webnovel

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
59 Chs

Chapter 12 : King

Mapapailing ka na lang sa dalawang 'to habang pinag-aagawan 'yong cart. Ba't kasi hindi na lang sila tig-iisa tutal napakadam naman ng cart diyan! Hay, Jusko!

"I'm damn serious, Third, give it to me," seryoso talagang sabi ni Spade at hinila 'yong cart, pero ayaw talagang magpatalo nitong si Third at hinila rin niya 'yon pabalik sa kanya. Kahit pinagtitinginan na sila rito, eh parang wala silang pake.

"Ako na ang magdadala!" inis na sigaw ni Third. Ang kapal ng mukha nito, oh, siya na 'yong biglaang sumama kahit hindi naman siya kasama sa lakad namin, tapos siya pa 'yong ang lakas sigawan 'yong kapatid niya.

Oo nga pala, nasa mall lang naman kami dahil nagpasama nga itong si Spade sa'kin na mamalengke dahil gusto raw ng babaeng gusto niya na matikman 'yong luto niya, tapos specialty...talong HAHAHA, charot!

No'ng gabing nag text sa'kin si Spade, syempre tinanong ko kung bakit ako 'yong isasama niya, ang sagot niya, eh, dahil alam daw niyang marunong akong pumili ng bibilhin niya. Wala raw kasi siyang kaalam-alam kung paano lutuin 'yong paboritong chicken curry ng babaeng gusto niya!

Hay! Isa lang ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi niya sa'kin...wala na tayong pag-asa. May tao na pala siyang napupusuan!

"What's the matter here?" maarteng sabi ng isang Bakla—

HUTA?!

Andito rin si Chal Raed? At may kasama siyang chick! Jusmiyo, kung andito lang si Kuya Mayvee nagningning na ang mata no'n!

"Give it to me," si Spade.

"I won't," si Third.

"I get this cart, Third, why don't you get yours?" si Spade.

"I like this," si Third.

Ang haba ng buhok nitong cart na 'to! Pinag-aagawan ba naman ng mga hot at gwapong lalaki. Wow! How to be you?!

"Napaka-immature ninyong dalawa. Akin na nga 'yan!" at ayon nga naagaw na ni Chal Raed ang cart.

Mamatay-matay pa sila sa pag-aagawan, pero mapupunta lang pala sa iba. HAHAHAHAHA!

"Maundy?" takang tanong niya nang makita ako. "Why are you here?" dagdag pa niya.

"She's with me," sagot naman ni Spade at umakbay bigla sa'kin. Agad ko 'yong inalis, pero ang kulit nga naman dahil umakbay na naman siya ulit. Tsk!

"Don't touch her," biglang singit nitong si Third at inalis nga 'yong kamay ni Spade sa pagkaka-akbay sa'kin.

"You can't touch her, too," inalis naman ni Spade 'yong pagkakahawak ni Third sa braso ko at hinila ako papalapit sa kanya.

Hutaaaa!! Pagkatapos sa cart, ngayon ako na naman ang hinihila-hila nila!! 'Yong braso kong maliliit, kawawa naman. Huhuhuhu!

"Stop it!" inis na sabi ni Chal Raed at hinila ako papalapit sa kanya. "Sinong nagdala sa kanya rito?" tanong niya sa dalawa.

"It's me," sagot ni Spade.

"Then why are you here, Baby Bro?" tanong niya naman kay Third na halatang naasar sa tinawag sa kanya ng kan'yang Kuya.

"It's because she's here," sagot niya habang turo-turo ako.

"So? What is it to you, Baby Bro, if she's here?" takang tanong ni Chal Raed. Nga naman, anong kinalaman ko sa pag punta niya rito?

"Stop asking me, Kuya!" inis niyang sabi at bigla na lamang nag walk out. Pare-pareho tuloy kaming napatingin sa isa't isa.

Kalokang 'yon! Anong drama niya?!

"Hmm, C-Chal Raed, ako na ang magdadala," sabi ko sa kanya at kinuha 'yong cart.

Kinuha 'yon ni Spade sa'kin nang nakangiti. "It's my responsibility to hold this," aniya. Binigay ko na lang agad sa kanya 'yong cart nang matapos na 'to at makauwi na kami ng maaga. "Let's go?" aniya at nauna nang maglakad habang tulak-tulak 'yong cart.

Oyy, siya ang nagwagi! Hahaha. Congrats, Spade! Magdiwang!

"Stop smiling and follow him now," bulong sa'kin ng isang lalaki—teka, lalaki?! Eh, si Baklang Chal Raed pala 'yong bumulong sa'kin, paanong boses lalaki 'yon? Oh, baka guni-guni ko lang.

