webnovel

SURVIVAL ROMANCE

Hartsley · แฟนตาซี
Not enough ratings
22 Chs

ONE

 "Mama, bakit po ang sakit sa puso?" tanong ko kay Mama Theresa habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang sumisinghot ako nang paulit-ulit dahil nahihirapan na akong huminga dahil sa kakaiyak ko. Hinaplos niya ang buhok ko para mapatahan ako. Magkaharap kami ngayon, parehong nakaupo sa ibabaw ng kama ko habang tanaw ko mula sa aking bintana ang iba kong mga kasamahan na masayang nagkukwentuhan sa labas kasama ang iilang mga madre dahil na rin sa magandang panahon. Napangiti ako sa iniisip ko. Silang lahat at ang bahay-ampunan na 'to, ang St. Victoria Orphanage, ang tumatayong tahanan at pamilya ko mula noong sanggol pa lamang ako.

"Dalaga na talaga ang anak ko. Kaya ka nasasaktan kase umiibig ka na, Lyka."

Napalingon ako nang marahan sa kanya at napakurap pa ako ng tatlong beses dahil bukod sa hirap na akong huminga, eh, nanlalabo na rin ang mga mata ko. Kung hindi ako nabibingi, umiibig na raw ako? Alam kong crush ko lang si Martin pero bakit parang sobrang sakit naman 'ata? Ganito ba talaga ang epekto ng umiibig, halos hindi ka na makahinga sa kakaiyak dahil sa sobrang sakit?

"Sa loob po ng dalawang dekada, ngayon ko lamang po naranasan ang ganitong sakit kapag may crush ako. Dati naman po ay hindi. Minsan nga hinahayaan ko lang kase hindi naman katulad noon ang nararamdaman ko ngayon," turan ko. Natural lang sa'kin bilang babae ang magka-crush. Naalala ko pa nga na nagkakaroon pa ako ng tatlong crush noon sa loob lang ng isang araw. Hindi ko naman gaanong sineseryoso ang mga gano'ng bagay kase alam kong paghanga lang naman.

Pero simula nang makita ko si Martin, apat na buwan na ang nakakaraan, sa park malapit dito sa bahay-ampunan noong nagpapahangin kami ni Lovelle ay noon ko lang naramdaman ang kakaiba sa puso ko. Pagdaloy ng kuryente sa katawan ko at parang nag-slow motion ang paligid, ang mga tao sa paligid namin ay nawala at tanging siya na lamang ang nakikita ko. Weird nga, eh, pero 'yon ang naramdaman ko kahit hindi ko pa siya kilala noong mga panahong 'yon. Siya ang rason kung bakit araw-araw na akong pumupunta ng parke para lang makita at makilala siya nang lubusan. Naging magkaibigan kami na labis kong kinatuwa at mas lalo naman akong nagkagusto sa kanya dahil sa ugaling nakita ko. Mabait, maginoo at higit sa lahat ay magaling maggitara't kumanta. Tumagal ng tatlong buwan ang pagkikita namin sa park pero kaninang umaga lamang ay nakipagkita siya sa 'kin para lang sabihin na may girlfriend na siya. Hindi niya man lang nabanggit sa 'kin na may nililigawan na pala siya para mapigilan ko pa ang sarili ko na magustuhan siya lalo. Kaya 'eto ako ngayon, parang pinipiga ang puso ko sa sobrang kirot. Sobrang sakit. Sana ako na lang ang girlfriend niya.

Ngumiti naman si Mama sa sinabi ko, dahan-dahan niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at tumitig sa 'kin na para bang may gustong iparating sa 'kin. "May tatlong stage ang pagmamahal, anak. Una, iyon nag tinatawag na paghanga o crush. Iyon ang kadalasang hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin at hindi gaanong masakit kase hindi naman ito gaanong sineseryoso ng mga tao tulad ng naranasan mo rati. Pangalawa, ang pagkagusto o like. Ito 'yong mas malalim kung ikukumpara sa crush. Dito mo na nararanasan ang sakit at may mga oras na pwede mo pang makontrol ang nararamdaman mo kung ayaw mong lumalim ito at pwede namang humantong siya sa pangatlong stage. Ito na ang love na tinatawag. Ito na ang pinakamasarap at pinakamasakit na pwedeng maranasan ng taong nagmamahal nang lubos tulad mo. Dito mo mararanasan kung paano sumugal, mag-let go at magsakripisyo para sa taong pinakamamahal mo. Dito mo rin mararanasan kung hanggang saan at kailan mo kayang lumaban para sa pag-ibig sa kabila ng mga pagsubok at problema. Natural lamang sa edad mong bente ang makaranas ng ganyang sakit at pagmamahal. Iyon nga lang ay maling tao ang minahal mo. Ngayon ka nga lang na-broken hearted, eh."

