webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · แฟนตาซี
Not enough ratings
48 Chs

Chapter 33

"ayos ka lang ba Rose?" ang mga balikat ngayon ni Rose ay nanginginig at ang mga mata'y nanlalaki. Lilingon na sana ako sa bintana kung saan siya nakatingin ng bigla niya akong itinulak dahilan para matumba.

"Alice!" sigaw ni Nadia na ngayon ay tinutulungan ako sa pagtayo.

"anong meron? Bakit?" tanong ni Jacob na naguguluhan din.

"halika na.. Habang wala pa siya," wika ni Rose. Tumingin si Rose sa amin at agad ding napalitan ang itsura niya. Kanina ay parang natatakot, ngayon ay naging kalmado na siya.

Napakamot ako ng ulo dahil sa inakto niya, marahil ay may bigla lang siyang napansin ngunit napagtanto niyang guni-guni niya lang ito.

Naglakad na kami palabas ngunit sa hindi ko malamang dahilan may parang naramdaman akong kakaibang kanina pang nagmamasid sa amin.

"wait, Nadia gamitin mo 'yong mahika mo," nagulat si Nadia sa aking sinabi, nakita kong si Rose na parang hindi mapakali sa nangyayari. What's wrong with her?

Agad din namang ginawa ni Nadia ang sinabi ko. Ang paligid ay nababalutan ng dilim. May naramdaman akong kaluskos ngunit hindi na namin pinansin. Nagmadali na lang kaming naglakad para makabalik na sa academy.

"nawawala si Rose," ani Nadia.

"nasaan siya?" tanong ko dito at nababahala na rin dahil sa nangyayari, bakit nawala siya? Imposibleng may dumukot sa kanya dahil kung meron man, naramdaman na namin 'yon.

"walang kumuha sa kaniya, bigla siyang bumalik doon sa bahay nang matanda, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil tiningnan niya ako ng masama na para bang pinagbabantaan niya ako," hindi na napigilan ni Nadia na umiyak. Ngayon ay hindi na namin alam ang gagawin, bakit siya bumalik?

"Nandito lang ako!" halos mapatalon ako sa hinihingal na boses ni Rose, si Nadia ay para bang nakakita ng multo dahil kay Rose.

"tinatakot mo kami," ani Jacob.

"akala ko may tao sa punong 'yon, tiningnan ko na lang para makasigurado."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad, at tumabi ako kay Nadia, upang mapakalma. Hindi ko na alam ang nangyayari kay Nads, basta ang nasisigurado ko lang ay may kakaiba siyang nakita din kanina.

"babalik na ako sa kwarto ko," wika ni Rose, at naglakad na palayo.

"Alice sa kwarto mo muna ako matutulog pwede ba?" nagulat naman ako sa tanong ni Nadia, napatingin na din sa kanya sila Leon.

"sa kwarto ko na lang Nads," bigla namang binatukan ni Jacob si Leon dahil sa pagbibiro neto.

Wala na akong sinabi at hinayaan ko na lang si Nadia na kumuha ng kanyang mga damit upang sa kwarto ko na muna siya matulog.

"Nads, are you really okay?" nakahiga ako ngayon sa aking kama, at si Nadia ay nasa sahig. Naglatag na lang din siya ng kutson para hindi masakit sa likod.

"mula noong nakita ko si Rose sa gubat na bumalik doon sa bahay ng matanda, at 'yong mga mata niyang parang iba.. Hindi na ako mapakali." huminga siya ng malalim at tumagilid sa akin.

"seryoso ka ba Nads na bumalik siya?" baka mali lang ang nakita niya, baka guni-guni lang niya 'yon kaya inulit ko siyang tanungin.

"sigurado ako."

Kinaumagahan, nasa labas lahat ng estudyante dahil bali balita na may limang hindi makilalang tao ang nakapasok dito sa academy. Walang magic class dahil dito, inaantok pa ako pero pinili ko na lang bumangon.

"canteen tayo maya?" tanong ni Nadia na kasama ko ngayon dito sa hallway.

"oo, maya maya 'pag nakaramdam na ako ng gutom,"

Nagyaya muna akong pumunta sa gubat para makapaglibang, pumayag naman si Nadia para na rin daw maalis sa isipan niya ang nangyari kagabi.

"nakita mo ba si Rose?" ang aking mahika ngayon ay aking pinapagana sa pamamagitan ng pag-ikot ko neto sa aking mga kamay.