"Spade, wait for me!" sigaw ko at agad naman siyang huminto. Nakangiti pa niya akong nilingon, hay! So handsome this guy talaga!

***

Habang namimili kami ay 'di ko talaga maiwasang mapatingin kay Chal Raed at sa kasama niyang chick na mukhang tuko kung makakapit sa kanya!

Hmm, ngayon ko lang napansin na hindi siya anyong babae ngayon. Naka puting T-shirt at naka shorts lang siya, lalaking-lalaki ang Ate niyo ngayon. Bakit kaya? Baka dahil may kasamang chick? Eh, weird!

"Hey," natinag ako nang iharap sa'kin ni Spade and isang patatas. "Do we need a potato?" tanong pa niya.

"Malamang. Isa 'yan sa pinaka importanteng sangkap," sagot ko.

"But, I don't eat potato," aniya.

"Bakit? Para sa'yo ba 'yang luto mo?" hindi siya sumagot at natawa lang siya saka kumuha ng isang malaking patatas, na nakangiwi. Tss, arte-arte!

"Do we need carrots?" tanong niya, pero parang nanigas ako ngayon sa kinatatayuan ko.

Nasa may kanan ko kasi 'yong carrots tapos sa kaliwa ko andoon 'yong cart, hindi niya binitawan 'yong cart habang inaabot 'yong carrots kaya nakulong ako at para tuloy siyang nakayakap sa'kin ngayon!

"Hey? What's wrong?" nanlaki 'yong mga mata ko nang mapatingin siya sa'kin at ang lapit-lapit na pala ng mukha naming dalawa! 'Yong tipong konting tulak na lang mahahalikan na niya ako!

Mighad, Kuyang Sales man, pakitulak nga si Spade, please!

"Ang mall ay mall, hindi motel," rinig kong sabi ni Chal Raed saka niya hinila si Spade palayo sa'kin. "Mag-grocery ang pinunta niyo rito, hindi mag-harutan," mataray niyang dagdag saka ito umalis at binalikan ang chick na titig na titig sa'kin.

Hay, mamaya crush pala ako ng chick na 'yan, eh.

"What's wrong with him?" takang tanong ni Spade.

"Nakakain lang 'yon ng damo," sagot ko na mas lalo niyang ipinagtaka. "Tara na, bilisan na natin 'to mamaya gutom na 'yong babaeng liligawan mo," dadag ko.

"I'm not yet courting her. I'm just showing that my feelings were sincere through this, I mean, by exerting effort," aniya at tumango-tumango na lang ako.

Siya na swerte, Spade, siya na!

***

"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Spade nang dalhin niya ako sa...hindi ko alam kung kaninong bahay 'to, basta malaki! Wait, baka...bahay nila 'to?! Mighad!

"You're gonna help me to cook chicken curry," sagot niya naman habang nakangiti.

Nanlaki talaga 'yong mga mata ko sabay sabing, "ano? Eh, kanin nga 'di ako marunong magluto, chicken curry pa kaya?"

"What?" gulat niya ring tanong at tumango lang ako. "How old are you?" tanong niya.

"23," sagot ko naman.

"And, you don't know how to cook rice?"

"Oo nga."

"That's impossible."

"It's possible."

"How?"

"Mahabang storya, basahin mo na lang sa last chapters naibanggit ro'n."

"Huh?"

"Wala. Sige na, bababa na ako dahil uuwi na ako."

"No, stay."

Luh? Stay daw, ginawa pa 'kong aso!

"Dito lang ako sa sasakyan mo?"

"No. I mean, stay with me. I need your help."

Hingang malalim, Maundy. Ipaintindi mo ulit sa kanya. Go!

"Hindi nga ako marunong magluto. Kahit kanin, tuyo, itlog, o kahit pagluto ng noodles hindi ko nga alam," dahan-dahan ko pang sabi para naman maging maliwanag sa kanya ang lahat. O, baka naman kinakailangan ko pang i-translate sa english? No way! Sabi ni Chal Raed nakakintindi naman siya ng tagalog, nagienglish lang si Spade dahil laking Australia pala siya.

"Okay. Then, you can just help me by chopping the potatoes."

"May katulong naman siguro kayo, sa kanila ka magpatulong."

"No. I want you."

Hutaaaa! He wants me raw!! Mighad!

"To chop the potatoes. Stop grinning," natatawang sabi niya at bumaba na nga ng sasakyan.

Basag trip!!