Natawa ako at napailing sa huling sinabi niya habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Napapagod na 'ko magpunas ng mga luhang 'to ah! Parang may sariling isip, eh. Tulo nang tulo, ayaw pang tumigil! Tama si Mama, ngayon lang ako na-broken hearted nang ganito. Siguro nga ay higit pa sa crush ang nararamdaman ko para kay Martin pero may pinagtataka lang ako kaya kumunot ang noo ko. "Pwede po bang humantong sa love ang nararamdaman natin nang hindi natin namamalayan?"

Tumango siya. "Oo anak. Kadalasang nangyayari sa mga tao kapag sila ay nagmahal ay hindi nila namamalayan ang mga nangyayari. They aren't aware of their feelings also lalo na kung masaya sila kasama ang taong 'yon. Sometimes, they will just realize their feelings when it's too late or something bad will happen. Tulad mo, hindi mo alam na nagmamahal ka na pala nang lubos kung hindi ka pa nasasaktan nang sobra ngayon."

So it's possible. Ngayon ko lang nalaman ang mga ganitong bagay dahil ako na mismo ang nakakaranas. Experience is the best teacher, ika nga. Hindi pa rin naman ako nakaranas magkaroon ng boyfriend kaya mas lalong hindi ko pa alam ang pakiramdam at kahulugan ng pag-ibig.

"Naliwanagan ka na ba? Okay ka na ba kahit papa'no?"

Ngumiti ako at niyakap ko siya nang mahigpit. "Thank you po, Mama. Medyo okay na po ang pakiramdam ko. Ganito po pala kasakit ang masaktan."

Bumitaw siya sa pagkakayakap at humarap sa akin. "Huwag mo rin sanang kakalimutan na sa kabila ng sakit na nararamdaman mo ay may mga bagay pa ring masarap sa pagmamahal lalo na kung mapupunta ka sa tamang tao. Everything is just so perfect and worth it."

Napatango ako nang marahan habang may ngiti sa labi. Sobrang swerte ko dahil may nanay akong papangaralan ako sa lahat. Si Mama Theresa ang pinaka-close kong madre rito dahil siya na rin ang laging nag-aalaga at nagbabantay sa'kin noon. Siya rin ang pumoprotekta sa tuwing may umaaway sa 'king mga kalaro ko kaya hanggang sa paglaki ko ay siya na ang tinuring kong unang nanay ko rito. Hindi ko rin naman alam kung sino ang totoong mga magulang ko. Nakita lang daw nila ako na nasa labas ng bahay-ampunan. Siguro inabandona na nila ako pero hindi ko alam sa kung anong dahilan.

"Nasaan nga po pala si Lovelle?" pag-iiba ko ng usapan. Kanina ko pa siya hindi nakikita simula nang magkulong ako rito sa loob ng kwarto ko kaninang umaga.

"Nasa baba kasama si Lucia na magluto. Bumaba ka na rin para makakakain ka na. Kanina ka pang umaga hindi kumakain. Hapon na ngayon baka magkasakit ka pa kapag hindi ka pa kumain." Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at inalalayan akong tumayo.

Sabay kaming bumaba papuntang kusina at nakita namin sina Lovelle at Mama Lucia na masayang nagkukwentuhan habang nagluluto. Para talaga silang totoong mag-ina kung titingnan mo. Si Mama Lucia ang pinaka-close niya sa lahat. Siya na ang tumayong ina simula noong namatay ang mga totoong magulang ni Lovelle mula nang tatlong taong gulang pa lang siya dahil sa isang car accident, dead on arrival ang nangyari.

Napatingin sa gawi ko si Lovelle dahil narinig niya ang yabag ko at nginisihan ako. "Oh, magang-maga, ah. Ilang balde ang napuno mo? Hahaha. Mabuti naman at naisipan mong bumaba na. Akala ko forever ka nang magkukulong sa dakila mong kuwarto dahil lang sa broken hearted ka, eh."

Loko talaga 'to.

Tumawa pa siya nang malakas kaya sinaway siya ni Mama Lucia. "Kapag ikaw naman ang na-in love at na-broken hearted ulit tatawanan ka namin hahaha."

Maging ako ay natawa sa sinabi ni Mama Lucia. Monitor ng bawat madre ang nangyayari sa aming lahat kaya 'di na ako nagtaka pa kung maging siya ay alam niya ang nangyari sa 'kin.

