webnovel

The Casanova’s Queen

Lucia Dela Rosa, isang pasaway at naging rebelde na anak dahil sa issue nila sa pamilya. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya. She is like a dangerous queen. Bukod doon ay isa rin siyang leader ng mga gangsters at kilala ito sa pagiging matinik at palaban. Samantalang sa kabilang banda, ay may isang binata na nag ngangalan na Evan Palermo. Kilala rin siya sa pagiging matinik at palaban...sa babae at kama nga lang. Anong mangyayari kapag ang dalawang ‘to ay nagka kilala at nagka inlove-an dahil sa isang pustahan? Will they find love and peace in each other?

Darlin_Reld · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
49 Chs

Chapter 37

Pagka hinto na pagka hinto ng taxi ay bumaba agad si Evan. Inabot ko kay Manong driver ang bayad at tumakbo ako papasok nang mansion nila para maabutan siya.

"Dad! I love him! Why can't you understand that?!"

"Sumasagot ka pa! Ikaw ang hindi maka intindi sa akin Bella! You already know that guy is dangerous! You're putting your life in danger!"

"I don't care if my life would be in danger! As long as I'm with him it's fine with me kahit pa mamatay ako!"

Napa takip ako ng bibig nang sampalin ng Dad niya si Bella.

"Dad!" Sigaw ni Evan. Lumapit siya kay Bertigo at yinakap niya ang kapatid niyang hindi na matigil sa pag iyak.

"Stop it Dad. You don't need to hurt her."

"May alam ka ba dito Evan?! May alam ka ba na sila pa rin ni Jayden at lihim silang nag kikita?!"

Evan didn't answer. Naka tayo lang ako dito sa may gilid at pinapanood sila. Ayaw kong umeksena dahil usapang pamilya nila ito.

"May alam ka ba, Evan?!" Galit na sigaw ulit ng Dad niya.

His dad is so kind. But I didn't know na iba pala ito kung magalit.

"No. I don't know about it. Kung alam ko, ako mismo ang mag hihiwalay sa kanilang dalawa." He lied.

"Starting from now Bella, no gadgets. After school sa bahay ang deretso mo. You're grounded. Nagkaka intindihan ba tayo?"

Hindi sumagot si Bella at nag walk out siya't umakyat sa taas.

"What happened Dad? How did you know about this?"

"You don't need to know kung paano ko nalaman, Evan. Kausapin at bantayan mo yang kapatid mo. Masyado na siyang nahuhumaling kay Jayden. You know I'm just protecting your sister dahil ayaw ko nang maulit ang nangyari noon sa tita mo. Good thing your mom is not here."

Umalis ang Dad niya at kami nalang ni Evan ang naiwan dito. Bigla naman akong kinabahan. Paano nalang kung malaman nila na gangster ako at kapatid ko si Luke na kamiyembro ni Jugjug? Aayawan din ba nila ako katulad nang pag ayaw ng Dad niya kay Jellyfish? I think yes. Hindi malayong tutulan din nila ang relasyon na meron kami ni Evan. Hindi ko yata matatanggap 'yun once na mangyari 'yun. I love him so much at hindi ako makakapayag na may tumutol sa aming dalawa.

Ibang usapan na kasi kung magulang ng taong mahal mo ang magiging kalaban mo.

"Let's go upstairs, baby."

Hinawakan ni Evan ang kamay ko at umakyat kami sa taas.

Huminto kami sa isang kwarto and I think it's Bulaga's room. He knocked on the door.

"Bella, this is your Kuya. Open the door. Now.'

Bumukas ang pinto at pumasok kaming dalawa. Betchin lays down on her bed and cries again.

"Ano bang nangyari? Paano nalaman ni Dad na kayo pa rin?"

"I have no idea kuya! Nagulat nalang ako na nandoon siya sa place kung saan nag de date kami ni Jayden."

"Hindi kaya nasundan kayo?" I asked her.

"No, Ate. Mine make sure ni Jayden na kada mag kikita kami ay walang nakasunod. In fact, nag dedate kami malayo sa lugar na 'to."