***

"Good evening, Sir Spade," bati sa kanya no'ng mga katulong nila. Ang daming tao sa bahay nila, pero puro naka uniporme. "Good evening, Ma'am," nakangiting bati nila sa'kin. Naks! Instan't Ma'am tayo!

"Prepare the kitchen, I'm gonna cook," sabi niya sa mga katulong nila. Nagtaka naman silang lahat at nagtinginan pa. First time yata magluto ni Spade kaya parang isang himala ang nangyari at ganyan 'yong tinginan nila. Wow, swerte talaga no'ng babaeng gusto niya.

***

"Everything's done!" masaya talagang sabi ni Spade.

Magpasalamat kaya muna siya sa nag post no'ng tutorial sa YouTube kung paano mag luto ng chicken curry kahit hindi na lang siya mag comment, mag subscribe na lang siya at i-like 'yong video bilang pasasalamat, 'di ba?

Hay. Why so smart, Maundy? I really admire you!

"Let's go to her house now," pag-aya niya pa sa'kin.

W-wait! Pati ba naman sa bahay ng babaeng gusto niya ay isasama niya ako?! Ano ba ako rito? Maid niya? Personal assistant? Servant? Ang kapal na ng mukha nitong si Spade, ha, hindi nga kami sobrang close, pero ang dami niyang pinagawa sa'kin! Tapos, wala pang bayad?!

Ayoko na nito!

Charot!

Alalahanin mo, Maundy, no'ng mag katext kayo sabi mo tutulungan mo siya, kaya panindigan mo! Huhuhu!

Bubuksan na sana ni Spade 'yong pinto, pero bigla itong bumukas at pumasok si Chal Raed kasama pa rin 'yong chick na mukhang tuko kung makakapit sa kanya!

"We're leaving," nakangiting sabi ni Spade sa Kuya niya.

"Where are you going?" tanong naman ni Chal Raed.

"Rest assured, you're secretary will go home safe and sound. You don't have to worry," nakangiti pa ring sabi niya sabay tapik sa braso ng kanyang kuya.

"Just make it sure, Spade," seryoso talagang sabi niya. "Take care...Sis," nakangiting sabi niya sa'kin. Ngumiti na lang ako bilang ganti.

Naaasar kasi ako sa kasama niyang chick! Kung makatitig sa'kin kala mo no'ng umulan ng kagandahan nasalo ko lahat. Tss, gandang- gandang sa'kin. Hay.

"Let's go," hinila na ako ni Spade papalabas ng bahay nila, pero hindi ko makakalimutan 'yong tingin ni Chal Raed sa kamay ni Spade na hawak-hawak 'yong wrist ko. Parang kapag mas lalo niya 'yong tinitigan malulusaw 'yong kamay ni Spade. So weird, ha.

***

Nasa byahe na kami ni Spade at kanina pa talaga ako nagtataka kung bakit parang pamilyar 'yong lugar na dinadaanan namin. Parang alam na alam ko talaga ang lugar na 'to.

Mas lalo akong nagtaka nang huminto kami sa isang boarding house na talagang alam na alam ko kung sino 'yong nakatira rito.

Kinatok na ni Spade 'yong pinto at agad naman 'yong bumukas. "Good evening, Clarice," nakangiting bati sa kanya ni Spade.

So, si Clarice? Si Clarice Salongga? Clarice na best friend ko? Siya 'yong babaeng sobrang swerte dahil gusto siya ng isang mabait at sobrang gwapo na Englisherong hypebeast na si Spade?

"M-Monay?" takang tanong niya nang makita ako.

"You know each other?" tanong naman ni Spade at sabay kaming tumango ni Clarice.

"We're best friends," sagot ko.

Nagulat si Spade at ilang segundo rin siyang natahimik. "W-wow! What a coincidence," aniya habang nakangiti.

Napangiti rin ako. Masaya ako para kay Clarice. She's so lucky to have someone like Spade. Dapat kapag ito nanligaw sa kanya sagutin na niya agad-agad.

Pero, parang may kakaiba.

Bakit parang may kung ano sa mga mata niya? Hindi ko ma-explain, pero ang weird ng paraan ng pagtitig ni Clarice sa'kin. Nakukyuryos ang Lola niyo, ha!

"Clarice! Sinong andiyan?" rinig ko pang sigaw ni Joy mula sa loob. Naglalaro na naman siguro sila ng tetris! Iyan kasi trip nilang laruin. "Tagal mong bumalik, matatalo na tayo—K-King?" gulat niya talagang tanong habang diretso ang tingin kay Joy.

Tama ba 'yong narinig ko? Tinawag niyang King si Spade?!

Mighad! What's going on?