Bumalik ang tingin ko sa kumpulan ng mga istudyante na naghihiyawan. Pero ang kanina ay kinikilig na hiyawan ay biglang napalitan ng sunod sunod na mura at mga galit na boses ng mga babae na parang naiirita.

"What the hell is this picture?"

"Ano 'to? Oh my gosh!"

"Ugh! Nakakainis naman!"

"Bakit niya hinahalikan si Prince Abrylle!"

Nabigla ako sa huli kong narinig. Napatingin ako sa katabi kong si Leicy.

"Ano bang meron 'don Leicy?" tanong ko kay Leicy.

"Ah, diyan kasi sa fountain na 'yan tuwing ganito kaaga nakatambay si Berna. Ang taga-nakaw ng mga picture ni Abrylle.

"Ano?" nagulat ako sa sinabi nito.

"Yup! Tapos binibenta 'yon ni Berna sa mga babaeng 'yan na patay na patay kay Abrylle. Ewan ko nga ba at kung bakit sila gumagastos para sa lang sa isang picture ng isang lalaki." Nagulat ako sa sinabi ni Leicy. "Tulad mo at ako, scholar din si Berna sa school na 'to. Pero mas matinik siya at pinagkakakitaan ang mga mayayaman na nag-aaral dito." Dagdag pa nito.

Natahimik ako sa mga narinig at nalaman ko mula kay Leicy. Napapaisip ako, ganoon pala talaga kasikat at kagwapo para sa mga kababaihan si Abrylle sa school na 'to. Ang weird naman. Napaka-weird na may ganito pala sa totoong buhay.

Minabuti ko nang pumasok sa room namin at nang hindi na ako ma-late tulad kahapon. Gumamit na rin ako ng elevator at kasabay ko si Leicy. Habang nasa elevator kami. Sige lang ang salita ni Leicy ng kung ano-ano. Habang ako, lumilipad ang isip. Nasa isip ko pa rin kasi ang mga nangyari kahapon. Yung pagligtas na ginawa k okay Abrylle. Pero ang mas hindi maalis sa isip ko ay ang pag-mouth-to-mouth ko dito.

Bumukas na ang elevator at lumabas na kami ni Leicy. Nang makita namin mula sa pintuan ng elevator ang kumpulan ng mga babae sa tapat ng room namin.

"Oh? Ano naman ang meron dito?" tanong ni Leicy.

"Ewan ko, ikaw ang magaling sa pagbibigay ng impormasyon di ba?" sabi ko rito. Napalingon naman 'to sa akin at may hitsura na nagtataka.

Eh ang chismosa yata nitong si Leicy kaya alam lahat. Ang nasabi ko na lang sa isip ko at nginitian na lang siya.

"Tara tignan natin!" niyaya ako nito kaya naman sumunod na lang ako.

Pagdating namin sa tapat ng room namin. Hindi pa man kami nakakalapit, narinig ko na ang mga sinasabi ng mga babae.

"Dito ba talaga ang room ng babaeng 'yon?"

"Oo, 'yon ang sabi ni Berna."

"Ang kapal niya, sasabunutan ko talaga siya!"

"Ang lakas ng loob niyang agawin sa atin si Prince Abrylle."

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Ano bang meron kay Abrylle? At sino ba ang babaeng hinahanap nila.

Huminto kami ni Leicy sa tapat ng room namin at hinahawi ang mga babaeng nakaharang sa pintuan. Ang dami nila. Ganito ba sila kabaliw sa lalaki? At maka-react eh daig pa ang asawa ko girlfriend?

"Sandali, para ikaw 'tong nasa picture." Napahinto ako nang ituro ako ng babae sa harap ko. Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"A-ako?" tanong ko sabay turo sa sarili ko. Tinignan naman nito ang hawak niyang litrato at muli akong tinignan.

"Oo, I'm sure! This is you!" sigaw nito sa akin sabay pakita sa harap ng mukha ko ng hawak niyang litrato.

At halos mahulog ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang litratong hawak niya. Paanong may ganitong litrato? Paano ito nakuhaan? Paano? Anong gagawin ko?!

"Ikaw nga 'to Arni! Oh my God!" sabi ni Leicy sa tabi ko.

"Hindi ako 'yan." Pagde-deny ko. "At tsaka uso na ngayon ang photoshop at edit, baka may nag-edit lang niyan" pagdadahilan ko.

