Chapter One
Ruby
Isa akong company secretary sa isang Information Technology Inc. sa San Gabriel, bayan na malapit sa San Lorenzo kung saan ako nangungupahan. Taga probinsya ako pero laking syudad ako kaya sanay ako dito. Nasa boundary ng San Gabriel at San Lorenzo ang pinagtatrabahuhan ko kaya sa San Lorenzo na rin ako nakahanap ng matutuluyan – sa Calle Adonis.
Magdadalawang linggo na rin ako sa kalye na iyon at napakarami kong naririnig rinig mula sa mga tao sa opisina na napakarami raw tambay dito at pinuputakte ng mga lasenggo sa kanto at minsan ay mga nanggugulong lasing sa daan. Pero isa ang gusto kong patunayan, naglipana raw dito ang mga yummy – opppsss, gwapong binata.
I am 24 and inaamin kong maarte ako, maldita (mabait din naman) at syempre maganda. Hanggang balikat ang dark brown kong buhok at medyo may katangkaran lang ako sa height na 5'4". Pag nagheels ako, malulula na ang mga ate mo sa akin.
Bunso ako sa apat na anak nila Mommy at Daddy kaya masasabi kong spoiled bratt ako. Pero at least, nag-aral ako ng mabuti at may trabaho na. Matutustusan ko na ang mga luho ko. Make up, mga damit at bagong gadgets.
It's 5:30 na ng hapon at nandito ako sa may paradahan ng tricycle papuntang Calle Adonis. Every 5:00 p.m. ang larga ko. Nakasuot ako ngayon ng pencil cut na skirt at pulang company long sleeves. Binagayan naman ng brown kong bag ang shoes kong three inches ang taas. Gosh ang ganda ko pero sa tricycle lang ako sumasakay. Makakaipon din ako para sa kotse ko. Ayaw ko kasing manghingi sa parents ko. Gusto ko sa pawis ko galing. Hephep, hindi ako pinagpapawisan, air conditioned ang workplace ko.
Dumating na ang una sa pila ng mga tricycle hanggang sa dumami na ang pila. Sasakay na sana ako sa una pero nakita kong puro kalawang na yung mga bakal. Shocks baka madumihan ang damit ko. Tyempo naman na may matandang nasa likuran ko na nakapila rin kaya pinauna ko na siya.
"Ayyy, manang, kayo na po muna, hindi naman po ako nagmamadali," gosh ang bait bait ko.
"Naku hija, napakabait mo naman at ang ganda ganda mo pa. Salamat," naappreciate ni ate yung kabaitan ko.
"Wala pong anuman," ngumiti pa ako.
Umalis na ang una sa tricycle.
Pangalawa, butas butas ang upuan. Shocks baka makawit ang skirt ko. Ayoko nito. Eksakto namang may buntis sa likod ko kaya pinauna ko na rin siya.
Pangatlo,
pang-apat,
panglima,...
pangsampu.
Walang matinong sasakyan.
I am so stressed.
Ito na ang nakukuha ng maarteng tulad ko. Ang sakit na ng paa ko sa kaaantay at humahaba na rin ang pila ng mga tao. As usual, ako pa rin ang nasa unahan. Pero napakarami ko nang pinauna. Mukha na nga akong superhero.
Tapos may dumating na pamilyar na tricycle. Yung pangalawang inayawan ko. Wala naman nang sumunod sa kanya.
"Sasakay ka ba ma'am?" tanong ng driver. Shocks. Ang hot niya.
Naka tank top siya na kulay itim, may towel sa leeg niyang kulay puti at naka basketball shorts na itim at kumikintab. Pansin ko rin ang bracelet niyang itim sa kanang kamay.
"Kanina ka pa nakapila dito miss. Parang namimili ka naman yata ng sasakyan," sabad ng Ale na nasa likod ko.
Hindi naman masyadong malakas ang boses ni ate pero sapat na para marinig ng gwapong driver.
