webnovel

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
59 Chs

Chapter 8 : Defensive

One word to describe Maundy this day—LUTANG!

Hindi pa rin ako nakakamove on na pinagalitan ako ng mga kuya ko kagabi, hindi dahil ang tagal kong umuwi kun'di dahil hinatid ako ng bruskong lalaki na ayaw talaga nilang paniwalaan na bakla siya. Si Jazz kasi 'yong naghatid sa'kin kasi may abrupt family bonding ang mga Alonzo--- kahit wala 'yong tatay family pa rin 'yong tawag--- kaya hindi ako naihatid ni Chal Raed na siyang gustong-gusto akong ihatid dahil gusto niyang makita 'yong kuya ko na may boses na super duper sexy kuno. Mas mabuti na rin na may family bonding sila, mamaya biglang halayin niya 'yong mga kuya ko, talagang 'Maundy tambay sa bahay' na ako 'pag nagkataon.

"Good Morning," bati agad sa akin ni Chal Raed na kakapasok lang sa trabaho.

Isang liggo at dalawang araw ko na siyang nakikitang ganyan, I mean, 'yong lalaking-lalaki talaga. Kada araw mas lalo siyang gumagwapo. Pero, wala eh, baklush talaga!

"No response. Maundy's dead?" usal na naman niya kaya nagbalik ako sa katotohanan.

"Grabe ka naman, nabingi lang," pagbibiro ko pa, pero inikotan lang ako ng mata! Tusukin ko 'yang pupil niya, eh! "Gooood Moooorniiiing!" talagang sobrang haba no'ng pagbati ko dahilan para pitikin niya 'yong noo ko. Sadista amp!

Amp? Hahaha, jejemon ka na, Maundy? Kaloka! Pero, bagay na kayo ni Spade. Hypebeast siya, Jejemon ka! Yiiieee—iwness!

"So, it's really true?" napatingin ako sa kanya agad nang sabihin niya 'yon. Akala ko ay may kausap siya sa telepono, pero nasa'kin naman 'yong paningin niya. "You eventually get space out when you're talking to someone you're interested with," nakangising sabi niya!

Like, ano raw?! Interested with?

Teka, sandali!

Loading...

No internet connection!

Kamot-kamot ko ang sintido ko sabay sabi ng, "paki translate nga, nawala internet connection sa utak ko eh, hindi na load ng tuluyan 'yong English to Tagalog translator."

Inikotan na naman niya ako ng mata saka siya bigpang ngumiti. "Iyong ex mo, si Third, chinika sa'kin na nawawala ka sa sarili mo kapag kausap mo 'yong taong interesado ka," aniya.

Wow, galing naman gumawa ng conclusion ni Third, 'no? Tss. Pauso!

"Totoo ba?" tanong niya, pero 'di ako sumagot. "Kasi pansin ko ngang ang bilis-bilis mong mawala sa sarili kapag magkausap tayo," buti pa siya napansin 'yon, ba't ako hindi? Huhuhu, "pero, ang tanong ko, bakit? Interesado ka ba sa'kin? Alam mo bang Bak—"

"Heep, heep!" sabi ko dahilan para maputol 'yong sasabihin niya.

"Hooray!" usal naman niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong ikotan siya ng mata. 2 vs 1 na! Yehey!

Bahagya akong tumawa saka ko siya itinuro. "Wala kang preno, Bakla, ha," sabi ko sa kanya. Tinaasan niya naman ako agad ng kilay. Bahala siya riyan! "Oo, mabilis akong ma space out kasi...hindi ko rin alam—oh-oh," pinigil ko agad siya sa gagawin niya, pipitikin niya ulit sana 'yong noo ko, eh! Nakakadami na, ha! "Charot lang, 'no! Kasi 'yong utak ko biglang ang daming sinasabi, ako naman itong si mabait, nakikinig sa kanya. Kasi, sabi ni Kuya kapag may nagsasalita, magbigay respeto, dapat nakikinig ako. You know, kuya oriented ako," taas-noong sabi ko talaga.

"Pakilala mo 'ko sa mga kuya mo mamaya, ha," maharot pang sabi niya!

"Heh! Hindi ako boto sa'yo," pagbibiro ko pa.

"Akala mo naman boto ako sa'yo para sa mga Baby bro ko? No way! Mag vitamins ka muna nang tumangkad ka at magkalaman na rin."

Hutaeners! Ang aga-agang mang bully ng Baklang 'to! Eh kung palayasin ko siya sa sarili nilang kompanya? Char, reyna, Maundy? 'Di mo 'yan keribells, Te!

