MIXXIA
Narito kami sa Basement ngayon. Wala namang masyadong laman kundi mga lumang gamit. Kung luma ang mga gamit sa taas ay mas luma pa ang mga nandirito.
Parang familiar yung mga gamit dito. Nakita ko na sa isang movie.
Tumingin ako kay Sam na parang alam niya ang tinutukoy ko.
"Annabelle" kalmadong sabi ni Sam.
Tama si Sam. Andito kaya si Annabelle?
Nagsitayuan ang aking balahibo nang isipin ko iyon.
Kahit nakabukas ang ilaw ay nakakatakot pa rin ang awra ng basement kumpara doon sa ibang floors ng bahay na ito.
"Sam! Mixxia! Von!" Masyadong malakas ang boses ni Kent dahilan para nagulat ako.
Pumunta kami agad sa pwesto ni Kent upang makita ang itinuturo niya.
"What the! Annabelle?!" Sigaw ni Von.
Napatakip ako bibig upang pigilan ang sigaw.
Bakit nandito ito? Nakakatakot naman!
Katabi ni 'Annabelle' ang huling na librong hinahanap namin.
Sinubukan naming buksan ang isang glass cabinet kung saan nakalagay ang manika at ang libro, ngunit hindi ito mabuksan kahit gaano malakas ang pwersa na gamitin.
May nakita kaming isang button na may nakasulat na "push" sa baba nito.
Naglakas loob si Sam na pindutin ito. Nanatili itong kalmado bagamat namumuo ang mga butil ng pawis sa bandang noo niya.
Bumukas ang cabinet ngunit biglang namatay ang mga ilaw.
Naramdaman kong may yumakap sa akin.
'Kent'
Paniguradong si Kent iyon dahil naaamoy ko ang pabango niya. Sa tuwing dumadaan kasi siya ay naaamoy ko ito.
Hinayaan ko nalang na yakapin niya ako dahil pati ako ay natatakot rin.
Biglang tumugtog ang nakakatakot na musika. Mga songs na naririnig sa mga horror movies.
Mga limang minuto ang itinagal non. Napahigpit ang kapit ko kay Kent.
Labis na ginhawa ang aking nadama nang bumukas ang mga ilaw. Tumingin ako kay Kent na nakayakap pa rin sa akin.
"SAM?!" Gulat na sabi ko.
Nakita ko naman si Kent na nakayakap kay Von.
Nagkatinginan silang dalawa at napasigaw.
"AKALA KO IKAW SI MIXXIA!" sabay na sabi ni Von at ni Kent.
Tumingin ako kay Sam na tumatawa. Nakita ko na naman ang nakaka-inlove na pagngiti niya at tumatawa ng mahina.
Napatingin si Kent sa kaniyang orasan at nakita na 10 minutes nalang Bago mag 7 o'clock.
"Bilisan na natin! Bilis!" Tumatakbong sigaw ni Von.
Nakaalis kami agad sa basement at pinindot uli ni Sam ang button upang maisara ang lagusan.
"Akala ko hindi na kayo makakalabas eh!" Nakangiting sabi ni Vince.
"Takot na takot sila Migs at Arthur. Hindi kasi sila pakapang-chix!" Pilyong dagdag ni Ace sa sinabi ni Vince.
Nagawi ang tingin ko kay Venice at kaagad niya kong inirapan.
"5 minutes left, bilisan na natin..." Seryosong sabi ni Sam.
Nai-ayos na nila ang mga books from A-Z. Inilagay na namin ang huling nawawalang libro. Tinakpan na namin ito ng puting tela at tinawag si Miss A.
"Miss A! Miss A!" Sabay-sabay naming tawag.
Lumabas sa screen ang mga salitang:
'Congratulations! You have successfully done mission 1. Now you have 24 days left. Tomorrow I'll give you your second mission. Job well done students! Go to the kitchen. Food is now served. Have a nice evening.'
Tuwang-tuwa kami at nagyakapan dahil sa saya. Nagulat ako dahil niyakap rin ako ni Venice.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at inirapan ako.
"Ayoko pa rin sayo Mixxia, hindi pa rin tayo friends." Mataray na sabi ni Venice.
Masaya kaming kumain at nagkwentuhan. Pagkatapos ay pumunta na sila sa kani-kanilang kwarto at ako ang naiwan para maghugas.
Syempre, inutusan ako ni madam Venice. I rolled my eyes.
Inumpisahan ko na ang paghuhugas ng plato.
"Tulungan na kita..." Nakangiting sabi ni Sam.
Ilang beses ko na siyang nakikitang ngumingiti. I smiled at him at kinuha niya ang isa pang sponge.
Magkatabi kami ngayon at tahimik na maghugas ng plato.
Maya-maya pa ay nilagyan niya ako ng sabon sa mukha.
Tumawa siya at tinuro pa ang mukha kong may bula. Nilagyan ko rin siya sa at ginawang balbas niya iyon. Tinawanan ko sya at nagsimula na ang pagbabatuhan namin ng bula.
"Hindi mo ko mahahabol Sam!" Tumakbo ako, ngunit nahuli niya ako
Ang bilis niyang tumakbo!
Nakawala ako sa kaniya at tumakbo ako ngunit nadulas ako. Buti nalang ay nasalo niya ako.
Nakatitig kami sa isa't-isa. His beautiful eyes, pointed nose and his perfectly shaped eyebrows.
I could feel my heart beating so fast.
I could feel his warm breath near my lips.
Ang lapit ng labi niya sa mga labi ko kaya napapikit ako.
"Ehem"
Parehas kaming nagulat at inayos namin ang sarili namin. Tumayo kami at hindi malaman ang gagawin kung magpapaliwanag ba o hindi.
"Kung ganyan ang gagawin niyo ay wag dito sa kusina" Kent said in a monotonous tone.
Umalis siya at nagdabog papunta sa kwarto.
Sa sobrang hiya ko ay hindi ko alam ang gagawin.
"I'm sorry" mahinahong sabi ni Sam.
Ang kaniyang nakangiti niyang mga labi ay napalitan na ng pagka-seryoso. His eyes became as cold as snow.
Pinilit kong ngitian siya at pinagpatuloy na namin ang paghuhugas ng plato.
Pagkatapos ay nagpasalamat ako sa kaniya dahil sa pagtulong sa akin.
Tumango lang siya at pumunta sa kaniyang kwarto.
Naisipan kong pumunta kay Kent upang tignan ang kalagayan niya. Kung okay lang siya.
Kumatok ako sa pinto at binuksan niya iyon.
"Kent, yung nakita mo..."
Hindi niya ako pinatuloy magsalita at hinila niya ako papasok ng kwarto niya. He's so aggressive.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at ramdam na ramdam ko ang kabog ng puso ko.
"Kent..."
Hindi niya ako pinakinggan at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
I'm scared. I don't know why.
Tears started to fall.
Ang mga mata ni Kent na kanina lang ay seryoso ay naluha rin.
"I'm sorry, I'm so sorry..."
Sabi niya sakin at niyakap ako nang mahigpit. This time, I feel safe. I hugged him back and cried on his chest.
He gently holds my face and wiped my tears using his fingers.
I stared at him. He's crying too.
I also wiped his tears. And he pulled me closer to him. He wrapped his arms around me, and I did the same.
"Mixxia"
He looked at me directly in the eyes.
"I like you and I don't want to lose you".