JAKE
Umuwi ako kaagad ng Pilipinas nang malaman komg nawawala ang pinsan kong si Mixxia. Kanina ko pa tinatawagan si Maddox upang makipagkita sa airport ngunit ni text man lang ay wala akong natanggap.
Nag-aalala ako kung kaya naman ay pumunta ako agad sa bahay nila Maddox. Kanina ko pa pinipindot ang doorbell.
Sa wakas ay may lumabas na rin sa bahay nila ngunit hindi si Maddox, kundi si lola Heda na nag-alaga sa amin simula bata pa kami.
Mugto ang mga mata nya, at halatang walang tulog.
"Oh Jake! Apo! Hindi ko naman alam na ngayon ang dating mo. Edi sana pinasundo kita sa airport." Nakangiti ngunit halatang pagod na sabi ni lola.
"Uh kasi ho kanina ko pa ho tinatawagan si Maddox. Hindi ho sya sumasagot sa tawag ko."
May nag-iba sa facial expression ni lola Heda at naging mapait ang ngiti nito.
"Halika muna sa loob apo, nasa salas ang tito at tita mo." Mahinahong sabi niya.
Binuksan niya ang gate at pinapasok ako sa loob ng bahay.
Nakita kong nakayakap si ang daddy ni Maddox sa humahagulgol niyang asawa.
"Hello po tito at tita... May problem po ba?"
Umayos ng pagkakaupo si tita at tumikhim naman si tito.
"Si Maddox..." Panimula ni tita sabay humagulgol uli.
"Ano pong nangyari kay Maddox?" Lumingon ako kay tito ngunit umiwas ito ng tingin. Tumingin all kay Lola Heda ngunit yumuko lang ito.
Binigay ni tito sa akin ang isang sulat.
'Mom, Dad, lalabas lang po ako saglit. May imi-meet po ako sa BlackSweet coffee shop. Sabi po niya at wag ko raw ipaalam kung hindi papatayin nila si Mixxia. Ayoko na po kayo madamay dito. Pangako ko po na ililigtas ko si Mixxia.
-Maddox
Lalong lumakas ang iyak ni tita. Sobra ang pag-aalala niya sa kalagayan ng pinsan ko.
Sinuntok ni tito any coffee table at nagpaalam na aalis. Nagprisinta naman ako na pumunta sa BlackSweet Coffee Shop upang mangalap ng mga impormasyon.
"Tita, magpahinga ho muna kayo. Ako na po any maghahanap sa mga pinsan ko. May kakilala ho ako sa pulisya na pwedeng makatulong sa atin." Niyakap ako ni tita at pinilit niyang ngumiti.
"Maraming salamat Jake ha. Mag-iingat ka palagi. I-text mo ako o ang tito mo for updates."
Tumango ako at ngumiti.
"No worries tita."
Mabilis akong kumilos at pinuntahan ang coffee shop na nakalagay sa sulat.
Naabutan ko room ang isang lalaki na nakaporma na tila naghihintay. Sa pagkakaalam ko ay cashier siya rito ngunit bakit iba ang nasa cashier?
Nalaman ko na nagtatrabaho siya tito dahil naipalabas ang advertisement nila sa Facebook at Instagram. Dahil sa gwapo at matipuno ang pangangatawan nito kaya naman at ginawa siyang modelo.
Naglakas loob ako na lumapit sa kaniya upang magtanong.
"Excuse me, di ba ikaw yung dating cashier nila dito? Manghihingi lang sana ako ng impormasyon kung sakali man na may nakita kang babae na naghihintay rito kahapon bago mag alas diyes ng gabi?"
"Ah... Oo. may makikipagkita raw sa kaniya. Tinanong ko pa siya kung pwede ko siyang samahan pero sabi niya, ayos lang saw siya. Ako nga pala si Josiah." Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay at tinanggap ko iyon.
"I'm Jake. Sinabi ba ng babae yung pangalan niya?"