"Duh, hindi naman ako interesado sa mga BABY BRO mo," sagot ko naman.

Crush ko lang si Spade, pero hindi ako interesado sa kanya! Oo na, crush ko siya, papalag ka? May reklamo ka?! Huwag na, tinatamad akong pumuntang korte.

"Talaga ba?" tanong niya pa na may halo talagang panunukso! "Kung hindi ka sa kanila interesado, then perhaps...you're interested with me?"

"Ho-hoy! Hindi ha! Kung iniisip mong interesado ako sa'yo, Bakla, nah you're very wrong!" mataray kong sabi habang nakataas talaga ang isa kong kilay. "Hindi dahil nawawala ako sa sarili ko kapag kausap kita, interesado na ako sa'yo. Ganyan lang talaga ako, nasanay na akong kausapin 'yong sarili ko dahilan para biglaan akong mag space out. Huwag kang feeler diyan, hindi ako pumapatol sa bakla. Ang kapal-kapal ng foundation mo!" habol-habol ko talaga ang hininga ko matapos ang mahabang litanya ko sa kanya. Sorry na, na carried away lang.

"What's the commotion here?" kunot-noong tanong ni Jazz nakakarating lang din. "I heard Maundy talking nonstop. Did Chal Raed gave you thousand of paperwork? Can't do it by yourself alone? I'll help you. I don't have anything to do," aniya.

Aw, ang bait naman. Dagdag points! Charot!

"Hindi, ah. Nag rap lang si Maundy, Darling," sagot naman ni Chal Raed. Hay, ayan na naman 'yang 'Darling' na 'yan! "Let's go inside. We still have some unfinished business. A business that only couple do," sabi pa niya na nasa akin 'yong mata.

Akala niya naiinggit ako? Duh, sige lang gumawa sila ng himala riyan, isusumbong ko sila sa tunay kong Boss!!

"You're crazy, Darling," natatawang sabi ni Jazz. Nakakatawa 'yon, Jazz?! Dzuuh! "Let's go, I need to tell you something," dugtong pa niya at nauna nang pumasok sa opisina ni maharot na Chal Raed na talagang abot likuran ng ulo ang ngiti!

"I'll be leaving you only one word, Maundy," aniya at dahan-dahang lumapit sa'kin!

Hutaaa! Gwapoooo! Kuyaaa! Si Maundy magiging dalaga na!

"Defensive."

A-Ano raw? S-Sinong defensive?

Napatingin ulit ako kay Chal Raed na nasa may pintuan na ng kanyang opisina. Hindi ko man lang namalayan ang pag-alis niya. 

Nagulat ako nang...kinindatan niya ako?! Hutaeners—ang hot..ng Pilipinas.

Hoooh ang init!!!

Pero, ako ba 'yong defensive?! Bakit? Hindi ko gets, Mother Earth!!

***

Defensive...Ako?! Bakit?!

Naaasar na talaga ako! Kanina pa ako inaasar ng salitang 'yan, ha! Kapag ako asar na asar na asar na talaga, ako mismo ang mag-aalis ng salitang 'yan sa dictionary! I'm dead serious!

"Mon," rinig kong sabi ni Joy, pero hindi ko na pinansin pa. Inaalala ko pa rin talaga ang nangyari kanina at kung bakit natawag akong defensive.

"15," usal naman ni Clarice. Siguro nagbibilang na naman siya ng abs ng mga paborito niyang Korean actor.

"Mon," sabi na naman ni Joy.

Saang banda ba ako ng usapan namin naging defensive?

"16," wow daming abs naman ng koreanong 'yan, 16 talaga, Clarice?

Pero, bakit ko nga ba iniisip nang iniisip 'yong sinabi ni Chal Raed na defensive ako?! Ikakamatay ko ba 'pag 'di ko nalaman 'yong dahilan kung ba't ako naging defensive?!

"Mon," si Joy ulit. Mon nang Mon 'to, 'di man lang napagod kaka-Mon.

"17," ito ring si Clarice 'di matapos-tapos kakabilang ng abs. Grabe!

"MAUNDY MARICE!!"

"Ay defensive—este, ANO BAAA?! KAILANGANG SABAY SUMIGAW?!" inis kong tanong sa kanila. Eh, kasi naman, muntik na akong mabingi! Kapag sila pa naman nagsalita parang nakalunok ng naglalakihang speaker.