"Weh? Hindi ikaw?" nagulat naman kami ni Leicy at ng babaeng nasa harap ko na nagpakita ng litrato. "Hindi nagsisinungaling ang mga lens ng camera ko, Miss." Mataray na sabi ng babaeng dumating. Marahil siya yung Berna.

"Bakit? Malay ko bang magaling ka ring mag-edit ng picture. At tsaka alam mo bang bawal yang ginagawa mo? Private life ng tao ang kinukunan mo, and you're selling it without their permission!"

"Wow! So? Are you going to file a case against me? Oh, I'm scared." Sarcastic na sabi nito. "Alam mo Miss, sa apat na taong pagtuntong ko sa school na 'to. Marami na akong na-encounter na tulad mo. Puro warning, puro sampa ng kaso, leche! The hell I care!" sigaw nito sa akin.

Hindi na ako umimik pa. At baka mas lumala pa ang gulo rito.

"So? Ikaw nga 'to?" tanong ulit ng babaeng nasa harap ko. Napa-buntong hininga ako. There is no worth of lying here.

"Yes? It's me." Sabi ko rito.

"Oh my gosh! Ang kapal ng mukha mo!" nagulat ako ng bigla akong sampalin nito. Ang sakit at parang naalog ang utak ko sa ginawang sampal nito.

Nakita ko pang nag-smirk si Berna sa nangyari. Tahimik naman si Leicy at parang natatakot sa nakita niya. Tinignan ko ng masama ang babaeng sumampal sa akin.

"Bakit mo ginawa 'yon?" mariin kong tanong dito.

"Let me return the question to you, bakit mo ginawa 'to?" sabi nito sabay pakita ulit ng litrato sa akin.

Ito yung picture kung saan mina-mouth-to-mouth ko si Abrylle. Nakakainis. Patay ako nito. At mukhang kalat na kalat ang litratong ito sa buong school.

"It was an accident" sabi ko dito.

"Accident? Wow! Girls! Siya 'yong babaeng nasa litrato!" sigaw nito at pagtawag sa mga babaeng nagkukumpulan sa tabi namin.

Nagsitinginan naman sa amin ang lahat ng babaeng nagkukumpulan kanina. And all them have this fire with their eyes. At kung nakakasunog lang ang mga tingin at inis nila. Malamang tostado na ako dito.

"Ikaw pala 'yon! Malandi ka!"

"Ang kapal ng mukha mong babae ka!"

"Nagpakita ka pa sa amin!"

Sunod-sunod ang mga paratang nilang lahat. Natulala na lang ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin. Si Leicy naman mukhang nanigas na sa tabi ko. Hindi ko rin siya maaasahan. Anong gagawin ko?

Biglang nag-ring na ang bell at lahat naman ng mga babaeng nasa palibot namin kanina ay isa isang nagsialisan na. Pero habang paalis sila. Kanya-kanya silang snob sa akin. Kung siguro ang kada-snob nila au kutsilyo? For sure, marami na akong saksak sa katawan. Napayuko na lang ako at napabuntong-hininga nang unti-unti ng nawala ang mga babae kanina sa palibot namin.

"Wow, save by the bell!" napaangat naman ang ulo ko nang marinig ko ang nagsalita. Narito pa pala ang isang 'to. Tinignan ko lang siya. Kung tutuusin, siya ang may kasalanan nito eh. Kung di niya nakuhaan 'yon. At ibinenta. Wala akong ganitong eksena ngayong umaga. Akala ko pa naman magiging maayos na ang lahat ngayong second day ko sa school. Pero naging malala pa yata. "Well, see you later." Pang-aasar nito at tsaka tumawa at tuluyan nang umalis.

Pumasok na rin kami ni Leicy sa loob ng room. At pagpasok namin. Nakalimutan kong ¾ ng classmates ko pala ay babae. At may world war 2 pa dito sa loob ng room. Ang mga titig nilang pumapatay sa presensya ko. Hay nako. Hindi ko na lang sila pinansin at patay-malisyang naupo sa seat ko.

Pagkaupo ko sa upuan ko. Napalingon ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo si Abrylle. Pero wala pang taong nakaupo rito. Marahil hindi siya papasok. Inayos ko na lamang ang mga gamit ko sa desk ko nang biglang may umupo sa upuan ni Abrylle. Agad akong napalingon dito. Pero hindi pala si Abrylle ang nakaupo.

"Ikaw pala." Sabi k okay Lexter. Napansin kong iba ang aura ng mukha nito. "May problema ba?" tanong ko rito. Napabuntong hininga naman ito at may kinuha sa bulsa ng polo niya at pinakita sa akin.

