webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · แฟนตาซี
Not enough ratings
48 Chs

Chapter 36

I was young and I wasn't able to hold myself together, it was all in my head. It was me, I was the villain in my own story. Noong nawala si mama hindi ko na alam ang purpose ko sa buhay, hindi ko alam kung gusto ko pang mabuhay pero noong nakilala ko 'yong mga taong kasama ko ngayon dito sa magic academy, lahat 'yon nagbago.

Napagtanto ko na ang kailangan ko lang ay isang taong makikinig sa akin, someone to make you feel special and those are my friends.

"let's go," pabalik na kami ngayon ni Jacob sa academy dahil alas-sais na ng gabi. Humawak ako sa kaniyang kamay at agad naman hinawakan ni Jacob ang aking kamay at naramdaman ko ang mahigpit na hawak niya dito.

"thank you," wika ko. Nakita ko lamang ang ngiti ni Jacob na nakakapagaan sa aking loob. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong naramdaman sa aking dibdib, parang may tambol na tumutugtog dahil sa kaba at sa hindi ko pa malaman kung anong dahilan basta ang alam ko lang, masaya ako dahil kasama ko si Jacob.

Tiningnan ko ang kaniyang maamong mukha bago ko ibaba ang aking tingin sa aming mga kamay na magkahawak. Mahal kita? Napakasimple lang ng mga salitang 'yon para sa iba pero katumbas ng mga salitang 'yon ang pag asang namuo sa puso ko.

Pagkabalik ko sa aking kwarto, si Nadia ang bumungad sa akin. Dito pa rin siya matutulog?

"tama ka, dito pa rin ako matutulog."

Naglatag ng kama si Nadia sa sahig at nahiga. Nabasa ba niya nasa isip ko at bakit parang alam na niya ang itatanong ko.

"pupunta ko sa dagat kung saan ko isinaboy si mama," humiga ako sa aking higaan, at naramdaman ko ang pagtagilid ni Nadia para makaharap sa akin.

"gusto mong samahan kita?" wika ni Nadia. Umiling na lamang ako. Ayokong magpasama, gusto ko munang mapag isa at makausap si mama. Sobrang namimiss ko na siya. Huminga ako ng malalim, at nakaramdam na ng antok.

Alas-otso ng umaga nang nagising ako at nagayos na para pumunta sa bayan at dagat kung saan ko sinaboy si mama. Ang tagal na din mula noong huling kita ko sa kaniya, sobrang miss ko na siya.

Nakarating ako sa bayan saktong ala-onse. Umupo ako sa tapat ng dagat, ang aking mga kamay ay isinawsaw ko dito at huminga ako ng malalim at iniangat ang aking mukha upang damhin ang hangin na humahampas dito. Napapikit ako sa lamig na aking naramdaman. Sa hindi ko malamang dahilan, may biglang pumatak na luha sa aking mata.

Pinunasan ko ito gamit ang aking palad at napangiti. Naalala ko ang mga masasayang ala ala namin ni mama.

"ma masaya ka na diyan diba?" bulong ko sa kawalan at napangiti na lang ng bahagya.

"mahirap ma, mahirap kasi wala ka.. Pero..." hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luhang pinipigil ko kanina pa.

"pero masaya ako dahil may bago akong nakilalang mga kaibigan," tumigil na ako sa pag iyak dahil alam kong ayaw na ayaw ni mama na nakikita akong malungkot.

Limang minuto na akong nakaupo dito sa tapat ng dagat at nakatitig sa kawalan nang may mapansin akong babaeng nasa gilid ko, nakatayo din at nakaharap sa dagat na para bang may malalim na iniisip. Paniguradong hindi niya ako nakikita.

Pinagmasdan ko ang babaeng ito at nanlaki ang mata ko noong napagtanto ko kung sino ito, tatayo na sana ako para sugurin siya ngunit naalala ko ang sinabi ni president Felicia.

"pero kailangan niyong magingat dahil hindi palaging sinasaniban si Felicia, may oras na hindi at may oras na oo, kailangan niyo siyang bantayan at manmanan para maging matagumpay ang plano," bigla na lang pumasok sa isip ko ang sinabi ni president.