"Hindi naman po sa ganoon manang. Actually sasakay na po ako," napilitan na akong sumakay dahil baka gabihin ako sa daan at baka mapaano pa ako pag naiwan ako ditong nagiinarte mag-isa.
Ingat na ingat ako sa pagsakay dahil baka makawit ang skirt ko sa butas butas na upuan ng tricycle.
"Alam mo ma'am, kung namimili ka ng masasakyan, sana bumili ka na lang ng sarili mong kotse. O kaya ay bumili ka ng bahay mo sa labas ng kalye Adonis para di ka na sumakay sa mga pangit na tricycle na gaya nito," abah. Pinagsasabihan ba ako ng damuhong ito?
"Excuse me mamang driver, wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan dahil nagbabayad naman ako. At anong paki mo kung namimili ako? I only want the best for me," medyo lumapit ako sa kanya at tumingala para masindak siya sa pretty face ko.
"Sabi ko nga," yun lang at umandar na ang tricycle.
Habang nasa daan kami ay hindi ko mapigilang tingnan ang tagiliran niya. Amputeee naman. Tanaw ko rin ang cute nipples niya.LOL.
How could you show me your pink nipples?
Shocks ang halay ng utak ko. Pero halerrr, kasalanan niya dahil nagsuot siya ng tank top. Alam kong mainit ang panahon pero di naman sinabi ni Kuya Kim na mas painitin niya pa ang hapon diba?
Nakaisip ako ng wild idea. Picturan ko kaya siya habang nagdadrive tapos isesend ko kay Mayumi. Patutunayan ko sa kanya na totoo ang bulung bulungan na pugad ng mga gwapo ang Calle Adonis. Mayumi lang ang name niya pero sa totoo lang ay hitad din ang babeng iyon.
Hinalungkat ko ang cellphone ko sa bag kong LV at nagtataka ako dahil wala akong makapang cellphone. Tiningnan ko na pati bulsa wala rin. Sa kinauupuan ko wala rin.
Hindi kaya ako nadukutan sa pila? Shocks paano na ito? And then bigla kong naalala, naiwan ko palang nakacharge ang phone ko sa likod ng table ko sa office.
Time check: 6:00 P.M.
Sigurado nandun pa si Mang Dani, guard namin.
Pero paano ako babalik doon?
Hindi lang ako maarte. Makapal din ang face ko. Maganda kaya ako.
"Excuse me pogi," pagpapacute ko sa driver.
Hindi niya ako tinitingnan pero alam kong naririnig niya ako.
"Pwede ba nating balikan yung phone ko sa office?" tanong ko.
Hindi siya kumikibo.
"Dodoblehin ko ang bayad," pagbabasakali ko.
"Yun pong pagbalik natin dun ma'am ay isang byahe na rin yun, at pagbalik natin sa Calle ay isa na rin po. Hindi po kaya kulang ang doble?" sarkastikong sagot niya habang nakangiti at nakatuon lang sa pagmamaneho.
How could he be so gorgeous kahit medyo rude na siya?
"Sige, four times the payment," ako.
"Mayaman po pala kayo ma'am. Sana bumuli na lang kayo ng sasakyan o kaya naghire ng driver," siya. Inihinto niya ang tricycle at tiningnan ang kaliwa't kanan saka nag u-turn.
Abah. Andami mo pang sinasabi, papatol ka rin naman pala sa four times the payment ko.
"Saan po ba natin kukunin ma'am?" tanong niya.
"Sa may Information Technology Inc. – DRST. Sa boundary," sabi ako. Nag-aalala ako dahil medyo madilim na. Baka hindi na bukas iyon.
"Excuse me, pakibilisan naman po," angal ko. Para kasing 20 kmph ang takbo namin eh.
"Ma'am kulang pa po yung bayad niyo kapag nakadisgrasya ako o kaya ay madisgrasya tayo. Kung gusto mo pong mauna ay ikaw na magdrive. Bababa na lang ako. Sayang naman ang lahi ko," derederetso nya lang na sinabi.
