webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · แฟนตาซี
Not enough ratings
721 Chs

Chapter 91

"Ah eh, matagal na panahon na ata noong nangyari pa ang sigalot sa pagitan ng angkan ng mga Li at ng Sky Flame Kingdom. Hindi pa ako ipinapanganak ay mayroon ng hidwaang nangyayari sa dalawang panig." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang hindi ito nagsisinungaling bagkus ay tila nagsasabi ito ng totoo sa magandang babaeng nasa harapan niya mismo ilang dipa lamang ang layo.

Napahawak naman sa kaniyang baba ang magandang babaeng nasa harapan ng batang si Li Xiaolong na tila may malalim itong iniisip sa sianbi ng batang si Li Xiaolong. Makikitang tila nagkakaroon na ito ng ideya sa kaniyang utak an patuloy niyang pinoproseso at inaanalisa ang mga bagay-bagay na alam niya.

Maya-maya pa ay biglang nagliwanag o kumislap ang pares ng mata nito na Kung saan ay tila nakaisip na ng tuluyan hinggil sa bagay na ito.

"Hmmm... Kung gayon ay tila ba masasabi kong hindi Basta-basta lamang ang angkan ng mga Li sa mata ng Sky Flame Kingdom na kinaroroonan at kinasasakupan nitong teritoryo. Masasabi kong higit na matalino ang mga ito kung gayon lalo na at maingat ang Sky Flame Kingdom sa kanilang giangawang hakbang upang tuluyang patahimikin ang Li Clan." Seryosong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang nakahawak pa rin ito sa ng kaniyang baba. Masasabing tila napakagulo ng sitwasyong ito lalo na at masasabi niyang tila mayroon pa siyang di nalalaman.

"Patahimikin? Mabuti lamang sana kung madadaan sa simpleng pananahimik ang angkan ng mga Li dahil sa totoo lamang ay wala naman itong ginagawang hakbang upang magrebelyon o labanan ang kaharian ng Sky Flame Kingdom. Masasabing wala rin itong maituturing na lakas liban na lamang sa mga outside forces na nasa iba't ibang mga kaharian na mga miyembro ng Li Clan." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang mapakla pa itong napangiti sa sinabi ng magandang babae ngunit alam niyang limitado lamang ang alam nito lalo pa't akala nito ay simpleng alitan lamang ang nangyayari sa pagitan ng kanilang angkan at ng mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom.

"Magkagayon ay hindi lamang pala simpleng bagay ang maaaring pinagkaugatan ng mahabang panahong sigalot na ito sa pagitan ng sinasabi mong angkan niyong mga Li at ng kaharian na tinatawag mong Sky Flame Kingdom. Ngunit bilib din ako sa kunat ng Li Clan na kinabibilangan mo dahil nagawa nitong ma-handle ang bantang dulot ng mismong kaharian na ito maging ng lakas ng mismong kaharian." Sambit ng magandang babae habang tinanggal na nito ang kaniyang sariling kamay sa kaniyang sariling baba at makikitang ngumiti pa ito ng matamis.

Tila nagulat na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa pagngiti ng magandang babaeng nasa kaniyang harapan. Hindi niya maintindihan kung bakit ngumingiti ito. Nang-iinsulto ba ito? Hindi ba alam ng magandang babaeng nasa harapan niya na seryosong usapin ito lalo na sa kanilang mga nilalang o mga mamamayan ng Li Clan dahil isang malaking pwersa ang Sky Flame Kingdom kung tutuusin.

"Seriously? May gana ka bang mang-inis Ate? manang o kung ano man ang pangalan mo? So ang ibig sabihin mo sa pangungusap na binitawan mo kanina ay dapat na hindi dapat ako mamroblema at hintayin na lamang ang pagkawasak ng buong teritoryo ng Li Clan o ang mismong angkan ng mga Li? Ganon ba ha?!" Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong kung saan ay tila hindi ito makapaniwala sa simasabi ng magandang babaeng nasa kaniyang harapan ilang dipa lamang ang kaniyang layo mula rito. Hindi mapigilang makaramdam ng inis ang batang lalaking si Li Xiaolong lalo pa't prenteng nakangiti lamang ang magandang babaeng nasa harapan niya.

"Hahahaha... Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinasabi mo batang Xiaolong ngunit pwede bang kumalma ka na as if nagkaroon na ng matinding giyera at papalapit na unos sa Li Clan. Ikaw na rin ang nagsabi na matagal ng nagkaroon ng matinding sigalot sa pagitan ng mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom at ng kinabibilangan mong angkan na tinatawag na Li Clan. Hindi nga ito nasira o napuksa ng mga sinasabi mong malakas na kaharian so it means na makakaya nitong ihandle ang mga sitwasyong maaaring gawing hakbang ng mismong kaharian na sinasabi mong Sky Flame Kingdom sa mismong angkan niyo. So I guess, mayroong mga factors na nag-apekto sa maitim ba balak ng mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom sa inyong angkan ng mga Li." Sambit ng magandang babaeng nasa harapan mismo ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang nakangiti pa rin ito ng matamis.

"Factors? Pakilinaw naman ng sinasabi mo Ate?! Masyado namang malabo ang sagot mo." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang bakas ang pagkalito at tila nagugulahan talaga siya sa sinasabi ng magandang babaeng nasa harapan niya. To think na masasabi niyang medyo malalim ang sinasabi ng magandang babaeng nasa harapan niya mismo ayhindi niya pa rin nakuha ang pinupunto nito sa kaniya.

"Ganon lang kasimple batang Li Xiaolong ang nais iparating ko, hindi maaaring gumawa ng hakbang ang nasabing kaharian ng Sky Flame Kingdom sa mismong kinabibilangan mo na angkan ng mga Li. To think na ikaw na rin ang nagsabi na maraming mga umalis sa mismong angkan ng mga Li na mga malalakas an martial artists o talentadong Cultivators kaya maaari kong sabihin na mayroon silang malaking benefits upang manatili sa ibang mga kaharian na pinagsisilbihan nila. To think na hindi pa sila nagkaroon ng pagputol ng ugnayan sa inyong mga angkan ng mga Li ay maituturing na blessings in disguise. Masasabing suportado rin nila ang Li Clan no matter what happens at dahil diyan ay mahihirapang gumawa ng hakbang ang mga nialalng na kabilang sa gustong puksain ang Li Clan. Hindi naman siguro sila tanga at maghanap ng batong ipupukpok sa mga ulo nila hindi ba?!" Sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang nakapaskil pa rin ang matamis nitong ngiti sa mapupulang mga labi nito. Mahabang eksplenasyon ang sinabi niya upang ipoint-out mismo amg mga bagay na gusto niyang ipaintindi sa batang lalaking si Li Xiaolong.

Tila lumukot pa ang mukha ng batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabing eksplenasyon ng magandang babaeng nasa harapan niya. Tila halo-halong emosyon ang biglang umusbong sa pagmumukha nito.