Ngumisi si Lovelle saka nagsalita, "Hindi naman ako ang iiyak sa aming dalawa, Mama Lucia. Siya ang papaiyakin ko. Hahaha!"

Napailing na lang ako habang sila ay tumatawa pa rin. Ang kulit talaga ng bestfriend ko. Bata pa lang ay lagi na kaming magkasama ni Lovelle. Mas close ko siya kung ikukumpara sa kakambal niyang si Lauren. Magaan kase ang loob ko kay Lovelle kahit na may pagkakaiba sa ugali naming dalawa. Ako kase 'yong tipong tao na mahilig sa mga kakaibang laro, digital man o hindi. Okay lang sana kung mga larong nakasanayan lang sa kalsada pero ang sa'kin ay ibang-iba. Mahilig ako sa mga risky games. Malakas ang loob ko at matapang ako lalo na kapag ganitong bagay ang pinag-uusapan pero syempre bilang normal na tao, inaamin ko rin na minsan nauunahan din ako ng kaba depende sa sitwasyon ng laro at ang pagiging emotional at iyakin naman ang kahinaan ko. Madali rin akong maapektuhan kaya labis na lang ng iyak ko nang malaman ko ang tungkol kay Martin. Sa totoong laro ng mundo, mahina ako.

Si Lovelle naman ay mahina ang loob sa risky things kaya hindi kami magkasundo sa larong gusto ko pero makulit siya at matatag sa buhay. Hindi siya iyakin tulad ko kaya sa aming dalawa, masasabi kong siya ang totoong matapang sa buhay dahil ako ay matapang lang naman pagdating sa buwis-buhay na laro. Siya rin ang nagpapagaan ng loob ko kahit na madalas ay mapang-asar siya pero deep inside ay concern siya.

"Luto na ang meryenda!" sigaw niya na nagpabalik sa aking ulirat.

Piniritong saging at camote cue ang meryenda kasama ang orange juice bilang panulak. Si Mama Lucia at Lovelle ay abala sa paghahanda ng mga plato samantalang ako naman ay nakaupo sa harap ng lamesa habang si Mama Theresa ay tinawag ang iba pa. Habang kumakain ay masaya rin kaming nagkukwentuhan. Ganito ang scenario namin sa loob ng aming tahanan. Simpleng buhay pero sobrang saya.

Mabuti na lamang din at wala kaming pasok ngayon sa eskwelahan kaya wala akong gaanong iniintindi. Ang Bato Bilak-an Foundation nga pala ang tumutulong sa bahay-ampunan na ito para makapag-aral ang mga kabataang katulad namin na ulila na sa buhay kaya nagkaroon kami ng pagkakataong mag-aral.

Pagkatapos kumain ay nagtipon-tipon kami rito sa labas para magpahangin samantalang sina Mama Theresa naman at iba pang mga madre ay bumalik na sa kanilang mga trabaho.

"Lyka, lakad-lakad tayo d'yan sa parke isama natin si Lauren," aniya. Tinawag niya si Lauren na nakikipag-usap kay Angeline na bestfriend niya. "Lau, sama ka sa amin ni Lyka maglakad?"

"Hindi na muna. Kayo na lang. Thanks," sagot nito.

Tinitigan ko ang kapatid niya na busy sa pakikipagdaldalan sa kaibigan niya. Parang may sariling mundo ang kapatid niya. Minsan ko rin silang makitang magkasama kaya pakiramdam ko ay medyo malayo ang loob nila sa isa't isa.

Tinawag naman na ako ni Lovelle at pumunta na kaming park. Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Martin kaninang umaga. Kumikirot na naman ang puso ko. Pakiramdam ko ay nagbabadya na namang tumulo ulit ang mga luha ko.

"Oh, 'yan na naman ang mukhang 'yan! Para kang namatayan! Tara! Pumunta tayo sa Wild Gamenatics para sumaya ka naman! Alam kong 'yon ang magpapasaya sa'yo!"

Ngumiti ako nang bahagya para ipakita sa kanya na okay lang ako pero alam ko naman na hindi niya papaniwalaan ang ngiti ko. She really knows me well. Hinila niya ako papunta sa kabilang kanto kung saan matatagpuan ang Wild Gamenatics.

Wild Gamenatics is known as one of the game shop developing dangerous, risky and adventurous games using technology advancement and inventions that can even experience in real life. For example, first, the virtual reality game whereas a person can experience being in a three-dimensional environment and can interact during a game. Second, the logic codes that consist of several quotations that you need to answer within the given time and if not, the player must face the technological consequences like being trapped inside the virtual place that is dangerous and posibly, can't no longer get out and third, the huge puzzle wherein different virtual wild animals living inside and can harm you in reality when player won't be able to escape from the given time.

