webnovel

Summer Boys Series 1: Painted Love (Filipino)

Matangkad, guwapo, charming, palangiti, mabait at mabuting tao, that's Philip Kiel Velasco. Kilala siya bilang isang sikat na guitarista sa kanilang banda. Isa rin siyang engineering student sa isang kilalang unibersidad kagaya ng mga tropa niya, maraming talent at halos perpekto sa mata ng mga tao. Maraming kababaihan ang nahuhumaling at nagkakandarapa sa kaniya pero wala sa isip niya na palitan ang childhood crush niya, ang kaisa-isang babae na gusto niyang bigyan ng kaniyang apilyedo at ang pinangakoan niya. Jessa Laureen Santiago, a beauty and brains. Mayroong mapagmahal na ina at ama, isang architecture student, consistent dean's lister at number one fan ng isang sikat na banda na kung tawagin ay PHICCS-XL band. Fan na siya nito at ang bias niya ay si Kiel. Halos lahat ng concert ay naka-attend na siya sa mga ito at maging ang playlist niya ay halos puro kanta nila. She was a huge simp for them and she won't deny that. Dumating iyong summer at napag-pasyahan ni Jella na bisitahin iyong Lola Victorina niya and destiny just played them, hindi sinasadyang nagkatabi sila sa bus. Cliche it may sound but yeah, destiny really exist. Jella was very happy, ikaw ba naman makatabi iyong idol mo. She was smiling the whole ride but when they already reach their destination, reality hits her. Natapos na iyong panandaliang kasiyahan niya nang kay bilis. She feel sad but happy because atleast, she already finally got a chance to be with him even in a short span of time. But, mas lalo na lang siyang nalula at hindi makapaniwala nang dumating na siya sa La Trinidad. She saw him again and she didn't expect that her idol crush is her childhood enemy. What will happen to them? A love will bloom or magiging giyera part two? *** No part of this novel shall be reproduce or used in any manner without proper permission to the writer who owns the sole copyright. Summer Boys Series 1: Photograph Copyright by Ochratoxinmind (2022)

Leziel_Canonigo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
15 Chs

Chapter 13

Moon necklace

Halos tulala lang iyong dalaga habang hawak-hawak niya iyong kwintas. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa dinami-dami ng lalaki ng maaaring makabili noon ay si Zyd pa. Pinamulahan naman siya sa naisip na baka magkatotoo iyong sinabi ng matanda.

Marahas siyang umiling-iling. Malabo naman yata.

She tried to remove those thoughts inside her head. Ayaw niyang mag-overthink dahil baka sumabog na iyong ulo niya dami ng kaniyang iniisip. Hanep naman kasi, dumagdag pa talaga siya. Ayos, maypa-mystery effect pa kasi.

Pero in fairness, ang ganda ng kwintas na bigay nito. Tama nga iyong matanda dahil terno ito sa suot niyang bracelet. Mas lalo tuloy na lumawak iyong purong ngiti ng dalaga.

Cutie naman, may matchie na ako!

She hurriedly went into her house, she was still bewildered and happy. But, she was more surprise kasi someone is there sitting in their sala, and it was Clevan. Nanlaki iyong mata niya at nataranta.

Hala! Anong ginagawa niyan dito? Anong gagawin ko?

Shoot! Okay, kalma Lianna. Hingang malalim—kaya mo iyan!

Nilakasan na lang niya na pumasok sa loob ng bahay ay nagkunwaring chill lang. Dapat hindi siya magpahalata na kinakabahan siya sa presinsiya ni Clevan or things will turn into awkward. Iyon ang nakakahiya at pinaka-ayaw niyang mangyari.

"Hello everyone! I'm home!" sigaw pa niya sa tatlo na kasalukuyan na nanonood ng PBA. Tutok na tutok iyong mata nila doon pero noon dumating na siya ay agad itong napunta sa kaniya ang atensiyon. . . lalong-lalo na sa suot-suot niyang terno. Agaw pansin naman kasi.

Agad namang nagtanong iyong kuya niya. "Saan galing iyang kuwintas na iyan?" Prente muna siyang umupo sa katapat nito na katabi ni Kiel bago magsalita.

"From a friend," tanging naisaad na lang niya. Hindi niya sinabi na galing ito kay Zyd dahil mag-alburoto iyong kapatid niya at masugod doon. Masyado itong allergic. Maiinit pa naman ang dugo ni Lloyd kay Zyd—na hindi niya alam ang rason kung bakit.

Clevan and Kiel eyed her suspiciously. But, their eyes. . . They're saying something. Like they want to tell it to her yet she was still didn't have any idea about it kaya nanahimik na lang sila. Hindi na nagtanong pa ni isa sa kanila. Lia on the other side went into her room and change, hawak-hawak niya pa rin iyong gift ni Zyd sa kaniya.

She was happy. Wala ng explanation pa at maraming keme, she was beyond happy. Obvious namang dahil iyong sa isang tao.

"This is the best summer birthday gift ever."

