webnovel

Chapter 4: Galit na Farrah

"Isang Orc! magtago na kayo!" Sigaw ng isang tao pagkakita kay Farrah.

"Papatayin nila tayo! Kaya mag tago na tayo habang hinde pa sila nakakababa dito."

Ang mga tao sa baba ay takot na takot pagkita nila kay Farrah dahil akala nila isang Orc si Farrah.

Ang mga Orc ay mga halimaw na ang hilig ay pumatay ng tao at kainin sila. Sila ay napaka brutal at walang awa. Sino mang tao ang makita nila, agad nila itong papatayin. Minsan paglalaroan muna nila ito at saka nila papatayin at kakainin.

Ang mga Orc ay may tinatawag na Elder. Ang mga Elder ay yung mga Orc na kayang gumamit ng salamangka. Hinde lahat ng Orc pweding maging Elder, tanging yung mga may kakayahan lang na gumamit ng salamangka ang pwede. Pagkapanganak palang ng isang Orc malalaman na agad kung ito ay pweding maging Elder kapag ang mata nya ay kulay blue.

Ang mga mata naman ng ordinaryong Orc ay kulay green. Kaya madali lang malaman kapag isang Elder ang isang Orc o ordinaryong Orc lang.

Bell.... Bell.... Bell....

"Hmm? Ano yun?" Sabi ni Farrah pagkarinig sa tunog ng bell.

Tumingin si Farrah kung anong meron. Ang nakita nya ay mga sundalo na umaakyat sa padir na nakapalibot sa bayan.

"Wow, mukhang gusto nila akong e-welcome dito sakanila. Wow famous na pala si ako hehe." Yun ang pagka-akala ni Farrah kaya binilisan pa ni Farrah ang bilis ng Hover Board nya.

Pero bago paman si Farrah makalapit sa padir ng bayan, may biglang dumaan na kung ano sa gilid nya na nagmula sa padir. Tumingin si Farrah sa likod nya para makita kung ano yun at ng nakita nya na isa pala itong nagliliyab na bato.

Tumingin si Farrah sa taas ng padir, at saka nyalang napansin sa soot nila at sa mga armas nila at sa ginagawa nila, halatang halata na hinde sila nandun para e-welcome si Farrah. Nandun pala sila para pabagsakin si Farrah mula sa langit.

"Archers! Ihanda nyo na ang mga pana nyo, kailangan nating pabagsakin ang Orc na yan. Handa!.... Fire!" Sabi ng isang tao sa mga sundalo sa taas ng padir. Base sakanyang soot, mukhang ito ang kanilang Commander.

"Tika, wala akong masamang gagawin sainyo. Gusto kolang may mapagtanungan." Sabi ni Farrah.

Pero dahil sa layo ni Farrah sa mga sundalo, hinde nila narinig ang sinabi ni Farrah. At dahil din sa layo ni Farrah sakanila kaya hinde nila makita na tao din si Farrah na tulad nila at hinde Orc.

Nakita nalamang ni Farrah na napuno ng parang mga itim na toldok ang harapan nya. Nang tignan nya ito ng mabuti, ang nakita nya ay mga bala pala ito ng pana . Napuno nito ang kalangitan at alam ni Farrah na kahit saan man sya pumunta, siguradong matatamaan parin sya nito.

Kaya walang paligoy ligoy pa, ginamit nya ang kapangyarihan nya na pagalawin ang mga bagay gamit ang isip nya para patigilin ang mga bala ng pana sa pag tama sakanya.

Ipinikit ni Farrah ang mata nya at binuksan ito, pagktapos lahat ng bala ng pana ay biglang tumigil sa harap nya.

"Ano bang mga problima ng mga taong ito, wala naman akong gagawing masama sakanila." Sabi ni Farrah.

Inis na inis sya sa mga oras na yun kasi wala naman syang ginagawang masama pero gusto syang patayin ng mga tao.

'Ganito ba ang ugali ng mga tao dito? Kahit wala namang ginagawa ang tao sakanila basta basta nalang nila ito aatakehin.' Akala ni Farrah, mababait ang mga tao dito, pero mukhang hinde pala.

Sabi kasi kay Farrah ni God, masaya daw ang lugar na pupuntahan nya. Pero sa nakikita nya, hinde na sya naniniwala sa sinabi ni God.

"Commander, may salamangkang gamit ang Orc na ito. Napatigil nya sa ere ang mga bala ng pana namin. Anong klasing halimaw yan." Natakot ang mga sundalo pagkakita sa mga bala ng pana na pinakawalan nila na biglang tumigil sa ere.

