webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · สมัยใหม่
Not enough ratings
126 Chs

Chapter Ninety

"Hubby say ahh," utos ko sa kanya habang hawak yung barbecue.

Tumingin muna si TOP sa mga kaibigan nya. Tumingin din ako sa kanila. Parang gusto nilang tumawa na ewan.

"Psh!" ako nalang ang kumain ng barbecue.

"Bakit mo kinain?" tanong niya.

"Nahihiya ka di'ba? Kaya ako nalang kakain nito"

Sinimangutan nya ako. Nandito kami sa harap ng bonfire. Nakapaligid kami sa apoy.

"May sinabi ba akong hindi ko kakainin? Subuan mo ulit ako."

"Ayoko nga. Pinahiya mo na ako kanina no!" sabay kagat ko sa barbecue.

"Wifey!"

"Oy! Oy! Kayong dalawa! Hwag kayong masyadong matamis—Aray! Siete! Bakit mo ako binatukan?" angal ni Jack

"Hayaan mo nga sila. Bitter!" sagot ni Seven.

"Hindi ako BITTER!! May Eingel ako! Ikaw ang bitter! La ka kasing lablayp!" ganti ni Jack.

"Ano'ng wala?! Asa ka pa! May Joshilyn ako!!" Seven

"Yeah! Yeah! Whatever!" sabi ni Jack. "Hoy Red! Tahimik natin dyan?"

"Huh? Ah.. Wala. May iniisip lang ako," sagot ni Red sabay inom ng beer.

Tumingin sa'kin si Red. Biglang tumahimik ang paligid.

"Hubby. Lakad tayo," tumayo ako. Naasiwa ako sa atmosphere. Ang bigat kasi.

Sabay kaming naglakad palayo sa bonfire. Kahit malayo na kami ramdam ko ang mga titig nila sa'min. Naglakad lang kami nang tahimik ni TOP. Pinapakinggan ko lang ang tunog ng pag-alon ng dagat. Maliwanag ang bwan kaya hindi na namin kailangan pa ng ilaw. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni TOP sa kamay ko.

"I wish we can always be like this, together, just you and I," bulong nya.

Napabuntong hininga nalang ako. Sana nga..

"May problema? Kanina ka pa parang may iniisip."

"Hmm. Wala naman."

"Nagsisinungaling ka na naman."

"Hubby.." tumigil kami sa paglalakad at humarap ako sa kanya. "Pano kung bigla nalang..."

"What?"

"Hmm. Magkahiwalay tayo.."

Awtomatikong humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Hindi ako papayag," nakakunot ang noo na sagot nya.

"Ano'ng gagawin mo kung mangyari 'yon?"

"I'll follow you," seryoso nyang sagot. "I'll do everything to get you back."

Nilunok ko ang tila nakaharang sa lalamunan ko.

"Pero pano kung ikaw yung lalayo sa'kin?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?" mas lalong kumunot ang noo nya.

"Pano kung magalit ka sa'kin at hindi mo na ako mapatawad?"

"Hindi mangyayari yan.." siguradong sagot nya.

"Pano kung mangyari?"

Natigilan sya.

"Ikaw. Anong gagawin mo? Kung layuan kita?" tanong nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Wala."

"Wala?" nabigla sya sa sagot ko at halatang di nya nagustuhan.

"Oo. Wala. Kasi yun ang gusto mo. Iintindihin ko nalang."

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay.

"Bakit pakiramdam ko mawawala ka sa'kin?" bulong nya.

Halos madurog ang puso ko nang marinig ko 'yon. Ang lungkot ng boses nya. Naramdaman ko syang tumakbo sa'kin at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Mahal mo ako di'ba?"

"Oo. Sobra."

"Good." Ngumiti sya nang malapad. "Eh di hindi mo ako iiwan."

Muntik na akong matumba sa lakas ng impact ng sinabi nya. Naniniwala sya. Buo ang tiwala nya sa'kin na hindi ko sya iiwan dahil mahal ko sya.

"Kung alam mo lang Timothy.." bulong ko sa sarili ko.

***

Ilang oras pa kaya ang natitira? Ilang oras pa ang natitira sa amin ni TOP. Ilang oras nalang? Ilang oras na lang at iiwan ko na sya.. Sana..Sana..

"Timothy.."