When we get there, Ate Ella was standing near the door and she smiled when she saw us. Kilala niya na kami kase suki na kami rito sa game shop na pagmamay-ari niya. Si Ate Ella ay babae sa hapon hanggang gabi at Eduardo naman sa umaga. Inshort, bakla siya.

"Hi ladies." Nakipag-beso siya sa 'min at niyakap kami.

"May bago po ba?" tanong ko.

Tumango siya nang may ngiti sa labi at hinila niya ako sa harap sa kanan kung saan makikita ang isang miniature ng apat na building na magkakaharap na pinagsamang kagubatan sa kaliwa at teknolohiya sa kanan at may karatulang Romino Las Defa sa itaas nito. Anong lugar 'to? Ang weird ng itsura, ah.

Samantalang napansin ko naman na tahimik lamang na pinagmamasdan ni Lovelle ang kabuuan ng lugar saka nagsalita. "Grabe! Kahit na pangatlong punta ko na rito ay manghang-mangha pa rin ako!"

Binalik ko ang atensyon ko sa miniature na nasa harap ko at nilingon si Ate Ella. "Ano pong meron rito?" sabay turo ko.

"Kapag nanalo kayo sa larong pipiliin niyo ay may pagkakataon kayong bumisita sa Romino Las Defa, ang tinaguriang survival game place."

Tinagurian? Kumunot ang noo ko at pinagmasdang muli ito. Mukhang imposible. Kahit naman na mahilig ako sa ganitong klaseng laro ay hindi ako naniniwala na may nag-e-exist na gano'ng lugar.

"Romino Las Defa? Totoo po ba 'yon, Ate Ella?" tanong ni Lovelle nang siya'y makalapit na sa 'kin.

"Ba't hindi niyo subukang maglaro?"

Kapwa kami nagkatinginan ni Lovelle. Bakas sa mga mata niya ang takot at kaba dahil nga hindi siya mahilig dito. Kaya lang naman kami pumunta rito ay para maaliw ako dahil nga sa nangyari sa 'kin.

"A-Ahm Lyka, ikaw na lang muna. Hintayin na lang kita rito he.he.he," sabi niya.

Tiningnan ko si Ate Ella at nakaramdam ako ng kaba nang ngumiti siya sa 'kin. Ewan, parang kakaiba siya ngayon. Hindi ko maipaliwanag.

"Subukan mo na rin, Lovelle para makita mo kung gaano kasaya mapunta sa Romino Las Defa," sabi niya nang hindi pa rin nawawala ang ngiti.

Binaling ko ulit ang atensyon ko kay Lovelle, hinawakan ko ang kanang kamay niya at pinisil 'yon. Ngumiti siya nang bahagya at huminga nang malalim bago magsalita. "Okay, sige. Count me in."

"So let's start?" tanong nito na ikinatango naming dalawa.

Pinapunta niya kami sa harap ng isang malaking screen na kasinglaki ng 75'' flat TV.

"Anong laro ang gusto niyo?" tanong nito.

Hinayaan na ako ni Lovelle na mamili ng laro dahil alam niya na ako ang mas maraming alam dito. I chose logic codes simply because I do love it.

Umilaw ito ng pula bago nagsalita. "Just write your answer inside the box of the screen and press enter. If you won, you'll given a chance to have a free tour around Romino Las Defa but if you'll not, face the consequences. Goodluck," sabi sa screen.

So, nag-e-exist nga talaga ang gano'ng lugar? Saang lupalop naman 'yon matatagpuan? Parang gusto kong pumunta roon. Kakaibang mundo yata ang lugar na 'to.

"Players! Get ready in 3,2,1..."

Logic Code 1:

Snake is everywhere

Crawling from side to side

Living from bottom to top

Love creates poison from snake

So better watch out, it makes your partner got bitten from them

"Woy! Ano 'yan, Lyka?! Anong snake?! Bakit may snake? Anong connect?! Una pa lang ang hirap na!" reklamo ni Lovelle at halatang kabado dahil sa consequence na maaari naming harapin kapag hindi namin naipanalo 'to.

Nanatili akong tahimik para isipin kung anong sagot para rito. Snake is everywhere? So better watch out, it makes your partner got bitten from them? Ang lalim ng meaning.

"Lyka! Ano na?! 8 seconds na lang! Shocks anong sagot?! Hindi ako makapag-isip! Dapat kase hindi na natin sinubukan 'to, eh!" Hindi pa rin siya tumitigil sa kakangawa niya.

