webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 9

Hinayaan ni Jemaikha basahin ni Hiro ang kontrata. Kung may problema naman siguro sa kontrata ay sasabihin nito sa kanya. Madali na lang mag-revise. Mas gusto niya na pormal ang usapan nila para kung may reklamo man sila sa isa't isa ay mas malinaw sa papel ang lahat.

Nagtaka siya nang tumayo ito at may kinuha sa kuwarto. Pagbalik niya ay may dala itong stamp. Tinatakan nito ang dokumento saka pinirmahan. Wala na itong tanong-tanong. Tapos ay may inabot din itong sobre sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Jemaikha nang makitang may laman iyong limang libo piso.

"Ano ito?" tanong niya.

"Atamakin. (Initial payment.)" Paunang bayad daw iyon. Ipinaliwanag nito para may magamit siya sa pagpunta sa condo nito.

"Domo arigatou," pasasalamat niya at yumukod. Malaking bagay sa kanya ang paunang bayad nito at hindi niya tatanggihan. Makakabili na rin siya ng materyales para sa ibang lesson nila. Itinapik niya ang kamay sa module na gagamitin para dito. "Let's start the lesson. Hajimemashite."

Huminga ng malalim si Jemaikha at sinimulan sa basic lesson ng pagsasalita at pagsusulat ng English at Filipino mula sa Nihonggo. Magiging madugo ito lalo na kung naninibago si Hiro lalo na sa Filipino.

Subalit nasorpresa siya dahil mabilis itong maka-pick up. His English was smoothly delivered. Walang punto na akala mo ay matagal na nitong ginagamit ang English. Di rin nagiging "R" ang "L" nito kapag nagsasalita. Mabilis din nitong nakuha kung paano mag-construct ng sentence sa Filipino nang subukan niyang itaas ang level ng aralin nila.

Even writing in English and Filipino, he was mesmerizing. Nahihipnotismo siya sa pagsusulat nito. Tahimik lang niya itong pinanonood habang concentrated ang lalaki. Gusto niyang isipin na may alam na ito sa dalawang llengguwahe. Nagtataka lang siya kung bakit hindi nito ginagamit.

Kung mas madali siyang matuto, mas pabor sa akin. Magre-reflect din sa akin iyon bilang tutor. Hindi na niya kailangang laging dumepende sa translator gadget.

Maya-maya pa ay naramdaman niyang kumakalam ang sikmura niya. Pagtingin niya sa orasan ay alas kuwatro na. Lagpas na ang oras ng miryenda. "What do you want to eat?" tanong niya at iminuwestra ang pagsubo. "Anong gusto mong kainin?" Gusto niya na masanay na ito sa paggamit ng English at Filipino kaya iyon na rin ang gagamitin niya. Magnih-Nihonggo lang siya kapag di nito maintindihan.

Ngumiti ang lalaki. "Ako ang bahala," sabi nito at tumuloy sa kusina.

"Huh? Where did you learn that?" At itinanong niya sa Nihonggo kundi man nito makuha.

Tumuro ito sa baba. "Manong Guard."

Tumango siya. "Ahhhh!" Mabuti at nakiki-interact naman pala ito sa ibang tao.

Luminga siya sa paligid. May microwave oven, refrigerator at coffee maker doon pero napansin niya na walang kalan. Saan ito magluluto? Sa microwave? Umupo siya sa stool at itinukod ang siko sa counter island. Tumili siya nang biglang tumunog ang mesa at umilaw. "Ano 'yon?" Baka nasa loob pala sila ng isang robot na nag-aanyong condo building at isang Gundam pilot si Hiro.

Tumawa ang lalaki. "Stove. Induction heat cooker." Pinindot nito ang ilang ilaw at lumabas ang temperature. "You cook. No fire."

"Kalan na walang apoy. Pasensiya na. De gasul lang kami," nasabi niya. High-tech talaga ito. Isinuot nito ang apron at inilabas ang mga gulay at mga karne mula sa ref. "I'll help."

"No. Sit," utos nito at itinuro ang stool.

"Maka-sit ka naman akala mo aso ako. Hindi ako aso," kontra niya dito.

"Iie. Not dog," sabi nito at umiling. Naintidihan siya nito. "Hime."

"Hime? Princess? Ako?" Tumawa siya at inipit ang buhok sa likod ng tainga. Lakas maka-Prince Charming.

Pinanood na lang niya ang lalaki habang nagluluto ng shabu-shabu. Di naman pala masyadong komplikado ang lulutuin nito dahil itatalbog lang nito ang gulay at iba pang ingredients gaya ng crab stick, lobster ball, sugpo, manipis na hiwa ng baka, tokwa, kabute at sinamahan din ng udon noodles. Amoy pa lang ng sabaw ay nakakatakam na.

"Sensei, for you," anito at inabot sa kanya ang bowl ng shabu-shabu.

"No! Don't call me sensei. Ang lakas makatanda ng teacher," reklamo niya.

"Jemaikha-sensei or Jemaikha-hime?"

Masyado namang mahaba ang buhok ko kung tatawagin akong prinsesa. Baka may makarinig na iba, isipin pa na malakas siyang mag-assume. "Jemaikha. Just call me Jemaikha." PInagsalikop niya ang palad. "Itadaikimasu!" sabay nilang sabi ni Hiro.

Habang kumakain ay napagkwentuhan nila ni Hiro na nag-iisa itong anak. Isang negosyante ang ama nito at isang academic ang ina nito na isang Filipina. Magaling daw na imbentor ang ina ni Hiro. Tutol sana ang magulang ng binata na mag-aral si Hiro sa Pilipinas pero gusto nitong maranasang mabuhay sa Pilipinas nang independent at walang nakikialam sa kilos nito. May mga kaibigan daw ito na taga-Pilipinas pero nasa bakasyon pa rin. Malungkot rin ito dahil wala itong kamag-anak sa Pilipinas dahil isang ulila daw ang nanay nito.

Dahil fascinated sa Japan ay nagtanong siya sa binata kung ano ang experience nito sa mga lugar sa bansa nito na napuntahan na nito. Kumikislap ang mga mata nito habang nagkukwento sa snow ng Sapporo, ang mga bulaklak tuwing tagsibol lalo na ang sakura o cherry blossom at ang paborito daw nito ay ang taglagas o fall. Pilit itong nagsalita nang magkahalo ang Filipino, English at Nihonggo. Kapag may gusto itong malaman na translation ng salita ay itinatanong nito sa kanya.

"I'll help you clean the dishes," prisinta niya at tumayo matapos kumain.

"No," tutol nito at hinawakan ang dalawang kamay niya.

"Tutulong na nga ako," giit niya.

"You work, I'll hold your hand," hamon nito sa kanya.

Hala ka! Forever daw silang magho-holding hands kapag nagpilit siya na tumulong dito. Parang umihip ang malamig na hangin at tinangay ang kulay rosas na talulot ng bulaklak ng cherry sa paligid nila. Pangangatawanan talaga nito na tratuhin siyang prinsesa.

Lukaret! Estudyante mo iyan. Wala ka sa hulog, saway niya sa sarili. Dali-dali niyang binawi ang kamay mula kay Hiro. Mali ito. "Ah… I'll just put these inside the refrigerator," tukoy niya sa mga natirang gulay at inilagay sa paper bag. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya.

Mahabaging diyosa ng buwan, tulungan mo po ako. First day ko pa lang ng klase ko, bibigay na ang puso ko kay Hiro Hinata. Tatsukette kudasai! Tulong!