"What is the meaning of this?" he coldly asked. Hindi na ako nagulat 'don.

"Pati ba naman ikaw?" sabi ko dito at hindi na siya tinignan. Pinagpatuloy ko na lamang ang pag-aayos ng gamit ko.

"Di ba sabi ko naman sayo? Iwasan mo siya, alam mo ba ang maaaring mangyari sayo?"

"Oo, alam ko. At nangyari na kanina." Sagot ko rito.

"What?" hinarap ko 'to. "Shit! Anong nangyari sa pisngi mo?" nagulat naman ito.

"Malamang sinampal?" sarkastikong sagot ko rito.

"Sinong gumawa niya? Si Courtney ba?" tanong niya at tinigna ang puwesto ng upuan ni Courtney. Umiling lang ako. "Wala pa si Courtney ah? Hay nako balik nga sayo, binalaan na kasi kita eh. Tara sumama ka saken." Nagulat naman ako ng bigla ako nitong hawakan sa braso at hinila patayo sa upuan ko.

"Oy, san mo ko dadalhin? Magsisimula na ang klase!" sabi ko dito nang makalabas kami ng room.

"Edi sa clinic! Baga mamaga pa yang pisngi at magmukha kang siopao. Kainin pa kita." Natatawa nitong sabi.

"Baliw ka." Sagot ko dito. Nakasalubong namin ang first period teacher namin. Buti na lang at pumayag itong pumunta kami sa clinic.

Sa Clinic.

"Mr. Monteverde? Narito ka na naman? Bakit? Masakit na naman ba ang ulo mo? Mukha yatang 4 na beses sa isang linggo sumasakit yang ulo mo? Or you're just making excuses just to skip your class?!" sabi ng school nurse kay Lexter.

Mukha suki sa Clinic 'tong si Lexter ah. Hay nako. Bata pa ang school nurse. Mukha nasa early 20's pa lang siya.

"Kayo talaga Ms. Kagura, I came here coz I just wanna see you!" natatawang sabi ni Lexter.

"See you, my ass. Hay nako. Bumalik ka na sa klase mo! Baka isumbong pa kita sa guidance office."

"Hahaha. Oo na. Pero Ms. Kagura, ito kasi makulit kong kaibigan eh, nasampal ang pisngi niya. Baka pwede mo namang bigyan ng ice bag para di mamaga." Sabi ni Lexter sa school nurse na siya namang tumingin sa akin.

"Ano? Nasampal ka girl?" tumango ako sa sinabi nito. "Mukhang sa guidance office ka rin dapat dumiretso." Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Hay, grabe ka naman Ms. Kagura. Wala siyang kasalanan."

"Oh, look who's talking. Alam kong linya mo na 'yan Mr. Monterverde, yan ang linya ng mga napapasabak sa gulo."

"Hay, basta oh, gamutin mo muna siya. Babalik na ako sa klase ko." Tinulak ako ni Lexter at tuluyan ng umalis.

Tumawa naman ang school nurse. Napatingin ako rito at napansin niya akong nakatingin sa kanya.

"Ang cute ni Lexter mapikon 'no? Hahaha." Mukha may naaamoy ako ritong kakaiba. "Osya, ikukuha lang muna kita ng ice bag kuha lang ako ng yelo sa cafeteria. Mahiga ka muna diyan kung gusto mo."

"Ah sige po. Salamat." Naiwan naman akong mag-isa sa loob ng clinic paglabas ni Ms. Kagura. Inilibot ko tingin ang buong clinic. Ang tahimik. Nakaramdam tuloy ako ng antok.

Naglakad ako papunta sa isang higaan na may nakatabing na kurtina. Hinawakan ko ang kurtina at binuksan ito. Pagbukas ko. Nanglaki ang mata ko sa nakita ko. Si Abrylle. Natutulog.

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang natutulog. Para siyang anghel. Ngunit mapapansin mo sa mukha nito ang kalungkutan. Na kapag nakita mo ang mukha niyang natutulog para kang maiiyak o maaawa. Napaka-amo. Pero pinapakita nitong malamig siya sa mga tao.

Patuloy ko lang itong pinagmasdan. Mula noo hanggang sa baba. Pakiramdam ko, gumagaan ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko siya.

Nanglaki ang mata ko nang biglang dumilat ang mga mata nito. At nahuli akong nakatingin sa kanya. Nagbanggaan ang aming mga tingin. Nakatingin siya sa akin na tila may sinasabi.