"Who knows na doon ang punta niyo? Baka may nag sumbong?"

"No one knows. Ako at si Jayden lang ang may alam. Even my best friend Crane doesn't know kung saan kami nag pupunta. I was shocked nang sumulpot nalang bigla si Dad doon at hinila ako. Kinaladkad niya ako papasok ng kotse. Jayden followed us until here at doon nag init lalo si Dad. He even beat him Kuya!"

"Where is Jayden now?"

"Pina alis ko siya."

"Bella, I lied a while ago hindi dahil iniwan kita sa ere. Because if will Dad know na alam kong kayo pa rin hindi ko na kayo matutulungan."

"I know kuya. I understand. At pabor ako sa pag sisinungaling mo dahil kung umamin ka na alam mo, dalawa tayong malalagot dito."

"Where's Mom by the way?"

"She's not here. Nandoon siya kina Kuya Kennedy."

"So what are we going to do now? You're not allowed to go somewhere. After school dito ang tuloy mo and you won't have any gadgets."

"Evan, I think it's better if you stay here with her. Para kung gusto niya man makausap si Jejemon ay matutulungan mo siya."

"Baby, can you help us?" Hinawakan ni Evan ang kamay ko.

"Of course. What help do you want?"

"I'll steal Dad's phone at ibibigay ko sa'yo. Malakas ang kutob ko na doon natin malalaman kung sino man ang nag sumbong sakaniya. Pakiramdam ko may sumbungero na kupal talaga ang nag sabi e."

Ibinaling ko ang titig ko kay Bravo at umiiyak lang siya habang naka tingin sa amin. Hindi ko rin naman maisip kung sino ba pwede mag sumbong sakanila.

"Sure. Kunin mo na ang cellphone niya at papupuntahin ko na si Luke dito after you get it. I'll give to him your Dad's phone."

"Bella, don't tell Mom na nag away kayo ni Dad. I know Dad won't tell it to Mom."

"Yes, I won't. I don't want Mom to remember their past."

"Past?" Anong past ang sinasabi nila? Narinig ko rin kanina sa Dad niya na ayaw niyang maulit ang past ng tita niya. Omo.

"I'll tell it to you baby soon. For now kukuha muna ako ng tsempo para makuha ang phone niya. Wait me here."

Lumabas si Evan nang kwarto at dalawa nalang kami ni Bibi ang naiwan dito.

"Stop crying, Barbara. Everything will be fine."

"I just can't stop crying. Yesterday I had examination kaya hindi kami natuloy. So, supposedly ngayon namin icicelebrate ang anniversary namin but it turned out to be a bad day."

"Wala ka ba talagang ideya kung paano nalaman ng Dad mo?"

"Wala talaga. Gulat na gulat talaga ako kanina. And I didn't expect that Dad would beat him."

Niyakap ko naman siya dahil hindi talaga ma tigil ang luha niya. She's just 17 years old and I think this is too much to handle for her. Pag ibig nga naman oh. Walang pinipiling edad.

"Kaya ikaw Ate, don't tell them kung ano ka ba talaga. Specially your brother has the same group with Jayden. I think me and kuya love to get involve with people like you."

Humiwalay ako sa yakap niya at hinawakan ko siya sa mag kabilang braso.

"Sapalagay mo kapag nalaman nila tututulan din nila kami?"

"Yes. I'm 100% sure of that. That's why be careful."

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Evan na hingal na hingal. Inilocked niya ang pinto ng kwarto bago lumapit sa amin.

"O anyare? May humabol ba sa'yo?"

"Call Luke now. Here. I got it. I saw a message here at hindi naka saved ang number."

"Anong sabi?"

Inabot ni Evan ang cellphone sa amin ni Bruce at binasa namin ng kapatid niya ang messages sa cellphone ng Dad niya.

+639617382837

I saw your daughter with a boy. Guess who's the boy?

Wanna know the location? It's in San Gabriel. Two towns away from this City.

Go to Rustica's Restaurant. They are enjoying eating. They're so sweet.

"Fuck. It's too obvious that this guy was following you."