"Like, hello, Girl? 18 na beses ka na naming tinatawag, pero hindi ka nakikinig!" sigaw sa'kin ni Rosas.

Kunot-noo ko silang tiningnan saka ako muling nagsalita, "18? Isang beses lang naman, ha! Tsaka buong pangalan pa at ang lakas-lakas pa!"

"Leshe ka, Girl! Mon nang Mon iyang si Joy, 'di mo man lang pinansin! Tapos ako bilang nang bilang kung ilang beses kang tinawag ni Joy, at oo, Girl, pang 18 'yong tinawag ka namin sa buo mong pangalan nang pansinin mo naman ang super, duper, mega, ultra, to the highest level, gorgeous mong Best friends!" sigaw naman ni Clarice.

Parang ang layo-layo namin sa isa't isa kung magsigawan eh 'no? Parang si Clarice nasa Mercury, si Rosas nasa Mars, ako nasa Saturn, si Joy nasa Yekok kasi mukha siyang si Kakay, charot! Si Joy nasa pluto.

Ganyan kami kalayo, Mighad! 'Yong tipong nakakalabit lang namin ang isa't isa, layo, 'no?

"So, hindi ka nahihibang diyan at akala ko crush mo 'ko dahil tawag ka nang tawag sa pangalan ko? Tapos ikaw Clarice, hindi ka nagbibilang ng abs ng mga Koreano mo?" takang tanong ko. Napatingin sila sa isa't isa saka tumayo at lalabas na sana ng kwarto ko nang itapon ko sa kanila 'yong tsinelas ko. "Babalik kayo o 'di ko kayo ilalakad sa mga kuya ko?" tanong ko pa at ayon, parang mas mabilis pa sila sa salitang fast na napaupo ulit sa kama ko.

Nakakaloka! Kinaibigan lang kasi nila ako dahil sa mga kuya ko! Nice best friends, 'no? Sarap ibalibag!

"Alam mo, Mon, mas maganda pa ako sa'yo kaya bakit kita magiging crush? Eh, pwede ko namang i-crush 'yong sarili ko," nakangising sabi ni Joy nang tabihan niya ako bigla.

"Eh, kung crashin ko 'yang mukha mo, Joy? Hype na 'yan, eh mukha ka ngang nanay ni Kokey," pagbibiro ko pa at nakatanggap naman ako ng batok mula sa kanya. "Friendship over!" naiiyak ko kunyaring sabi, pero umakto lang siyang naiiyak din! Huta!

"Tsaka ano 'yong sabi mo, Mon? Nagbibilang ako ng abs ng mga Koreano ko? May abs bang umaabot sa 18? God! Siguro pati leeg niya may abs na sa sobrang dami!" usal naman ni Clarice. "Huwag ka ngang bobo, Mon, cumlaude ka, ako grumaduate lang nang maganda, tapos may utak pa ako kaysa sa'yo?" seryosong tanong pa sa'kin ni Clarice. Huhuhu, ang harsh!

"Dami mong dama! Malay ko ba na binibilang mo bawat Mon na sinasabi ni Joy. Sorry na matalino, maganda, maganda, at maganda lang ako, hindi perfect, kasi minsan slow. Aminado ako riyan, at least 'di ba mas maganda ak—"

"PAKENING—SHUT UP!" sabay talagang sigaw nila. Ang sakit sa tenga, promise!

"Seryoso na nga tayo," usal bigla ni Joy.

"Wow, big word! Nagmula pa talaga sa bibig mo galing 'yon, Joy? Eh, mukha mo palang joke na. Paano ka magseseryoso?" natatawang sabi sa kanya ni Clarice. Kaya ayon nasabunutan ang bruha.

Sige bara pa, Clarice, nang umuwi kang may ulong mikropono.

"Seryoso nga kasi!" seryoso na talagang sabi ni Joy matapos ang sabunutan nila ni Clarice, kaya ayan mukha silang taong grasa dahil sa gulong-gulo nilang buhok.

Mapapailing ka na lang talaga.

Bahagyang hinila ni Clarice 'yong buhok ko, pero 'di naman masakita. Tsaka niya ako tinanong ng, "ba't ba lutang ka kanina, Mon? May problema ka ba? Bukod sa OA, pero hot na hot mong mga kuya?"

Siguro kailangan kong ikwento sa kanila 'yong nangyari baka matulungan nila ako na mahanap 'yong sagot kung bakit ako naging defensive.