Ang mga sundalo na nasa padir ay dati nang lumalaban sa mga Orc, pero ngayun palang sila naka kita ng Orc na napaka makapangyarihan. Ang mga Orc na nakakalaban nila dati ay mga ordinaryong Orcs lamang na ang kayang lamang gamitin ay espada at wala nang iba. Pero ang Orc na nasa harapan nila ay nasa iba ibang level na.

"Wag kayo matakot, nag iisa lang yan. Isa syang Elder Orc, kaya kaya nyang gumamit ng salamangka pero meron naman tayong panglaban sa salamangka nya. Ihanda ang mga kanyon. Papatayin natin ang Orc na yan!" Sabi nung Commander sa mga sundalo na nasa padir.

"Orc? Sino ang Orc? Tika ako? Mga baliw! Mas mukha pa nga kayong Orc sakin! Sa ganda kong ito tinatawag nyo akong Orc!?" Habang nasa Hover Board si Farrah, narinig nya ang sinisigaw ng Commander sa mga sundalo. Bigla syang nagalit pagkarinig nya na tinatawag syang Orc.

Doon nga sa dati nyang mundo, palaging sinasabihan na maganda si Farrah pero ngayun, dito sa ibang mundo, tinatawag syang Orc. Masyado nabang malabo ang mga mata ng mga tao dito para hinde nila makita ang kagandahan ni Farrah. Yun sana ang gusto nyang isigaw.

Kaso bago nya paman ito masabi, biglang may mga nag potyokan na nagmula padir ng bayan. Ngayon ang harapan ni Farrah ay biglang napuno ng bala ng kanyon.

"Haaaahhh!!!! Ayoko na! Una gusto nyo akong patayin gamit ang pana! Tapos sunod tinawag nyo pa akong Orc! Ngayun gusto nyo naman akong patayin gamit ang kanyon!? Sige, yan gusto nyo! Kayo bahala!."

Galit na galit na talaga si Farrah, wala nang makakapigil sa galit nya. At kapag hinde nya ito nalabas baka bigla na syang sumabog sa galit.

Tinaas ni Farrah ang kaliwang kamay nya at gamit ito, pinatigil nya sa pag galaw ang mga bala ng kanyon. Sunod ay itinaas nya naman ang kanang kamay nya, at itinapat nya ang kanyang palad sa harapan nya at pagkatapos huminga sya ng malalim at nagpalabas sya ng napaka daming apoy mula sa palad.

Parang naging Flamethrower ang kamay ni Farrah dahil sa dami ng lumalabas na apoy sa kamay nya.

Tinamaan ni Farrah ang mga bala ng pana at mga bala ng kanyon ng apoy hanggang sa lahat ng ito ay nagliliyab na. "Sabi nga ng matatanda, pag binato ka ng bato, batohin mo ng tinapay. Ehh sila binato ako ng bala ng pana at kanyon, kaya babatohin ko din sila ng nagliliyab na bala ng pana at kanyon. Dapat makinig kayo sa magulang nyo nung sinabi nila na 'Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sayo'. Ngayon humanda na kayo!" Sigaw ni Farrah.

"Commander, anong gagawin natin ngayun? Mukhang galit na ang Orc na yun." Sabi ng isang sundalo na nasa tabi ng Commander nila.

"Wag kayong matakot, kakayanin natin ito. Ihanda nyo na ang mga pananggalang. Itaas na ang mga ito, wag pababayaan na magkaroon ng butas sa depensa natin, kundi maraming buhay ang mawawala satin. Kaya handa na!" Dali dali namang itinaas ng mga sundalo ang mga higanting pananggalang nila at tinakpan ang taas ng padir.

Gamit ang kaliwang kamay ni Farrah, pinaikot nya ang mga bala ng pana paharap sa mga padir ng bayan.

"Magtago na kayo!" Sigaw ni Farrah.

Itinaas nya ang kamay nya at pagkatapos binaba nya ito.

Wooshh... Wooshh... Wooshh...

Sabay sa pagbaba ni Farrah ng kamay nya saka gumalaw ng napaka bilis ang mga bala ng pana at bala kanyon papunta sa mga padir.

Boom... Boom... Boom...

Sa lakas ng pagtama ng mga bala ng kanyon sa mga malalaking pananggalang ng mga sundalo, nagtalsikan ang mga ito at nadala rin nito ang ibang sundalo na nasa taas ng padir. Ang mga pananggalang ng iba ay bagamat hinde tumalsik dahil sa lakas ng pwersa, ay nagka sira sira naman at yung iba wasak na wasak na.

