webnovel

KABANATA 30

Wow... Na miss ko 'tong lugar na 'to.

Hindi mapigilang untag ni Hera sa kaniyang sarili habang nililibot ang buong paningin sa mansyon na pagmamay-ari ni Lucas. Habang tinitingnan niya ang bawat sulok ng malaking bahay na ito ay hindi niya mapigilang maging emosyonal. Parang kailan lang noong umalis siya dito pero ngayon ay nakabalik na siya.

Sa totoo lang ay hindi talaga niya ine-expect na makakabalik pa siya dito. But then, she always pray every night that she'll get back here. Naging tahanan na rin niya ang bahay na ito at kahit na hindi man niya aminin sa kaniyang sarili ay gusto niyang manatili dito habang buhay. Iwan niya ba, but something in this mansion is making her feel comfortable and relief.

"By the way, your room changed." Napatigil si Hera nang magsalita si Lucas na nasa kaniyang likod. Mabilis na tumalikod siya at humarap sa lalaki. Nakapamulsa ito habang seryoso ang mukha na pinagmamasdan niya. Napalunok si Hera at hindi pa rin talaga masanay sa mga titig nito sa kaniya. While staring back at him, Hera realizes that something changed. Parang nagbago ang ekspresyon ng lalaki pero hindi lang niya iyon mapangalanan kung ano.

"Po? B-bakit?" Kumunot ang kaniyang noo dahil doon. Hindi niya inaasahan na magbabago ang kaniyang silid. Kung nagbago, ibig-sabihin ay wala na siya doon. So saan na siya?

Napalunok na lang si Hera ng kaniyang laway at hindi mapigilang makaramdam ng nerbiyos dahil doon. Mukhang sa labas na siya patutulugin ng lalaki at hindi sa dati niyang silid. May nagawa ba siyang mali? Bakit nabago ang kaniyang silid? Kung may nagawa siyang hindi maganda, she'll gladly apologize for it. She doesn't want to change her room at all.

Lucas, who's staring intently at Hera couldn't help but smirk while watching the woman. Mukhang hindi mapakali si Hera sa kinatatayuan nito. At base sa ekspresyon ngayon ng babae ay mukhang may naiisip na naman itong kung ano. He has the idea of what she's currently thinking. Ang babae ay parang isang nakabukas na libro. Sobrang dali nitong basahin, pero minsan din ay hindi niya ito maintindihan.

Specially that time, where she asked him to take her. Hindi niya maintindihan ang babae sa gabing iyon. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. But then, he doesn't care about that right now.

Lucas removed both his hands from his pockets and crossed his arms over his chest. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang may mapaglarong ideya ang pumasok sa kaniyang isipan.

"Just because I said so." Pinilit ni Lucas ang maging malamig at magtunog suplado kahit na ang totoo ay gusto na niyang ngumisi. Hera's troubled expression right now looks so adorable. Pinipigilan niya ang sarili na ngumiti dahil nag eenjoy pa siya sa reaksyon nito.

Nanlaki ang mga mata ni Hera at mas lalong naging kabado dahil doon. Hindi naman malamig ang tono ng boses ni Lucas kanina, pero ngayon ay malamig na at suplado. As expected, she really did something bad. Gusto niya tuloy maiyak pero okay na rin siguro ito. Kaysa naman hindi niya makasama ang lalaki. Ang mahalaga ay may silid siya. Pero gusto niya talaga niya 'yong silid niya dati.

Napailing-iling na lang si Lucas at pinaghiwalay ang mga braso. Lumapit siya kay Hera at hinawakan ang kamay nito. Nang maglapat ang kanilang mga palad ay kaagad na nakaramdam siya ng kakaibang kiliti pero hindi niya iyon pinansin. Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang babae na namula dahil doon. Napangisi na lang siya at hinila ito.

"Let's go to your new room." Sa buong sandali na naglalakad sila ni Lucas papunta sa bago kuno niyang silid ay pakiramdam ni Hera ay tumigil ang oras. Nakatuon lang ang buo niyang atensyon sa pakiramdam na hawak-hawak ang kamay nito. Lucas' hand strangely fits on her small hands. Malaki at medyo magaspang ang kamay ng lalaki pero kahit ganoon ay masarap pa rin sa pakiramdam na hawak niya iyon.