"Hmm?" tumingin sya sa akin mula sa TV.

"Yakapin mo 'ko.."

Ngumiti sya at niyakap ako.

"Higpitan mo pa.."

Sumunod sya. Hinigpitan nya ang yakap sa'kin. Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam na kahit malapit kayo, parang napakalayo parin. Sobrang layo.

"Tighter.."

"Baka madurog ka."

"Hindi yan. Basta higpitan mo pa."

"Miracle?"

"I love you!"

"Miracle!" sumigaw na sya.

"Hmm?" tinignan ko yung mukha nya.

"May hindi ka ba sinasabi sa'kin? May inililihim ka ba?"

Gusto ko nang sabihin sa kanya. Sabihin na iiwan ko sya. Na kailangan ko syang iwan. Gusto ko na lumayo ulit kami. Yung pupunta kami sa lugar na walang makakakita samin.

"Timothy masama ba na maglambing?" I pouted.

Ang kaso hindi pwede. Dahil kahit ano'ng gawin namin na pagtatago, makikita parin nila kami. Kaya kailangan kong gawin ito.

"No. Nagulat lang ako." Niyakap nya ulit ako. "It feels like you're leaving me and never coming back. You're not leaving me, right Miracle?"

"Hindi Timothy. Dito lang ako." I'm sorry.

Unti-unting nadudurog ang puso ko habang tumatagal. Dumating na ang oras na kinatatakutan ko. Mag-uumaga na. Isang oras bago sumikat ang araw. Hindi ako natulog. Buong gabi ko lang pinagmamasdan si TOP sa tabi ko. Baka kasi ito na ang huling beses na makita ko sya. Kung maswerte ako, sa Japan o South Korea ako ipapadala nila Mama at Papa. Kahit papaano, malapit lang yun. Pwede parin akong madalaw ng Crazy Trios. Kung hindi, baka sa France.

May bahay kami sa France, sa tingin ko don nila ako ipapadala. Tinitigan ko ulit ang mukha niya. Ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Ang dami kong sinayang na oras habang magkasama kami rito. Inaway ko pa sya. Kung alam ko lang sana.

Dahan-dahan na akong tumayo sa kama. Naligo na ako at nagbihis. Tinignan ko ulit si TOP. Mukhang napaka-peaceful ng tulog nya. Kinuha ko yung isang gamit na damit ni TOP. Yung suot nya kagabi. Kailangan ko lang kunin yon, for the sake of my sanity.

"I love you," I whispered to his ear.

I gave him a peck on his lips. My last kiss with him. My last night with him. My last morning with him. 'Goodbye Timothy.'

Lumabas na ako ng kwarto. Kapag nagtagal pa ako roon baka hindi na ako makaalis pa. Naghihintay ang mga kaibigan ni Timoty sa'kin sa sala. Wala akong ibang gamit na dala. Wala naman akong dala nung pumunta kami ni Timothy dito.

"Sam! Akala namin nagbago na ang isip mo," sabi ni Six.

"Hindi.." lumapit ako sa kanila.

"Tara na.." yaya ni Pip.

"Teka. Sasama ba kayo?" tanong ko.

"Hindi, ihahatid ka lang namin sa chopper.." sagot ni Jack.

"Let's go.." unang lumakad si Red.

Lumabas na kami ng bahay. Narinig ko ang pagdating ng sundo ko. Tumingin ako sa langit. Helicopter na pag-aari ng pamilya namin. Nakatatak doon ang family crest ng mga Perez. Hindi ako makapaniwala. Aalis na nga talaga ako. Iiwan ko na sya talaga.

Lumapag na ang helicopter malapit sa beach. Tinignan ko lang 'yon. Tinignan ko 'yon na parang ito na ang pinaka-nakakadiring bagay na nakita ko. Bumukas ang pinto nito at bumaba si Kuya Lee.

"Kuya."

"You did your job pretty well.." sabi ni Kuya Lee.

"Shut up!" Red snapped. "You better do your part Lee."

"I will, don't worry.." Kuya Lee said in a monotone voice. "Tumutupad ako sa usapan. A deal is a deal."

So it's true. May balak nga silang pabagsakin ang kompanya nila TOP. Kailangan pa talaga nilang gawin yon?

"Let's go Princess" iniaabot nya sa'kin ang kamay nya.