Bumaba na siya nang tawagin na siya para kumain. It was around eight in the evening and Clevan was still there, hindi pa rin ito umuuwi surprisingly. Instead of being uncomfortable, she just ignore him like he wasn't there. Ayaw niya mang aminin pero kapag lalapit ito sa kaniya ay baka mawasak iyong boundaries na binuo niya para sa kanilang dalawa.

Kaya please po Lord, utang na loob gabayan niyo po akong hindi maging marupok.

All she thought is that she was not his level, that's her reason. Sabihin na nating maganda siya pero walang-wala pa rin siya sa girlfriend ni Clevan.

Yeah right, may girlfriend na iyong tao at bagay sila—parehong edukado at mayaman. We should have distance our self, Lianna Arabelle.

The dinner went smoothly, panay lang iyong kuwentohan ng tatlo habang minsan ay sumasabay naman siya. They talk and laugh but, minsan talaga ay nakikita niya talaga na panay nakaw ng sulyap si Clevan sa kaniya which makes her annoyed.

Ka-stress naman itong taong ito. Parang walang girlfriend na inaalala, kung makatitig!

Nagsalita naman si Clevan.

"Lia paabot nga ako ng juice." Inabot naman niya iyon ng walang maraming satsat. Unlike before, when Clevan was at their house, she serves him and ask him if he needs anything, madaldal din siya dito. But now, it's already gone. Now that she already knew about it, she drew a line between them.

After all, that's the least right thing to do.

Natapos na silang kumain at nagprisinta na si Kiel na maghugas ng pinagkainan. Kaya tumambay lang muna si Lia sa maliit na kubo sa harapan ng bahay nila habang suot iyong jacket ni Zyd at nagbabasa ng libro, inaantay rin niya kasi iyong eclipse. Nabasa kasi niya kanina na mayroon eclipse kaya inabangan niya talaga.

Hindi naman ganoon kalayo iyong kubo sa bahay. Siguro ay tatlong hakbang lang ay nasa bukana ka na nito kaya safe sa kung ano mang may masamang loob na magtangka dahil malapit lang at isa pa, may malaking gate naman sila at nakalock iyon, hindi talaga basta-basta mapapasok just incase. Hindi rin gaanong kalaki ang kubo gaya ng ibang typical na kubo, iyong kubo nila is good for three to four persons lang. Medyo iba rin ang desinyo nito.

Sumalampak naman kaagad siya sa upoan pagkarating niya doon, umupo siya paharap sa buwan. Nagselfie pa nga siya muna at ini-myday ito. Pinahalata niya talaga iyong kwintas at ang bracelet na matchy. Nilagyan niya pa ito ng maikling caption na,"blessed by someone who appreciates me, thank you Z! I love the gift."

Agad namang nag-view iyong bestfriend niya at maging si Zyd. Tinadtad ito ng heart react ng kaibigan habang si Zyd ay hindi na lang ito nag-react pa, alam naman kasi nitong allergic iyong kuya niya sa kaniya. Pero ang mas ikinagulat pa ni Lia ay nag-view rin Clevan dito, dinaga pa siya ng makitang typing ito habang nakatingin siya sa last conversation nila. The three dots was visible until it gone, doon na siya nakahinga ng maluwag.

Akala niya talaga kung ano na.

Maya-maya ay nagchat naman si Zyd. Pinalitan na lang niya ng nickname para hindi masyadong halata na si Zyd ito. Malalagot na naman siya sa kuya niyang chismoso kapag nagkataon. She viewed his message at agad naman siyang napatawa. Hindi naman talaga nakakatawa iyong context noon pero natatawa talaga siya. Nai-imagine kasi niya iyong mukha ni Zyd habang sinasabi iyon.

[Thank you, MAB.]

Napatawa na lang siya ng malakas. Mukhang shunga rin kasi e, may pa kiss emoji pang nalalaman. Nag-type naman siya ng sagot at isinend dito. Sakto namang nakita na ni Lia ang kalahati ng buwan kaya nagpicture ulit siya.

So as the moon and stars above, I am easy to stare at but hard to get. Then, she chuckled with her caption again.

"Teka nga, ang panget naman—"

"Lalaki nagbigay sa'yo ng kwintas?" Ask by Clevan. She look up and slightly nod at him, iyon lang isinagot niya. Hindi lang din ito nagsalita pa at tumango na rin.

"Oo." Pansin naman niyang nag-igting ang panga nito sa sinabi niya habang umiwas ng tingin. Tumango-tango na lang ito. She can also see that there's something in his eyes.

"I see," he walks closer then sat across her. Tumingin din ito sa buwan na ngayon ay maliwanag na, his visual drawn her attention. "Do you know that if a man or a boy will gift you a moon necklace, it has a a meaning?"

Lia just shook her head involuntary. Wala naman kasi siyang alam tungkol diyan. At, masyado pa siyang busy na purihin iyong side profile ng binata. Keber na lang siya.

Clevan turn to her, his eyes was twinkling under the moon and for a second, she saw pain and regret on it. Nagsalita naman ito at sinagot iyong sariling tanong kanina.

"If a man gives you a moon necklace it means he wants to marry you and planning a future with you. Not now but maybe in future. If he already gave you that then, he already found his life, he already found his other half and it's you."