"hindi bakit?" nagulat ako sa pagkawala ng nasa paligid ko. Akala ko kung ano na pero dahil lang pala sa mahika ni Nadia. Mabuti na lang kahit wala akong makita ay narinig ko ang boses niya, kung kaya't isinaboy ko ang mahika kong tubig na nasa aking kamay papunta sa kaniya.

"Alice!" ngayon ay bumalik na sa dati ang mga nasa paligid at kita ko ang basang basa na si Nadia. Nagtawanan kami dahil sa nangyari, bigla akong nakaramdam nang gutom.

"Nads, canteen tayo," bago pa man kami maglakad ay may isang ibon ang dumaan sa harapan namin. Ito ay kulay itim at alam ko na agad na magic stealer ito.

"Nads, sa likod ko!" ipinunta ko si Nadia sa aking likuran upang itago, ngunit agad nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari.

Ang kaninang ibon lang, ngayon ay naging ganap na tao na. Nakasuot ng kulay itim.. Babaeng kulot ang buhok at agad nabalutan ang aking sistema ng kilabot. Naramdaman ko ang hawak ni Nadia sa aking braso na nanginginig.

"Alice..." pamilyar ang boses sa akin ng isang to. Bahagya kaming napaurong dahil sa isang papalapit na hakbang ng matanda.

"nasaan si Rose?" nahimigan ko ang boses na 'yon, at napagtanto kong ito 'yon. Ito 'yong boses na kagabi ko pa naririnig.

Ang ngisi sa kaniyang labi ay hindi nawawala. Gusto kong masuka ng may nakita akong nailuwa niyang parang dugong kulay itim.

"stop! 'wag kang lalapit!" ngayon ay hindi ko na napigilan at lumabas na ang aking mahikang tubig sa aking kamay.

Bago ko pa ito itapon sa kaniya ay agad na akong inatake neto, dahilan upang parehas kaming mapaupo ni Nadia at masugatan ako sa aking braso.

Nakaramdam ako ng pamamanhid, ngunit pinili ko pa ring tumayo upang malabanan ito, at makahingi nang tulong.

"Alice..." ani Nadia sa nanginginig na boses.

"mahina ka pala, mukhang mas malakas si Rose sayo."

Sa sobrang hapdi ng aking nararamdaman parang mawawalan na ako ng malay.

"Alice! Nadia!" lumingon ako sa mga sumigaw mula sa aking likod, at nang malaman kong sila Rose, Jacob at Leon ito ay nakahinga na ako ng maluwag.

"magic stealer?" wika ni Leon.

"tama, hindi lang ako basta ibon.. Kaya rin naming mag anyong tao para makapatay ng isang tulad niyo!" ang buong paligid ay nabalutan ng katahimikan ng marinig ang nakakatakot na tawa ng matanda. Ang mga ibon sa puno ay nagsiliparan dahil sa boses na 'yon.

Dinaluhan naman agad ako ni Jacob at nang mapansin ko si Rose ay halos magtaka na ako. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang makita niya ang nasa harapan niya.

"Rose..." lumapit ang matanda sa kaniya at hinawakan ang pisngi. Hinawakan ako ni Jacob para pigilan sa paglapit, lalo naman akong nakaramdam ng sakit dahil ang nahila niya ay ang sugat ko.

"kamusta Rose?" ang boses ng matanda ay naging maamo at tila ba parang isang malapit na kamag-anak ito kay Rose.

"pasensiya na, kung nahihirapan ka."

Nagulat ako sa luhang tumulo galing sa mga mata ni Rose at ang kasunod ay ang itim na luha na ang pumatak.

"Rose!" si Jacob ngayon ay lumapit na kay Rose ngunit agad din siyang itinulak ng matanda gamit ang mahika niyang itim.

"Jacob!" nilapitan ko si Jacob at tinulungan upang makatayo.

"sino ka?!" pasigaw kong tanong dito, at kinuha ko ang pagkakataon na 'yon upang mahila palapit si Rose.

Ang matandang nasa harapan namin ngayon ay bigla na lang naging ibon at lumipad na palayo.

"si mama..." nagulat naman ako sa nagsalitang si Rose.

"Rose halika na," ani Jacob.

"si mama... Si mama..." dinaluhan namin si Rose na ngayon ay umiiyak, nagtataka ko siyang tiningnan dahil hindi ko alam ang nais niyang iparating.