Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang apat na lalaki. These are mutants like Bangs. Pero hindi katulad ng mga pasyente rito, nakakapag-isip ang mga ito ng maayos. Muli siyang napalingon sa isa sa apat na lalaki na simula kanina ay walang salitang lumabas sa bibig nito.
Tumingin din ito sa kaniya at malumanay na ngumiti. Agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Okay guys, focus on the plan," ani Jacoben na diretso ang tingin sa harapan.
"Sir Jacoben, ano na ang susunod nating gagawin?" tanong niya rito.
"Just follow me. As soon as this door opens, tatakbo tayo palabas ng parking lot. Doon tayo dadaan sa South Exit. May mga sasakyang naghihintay sa atin doon."
Tumango siya. "Okay."
Napalunok siya nang tumunog na ang elevator. Hudyat na nakarating na sila sa palapag na pupuntahan nila. Kumuyom ang mga kamao niya at huminga ng malalim. Pagkabukas ng elevator ay tumambad sa kanila ang mga taong nagtatakbuhan papuntang main lobby kung saan tinitipon ng mga NSF ang mga empleyado ng MNA.
"Shit! Tara na!" anang lalaking may pulang buhok tapos ay sabay-sabay silang tumakbo palabas at papunta sa isang exit.
Binagalan nila ang pagtakbo nang lumiko sila sa isang pasilyo. May ilan silang nadaanan na mga nakahandusay na NSF sa sahig. Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan ang mga ito.
"Don't worry. Natutulog lang ang mga 'yan," sabi ng lalaking may pulang buhok habang sinasabayan nito ang bagal niya sa pagtakbo. "Rio nga pala," nakangiti pa nitong dugtong na tila nagniningning ang mga mata sa kaniya.
Muntik na itong madapa nang banggain ito ni Leo na binilisan ang takbo at umuna sa kanila. Umiling ito tapos ay tumingin ulit sa kaniya.
"Pasensya ka na. May issue kasi 'yon sa mga chicks na kagaya mo."
Bahagyang umawang ang labi niya. Sasakyan ba niya ang kawirdohan nito? Gusto niya itong ngitian ngunit mas nagmukha siyang ngumiwi kaysa ngumiti. Nginisian lamang siya nito.
"There!"
They just exited the building. Napalingon siya sa direksyon na tinuro ni Jacoben. May dalawang itim na kotse ang naghihintay sa kanila sa parking lot. Tumakbo sila palapit dito tapos ay may isang lalaki ang bumaba sa isa sa mga sasakyan at sinalubong sila. It is the myterious security guard. Mariin siyang napatitig sa nakangiting mukha nito habang tinatago ang pagkagulat.
"Dan, where is he?" tanong ni Jacoben na kunot ang noo rito.
"Nasa likod. Natutulog," sagot ng mama na tumuro sa sasakyan na nasa kanan.
Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang sumenyas ng tingin si Jacoben sa sasakyan para lapitan niya ito. Nanakbo siya at agad na binuksan ang pinto ng kotse.
Ilang butil ng luha ang kumawala sa mga mata niya nang makita kung sino ang naroon. Kagat-labi siyang lumingon kay Jacoben.
"Nandito si Bangs," lumuluha niyang sabi.
Mahimbing na natutulog ang binata habang nakapaupo at nakasandal sa kabilang pinto ng kotse. Hindi niya maipaliwanag ang sari-saring emosyon na nararamdaman niya. Fear, excitement, doubt, joy and all other emotions she can not name. Sa wakas magkakasama na sila.
"Excuse me! Sasakay na ba kayo o gusto n'yong magreunion muna tayo?" singit ng mataray na babae na sumilip sa bintana mula sa driver's seat.
Umawang ang labi niya rito sa gulat. "Mrs. Dapit?!"
"There! Shoot them!" sigaw ng mga humahabol na Nobles Special Forces sa kanila.
Pinaulanan sila ng mga ito ng bala. Sabay-sabay silang yumuko at natatarantang nagsipagsakay sa dalawang sasakyan. Jacoben and the four mutants were in the same car while she is with Dan, Kali and Bangs.
"Stay down!" sigaw ni Kali.
Nakaupo siya sa likurang bahagi ng kotse katabi si Bangs habang nasa unahan si Dan at nasa manubela naman si Kali. Pinahiga niya si Bangs at pinatong ang ulo nito sa hita niya tapos ay yumuko siya at yumukap rito. Mariin niyang pinikit ang mga mata at mahigpit na yumakap kay Bangs. Nagdarasal na sana ay hindi sila matamaan ng bala.
"Huwag kayong mag-alala. Bullet-proof ang sasakyan na ito at yung kila Jacoben," saad ni Dan na bumawas ng pag-aalala niya.
Pinaharurot nila ang sasakyan palabas ng parking area. Ang sasakyan nila Jacoben ang nauuna habang nakabuntot lang sila rito. Pero ilang segundo lang ay may humahabol na ring itim na van at truck sa likuran nila.
"Shit! They're catching up!" usal ni Mrs. Dapit.
"Kali! Do you copy?!" narinig niyang tawag ni Jacoben mula sa radyo ng sasakyan.
"Yes! I'm here!" sagot ni Kali. "They are catching up Jacoben! We have to do something!"
"Yes! I can see them. We have guns and explosives here. We can use this to slow them down but you have to overtake us. We can't risk blowing you up too. Umuna kayo sa amin!"
"No! The road's not wide enough. And I know you only have 2 grenades there. Even if you hit them, they'll ask for air support and this car won't beat their helicopter!"