"Yan din ang naisip ko. Maybe Jayden didn't notice that someone was following you."

Kinuha ko ang cellphone ko sa may bulsa at dinial ko ang number ni Luke. Nakaka ilang ring palang ito at mabilis niya nang sinagot ang tawag.

"Lucia."

"Come here now. Fetch me. I need your help too."

"Okay. I'll be there in 10 minutes."

I ended the call.

"Baba na ako Evan. Hintayin ko nalang si Luke sa baba. And you, stop crying. Okay? I'll help you with this."

"Thanks, Ate. Ingat ka."

Tinurn off ko ang cellphone ng Dad niya at tinago ko ang cellphone sa may sling bag ko. Lumabas na kami ni Evan nang kwarto. Bumaba kami nang hagdan at lumabas sa may gate nila.

Umupo muna ako sa may tabi ng daan habang hinihintay si Luke. I'm so tired from our trip tapos may ganitong ganap na agad.

"Evan."

"Hmm?" Tumabi siya sa akin at isinandal niya ang ulo niya sa may balikat ko.

"Paano kapag nalaman ng parents mo? Nang Dad mo ang tungkol sa akin? Gagawin din ba nila 'yun sa atin?"

Kinakabahan ako sa maaring magiging reaksyon nila. They like me for their son. They are treating me as their own. But will it be the same once they know the real me?

"Probably yes. But baby, you'll get out of that world right?"

"Evan, you know already my decision about it."

"Hindi ako titigil umasa, Lucia. Someday. I know someday you will. Kahit hindi pa ngayon. Two years from now, five years from now. Kahit kailan pa 'yan. I'm willing to wait. Hinding hindi ako mag sasawang mag hintay na umalis ka sa mundong 'yun."

I know he's just thinking about my safety. He's worried because he loves me. At sino naman kasing gugustuhing mapa bilang ang mahal mo sa ganoong klaseng mundo? It's dangerous. Really dangerous.

"Hindi ganoon kadaling gawin 'yun, Evan. Parte na ng buhay ko ang mundong 'yun."

"But I'm your life now. I know you'll do it for me. For us. Paano nalang kapag nagka pamilya tayo? Do you still want to engage yourself with that kind of world while our kids are growing? It will be dangerous for them, baby. It will be dangerous for our family."

His words touch my heart. God! Ni minsan hindi ko naisip ang part na 'yan. I haven't thought about that situation. Having a family habang kabilang ako sa underworld? Napa isip naman ako sa sinabi niya. He's actually right. Ayaw ko rin namang ipamulat sa mga magiging anak ko ang ganoong klaseng mundo. Pero kasi. Hays! Ang hirap i explain.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ito.

"Kahit huwag mo nang gawin 'yun para sa akin, Lucia. Kahit para sa mga magiging anak nalang natin. Kahit sila nalang ang isipin mo. Kahit huwag na ako."

"I'm really sorry, Evan." I gave him a smack on his lips. "I'm really sorry if I got involved with this kind of life."

"Don't be so sorry, baby. I understand. Just think of it, okay? I know you know what's better. For you. For us. And for our future."

Huminto ang isang sasakyan sa tapat namin and I know it's Luke. It's his favorite yellow sports car. Tumayo kami ni Evan mula sa pagkaka upo at lumabas naman ng kotse niya si Luke.

"Did I keep you waiting?"

"Ah, no. It's fine."

"So what happened? Where's Jayden?"

"Umalis na. Nahuli sila ng Dad ko. Lucia will just explain to you everything."

"Let's go now Lucia."

Lumapit ako kay Evan at niyakap siya.

"Una na kami."

"Mag iingat kayo." Hinalikan niya ako sa may labi. "Luke, bring my girl home safe."

"I know that already."

"Huwag mong aagawin 'yan sa akin. Doon ka na kay Lancie."

"Fuck you."

"I trust you. You won't steal."

Natawa nalang ako sakanila. My poor boyfriend. Until now hindi pa rin alam na kapatid ko si Luke.

"Bye! Text text nalang."

