Ibigay ang kuwintas kay Qiu Chi Ka?
Nagpalitan ng tingin sina Gold Cang at ang kanyang mga kasama. Dahil sa oras na ibigay nila ito kay Qiu Chi Ka, magiging mahirap na ang pagbawi rito.
"Hmph." Suminghal si Qiu Chi Ka habang pinapanood ang mga nangyayari habang nanlolokong sinasabi na "Mga fighters din kayo. Gusto ninyo ng mga kayamanan pero natatakot kayong ibigay ang kuwintas sa akin. Haha, mukhang napakaperpekto nga siguro ng lahat sa mundo ninyo. Sabagay, wala akong kakayahan na makuha ito nang sapilitan sa inyo. Wala nga lang tayong ibang paraan para mabuksan ang kuwartong ito."
Sumigaw si Gold Cang "Purple Clock, subukan mo iyang buksan. Tingnan mo kung gagana ang pintong iyan sa iyo."
Nainis si Purple Clock sa kanyang loob, pero tumango pa rin ito "Sige."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com