Gwapo ka nga pero di marunong magbigay halaga sa gusto ng pasahero. Tameme na lang ako hanggang sa makarating kami.
Time check: 06:12 p.m.
At sarado na ang opisina.
What the Fudge.. (Beast Mode)
Nasa harapan kami ngayon ng gate at pati gate ay sarado na. Nag-aantay lang sa akin ang driver sa may tabi dahil sinabihan ko siyang mag-antay at bahala na akong magbayad sa kanya.
Pumayag naman.
"Gosh, paano na ito? Nandun pa man din ang mga reports na dinownload ko," paikot ikot ako sa harap ng gate.
Isip.Isip.Isip. Ting! Bright Idea pops.
"Alam ko na," tumakbo ako malapit sa driver.
Ichachat ko na lang si Mayumi para ibigay sa akin ang cellphone number ni Mang Dani. Tapos makikitawag na rin ako para pabalikin siya at buksan ang office. Very Good. Ang galing ko talaga.
"Excuse me. Alam ko abala na ito pero pwede bang hiramin ang cellphone mo?" sabay hawi ko naman ng buhok ko at inipit ito sa tenga ko.
Kanina lang ay para akong tigre. Pero ngayon ay tila muning na nagsusumamo para sa tinik ng isda. Sabay blink blink pa ng mata ko. Meow.
Nakatitig lang siya sa akin at biglang pumutok ang naaasar niyang tawa at kinuha mula sa likod niya ang cellphone niya. Nakaipit lang ito sa garter ng shorts niya at iniabot sa akin. Basa-basa pa ito ng pawis niya kaya medyo nandiri ako.
"Malinis at mabango ang pawis ko, akin na nga pupunasan ko," kinuha niyang muli ang cellphone saka pinunasan ito gamit ang laylayan ng damit niya.
Wehhhh. Paamoy?
Bahagya namang nakita ang tiyan niya.
Wala siyang abs pero ang kinis at flat ng abdomen niya. Yung pusod niya, shocks.
Bumalik ako sa tamang huwisyo nang iabot niya sa akin ang Samsung Keystone na cellphone niya.
Opo.
Keystone.
Yung hindi touch screen na kulay itim.
Yun bang pinakamaliit na Samsung na kahit one week mong hindi icharge ay hindi pa maglolow battery.
"Huh. Seryoso ka? Ito ang cellphone mo?" naiinis kong tanong.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Pahiram lang ako ng touch screen phone mo may ichachat lang ako. Huwag kang mag-alala hindi ako mag-oopen ng videos mo. At hindi rin ako mahilig sa scandal," iniabot ko ang cellphone niya at umaasang ipahiram sa akin ang touch screen phone niya.
"Alam mo ma'am, naaabala mo na nga ako sa pag-aantay ko sayo dito, iinsultuhin mo pa ako. Eh ano lang kung ganito lang ang cellphone na mayroon ako? Hindi ko naman kailangan ng magara dahil wala akong hilig diyan. Bwisit. Nakagarahe na sana ako at nagpapahinga," mahaba niyang litanya saka pinaandar ang tricycle.
"OOhh. Wait wait. Hindi naman sa ganoon. Kailangan ko lang kasing ichat yung kawork ko," hinawakan ko ang biceps niya para pigilan.
Shocks. Tinanggal ko agad ang kamay ko dahil basa pala yung braso niya ng pawis.
Mula braso niya naman ay tiningnan niya ang pandidiri ko.
"Ayaw ko sa lahat ay yung may kaillangan ka na nga ikaw pa yung maarte," pinaandar niya ang tricycle at dahan dahang umalis.
"Wait saglit lang," mga ten meters na siya palayo sa akin at patuloy ako sa paghabol.
Madilim na rin ang paligid at wala na akong masasakyan nito papasok sa Calle Adonis.
