JAKE
Magkasama kami ngayon ni Josiah sa Police Headquarters para pa-imbestigahan ang larawan na ipinadala sa amin ni Miss A. Isang larawan ng bahay na mukhang haunted house na napapanood ko sa mga horror movies.
Ipinakita namin ang picture kay Inspector Medoza at mabuti niya itong sinuri.
"Mukhang wala pa akong nakikitang gantong lugar dito, pero, malaki ang posibilidad na sa ibang bansa ito. Pero impossible na maitatakas palabas ng bansa ng suspek ang mga biktima at maisakay sa eroplano nang hindi nahuhuli dahil kalat sa buong bansa ang pagkawala ng mga pinsan at kaibigan niyo. Maaari ring may sariling eroplano ang suspek o kaya naman ay peke ang binigay na litrato sa inyo upang magsayang ng oras sa paghahanap kahit malabo na mahanap ang mga ito. Pasensya na pero iyon ang totoo." Napahawak sa kaniyang sintido si Inspector Mendoza habang nagpapaliwanag.
May point si Inspector kaya tumango kami bilang pagsang-ayon. Nagpaalam kami na uuwi saglit upang makapagpahinga.
Sabi ko na nga ba eh, sana hindi nalang kami lumapit sa mga pulis.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng patalon ko. Agad ko itong kinuha at nabasa ang text ni tito Gerald.
From: Tito Gerald
'Nakauwi na sila Maddox at Mixxia!'
Kaagad akong napangiti ngunit hindi maalis sa akin ang pagtataka. Kaagad kong sinabi kay Josiah ang magandang balita ni tito at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Talaga? Saan daw sila galing?"
"Hindi ko alam kaya uuwi ako sa bahay para malaman ko. Gusto mo ba sumama?" Tanong sa kaniya dahil baka gusto niya makita si Maddox.
"May business meeting kasi akong pupuntahan kaya siguro bukas ako pupunta. Pakumusta nalang si Maddox para sa akin."
"Sige pre." Nakangiting sabi ko. Kumaway siya sa akin bago sumakay sa kotse niya at pinaandar ito. Tinignan ko siya papalayo ngunit kaagad itong bumalik.
"Nakalimutan ko, kasama pala kita pre, HAHAHA"
"Oo nga eh, iniwan ko motor ko sa tapat office ni tito, don mo nalang ako ibaba." Tumatawang sabi ko.
"Sige."
Mabilis lang kaming nakarating sa tapat ng office ni tito dahil malapit lang naman ito sa headquarters. Nagpasalamat at nagpaalam ako uli kay Josiah pagkatapos ay sumakay ako sa motor ko.
"Welcome back Maddie at Maddox! Na-miss niyo ba ako?" Agad kong niyakap ang dalawa. Ngumiti lang silang dalawa.
"Saan ba kayo nanggaling dalawa? Pinag-alala niyo sila tita!"
"Nagbakasyon kami..." Sabay at tipid nilang sagot.
"Nagbakasyon? Eh hindi pa naman summer break ah, at malayo pa ang Christmas break."
"Pagod kami Jake..." Sabay silang umakyat sa kanilang kwarto.
"Mixxia, hindi jaan kwarto mo, kwarto ni Maddox yan." Napakamot nalang ako ng ulo. Nagbakasyon lang, nakalimutan na agad ang kwarto.
Nagkatinginan ang magkapatid at nagpalit ng kwarto.
Bakit parang may nag-iba? Bakit parang ang cold ng treatment nila sa akin? Baka meron lang kaya parang wala sa mood.
Napagpasiyahan kong pumunta sa shop nila Josiah upang bumili ng meryenda. Para hindi na rin magtampo sila Mixxia at Maddox.
Nakapila ako dito sa counter nang makita ko ang isang pamilyar na tindig. Mas lalo akong napanganga nang makita na si Venice iyon. Ang ex ko.
Napako ako sa aking kinatatayuan nang lumingon siya sa akin. Lumapit ito at kaagad akong niyakap.
"I miss you Jake..."
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Should I tell her that I miss her too? Or should I act like I don't care?
Bahala na.
I hugged her back. Sobrang higpit. Matagal ko siyang hindi nakasama. Pero teka...
Hindi ba dapat galit siya sakin dahil nagsinungaling ako sa kaniya?
"Ah Venice..." Kinakabahan ako kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag. Papakinggan niya kaya? Maiintindihan niya kaya?
"Yes?" Bumitaw siya sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko.