Napabuntong hininga na lang ako at napatitig sa screen. Hindi kaya may kinalaman dito ang relasyon ng dalawang tao? Hmm.

"5 seconds left," rinig kong sabi sa screen.

"Shocks, Lyka! Oh my god! 5 seconds na lang! Ayokong gawin ang consequence! Ano bang sagot d'yan?! Ar—"

Pinutol ko ang pagngangawa niya at sumenyas ako na manahimik na siya. Imbes na makatulong na sagutin ang code, mas lalo lang nagpa-pressure. Hays.

"Cheater," sagot ko sa unang code. Hindi ko alam kung tama pero 'yan ang unang pumasok sa isip ko. Naisip ko kase na snake ang pinupunto ng code kaya mas kinalaman ito sa pangangaliwa kung relasyon ang pagbabasehan.

"Kyaah! Lyka! Tama ang sagot mo!" Hindi nga ako nagkamali. Napangiti akong tumingin sa kanya at nag-proceed sa pangalawang tanong ang laro.

Logic Code 2:

Seeing you makes me smile

Yet makes me cry

Knowing you is my greatest decision in life

But fate is against with us

Love connected us

But can't parted until we die

What is this?

"Oh my god! Ano 'yan?!" tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at itinuon ko na lang ang atensyon ko rito. Halos lahat yata ng mga codes ay related sa love?

"Ba't ganito ang mga codes? Love ba ang sagot d'yan?" tanong niya.

Saglit akong natigilan. Love? "Try mong isulat 'yon baka tama."

Sinunod naman niya kaso nag-error. "'Till death to us part lang ang peg ng last line." Ano bang bagay ang hindi napaghihiwalay sa dalawang tao, Lyka? The answer is either literal or figurative. 'Yon ang naiisip ko."

"7 seconds left"

Literal or figurative answer? Wait,"'Di ba may experience ka na sa pakikipagrelasyon? Ano ba sa tingin mo ang hindi napaghihiwalay sa inyong dalawa ng partner mo?" Tinanong ko lang ang tinanong niya sa'kin dahil alam kong siya lang din ang makakasagot.

Nag-isip siya saglit at nagsulat siya ng sagot saka ako nilingon. "Heart." Ngumiti siya nang matamis. "Puso ang hindi naghihiwalay sa aming dalawa noon, Lyka. Saktong tama ang sagot na 'yon dito. Haha."

Puso? Iyon pala ang nag-uugnay sa dalawang tao? "'Di ba pagmamahal dapat ang nag-uugnay?"

Natawa siya sa tanong ko. "Ano bang function ng puso? 'Di ba ang magmahal? It's still the same hahaha."

"Oh sorry pfft." Napailing na lang ako. Jusko. Wala pa nga talaga akong gaanong alam sa pag-ibig.

Lumitaw ulit ang pangatlong tanong at binasa ko ito.

Logic Code 3:

Shallow and Deep

A so called Love Depth

Feelings and emotions flow

But slowly kill us though

Mind and heart fight

Eventually, united the both of us

"Ah, ito na ang love. Sigurado na ako ngayon, hihi." Sinulat niya ang salitang 'yon sa screen at tama.

"Congratulations! Your all answers are correct! Please proceed to Romino Las Defa for a free tour. Enjoy!"

Lumapit sa amin si Ate Ella at binati kami. "Congrats! You won, guys! So are you ready to go in survival place?"

"As in ngayon na?" tanong ni Lovelle.

"Kung kailan niyo gustong pumun— Oh, guys wait lang," pagpapaalam niya. Bigla kaseng may tumawag sa phone niya. Hindi rin naman agad 'yon nagtagal at bumalik din siya agad. "Guys, I think next time na lang kayo pumunta. May tamang panahon naman para roon, eh, hihi."

Eh? Para talagang may kakaiba sa kanya ngayon base sa mga ngiti niyang nagpakaba sa 'kin kanina. Bago kami magpaalam sa kanya ay binigyan niya kami ng tig-iisang susi. Dalhin daw namin ito bukas. Kumunot ang noo ko. "Para saan 'to?"

"Basta dalhin niyo na lang ah! Kita kits bukas!" sabi niya at hinatid kami sa pintuan. Kumaway pa siya sa'min hanggang sa tuluyan na kaming makalayo.

Tiningnan ko ang susi na binigay niya. Isinabit ko na lang ito sa necklace ko para hindi ko makalimutan.

"Anong kita kits bukas ang sinabi niya, Lyka?" tanong ni Lovelle habang salubong ang mga kilay.