"Sige na. I love you."

"I love you too."

Pumasok na kami ng kotse at ini start na ni Luke ang makina. He started driving at naiwan na nakatayo doon si Evan.

"Paano nalaman ng Dad nila na nag kikita si Bella at Jayden, Lucia?"

"Someone messaged his Dad. It's an unknown number. Here's his phone. Let's track this fucking sumbungero na walang magawa sa buhay."

"Did you steal his phone? You're a snatcher."

"Abnormal."

Naka dating kami sa bahay namin at ipinasok niya ang kotse niya. I planned na next week na pumunta dito but I changed my mind. Tutal namili na rin naman kami ng mga pasalubong so I think it's better to give it now.

"After we talked to Papa, i track  na natin 'yan."

Inihinto niya ang kotse niya sa may parking lot. Kinuha ko ang mga pasalubong na pinamili namin sa likod at lumabas ng sasakyan.

"Lucia? Baby!" Napa tingin ako sa may likuran ko and I saw Mom standing there.

Tumakbo siya papalapit sa akin at yinakap ako nang mahigpit.

"I missed you so much!"

"I miss you too, Ma. Nandiyan ba si Papa?"

"Yes. He's inside. Hi Luke! How are you?"

Lumapit si Luke kay Mama at niyakap niya rin ito. They have a good relationship and Mom accepted him like his own.

"I'm fine po, Tita. You still look pretty."

"Nambola ka nanamang bata ka. Come on! Let's go inside. I'm sure your dad will be happy to see the both of you here."

"Binilhan namin kayo ng pasalubong. Papabayad ko lahat nang 'to kay Papa. Ano siya chix? Hindi libre 'to."

"Abnormal ka talaga, anak."

Naka akay sa magka bilang braso namin si Mama habang papasok sa loob. She's smiling widely. Hindi naman siya masaya ano?

"Luis! Lumabas ka diyan! Look who's with me right now!"

"Ma para kang palengkera."

Nang makapasok kami sa may living room ay nakita ko si Papa na nasa may hagdan.

"Ang ingay mo naman Teresa! Sino ba yang kasama mo?"

Nang makapasok na kami ng tuluyan ay nakita na namin si Papa na may hawak hawak pang wine glass. Wow. Feeling niya talaga oh.

"Lucia?! Luke?! Kayo ba 'yan?"

"Hindi. Estatwa lang kami Pa." Birong sagot ni Luke.

Tumakbo pababa si Papa at sinalubong niya kami ng yakap.

"What the hell, Pa? I can't breathe!"

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ko ini expect 'to!"

"Are you crying, Luis?"

"Stop it, Pa. Para tayong tanga na apat dito." Sabi ni Luke.

Humiwalay naman siya sa pagkaka yakap sa amin and his eyes are red. He's really crying. Napa irap ako.

"Oh. Pasalubong mo. Bayaran mo 'yan. Hindi 'yan libre."

Inabot ko sakaniya ang mga pinamili ko at tinanggap niya 'yun.

"Sa akin ba talaga 'to?"

"Ay hindi. Sa akin 'yan."

"Salamat. Naiiyak ako."

"Umiiyak ka na Luis. Umupo nga tayo."

Umupo kami sa may sofa at katabi ko si Luke. Inabot na rin ni Luke ang pasalubong niya kay Mama.

"Thanks, Luke. Hindi mo talaga ako nakakalimutan."

"Of course, Tita. You're my Mom too."

"Saan pala kayo galing? Bakit hindi niyo kami sinama? Kamusta na kayo? Miss niyo ba ako kaya nag punta kayo dito?"

"Ang dami mo namang tanong."

Binatukan ako ni Luke kaya tinignan ko siya nang masama. Bastos.

"We went to a camping trip, Pa. WITH HIS BOYFRIEND."

"Ano?! May boyfriend ka na Lucia?!" Gulat na tanong ni Mama.

"Oo Ma."

"Do you know about this Luis?! Sinong boyfriend niya?"