Lumapit ako kay Felicia at nanlaki ang kaniyang mata dahil sa akin. Tiningnan ko siya ng mariin at agad kong napansin ang kaniyang mga mata na ibang iba kumpara noong nakita namin siya sa gubat. Marahil ito talaga siya.

"kamusta Felicia?" bati ko sa kaniya ng nakangiti, kailangan kong magpanggap na mabait ngayon para sa misyon namin.

"ayos.. Lang Alice," napansin ko ang pagka utal niya. Naisip ko naman bigla na siya nga to, si Felicia talaga 'to.

"kamusta po kalusugan niyo?" medyo nailang din ako sa tono ng boses ko, at nakakaramdam na ko ng kawalan nang kontrol sa sarili ko kaya huminga na ako ng malalim.

"netong mga nakaraang araw nakakaramdam ako ng hilo, magugulat na lang ako nasa kama na ako at minsan nga nasa gubat kaya nagugulat ako," nagulat ako sa pagsabi niyang 'yon, hindi niya talaga alam ang nangyayari sa kaniya?

"kaya hindi na rin ako nakaka dalaw kay Rose," bigla na lang siyang yumuko at huminga nang malalim.

"hindi po ba kayo nagpapa check up sa doctor?" nakita ko ang pag iling niya.

"dinalaw ko lang si Tess, hindi ko inaasahan na makikita din kita dito," bigla naman siyang napangiti, at napatingin sa kawalan na para bang may malalim na iniisip.

"sa totoo niyan, ilang taon din akong nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa ko.." natawa naman siya ng bahagya at nakatingin lang ako ng seryoso sa kaniya.

"pero hindi ko maintindihan kung bakit na sa t'wing nakikita kitang maayos ang lagay sa academy.. Naiinis ako," tumingin siya sa akin ng mariin ngunit agad din naman itong bumalik sa dati. Nagtataka akong tiningnan siya ng seryoso. Si Felicia ba talaga 'to?

"bakit?" seryoso kong tanong.

"hindi ko rin alam, pinipilit kong alisin 'yon dahil sa ginawa ko pero meron sa loob ko na nagsasabing dapat hindi kita panatilihin sa academy," ito ba 'yong magic stealer?

"kelan ka inaatake?" tanong ko.

"kapag pagod ako galing sa trabaho, minsan din 'pag marami akong ginagawa bigla bigla na lang ako nakakaramdam ng pagod tapos magugulat na lang ako nasa gubat ako," ani ni Felicia.

"saan?" hindi ko na maalis sa sarili ko ang pagiging atat na malaman kung saang parte ba ng gubat. Nakita ko naman ang pag baling nang tingin ni Felicia sa akin.

"may bahay doon, hindi ko alam kung kanino 'yon pero palagi ako doon nagigising kapag nakaramdam nang pagod," napatingin na din ako sa kaniya dahil sa sinabi niya sakin.

Ngayon nasisigurado ko na, sa gubat nakatira ang matanda at madalas siguro'y sinasaniban niya si Felicia kaya napupunta siya doon.

Bigla kong naalala 'yong gabing nasa gubat kami, yung sabi ni Nadia na bumalik si Rose sa bahay nang matanda. Marahil totoo nga 'yon, siguro'y sinigurado niya kung si Felicia ba iyon.

"aalis na ako, kailangan ko ng magtrabaho," wika ni Felicia.

"hindi po ba kayo dadalaw kay Rose?" tanong ko.

"tsaka na kapag naging maayos ang loob niya sa akin," at nagpatuloy na siyang umalis.

Nang makaalis na si Felicia, binalik ko ulit ang tingin sa dagat.. Huminga ako nang malalim upang makapag isip ng maayos.

"you could have given up on me but you didn't. You could have chosen a better life but you refused to just to have me..." napa bulong ako sa kawalan at inalala ang mga sakripisyong ginawa ni mama sa akin. Mga paghihirap na tiniis niya para makarating ako sa kung nasaan ako ngayon.

Lumipas ang kalahating oras, napagdesisyunan kong bumalik na din sa academy. Kailangan na namin ng konkretong plano para sa lahat ngayon na nalaman ko na at nakausap ko na si Felicia.