webnovel

Clean Slate

Shanaia Aira's Point of View

KASAMA NA namin si Gelo nung umuwi kami sa bahay galing sa late night show ni tito Roy. It is almost 2am when we reached our house. Obviously tulog na yung kambal kaya walang pagpapakilala na magaganap.

Gelo sleep in the guest room. Kahit naman naipahayag na namin sa publiko ang katotohanan, kailangan pa rin na mag-usap kami tungkol sa susunod na hakbang namin sa relasyon namin. Yes, gusto niyang buoin ang pamilya namin pero kailangan, makipag-usap muna siya sa pamilya ko, sabihin sa kanila ang mga plano niya para sa amin at ipapakilala ko rin muna siya sa kambal. One at a time kumbaga.

Hindi ako halos nakatulog. Naiisip ko pa rin kasi lahat ng nangyari kanina sa studio. Yung reactions ng mga studio audiences, mga staff ni tito Roy, yung EP, si Roxanne at lahat na. Isang malaking scoop ito na siguradong pagpipyestahan ng buong bansa. Baka nga bago pumutok ang araw, sa mga morning shows ay laman na ito sa mga segments nila.

Alam ko na hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Tiyak may makikisimpatiya kay Roxanne, may manghuhusga kay Gelo at magagalit sa akin, lalo na yung mga fans na matagal ng naniniwala na single pa rin si Gelo.

Ano man ang marinig ko, kahit i-bash pa nila ako, tatanggapin ko na lang dahil ganoon talaga sa mundo na kanilang ginagalawan. Nung magdesisyon akong lumantad, alam. ko na kung ano ang kahihinatnan nito. Okay lang naman basta't wag lang silang gagawa ng drastic moves laban sa amin.

Dahil halos paumaga na ako nakatulog kaya tanghali na rin akong nagising. Napabangon pa nga akong bigla dahil may nakapa ako sa gilid ko.

Anak ng pating! Bakit may kamoteng kahoy akong nakapa?

What? kamoteng kahoy?

Kahoy?

OMG!

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano yong nahawakan ko.

" Hoy! Bakit ba kasi nandyan ka?" hampas ko sa braso ni Gelo. Nakatingin lang siya sa akin at nagpipigil ng tawa. Nasa guest room to, bakit nandito na ngayon?

" Nagising ako kanina, tiningnan ko kung gising ka na. Eh ang sarap ng tulog mo, nakanganga ka pa nga. Tinabihan muna kita at hinintay na magising ka kaya lang nakatulog ulit ako." napapakamot pa siya ng ulo niya.

What? Nakanganga ako? Nakakahiya!

" Bwisit ka! Paharang-harang yang kamoteng kahoy mo, nahawakan ko tuloy! " reklamo ko. Napangiti siya, yung labas dimples niya.

" Ikaw nga yang twin towers mo, dumantay sa braso ko kanina, nagreklamo ba ako? " napatakip ako ng bibig ko. Oh my! wala pa naman akong suot na bra! Shocks!

" Ihhh. Dyan ka na nga! Maliligo muna ako. " bumangon ako para pumunta na ng bathroom.

" Baby! "

" Oh! "

" Sabay tayo! "

" Hoy! Montero! Anong nangyari sa usapan natin na aayusin muna natin yung 'tayo' one at a time? Tigilan mo ko, baka gising na ang mga anak mo at mamaya lang nandito na yung mga yun. Kaya hindi ka pa pwedeng humarot sa akin ngayon. " walang preno kong turan. Siya naman nakatingin lang sa akin na kunot na kunot pa ang noo.

" What?! "

" Ang dami mong sinabi baby. Ano ba iniisip mo? Sabay tayong lumabas ng room na to ang ibig kong sabihin.Nakaligo na kaya ako kanina pa habang hinihintay kita." sabi niya na medyo nakangisi na. Oo nga, hindi ko napansin na iba na ang suot nyang damit.

Hala! Nakakahiya ka Aira. Strike 3 ka na. Kung ano-ano kasi iniisip mo. Maharot ka!

Kasi naman!

" Ah... eh... dyan ka na nga. Wait mo na lang ako dyan. " mabilis na akong pumasok sa bathroom sa sobrang kahihiyan.

Hay bakit ba ang awkward ng sitwasyon sa pagitan naming dalawa? Hindi naman ako ipokrita para 1%sabihing hindi ko nami-miss si Gelo.

Hindi ko lang siya nami-miss.

Kundi miss na miss ko siya.