"I just met him once. Nagulat nga ako. Hindi ko nga alam na may boyfriend na pala 'to. At nagka taon pa na new found friend ko ang magulang ng boyfriend niya. Kailan naging kayo nun? Aba't mantakin mong alam na ng mga magulang ng lalaki na may relasyon sila, samantalang ako wala akong alam!"

"Who's the lucky guy?"

"Evan Palermo, tita."

"Ikaw tinatanong Luke?"

Inirapan ako ni Luke.

"I'll go in the kitchen. Dito na kayo mag dinner at mag stay."

"Yes, Tita. Actually we'll stay here for 5 days. Right Lucia?"

Napa kunot ang noo ko sa sinabi niya pero tinignan niya ako nang masama. Naka abang naman si Mama at Papa sa sagot ko. Pareho silang mga naka ngiti kaya wala na akong choice.

"Oo."

"Yes!" Sigaw ni Papa na akala mo ay nanalo sa lotto. Matandang 'to. Kala mo naman e.

"Tita, let's go in the kitchen. I'll help you cook our dinner."

"Oh sure. I miss your foods. Mag bake rin tayo ng cake. I have ingredients there. Buti nalang nag grocery kami ng Papa mo yesterday."

Tumayo silang dalawa at naiwan kami ni Papa dito sa may living room. He's just staring at me at tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh bakit ganiyan ka maka tingin?" Masungit na tanong ko.

"Anak."

"Oh?"

"Maybe this is the good time to talk about the past. I want to say sorry. I'm so sorry sa lahat nang nagawa ko sa iyo noon. For hiding you the truth. Ang gusto lang kasi namin noon ay unti unti naming sabihin sa iyo."

"You know why I became like this Pa? Because you made me feel that I'm nothing compare to Luke. You always see him. All of his achievements, all of the good things na na accomplished niya. Samantalang ako? I tried my best, Pa. I gave all my best but what did I receive from you? I got nothing."

Hinawakan niya ang kamay ko at lumuhod siya sa may harapan ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Stand up. You don't need to do that." It breaks my heart seeing him like this in front of me.

"No, Lucia. I know I hurt you a lot. I want you to become the best but I didn't know na mali na pala ang ginagawa ko. I wasn't aware that I was already hurting you. I'm your father pero ako pa mismo ang nanakit sa'yo. I'm so sorry, anak. I'm so sorry."

He hugs me and it made my tears to fall. Hindi ko na napigilang maiyak dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako hindi dahil na aalala ko ang nakaraan. Nasasaktan ako dahil sa mga sinasabi ni Papa sa akin. He was hurt too.

"When I told you na wala kang kwenta, that wasn't true. Nasabi ko lang 'yun dahil sa galit. Nasaktuhan na may nangyari sa kumpanya noon at gumawa ka pa ng bagay na ikakagalit ko kaya nakapag salita ako ng ganon, anak. Always remember that you are our precious gem. We're  so sorry kung palagi nalang si Luke ang pinupuri namin. I missed your brother so much. Nanabik ako sa kuya mo dahil matagal kaming hindi nagka sama. The day you went out of our home, your Mom and I started to talk. We decided to fix our marriage. So that kapag umuwi ka maayos na ang lahat. Yung hindi mo na iisipin pang umalis ulit sa poder namin. We love you anak. We love you so much. Your mom loves you, I love you at pati si Luke. Alam kong mahal na mahal ka ng kapatid mo. We always got your back anak. Patawarin mo ako. Patawarin mo kami."

"I'm so sorry too. I'm so sorry if I became like this. I'm so sorry if I caused too much trouble. I'm so sorry for being the ungrateful child."

"No, no Lucia. Don't say that. Don't say sorry dahil naiintindihan ko kung bakit mo nagawa ang mga 'yun."

Hinarap niya ako at pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. He kissed my forehead.

"I love you, anak. I love you so much."

"I love you too, Pa. Pero sinong mas mahal mo sa amin ni Luke? Ako o siya?"

"Hoy Lucia! Huwag ka ngang mag tanong nang ganiyan!"

Sigaw ni Luke at napatingin ako sakniya. Mom and him are hiding. Kanina pa ba sila diyan? I saw Mom's eyes and she's crying too.

