webnovel

Stay with me [Tagalog]

"If you truly love the person, you have to let them go if its already time for them to go, even if it hurts you so bad." I realized, indeed. Life is too short, it doesn't matter if you're young or old. We are all getting there. But being the one's who were left behind is the worst part.

MissHeiress · สมจริง
Not enough ratings
45 Chs

Chapter 43

Rose

Lumipas ang ilang araw at unti-unti ring nalaman ng iba kong mga kaibigan na buhay pa ako.

Inimbitahan ako ni Angel sa isang simpleng adult birthday party niya sa isang restaurant. Panigurado ay a-attend si Loey doon. Maybe I will have the chance to talk to him.

"Rose. I missed you…" masayang bungad ni Angel sa akin pagkarating ko sa resto. Kasama niya si Jaydee, at naroon na rin ang mag-asawang Irene at Jayem. Yumakap din sa akin si Irene na halatang na-miss din ako sa sobrang higpit ng pagkakayakap.

"Saan pala mga babies niyo?" tanong ko.

"Nand'on kay Mommy ni Jaydee si Maddie," tugon ni Angel.

"Si Eros at Eris na kay Mama," sagot naman ni Irene.

Updated ako sa happenings sa buhay nila dahil kay Blake, kaya hindi ako nagtatakang dalawa na agad ang baby nina Jayem at Irene.

Isa-isa na ring nagsidatingan ang iba gaya ng Peter pan at team bridesmaid. Lahat sila maliban kay Blake ay gulat at hindi makapaniwalang nakikita nila ako ngayon though alam na man na nila before nila ako Makita. At halos lahat din sila ay na-miss ako.

Umupo kaming lahat sa isang mahabang table. Magkatabi sa isang row ang magkapatid na Minx at Yeri mag-asawang Jayem at Irene, Jaydee at Angel at ako, bakante ang katabi kong upuan sa dulo at sa center naman sa tabi ko ay si Sean at sa kabilang dulong center ay si Harvey. Sa harap naman nina Jayem at Irene ay ang magkapatid na Wendy at Kyle, katabi nila ang kambal na sina Dio at Aiyo. At sa dalawang bakanteng chair sa tapat ko na-upo si Blake.

"Dito na lang si Kuys Loey pag dumating siya," ani ni Sean na itinuro ang upuan sa pagitan namin.

My heart fluttered as soon as I heard his name. para akong teenager na kinikilig na naghihintay sa crush.

"What's keeping him late?" ani ni Angel.

"Anyway lt's just start," sabi naman ni Jaydee.

Nagsimula na kaming kumain at panay tingin ako sa entrance ng resto. Baka-sakaling sumulpot siya bigla. Tila napansin naman ako ni Blake at sinita ako. "Kumain ka na diyan, darating din iyon."

"Hindi ko naman siya hinihintay ah," bulong ko habang si Sean naman ay napa-bungisngis. Parang ayaw niyang maniwala sa pagdedeny ko.

And finally, dumating na nga ang hinihintay ko.

Ang inaasam-asam ng puso ko.

Bumungad sa entrance ang napaka gwapong si Loey.

 

 

Pero hindi siya nag-iisa.

Kung anong kinabilis ng pagsaya ng puso ko nang Makita ay ganoon din kabilis ang pagka durog nito nang makita ko ang kasama niya.

 

Si Izzi.

Iyong babaeng kababata niya na na-encounter namin sa Cavite noon.

At ang sakit sa matang Makita ang nakapulupot nitong kamay sa braso ni Loey.

Nang magtama paningin namin ni Loey ay agad akong umiwas at itnuon ang atnesiyon sa pagkain ko.

"OMG," nanlalaki ang matang reaksiyon ni Angel. At ganoon din ang iba.

"Sorry I'ma late. Happy birthday Anj," pagbati nito kay Angel.

"By the way, my girlfriend Izzi, you all know her already right?" sabi muli nito saka giniya ang girlfriend niya kuno sa bakanteng upuan sa tapat ko. At dahil dalawa sila, tumayo si Blake at lumipat sa bakanteng upuan sa tabi ko. Mataimtim kaming kumain at tahimik lang ako habang nagkukwentuhan ang iba. Pinipilit kong hindi mapa tingin sa dalawang naglalampungan sa harap ko ngayon. Kita ko sa gilid ng mata ko ang mga kalandian nilang dalawa. Nagsusubuan pa.

Nawala na yata ako ng ganang kumain.

Bakit ba ako masasaktan? Wala naman akong karapatan.

Hindi naman ako pwedeng umuwi dahil mahahalata namang nagseselos ako. Hmp.

After ng kainan ay inuman naman, umorder si Angel ng beer at alak.

Syempre, bilang wala naman na akong sakit kaya iinom ako. Magpapaksalasing ako bahala kayo!

Chos. Hindi parin pwede, bawal parin ako uminom sa totoo lang, dahil dapat kong ingatan ang hiram kong puso.

Kanya-kanya ng tagay ang lahat, siyempre nangunguna si Sean na katabi ko na siyang pinakamalakas daw uminom.

Tumagay ang lahat maliban sa akin na nagtiyagang uminom ng bottomless iced tea habang ka-usap si Blake. Lumipas ang isang oras na pag-iinuman, At ayon, nagsimula na naman lumandi si Izzi kay Loey.

"Babe, can you drink this for me? I feel tipsy na kasi e." anito na may malanding tono at saka inabot ang shot glass nito kay Loey. Tinanggap naman ito ng huli pero tumingin muna ito sa akin.

"Yeah, that's a sweet gesture for a boyfriend huh?" panunudyo ni Blake.

Loey smiled sweetly, and he have been smiling the whole time. Marahil masaya na siya kay Izzi.

Mas lalo lang niyang pinatunayan na hindi niya talaga ako minahal.

"Rose," tawag ni Angel sa akin saka tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa akin at umakbay habang hawak ang basong may lamang beer at ibinigay sa akin iyon. "Have a drink. Huwag tatanggi, it's my birthday," anito at saka kumindat. Tinanggap koi yon at akmang iinumin ko n asana.

"Who said you could drink that?"

Natahimik ang lahat nang sabihin iyon ni Loey. Sa tono niya ay para siyang nagagalit na boyfriend.

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. Kasunod ay kinuha niya ang baso ng beer mula sa akin at walang pag aalinlangang nilagok ang lahat ng laman niyon.

What did he just do?

Pagkatapos niyang uminom ay tumayo siya at hinaklit ako patayo.

"What are you doing?" I asked raising my brows.

"I'm taking you home."

Walang anu-ano'y hinila niya ako palabras ng resto na iyon at hindi manlang kami nakapag paalam sa mga taong naroon.

At nagiging abnormal na ulit ang puso ko ngayon.