Nami-miss ko yung mga paglalambing niya, yung pagiging maalalahanin niya, yung kakulitan niya. Pero syempre hindi naman ako dapat yung magsabi o mag-initiate sa kanya nun.

Hay kaloka!

Mabilis lang akong natapos maligo. Pumunta ako sa walk in closet ko para magbihis. Nadaanan ko pa si Gelo na nakaupo sa kama. Nakasunod yung tingin niya sa akin hanggang sa closet.

Hala! Balak ba niya akong panoorin habang nagbibihis ako?

Hindi ko siya pinansin. Nagbihis lang ako at walang pakialam kung nasisilip man niya ako.

Duh! Para namang hindi niya pa nakita ang lahat ng itinatago ko.

" Halika na punta na tayo sa room nung mga bata." pag-aya ko sa kanya. Parang nagkaroon ng excitement sa itsura niya. Gusto na nga kasi niyang makita yung kambal.

Tumayo na siya sa kama at sumunod sa akin. Pero bago kami lumabas ng room ay bigla na lang niya akong hinila na ikinagulat ko naman.

" What are you doing?" tanong ko. Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

" Wait lang baby, five minutes lang." bulong nya sa akin. Medyo nangilabot ako kasi yung hininga niya ay tumatama sa leeg ko. Huh. Torture.

" Once again, I would like to apologize for my wrong decisions. Sorry kung nasaktan kita baby sa mga nasabi ko noon sayo, I didn't mean that. Nasaktan ako sa mga nangyari kaya hindi ko na alam yung mga nasasabi ko. Gusto ko na mag-umpisa tayo ng malinis at maayos, without bringing up the past. Kalimutan na natin yong pangit na yugto ng buhay natin na yon. Iwanan na natin yung masasakit na yon pero huwag nating kalimutan yung mga naituro at natutunan natin sa masakit na pangyayaring yon. Let's start a new beginning, you, me and our twins. Let's stick together no matter what happens. Walang sukuan. Hindi ko kaya talaga baby ng wala ka sa buhay ko. Para akong buhay na patay. I promise to be the best version of myself. Kung ano yung Gelo na nagustuhan mo noon, mas hihigitan ko pa ngayon. I love you baby, so much and of course our babies. "

" Okay bhi promise ko hindi na kita susukuan, ngayon pa ba na hindi ko na kailangang itago ang relasyon natin. Basta huwag ka ng makikipag-relasyon sa iba ha? Ayoko nung pakiramdam ng nagseselos eh. Ayoko nung may ibang hahawak sayo, hahalik o kung ano pang nasty things na pwedeng mangyari. Ang kay Aira ay kay Aira lang! " natawa na siya ng malakas sa sinabi ko. Aba akala yata niya eh nagbibiro ako. Kung dati magsasawalang kibo ako sa mga higad na may gusto sa kanya, aba ngayong lantad na sa publiko ang relasyon namin, sorry na lang sila.

" Na-miss ko yang tawag mo na yan sa akin baby."

" Bakit ano ba tawag sayo ni Roxanne?"

" Tss. Kasasabi ko lang na don't bring up the past eh. Huwag ng isinasali yung hindi kasali dito." napasimangot pa sya.

" Pikon naman. Ano nga yung sabi mo kanina? Yung Gelo na nagustuhan ko non mas hihigitan mo pa ngayon? Yay,nakakatakot yun! " biro ko.

" Bakit naman? "

" Yung Gelo kasi noon, mahilig mag-exercise walang pinipiling oras. Kung hihigitan mo yun.... Jusko! Tiyak malulumpo na ko nito. " napahalakhak na siya ng husto sa sinabi ko. Tapos nung huminto siya, niyakap pa ako ng mas mahigpit. Ginawa na niya akong mashed Aira.

Tinignan niya ako sa mga mata tapos walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi.

Matagal. Mainit. Puno ng pagkasabik.

Tinugon ko naman ng buong puso. Aba syempre naman, four years ko itong hindi nahalikan kaya kailangang bumawi.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na kami sa ginagawa, feeling ko pag natapos kami ay parang kinagat na ng bubuyog ang nguso ko. Pero itong kasama ko ay tila walang balak tumigil, pinipigil ko na nga kasi hindi na ako makahinga. Kinukurot ko na sa tagiliran balewala rin.

Nang biglang....

" MOMMY!!!"

Nagkatinginan kami ni Gelo. Sabay pa kaming napangiti.

Oh my G! They're here!