Ang ibang sundalo na nasa taas pa ng padir ngayun ay nasusunog dahil sa mga nagliliyab na bala ng pana at bala ng kanyon na tumama sakanila. Ang mga pananggalang naman nila ay nasusunog narin dahil gawa lamang ito sa kahoy.

Ang padir ng bayan ay puno na ng apoy, at mas lumalakas pa ito. Kahit binabasa ng ibang mga sundalo ang apoy, hinde parin ito nawawala.

Pinagmasdan ni Farrah ang nangyayari sa mga sundalo sa taas ng padir, at saka nalang sya nahimasmasan at nawala ang galit.

"Hala, anong nagawa ko?"

Hinde naman gusto ni Farrah na mangyari ang lahat ng ito at makapanakit pa sya ng ibang tao. Ang gusto nya lang ay toroan ng leksyon ang mga sundalo na ito dahil tinangka nilang patayin si Farrah pero mukhang nasubrahan ang nagawa nya.

Nag isip si Farrah ng paraan at saka nya nakita na may ilog pala syang nadaanan sa may likoran nya.

"May kapangyarihan ako na gumamit ng apoy, ang alam ko isang elemento ang apoy, at ang tubig elemento rin yun. So baka kaya ko rin kontrolin ang tubig. Kailangan kong sobokan para matolongan ko ang mga sundalo na ito."

Itinoro ni Farrah ang kanang kamay nya sa ilog at inisip nya na tumaas ito at sumonod sa gusto nya.

Hinde nga sya nabigo, tumaas nga ang mga tubig sa ilog. Kaya nya nga talagang kontrolin ang elemento ng tubig.

Nakita ng mga sundalo sa taas ng padir ang pag taas ng tubig sa ilog at sila ay namangha at natakot. Namangha kasi simula pa noong pinanganak sila sa mundo, wala pang nangyayaring ganito. Ngayun palang. Natakot kasi alam nila na hinde kalikasan ang dahilan kung bakit ito nangyayari kundi dahil sa Orc na gusto nilang patayin.

"God, diba sabi mo Kapangyarihan ng mga Diyos, ibig sabihin ang Healing Magic kaya korin yun gamitin. Kailangan kong ayusin ang nagawa, kundi kakainin ako ng konsensya ko."

Pinapunta ni Farrah ang mga lumolutang na tubig papunta sa harapan nya at gamit ang kanyang kaliwang kamay, hinawakan nya ito. Pagka hawak nya sa tubig, bigla itong nagliwanag at naglabas ng napaka gandang puting liwanag.

Ramdam ni Farrah ang kahiwagaan ng tubig na iyon pagkahawak nya dito. Noong una ordinaryo lang itong tubig, pero ngayun nagi na itong isang Healing Water. Lahat ng sugat malaki man o maliit basta mabasa nitong tubig na ito, ay gagaling. Kahit ang mga sakit sa loob ng katawan at mga malalang sakit na wala nang lunas, kaya nitong pagalingin.

Ito nalang ang magagawa ni Farrah para makabawe sa nagawa nya sa mga sundalo.

Kaya wala nang paligoy ligoy pa, lahat ng tubig na lumolutang sa harapan ni Farrah ay pinapunta nya na doon sa taas ng padir kung nasaan ang mga sundalong sugatan.

Haaaahhh!!!! Tulong!!!!!

Pag abot ng mga Healing Water sa mga sundalo, imbes na maging masaya sila at maging maayus ang pakiramdam ay mas lumala pa ito. Kasi biglang bumagsak sakanila ang tuni-tuniladang tubig. Parang binagsakan sila ng isang balyena at parang may tsunami na umatake sakanila.

Ang mga sundalo sa taas ng padir ay nagtalsikan pag bagsak sakanila ng mga Healing Water. Ang mga sundalo na ito ay bumagsak sa lupa at nagkadorog dorog ang mga boto. Pero pinagaling din agad sila ng mga Healing Water na nagbagsakan sakanila galing sa taas.

"Patay! mukhang mas lumala yata." Sabi ni Farrah pagkakita sa mga sundalo na nalaglag mula sa taas ng padir.

Itinaas ni Farrah ang kamay nya at ang lahat nang Healing Water ay tumaas rin. Pinaglapit ni Farrah ang kaliwa at kanang kamay nya at mabilis nya itong pinaghiwalay.

Sabay ng paghiwalay ng kaliwa at kanang kamay ni Farrah, nagtalsikan rin ang mga Healing Water papunta sa boong lugar at naging ulan.