webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · แฟนตาซี
Not enough ratings
721 Chs

Chapter 655

Kitang-kita naman ni Wong Ming kung ano ang nangyayari sa kasalukuyang lugar na kinaroroonan niya.

Masyadong malawak pala ang lugar na kasalukuyang isinasagawa ang Courtyard Friendly Match at imposibleng maliliit na mga estraktura lamang ang naririto at tinutubuan na ng iba't-ibang uri ng mga halaman maging ng gumagapang na mga naglalakihang mga baging.

Abandonadong lugar, ito lang ang masasabi ni Wong Ming.

Matapos kasi niyang ma-secure ang lugar na iyoncay hindi na siya nanatili pa. Bagkus ay sinubukan niyang gumala muna kahit papaano sa lugar na ito.

Apatnapot-tatlo ang katulad nilang mga baguhang disipulo at nasa tatlumpot-dalawa ang kalaban nila kung kaya't mahihirapan siya kung kailangan niyang i-secure ang isang lugar na maaari niyang daanan. Malaking trabaho iyon pag nagkataon na maaari pang maglagay sa kaniya sa panganib.

Thump! Thump! Thump!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang malalakas na yabag ng mga paa ng tila papunta sa direksyon niyang ito. Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay tila hindi ito nag-iisa.

Mabuti na lamang at lumihis ng direksyon si Wong Ming at nakakita ito ng isang malaking butas patungo sa loob ng isang gusaling halos kainin na ng lupa.

Maingat ang galaw ng mga ito ngunit dahil matalas ang senses niya sa kaniyang paligid lalo na sa mga tunog ay alam niyang hindi magical beasts ang paparating.

Dito ay kitang-kita ni Wong Ming ang dalawang nilalang sa hindi kalayuan. Pareho ang mga robang suot ng mga ito na kulay abo at alam ni Wong Ming kung ano ang ibig sabihin nito.

Parehong taga- North Courtyard ang mga disipulong ito kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na kalaban niya ang dalawang nilalang na ito na nabibilang sa ibang courtyard.

Alam ni Wong Ming na parang may mali. Hindi, mas mabuting sabihing napaka-weird ng pagkakataong ito.

Never niyang naisip na sa loob ng mag-iisang oras lamang ay mahahanap mo na ang kapwa mo ka-courtyard.

Siya nga ay kanina pa siya naghanap ng mga kakampi niya na kapwa niya South Courtyard Disciples ay maski isa ay wala siyang mahanap.

Aaminin ni Wong Ming na apat na mga players ang nadaanan at iniwasan ang mga ito dahil sa magkaiba ang mga roba nila.

Ayaw ni Wong Ming na magkaroon ng paglalaban dahil baka iyon pa ang maging mitsa upang hindi niya masunod ang mga pinaplano niya.

Confident naman siyang labanan ang isa sa mga ito ngunit paano na lamang kung magkampihan ang mga ito o di kaya ay hindi niya kayanin ang mga itinatagong alas ng mga ito?

Hindi siya pamilyar sa mga kapwa niya players dahil sino naman ang magbubunyag ng sarili nilang kakayahan sa mga tao hindi ba? At mas lalong may alitan sa bawat courtyard kung sakaling may mabalitaan silang anomalya sa mga kapwa ni ka-courtyard.

Lalong nahiwagaan si Wong Ming nang mapansin niyang malalim na nag-uusap ang dalawang magka-courtyard sa hindi kalayuan. Mabuti na lamang at hindi gaanong mapapansin ang kinaroroonan niya at masasabi niyang nangangapa lamang siya sa sobrang dilim sa loob ng nasabing sirang building.

Tinalasan ni Wong Ming ang mga mata niya maging ang pandinig niya nang bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Nagbago ang mga mata ni Wong Ming na animo'y parang isang Ice Demon. Kahit monitorin pa siya o kung may nakakakita man sa lugar niya ay alam niyang hindi siya mahahagip.

Nagalak si Wong Ming na isipin na napakinabangan niya ng husto ang kakayahang ito.

Hindi lamang iyon dahil pagkalinga-linga niya sa madilim na parte ng lugar na ito ay may nakita siyang bagay na nakapaloob rito. Isang Thorned Hammer.

Pabilog ang tila masong bagay na ito habang mayroong tinik na nakapalibot rito. Habang may hawakan rin itong mahaba. Mapapakinabangan niya ito sa susunod kapag nangyari ang hindi niya inaasahan.

Sa anyo pa lamang ng sandatang ito ay alam ni Wong Ming na makakatulong talaga ito.

Kitang-kita niya maya-maya lamang na bigla na lamang bumulagta ang isa sa nakasuot ng kulay abong roba.

Hindi aakalain ni Wong Ming na magiging ganito ang klaseng kaganapan ang maaasahan niyang mangyari.

Kitang-kita niya kung paanong walang awang pinaslang niya ang mga kasamahan nito sa pamamagitan ng pagtarak ng hawak-hawak nitong mahabang espada sa bandang dibdib ng patalikod. Kahit sino naman ay talagang walang laban kapag nangyari iyon.

Sa isang iglap ay nawala ang katawan ng West Courtyard Disciple na iyon na siyang masasabi ni Wong Ming na napaisip pa siya lalo.

Kalaban!

Iyon agad ang naisip ni Wong Ming dahil parang nakangising demonyo lamang ang nakakulay abong roba na nakikita ni Wong Ming.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Wong Ming at hahayaang makaalis ang nilalang na ito dahil mabilis na tinawag ito ni Wong Ming.

"Sandali..." Tanging naiusal ni Wong Ming nang makikitang handa ng umalis ang nilalang sa hindi kalayuan.

Napalingon naman sa kaniya ang isang miyembro ng hinihinala niyang kalabang huwad.

"Hmmm... Ano naman ang iyong nais?!" Simpleng tugon naman ng nasabing nilalang na ito.

Pamilyar ang pagmumukha nito sa kaniya ngunit hindi niya aakalaing makakaharap niya ito. Mayroong pag-aalinlangan sa mga puso ni Wong Ming.

"Sigurado akong hindi ka isang West Courtyard Disciple!" Kalmadong wika ni Wong Ming habang makikitang inobserbahan nito ang nasabing nilalang na nasa harapan niya.

"Ano'ng sinasabi mo? Kita mong isa akong West Courtyard Disciple. Ano'ng karapatan mo upang kwestiyunin ako?!" Seryosong turan ng nakakulay abong roba habang makikitang hindi nito nagustuhan ang sinasabi ng binatang isang South Courtyard dahil sa kulay Berde ang roba nito.

"Kung talagang West Courtyard Disciple ka ay wala kang magagawa kundi ang labanan ako haha... Mukhang hindi mo matatakasan ang problemang dinulot mo sa kapwa outer disciple mo!" Sambit ni Wong Ming habang may nakakalokong ngiti.

"Kung yan ang gusto mo. Hindi ako magdadalawang isip na burahin ang isang insektong katulad mo!" Malademonyong sambit ng nakarobang abong lalaki habang mabilis na nagsagawa ng martial arts skill.

Skill: Wind Blades!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong iwinasiwas ng kalaban niya ang mahabang espada nito.

Walang nagawa si Wong Ming kung hindi ang magcast rin ng sarili niyamg martial arts skill.

Skill: Ice Shield!

Isang makapal na yelo ang humarang sa harapan ni Wong Ming.

BANG! BANG! BANG!

Mabilis na dumistansya si Wong Ming palayo nang makitang sumabog ang nasabing pananggalang niya na gawa sa tipak ng yelo.