"Oo, pero bakit mo naitanong?" Tumingin siya sa akin ng may pag-aalangan.
"Nawawala kasi ang pinsan ko, may iniwan siyang sulat..."
Tumingin muna sa akin si Josiah bago basahin ang ipinakita kong sulat.
Niyaya niya ko pumunta sa VIP room upang doon pag-usapan lahat. Ang dami kong nalaman tungkol kay Josiah. Anak pala sya ng may-ari ng BlackSweet Coffee shop. Nagtatrabaho siya upang makaakit ng mga customers. Pero dahil nag-hire na siya ng mga crew kaya hindi na siya muling magpapanggap na cashier doon.
"Sabi ni Maddox sakin kagabi, magkikita kami ngayon. Pero hindi ko alam na ganun pala mangyayari sa kaniya. Sana pala ay nagtago ako sa isang punk at hindi muna umalis." Labis na nalulungkot si Josiah sa pagkawala ng pinsan ko.
Nag-prisinta siya na tutulong sa paghahanap.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang isang unknown number.
Nagpaalam ako kay Josiah na sasagutin ko lang ang tawag. Tumango siya bilang pagtugon.
"Ano? Ano pong ibig mong sabihin?! Huwag na huwag mong gagalawin mga pinsan ko!"
Tumawa nang malakas ang babae sa kabilang linya. Napakatinis nito ang ang sakit sa tainga.
"Huwag kang mayabang Jake. Hawak ko rin ang pinaka-mamahal mong ex girlfriend."
Nagulat ako sa narinig. Si Venice...
"Sinungaling ka! Hindi yan totoo!" Singhal ko sa telepono.
Nakatingin si Josiah sa akin nang may pagtataka.
"Ako? Sinungaling?" Tumawa pa lalo ng malakas ang babaeng nagpakilalang Miss A.
"Hindi ba ikaw yon Jake? Dahil nagpanggap kang patay na. Matagal ko na kayong minamanmanan. Alam ko lahat ng kwento niyo. Ikaw ang sinungaling Jake!"
Muntikan kong maibato ang phone ko dahil na rin sa inis. Pero nagsalita ulit si Miss A.
"Hanapin niyo ang bahay na ise-send ko sa iyo. Huwag kang mag-alala, hindi ko sasaktan ang anak ko."
Tinignan ko ang picture na sinend niya. Mukhang isang luma't abandunadong bahay. Kung tutuusin, parang haunted house ito.
Nagpaalam na si Miss A at marami siyang gagawin. Binaba niya ang tawag at ipinakita ko naman Kay Josiah ang picture ng bahay.
"Hawak niya ang mga pinsan ko, mga kababata't kaibigan ko pati ang ex girlfriend ko..."
Tinignan ni Josiah ang itsura ng bahay.
"Naku! Parang wala naman iyan dito. Mag-search tayo para makakalap ng impormasyon. Tutulong ako."
"Salamat talaga pre. May kaibigan ako sa mga pulis. Baka matulungan niya tayo."
"Pero Jake sa tingin ko, huwag muna tayo magsabi kahit kanino. Baka mas lalong mapahamak sila Maddox..."
May point siya kaya tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
Nag-vibrate ang phone ko at nakita kong nagtext si tito.
From: Tito Gerald
"May nakuha ka na bang impormasyon? Magkita tayo sa office ko. Hihintayin kita. Hindi tayo pwedeng mag-usap sa bahay dahil ayokong mai-stress lalo ang tita mo."
Sumang-ayon ako kay tito at itinanong ko kung pwedeng sumama si Josiah. Sinabi ko na nais nitong tumulong sa paghahanap kila Mixxia kaya pumayag siya.
Bigla kong naalala si Venice.
Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya. Napaka-walang kwenta ko para magsinungaling sa kaniya. Babawi ako.
Sana hindi pa huli ang lahat.