Tumakbo siya papalapit sa akin at yinakap ako.

"Lucia, sorry. Sorry for all the pain."

"Ma, stop it. Let's just forget it. Okay? Ang mahalaga ngayon ay maayos na ang pamilya natin. You, Papa, Me and Luke."

"We love you, Lucia." Sabay na sabay nilang sinabi sa akin at yinakap nila akong tatlo.

Hindi ko na napigilang maiyak because this is too much. I may be hurt before pero kung ganito naman kami magiging kasaya ngayon, I can say that all of the pain are worth it.

"Lucia, bring your boyfriend tomorrow. I want to meet him."

"Alam mo ba Pa, hindi alam ng boyfriend niya na kapatid ako ni Lucia."

"Ano? What do you mean?"

"Akala niya ex niya ako. Kasi iniiyakan daw ako ni Lucia noon e. And until now she's not telling him na mag kapatid kami."

"Ano ba naman 'yan anak! She's your boyfriend at dapat wala kang itinatago sakaniya."

"Kung ganon may naisip ako. I want to know how much he loves my daughter."

"Ano 'yun Luis?"

Tumawa lang si Papa at nag apir sila ni Luke. Mga abnormal.

After we ate dinner ay dumiretso na ako sa kwarto ko. May pasok pa kami bukas and I need to rest.

I talked to Luke and we need to track the person who messaged Evan's father. I'm actually waiting for him now in my room dahil kinuha niya pa ang laptop niya sa kanila.

Matawagan nalang nga ang bebe ko kaysa mag tanga dito. I grabbed my phone and dialled Evan's number.

Ilang sandali lang naman ay sinagot niya ito.

"Hi baby." Umayos ako ng higa sa kama ko.

His voice sounds like he's tired.

"Antok ka na?"

"A little. But it's fine dahil kausap naman kita."

"Yiiee. Kilig ako. Anyway, Dad and I talked. We're okay now."

"Really? That's good to hear then. Bella and Dad are still not talking though."

"Kupal talaga ang panira ng relasyon nila."

"I'm gotta punch his face once I know kung sino siya."

"Tapang naman. I miss you."

"I miss you more. I miss you shouting my name habang tumitirik ang mata mo." He playfully laugh.

"Ang bastos mo letse ka. Anyway, tomorrow after class you need to come here. Dad wants to meet you and my Mom. Pati na ang kuya ko." 

"Putangina." Mahinang mura niya. "Kinakabahan ako. Seryoso ka ba? Bukas na agad?"

"Yes. I'm serious."

"Fuck. Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?  Is your brother kind?Baka suntukin ako."

He knows that I have a brother but until now he doesn't know who it is. I remember noong pinag tripan kami ni Lancie. Idinahilan ko na tumatawag ang kuya ko para takasan siya kaso sinira ni Lancie ang plano.

"My brother is kind I think? And you met my father once."

Iniisip ko na ngayon palang kung anong magiging reaksyon niya once he knows na Luke is my brother.

"Why are you laughing?"

"Nothing. I'm just happy that you'll meet my family tomorrow."

"I hope they will like me. What should I buy for them?"

"Well, my father loves wines while my mom loves cakes. And my brother? He loves cooking. Bilhan mo siya ng oven."

My door suddenly opened at pumasok si Luke.

"Sino kausap mo?" He asked at umupo siya sa may kama ko.

"My boyfriend." I said.

"Who's that baby?"

"It's my brother, Evan."

"Okay baby. I'm gotta end this call baka kausapin niya pa ako. I'm not prepared. Bye! I love you!"

He ended the call. Luh? Napa tingin ako sa phone ko at pinatayan niya nga ako. Hayup!

"Where's the phone?" Luke asked. He opened his laptop and turned it on. Inabot ko sakaniya ang cellphone ng Dad ni Evan.

May ginawa siyang kung ano ano na hindi ko naman maintindihan. I'm just watching him. May kung ano ano siyang tinype sa laptop at may mga lumabas na letters and symbols including numbers.