Pinigilan ni Hera ang mapangiti na parang tanga dahil sa kilig na nararamdaman. Kahit kailan ay hindi niya naisip na darating ang araw na ito kung saan ay makaka holding hands niya ang lalaki. Sa totoo lang ay parang panaginip lamang ang lahat. But when she feel the heat and that tickling feeling coming from his palm, Hera can say it's the reality and she's not dreaming at all.

Sa kaniyang pag-iisip ay hindi na napansin ni Hera na tumigil na pala si Lucas sa paglalakad. Muntik pa nga siyang mabundol sa likod nito. Mabuti na lang at mabilis siyang kumilos.

"Here's your new room." Binuksan ni Lucas ang isang silid at sumalubong sa kanilang paningin ang malaki at magarang paligid. Nanlaki ang mga mata ni Hera nang may mapagtanto. This extravagant room, she had clean this before. Ang silid na ito ay katabi ng silid ni Lucas, ang master's bedroom. So this was her new room?

Wala sa sarili na napatingin na lang si Hera sa mukha ni Lucas na ngayon ay nakatingin din pala sa kaniya. Ang mukha ng lalaki ay seryoso. Pero hindi kagaya ng dati, ang mukha ng lalaki ay hindi na ganoon ka lamig ay parang may nagbago. Nilunok ni Hera ang bumabara sa kaniyang lalamunan at binuka ang mga labi para magsalita.

"H-hindi ko po ito matatanggap," sa nanginginig na boses ay sinabi niya ang mga katagang iyon. Sumilay ang mga maliliit na linya sa noo ni Lucas. Napailing-iling na lang si Hera ng kaniyang ulo. Sapat na napinabalik siya ng lalaki sa mansyon nito para magtrabaho ulit. Sapat na iyon pero ang gumamit ng ganito ka garbong silid? Hindi niya iyon matatanggap.

"Why?" seryosong tanong nito. Mukhang hindi naiintindihan kung bakit siya tumanggi.

"I-it's too much. Okay na po ako sa dati kong silid." What she said right now was the truth. Okay na talaga siya sa dati niyang silid and she doesn't want to use that extravagant room. Hera feels like she's not deserving to use it. Hindi naman siya mayaman at isa lang siyang katulong. Nakakahiya naman kung gamitin niya iyon.

Lucas let out a heavy sigh. He thought Hera would accept it right away, but it seems like he's wrong again. Nasanay na ata siya sa mga babae na dinadala niya noon na kahit na anong ibigay niya sa mga ito, magarbo man o hindi ay kaagad na tinatanggap ng mga ito.

He seems to forgot that Hera is different. He might not get use to her personality but he's sure he will in the future. Since the woman's personality has always amazed him from then until now.

Nagpakawala nang malalim na hininga si Lucas at hinapit ang katawan ni Hera papalapit sa kaniya. Napahigit ng hininga ang babae dahil sa ginawa ni Lucas. Ang palad nito ay nasa kaniyang likod habang ang isang kamay ng lalaki ay hawak-hawak ang sa kaniya. Mas lalong nagwala ang puso ni Hera habang pilit na iniiwasan ang mukha ng lalaki. Sobrang lapit ng kanilang mga mukha at kaunting galaw lang ay maghahalikan na sila.

"I won't accept no for an answer, Hera. You should know that already." Napalunok na lang si Hera hindi dahil sa sinabi ng lalaki kung hindi dahil sa kakaibang kiliti at pamilyar na init na kaniyang nararamdaman, ngayon na magkalapit ang kanilang mga katawan. Para hindi na siya ma overdose sa init na kaniyang nararamdaman ay tinulak niya ang matigas na dibdib ng lalaki.

Nagpaubaya ito at kaagad na pinakawalan siya. Kaagad na binaling ni Hera ang kaniyang mukha sa kabilang side para hindi magtama ang kanilang mga mata. Pero kahit ganoon ay ramdam niya pa rin ang tingin ng lalaki na tumatama sa kaniya.