Sa pagkakatakbo ko naman ay napahinto ako dahil huminto rin ang tricycle.
"Sakay na," diretso lang ang tingin niya sa daan nang sinabi niya iyon.
Nasa likod ako ng tricycle pero alam kong nakatingin siya sa akin ngayon mula sa side mirror.
Wala na rin naman akong magagawa kaya sumakay na lang ako.
Mula sa gate ng kumpanya hanggang sa Arko ng Celle Adonis ay hindi ako umimik. Siya naman ay papito-pito pa habang nagmamaneho.
Madilim na rin kaya hindi ko rin maaninag ng maigi ang mukha niya. Tanging tanglaw lang mula sa ilaw ng mga street lights na tumatama sa mukha niya ang mga chances na makita ko siya.
Mabait din pala ito. May pagkamasungit nga lang.
"Nasa Calle Adonis na tayo, saang block ka dito?" mahina niyang tanong. Halata namang umiiwas na siya sa tingin ko kaya tumingin na rin ako sa daan.
Ang bilis naman ng biyahe na ito. Ayaw ko pang bumaba.
"Block 14, Lot 05," sabi ko.
Mga ilang minuto lang ay nasa eksaktong lugar na ako.
"Bayad oh," iniabot ko sa kanya ang one hundred pesos mula sa loob at bumaba na ako. Ayaw ko nang kunin ang sukli dahil tama nga siya, malaking abala na ang dulot ko sa kanya.
"Ma'am yung sukli niyo," hinabol niya naman ako mula sa gate na akmang bubuksan ko na.
Mula naman sa labas ay sumunod sa amin si Aling Gara, ang may-ari ng inuupahan ko.
"Oh Ruby, ginabi ka yata ngayon. Oh, Baste, ikaw pala iyan?" gulat namang sabi ng matanda.
"Ikaw ba ang sinakyan niya?" tanong ng matanda.
"Ah eh, opo tita," nahihiyang saad ng driver sabay kamot sa batok niya.
Mula sa ilaw ng poste na tumatama sa amin ay kita ko naman ang hotness ng driver na ito. May pakili-kili pa si mayor. Okay lang naman, hindi naman messy ang hair sa armpit. Maputi? Check.
Kdot. Ikaw na ang sexy. Kung akala mong maaattract ako sayo? Pwes… OO.
Haaay. Let me see my checklist sa utak ko.
Makakita ng gwapo sa Calle Pogi with oozing body ; Check.
Hindi ko lang inexpect na makakakita ako ng tagiliran, pusod at kili kili ngayon. Too early.
Parang may sariling pag-iisip ang daliri ko dahil kusa itong nagchecheck sa hangin.
Nahimasmasan naman ako nang magsalita si Aling Gara.
"Buti naman hija at si Baste ang naghatid sa iyo. Mabait itong pamangkin ko na ito," magiliw na saad ng matanda.
Nagulat naman ako.
"Ahh ganoon po ba. Sige po Aling Gara, papasok na po ako," pagpapaalam ko.
"Ma'am yung sukli niyo," pinipilit niyang i-abot sa akin.
"Keep the change. Pasensya na sa abala," may diin ang bawat salita ko at tumalikod na.
"Gumarahe ka na rin hijo. Gabi na," narinig kong sabi ni Aling Gara.
"Opo tita. Mauuna na po ako," mula sa hagdan ay dinig ko pa sila.
Paakyat na ako.
So, Baste pala ang pangalan niya? Hindi pwedeng hindi ako makganti sayo. Hindi pwedeng ako ang mauunang mafall. Excuse me. Ikaw dapat ang mauuna.
Checklist Alert.
Magpafall ng hottie sa Calle Adonis: To be accomplished. Insert evil smile.
This is me. I am Ruby Jenevie Flores.
____
Thank you for reading this chapter. Feel free to give your comments and suggestions. Thank you.