Tumingin ako sa bahay. Si Timothy. Paano na sya?

"Princess, c'mon. Let's go."

"Timothy.." bulong ko habang nakatingin sa bintana ng kwarto namin ni TOP.

Gusto ko syang makita. Gusto ko syang makitang nakangiti. Gusto ko syang marinig na tumatawa. Gusto kong—

"Samantha!" sigaw ni Kuya.

Huminga ako nang malalim. Pero kahit ano'ng gawin ko, parang ang sikip parin ng dibdib ko. Ang bigat. Ang hirap huminga. Lumapit na ako sa helicopter. Mapapatawad pa kaya nya ako? Bawat hakbang ko. Katapat 'non ay ang unti-unti kong paglayo kay Timothy.. Palapit sa lugar na wala sya.. Lugar na walang Timothy.. Isang impyerno..

*BAAAM!!*

May narinig akong malakas na tunog. Tila isang malaking bagay na bumagsak o humampas.

"MIRACLE!!!!"

Ang boses na 'yon. Lumingon ako sa bahay. Sa sobrang lakas ng bukas ng pinto, halos matanggal na ito.

"MIRACLE!!!!" sigaw nya habang tumatakbo.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko sya habang tumatakbo papunta sa akin.

"Timothy!" sigaw ko.

"Samantha! Umalis na tayo," hinila ako ni Kuya Lee sa braso papasok sa helicopter.

"Kuya.. Please.." tinignan ko sya nang nagmamakaawa.

"You know the consequences of your actions, Samantha," sagot nya at binitawan ako. "Make your decision."

"MIRACLE!! DON'T GO!! LEE!! YOU F*CKING BITCH!!!" sigaw ni Timothy at susugod kay Kuya.

Pinipigilan sya ng mga kaibigan nya.

"F*CK!!! LET F*CKING GO OF ME!!! WHAT THE F*CK ARE YOU DOING!!! DO YOU WANNA DIE?!!"

"Sam, get in. We're going home."

"Home.." tumingin ako kay Timothy. "Home."

"Miracle! No! Don't! Don't go!" puno ng takot ang mga mata nya. Pinipilit nyang makawala kina Red.

"I'm sorry.." sagot ko sa kanya.

"NO!! DON'T LEAVE MIRACLE!! I'LL DO ANYTHING!! ANYTHING JUST DON'T GO WITH THAT BASTARD!!!" mas nagwala sya ngayon.

"Timothy.." naluluhang sambit ko.

"F*CK!!! WHY ARE YOU BITCHES STOPPING ME?!! F*CK!!! LET GO OF ME!!! DAMMIT!!!"

Napatakip ako sa bibig ko at yumuko. Ang sakit. Ang sakit makita syang ganito.

"We should go.. Your parents are waiting."

"F*CKKK!!!! MIRACLE!!!"

Tumalikod na ako kay TOP. Hindi ko na kaya pa na makita sya sa ganitong sitwasyon.

"I PROMISE I'LL BE GOOD TO YOU!! DON'T GO!! MIRACLE!!! PLEASE DON'T GO!!!" he begged. "I'LL BE BETTER!! MIRACLE!! DON'T DO THIS TO ME!!"

Sumakay na ako sa loob ng helicopter.

"MIRACLE!!! WHY ARE YOU NOT LISTENNING TO ME?!!! CAN'T YOU HEAR ME?!!"

"Wow, that boy is very impressive. Hindi na ba sya matatapos sa kakasigaw?" reklamo ni Kuya at isinara ang pinto.

"HOW ABOUT MY LAST WISH MIRACLE?!! MY F*CKING THIRD WISH!! DON'T YOU REMEMBER?!!"

Panay ang tulo ng mga luha ko. Oo naaalala ko ang hiniling nya. Sinabi nya 'yon kagabi habang naglalakad kami.

"I wish we can always be like this, together, just you and I."

"Ready for take off," sabi ng piloto.

Tumingin ako sa bintana.

"LET GO OF ME!!!! F*CK LEE I'LL KILL YOU!!!!"

"Kill me? This boy is very—"

"SHUT UP KUYA!!! JUST SHUT UP!!!" galit na sigaw ko.

"NOOOO!! MIRACLE!!! MIRACLE!!!!"

Iyon ang huling salita na narinig ko mula kay TOP bago lumipad ang sinasakyan ko.