He dialled the number na nag text sa Dad ni Evan at nakita kong nag connecting ito sa may laptop. May parang mapa ang lumabas doon.

"It's ringing."

Napa upo ako ng maayos. After three rings ay may sumagot ng tawag.

I looked at the laptop at nag loloading ang location ng caller. Shit ito na!

"Do you think you can locate me?" Tanong agad nang kabilang linya. Lalaki ang boses ng nag text! Oh my god! Who the fuck is he?

I looked at the laptop again at may lumabas na Error to locate. So he knows?!

"Stop locating me. You can't find me."

Kinilabutan ako sa boses ng lalaki dahil para siyang dimunyu kung mag salita. Tumatawa tawa pa ito. Wala namang nakakatawa. Walang nag sasalita sa amin ni Luke.

"I wonder who wants to know my location. Hmm?"

Sumenyas ako kay Luke na patayin niya na ang tawag. Baka malaman niya kung nasaan kami at pati parents namin ay madamay.

"Luke. End the fucking call." Bulong ko sakaniya pero hindi niya ako pinakinggan.

"Forest Park Village? What an expensive subdivision."

Kinurot ko na si Luke sa tagiliran pero hindi niya 'yun ininda at naka tingin lang siya sa may laptop. I looked at the laptop at ganon pa rin naman ang nandoon. It's still fucking ERROR!

"12th street. What about the exact house number?"

"Fuck you. Go to hell." Sagot ni Luke sa kabilang linya at pinatay ang tawag.

"What the fuck Luke?! Anong ginawa mo? Paano nalang kung mahanap tayo nang gago na 'yun dito!?"

"Don't worry, Lucia. Malaki ang subdivision na ito at mali pa ang street niya. If he thinks na maiisahan niya tayo nagkaka mali siya."

"What do you mean?"

Pumasok naman sa kwarto ko si D at may dala dala rin siyang laptop.

"What are you doing here?!" Gulat na tanong ko sakaniya.

"Did you get his fucking location?"

"Yes. I got it."

"Wait. Wala akong maintindihan."

"Huwag mo nang intindihin, Lucia. Your brother is a genius."

"Edi wow."

"Where's his location?"

"It's strange. He's under the bridge when you called him."

"Which bridge? Papuntahin mo na mga ka member mo roon. Can you track his location now kahit hindi na natin siya tawagan?"

"Sad to say no. He is using a different phone. If it's a normal phone I can track his location kahit hindi na natin siya tawagan at kahit saan man siya mag punta. This guy is a genius too. And I think he's strange."

Napapa isip tuloy ako kung sino siya. And what's his motive to do this?

"Queen, hindi sa nang hihimasok but I think you need to talk to Bella tomorrow. Baka may kung sinong babae o lalaki ang gustong sumira rin ng relasyon nila. And I think it's better if they'll stop seeing each other habang hindi natin nalalaman kung sino 'yun."

"Yes. You got a point. I think that's good too."

"No. They must see each more often. And for me they should live together too."

"E galit na galit nga ang tatay niya tapos pag sasamahin mo? Baliw ka ba?"

"Jayden talked to me a while ago. Bella is pregnant."

What the hell?

"Ano?! Nag bibiro ka ba!?"

"I wish joke lang ang lahat."

"Seventeen palang siya bakit siya nagpa buntis?!"

"E anong magagawa mo? Nabuntis na ni Jayden."

"The fuck. Paano na 'yan?! Does Evan know about this?"

"No. He doesn't know yet. Hindi pa sinasabi ni Bella kahit kanino because she's scared. So I think it's better if you talk to her. Lalo na't ganito ang sitwasyon nila ngayon. It's bad for her baby."

Nasapo ko ang noo ko dahil sa nalaman kong 'to. Hindi pa nga tapos ang isang problema nila tapos may bagong issue nanaman? Jusko! At ang matindi pa e buntis siya! Susmaryosep! Akala ko pa naman hindi katulad ni Barbecue ang kuya niya. Potek. Walang duda. Mag kuya nga sila! Palermo nga sila!