"We have no other choice!"
"Actually, we do. Let's split up!"
"What?! Are you sure?!"
"Yes! Hindi nila alam kung aling kotse ang sinasakyan ni Lanz. They have no choice but to split. Once they are separated, then we counter attack!"
Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Jacoben.
"Okay. I trust the judgment of an ex-military. We'll split at the next crossing."
"Okay."
"Take care guys! We'll meet up with you soon!"
"Here we go! Hold on tight!" sigaw ni Kali bago ang kanilang biglaang pagliko sa kaliwa habang ang sasakyan nila Jacoben ay tumungo sa kabilang direksyon.
Inangat ni Lesley ang kaniyang ulo para tignan kung may humahabol pa sa kanila.
"Tama ka. Naghiwalay din sila," ani Dan na nakalingon din sa kanilang likuran. "Yung van yung sumunod sa'tin. Sa tingin ko kaya ko sila."
"Good," sagot ni Kali. "Go ahead. They're all yours."
Umangat ang dulong labi ni Dan bago binuksan ang pinto ng kotse habang matulin pa rin ang takbo nila.
"A-ano pong binabalak n'yong gawin?!" tanong niya.
Nanlalaki ang mga mata niya rito dahil tila plano nitong lumundag ng kotse habang umaandar sila ng mabilis.
Ngumiti lamang ito sa kaniya. Napasinghap siya nang tinuloy na nito ang binabalak. Sinundan niya ito ng tingin at kitang kita niya kung paano itong nagkorteng bola na nagpagulong-gulong hanggang sa bumangga ito sa van na humahabol sa kanila.
Umawang ang labi niya sa pagkamangha nang magpaikot-ikot sa ere ang sasakyan ng kalaban nila. Kasabay ng pagbagsak nito sa lupa ay ang pagsiklab nito sa apoy.
Itinigil ni Kali ang sasakyan upang hintayin si Dan na tumatakbo pabalik sa kanila.
"Good job," ani Mrs. Dapit nang makasakay na ito.
"Maliit na bagay," sagot ni Dan.
Siya naman ay hindi maitago ang pagkamangha rito. Hindi siya nakapagsalita at natulala lang sa mukha nito.
Matamis siya nitong nginitian. "Marami ka pang makikita kaya ngayon pa lang masanay ka na," anitong tila naaliw sa reaksyon niya.
"Ang lakas n'yo po," tanging nasabi niya.
Ngumisi ito. "Wala iyon," sagot nito.
"He can be hard as a rock. That's his mutation," singit ni Kali tapos ay pinaandar na nitong muli ang sasakyan.
Pero bago pa man sila tuluyang makampante, nakarinig sila ng tunog ng helicopter. Nagtinginan silang tatlo na tila nababasa ang isip ng isa't-isa.
"Fuck!" usal ni Kali na tumingin na ulit sa harapan.
Lumingon siya paligid. There must be a way to lose that helicopter. She has to think, or else, all their efforts will be wasted and they will be back in MNA.
"Alam ko na!" she said when an idea pop up in her mind. Tumuro siya sa kagubatan sa gilid ng daan. "Pwede nating gamitin ang mga puno para mabawasan ang visibility nila sa'tin!" suhestyon niya.
Tumango si Dan. "Bakit hindi natin subukan? Baka gumana," suporta nito.
"I have another idea," sagot ni Kali. "I'm going to drop you off in the forest while I play as bait."
Parehong kunot ang noo nila ni Dan na nagkatinginan tapos ay sa mukha na ulit ni Mrs. Dapit. "Iiwan n'yo kami?! Hindi ba mas delikado 'yon?!"
"I know! But you're plan is not gonna work! The trees won't be able to hide us that long. Matutunton pa rin nila tayo. But you're right on one thing, it will lessen our visibility. Kaya pagpasok ko sa gubat, babagalan ko ang takbo ng sasakyan. Gusto kong tumalon kayo. Then I'll go back to the main road to confuse them."
"Pero paano po kayo?!" nag-aalala niyang tanong rito.
"Oo nga naman. Ikaw na rin ang nagsabi, mahirap takasan ang helicopter na 'yon. Baka madakip ka nila," ani Dan.
"I know. But his life is more important than mine," sagot ni Kali na nangungusap ang mga matang lumingon kay Bangs.
"That boy is everything to me. I have sworn an oath to his good parents that I will look out for him. I was his nanny and bodyguard before MNA kidnapped him. I failed at my job before. I won't fail again," puno ng pait nitong sabi tapos ay umiling. "This time, I will protect him. Even if it's the last thing I do," Kali said with full of conviction. Lumabi ito at tumingin sa mukha nila pareho ni Dan. "Please, take care of him. Kayo na ang bahala sa alaga ko."
Parang may kumirot sa puso niya at ramdam niya ang malalim na koneksyon nito kay Bangs. Alam din niyang sinisisi nito ang sarili kung bakit napasakamay ng MNA ang binata. Hindi niya alam ang buong istorya pero nakikita niyang ginagawa ito ni Mrs. Dapit upang makabawi rito. Pero higit sa lahat ramdam niya ang pagmamahal nito sa dating alaga.
"Mrs. Dapit," she called. Humarap ito sa kaniya. "Makakaasa kang poprotektahan namin si Bangs hanggang sa magkita ulit tayo. Kaya, gawin n'yo po ang lahat para matakasan ang helicopter na 'yon. Tapos balikan n'yo kami. Maghihintay kami ni Bangs sa pagbabalik mo."