"Eh, kasi nga ganito 'yon..." tapos kiniwento ko sa kanila 'yong nangyari kaninang umaga, detailed na detailed, walang kulang, mula umpisa hanggang wakas.

"Alam mo, Mon, matalino ka naman eh, kaya bahala ka nang umalam kung ba't ka natawag na defensive. Kasi kung ako ang tatanungin, 'di ko rin alam kung bakit, maraming english spokening na sinabi 'yong Boss mong Bakla kaya pass muna ako," sabi pa ni Rosas matapos akong mag kwento. Hay! Sabi na eh, wala talaga siyang point na kaibigan! "Baba muna ako, baka mahanap ko sa hagdanan 'yong sagot," dagdag pa niya at umalis na nga agad sa kwarto ko.

"Ako rin baka mahanap ko sa kusina," sabi naman ni Clarice.

Itinapon ko sa kanya 'yong hawak kong unan sabay sabing, "patay-gutom ka lang talaga! Kakakain lang natin kakain ka na naman!" Pero, ang Bruha nag flip hair lang! Leshe, kala mo walang kuto. Charot!

"Hoy, ikaw!" turo ko kay Joy na parang ang lalim ng iniisip. "Alam mo ba ang rason?" tanong ko sa kanya at biglaan niya akong tinitigan.

"No'ng tinanong ka niya kung sa kanya ka interesado, gaano kahaba 'yong sagot mo?" tanong niya.

"Sobrang haba nga! To the point na habol-habol ko 'yong hininga ko pagkatapos kong sabihin 'yon," sagot ko naman.

"Edi ayan, defensive ka nga."

"Defensive? Bakit nga? Dahil ang haba ng sagot ko? Pwede ba 'yon?"

"Yes, Monay! Oo at hindi lang 'yong choices mo, pero 'yong sagot mo sing haba nang pamamayagpag ng ang probinsyano," umayos siya nang upo at saka ako tinuro-turo na animoy may utang ako sa kanya, eh siya nga 'tong may sampung pisong utang sa'kin pitong taon na ang nakakaraan! "Ikaw nga umamin sa'kin, crush mo ba 'yong Bakla mong Boss?" tanong niya.

"Hmm, na ga-gwapohan talaga ako sa kanya, tapos mabait din kahit bully. Siguro nga, crush ko siya, pero crush ko rin 'yong kapatid niya. 'Di ba parang ang harot ko naman?"

"Baliw! Crush ay paghanga lang. It's just people nowadays make the word crush so damn big deal. Para sa kanila kapag crush mo ang isang tao ibig sabihin gusto mo na. But, that's very wrong."

"Alright, so okay lang na marami akong crush, sige noted. Let's go back sa defensive matter."

"Makinig kang mabuti sa'kin, Monay. Kaya ka naging defensive dahil nga ang haba ng sagot mo, kaya panigurado ako na iniisip ng Bakla mong Boss ngayon na interesado ka nga sa kanya, na hindi mo lang siya basta crush, na lumelevel-up na pala ito!"

"A-ano?! Anong pinagsasabi mo riyan? Na gusto ko siya, gano'n? Oy, huta, mas maganda pa nga siya sa'kin, tsaka mas babae pa 'yon. Gwapo nga siya, mabait, attractive, pero 'di ko siya gusto."

"Ayan, ayan! Kaya ka nasasabihan ng defensive kasi wala kang preno! Jusko, Monay!"

"Ano nang gagawin ko ngayon? Babawiin ko ba 'yong sinabi ko at palitan ng no?"

"Loka! Hayaan mo na lang, nangyari na, eh. Tsaka baka pinagbibiro ka lang niya 'no, 'di ba sabi mo binubully ka niya? Kaya kalimutan mo na lang 'yong nangyari. Stop over thinking, Mon, iniistress mo lang ang sarili mo," tinapik niya ako sa balikat matapos sabihin 'yon, at alam ko na kung bakit.

"Sige na labas na, humarot ka na sa mga kuya ko!" pagbibiro ko pa at ang bruha ang bilis makatakbo! Hay, nakakaloka!

Pero, paano kung asarin ako ng Chal Raed na 'yon? Paano kung iniisip nga niya na interesado ako sa kanya?

Hindi ba parang nakakahiya naman?

Mamaya iniisip na no'n ang harot ko kasi kakakilala pa lang namin, wala pang isang linggo tapos interesado na ako agad sa kanya?

Mighad!

Siguro, didistansya muna ako ng slight lang hanggang sa makalimutan ko nang nasabihan ako ng defensive.

Sige, didistansya muna ako.