"About sa past a---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil dinampian niya ako ng halik sa pisngi.
"Past is past Jake. Matagal na kitang napatawad, at pwede tayo magsimula uli. Gusto mo yon Jake di ba? Maaari pa nating ituloy ang mga pinangarap natin noon." Malumanay at nakangiti niyang sabi.
"Miss Venice, ito na po order niyo..." pagtawag sa kaniya ng cashier. Dali-daling pumunta si Venice at kinuha ang order niya.
"Black Coffee? Di ba ayaw mo nun kasi mas gusto mo yung mas matamis?" Nagtatakang tanong ko.
"People change Jake, and isa lang naman ang di nagbago sa akin, yun yung love ko for you." Pinisil niya ang pisngi ko.
Napangiti ako at inakbayan siya. Inalis naman niya ang kamay ko na nakapatong sa kaniyang balikat.
"Not too fast Jake..."
"Gagawin ko lahat Venice, bumalik ka lang sa piling ko. Saan mo gusto pumunta?" Masiglang tanong ko.
Tila hindi siya makapag-iisip siya kung saan dahil na rin siguro sa excitement.
"Sa park..." Masayang sambit niya.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at naglakad kami paalis. Sumakay kami sa motor ko at pinakapit ko siya sa akin. Nakayakap siya at masaya ang buong byahe. Napansin kong nagpalit rin siya ng pabango. Amoy Strawberry ito samantalang ayaw niya sa amoy non dati.
Siguro nga maraming pinagbago si Venice, pero masaya ako dahil hindi pa rin nagbago ang pagmamahal niya sa akin. Ang swerte ko, kasi baka kung ibang babae ay hindi na ako mapatawad sa ginawa ko kahit matagal pa akong humingi ng pasensya. Bumalik lahat ng masasayang araw namin ni Venice.
'Venice naalala mo ba noon? Mahilig tayong sumakay sa swing at seesaw. Tara punta tayo doon." Marahan ko siyang hinila ngunit nagpumiglas ito.
"Ayoko Jake, wala ako sa mood mag-swing or mag-seesaw ngayon..."
Nagulat ako sa naging reaksyon niya ngunit mas pinili ko na lang na isipin na baka meron din siya kaya wala siya sa mood. Inintindi ko siya dahil bukod sa mahal ko siya ay nirerespeto ko rin siya.
"Tara sa may damuhan Venice, magkwentuhan tayo at magtickle fight habang nakaupo sa damuhan tulad noon..."
"I'm sorry but it's a no Jake, marurumihan outfit ko."
Hindi ako nakapagsalita. Buti na lang at may dumating na nagtitinda ng 'picnic blanket'. Kaagad akong lumapit doon sa matanda.
"Venice, saglit lang ha, bibili lang ako ng 'picnic blanket' para hindi marumihan ang outfit mo." Nakangiti kong sabi ngunit isang tango lang ang isinukli niya sa akin.
"Nay magkano ho iyan?" Tanong ko sa isang picnic blanket na color blue.
"250 apo, 200 nalang para sa isang gwapo at magalang na kagaya mo."
"Maraming salamat ho..."
"Walang anuman apo, teka... Nobya mo na iyon?" Tinuro niya si Venice.
"Ah opo... Bakit ho?"
"Mag-iingat ka, at huwag magpapaniwala sa nakikita ng mata. Sa bawat desisyon na gagawin mo, gamitin ang utak at pakiramdaman ang puso... Oh siya, mauna na ako at magtitinda pa ako" Sabi niya sabay tapik sa aking balikat.
Nginitian ko ang matanda at hanggang ngayon ay iniisip ko ang kaniyang nais ipahayag.
"Venice upo tayo!"
Inilahad ko ang aking kamay upang tulungan siya na makaupo ngunit nakarinig kami ng malakas na kulog na sinabayan pa ng kidlat. Nag-panic kaagad si Venice at tumakbo papunta sa isang waiting shed. Iniwan niya ako at nauna na siyang sumilong.
Itinupi ko nang maayos ang blanket kahit pumapatak na ang malalaking butil ng ulan.
"Bilisan mo Jake baka magkasakit ka!" Sigaw ni Venice.
Binilisan ko ang pagtutupi. Pagkatapos ay pinuntahan ko si Venice. Habang papalapit ay tila may narinig akong bumubulong sa akin.
'Mag-iingat ka, at huwag magpapaniwala sa nakikita ng mata. Sa bawat desisyon na gagawin mo, gamitin ang utak at pakiramdaman ang puso...'