Lucas couldn't help but chortled because of how adorable Hera is in his eyes. He had seen a lot of women blushed in front of his eyes, but he never ever find someone this adorable.

I guess, I'm in trouble with my feelings now.

"Sir Luca–" Hindi na natapos ni Hera ang sasabihin niya nang bigla na lang tumikhim ang lalaki. Napanguso ang babae at pinamulahan ng pisngi dahil doon. Napatigil siya sa pagkain at binuksan ulit ang labi para magsalita.

"L-lucas... A-ahm, puwede bang hindi na lang ako sumama sa 'yo mamaya?" medyo nahihiya niyang sambit lalo na sa pangalan ng lalaki. Hindi pa siya sanay kahit mag-iisang linggo na simula noong sinabihan siya ni Lucas na tawagin ang lalaki sa pangalan nito na walang sir sa unahan.

At first, hindi talaga siya sumang-ayon sa sinabi ng lalaki. Pero wala rin naman siyang nagawa kung hindi ang sundin ang gusto nito. Kaya sinanay niya ang sarili, more like sinanay siya ni Lucas na tawagin ito sa mismong pangalan nito.

Nahihiya talaga siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya masanay-sanay ang sarili. But unlike before, she's not awkward and shy any more.

Lucas suddenly scowled because of what she said. Napangiwi na lang siya. Halata sa mukha ng lalaki na hindi nito nagustuhan ang narinig ngayon lang. It's been two nearing three weeks already since she started living here again and sa loob ng mahigit dalawang linggo na iyon ay maraming nagbago.

She became somewhat close to him and her feelings for him even deepened.

"Why?" masungit na tanong ng lalaki. Mas lalong humaba ang kaniyang nguso. Lucas' expression right now where telling her that he doesn't want any objection but here she is right now.

"K-kasi ayaw ko l-lang..." Nag-iwas ng tingin ni Hera pero kaagad din naman napatingin ulit kay Lucas nang hawakan ng lalaki ang kaniyang baba at pinaharap ulit.

"Just this once. I promised, I won't bring you with me again." And just like the old times, wala ulit nagawa si Hera kung hindi pagbigyan ang lalaki. What can she do? Hindi niya matiis ang sarili pagdating sa lalaki at palagi talaga itong napagbibigyan.

"Woah... Ang ganda," namamanghang untag ni Hera sa kaniyang sarili habang nakatingala sa mataas na gusali sa kaniyang harap. She's currently in front of Lucas' company. Ngayon niya lang nalaman na businessman pala ang lalaki at hindi basta-bastang businessman lang.

Lucas, who was behind her just chuckled and wrapped his arm around her small waist.

"Let's go." Hera gulped and both of them decided to make their way inside. Nang makapasok na sila ay mas lalo siyang namangha. She heard the people inside greeted Lucas pero hindi na niya pinansin iyon at nilibot ang paningin. Sa gitna ng kaniyang paglilibot ng tingin ay napatigil na lang siya nang may mapansing kakaiba.

"U-uhh..." What are they staring? Dahil ba katabi niya ngayon si Lucas?

Napahawak na lang siya sa lalaki doon. Hindi niya alam pero natatakot siya sa mga tingin na binibigay sa kaniya ng mga tao na nandito. Nang mapansin ni Lucas ang panginginig ng buong katawan ni Hera ay natigilan siya. Pagkaraan ay binigyan niya ng nakakamatay na tingin ang mga tao na nasa loob.

All the employees trembled to death and immediately avoided Lucas gaze. Because if they dare meet it, their lives would be at stake. Their boss isn't known for being a cold-blooded killer for nothing.

"Just don't mind them." Mahinang tumango na lang si Hera sa sinabi ni Lucas at nagsimula na ulit silang maglakad uli. Sinunod niya ang sinabi ng lalaki at hindi pinapansin ang mga tao sa paligid. Tumingin-tingin ulit siya sa loob hanggang sa tumigil ang kaniyang tingin sa isang tao na nakatayo. Galit at gulat ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Hera swallowed as she mumbled the name of that person she didn't expect to met.

"N-natalie..."