webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 5

 Hangos nag-swap sa identification machine si Khamya para makapasok sa special unit ng Philippine Biotech Institute. Na-late siya ng gising kung kailan may importanteng meeting siya kasama ang isa sa mga benefactor nila. Napanaginipan niya na nag-date sila ni Beiron at huli ay tinangka siyang halikan nito.

Noon siya nagising. Saka niya napansin na lumipas na ang alarm time ng digital alarm clock niya. Kasalanan iyon ng panaginip niya kay Beiron. Isang buwan na mula nang manggaling siya sa Al Ishaq. Ni wala silang kahit anong communication. Bakit bigla itong pumasok sa panaginip niya?

"This is bad," usal niya sa sarili habang naglalakad sa walang katao-taong hallway. Madalang siyang managinip nang natatandaan niya. At kadalasan parang isang panganib ang banta niyon sa kanya.

Pagbukas niya ng pinto ng conference room ay sinalubong agad siya ng director nila. "Dr. Licerio, I am glad that you came at last. Kanina ka pa namin hinihintay. Matatapos na nga ang meeting namin."

"Sir, I am sorry. I don't have a valid excuse. I overslept and…"

Tinapik nito ang balikat niya. "It is okay."

"Okay?" Luminga siya. Nakangiti sa kanya ang lahat ng mga kasamahan. Mukhang maganda ang resulta ng meeting. "Dumating na po ang sponsor natin?"

"Yes. He is waiting for you at your laboratory.  He wants to talk to you personally. Bilisan mo na at baka mainip pa siya."

Pagpasok niya ng laboratory ay isang matangkad na lalaki na nakasuot ng business suit ang nakatalikod sa kanya habang pinagmamasdan ang mga frozen sperm na ginagamit niya sa research niya. "Good morning, Sir!" pormal na bati niya.

Nakangiting humarap sa kanya ang bisita. "Ah! Finally you are here, Khamya." Naestatwa siya nang matuklasang si Beiron ng bisita niya. Ni di siya nakagalaw sa kinatatayuan nang halikan siya nito sa pisngi. "You are late but you are forgiven. You didn't have a good night's sleep."

Yumuko siya at sinapo ang noo. "I had a nightmare."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "It is okay. I am here."

Mas masama ang bangungot niya ngayong kaharap niya ito. Parang di na kasi normal ang pakiramdam niya ngayong kaharap itong muli. Sa panaginip pa nga lang ay sira na ang sistema niya. Lalo naman ngayon.

Mariin niyang kinuyom ang palad para paglabanan ang sensasyong nararamdaman sa haplos nito. "I am afraid I wasn't able to join your meeting. How about a tour in my laboratory instead?"

Pinigilan nito ang kamay niya. "I already familiarized myself. Why don't we talk about us? Hindi mo ba ako na-miss? One month tayong hindi nagkita."

"Hindi ko ugaling maka-miss ng mga tao," aniya sa malamig na boses. "Unless you are a specimen for my research, Mr. Rafiq."

"Well, you should bid farewell to your laboratory for a while. The institute will be sending you to Al Ishaq's biotech facility for three months. Ikaw ang napili para maging guest researcher."

"Wow!" usal niya. "Are you serious?"

Nasabi niya sa isang delegate ng conference na taga-Al Ishaq nang mag-tour sila na parang masarap ang magtrabaho sa research facility ng mga ito. It was one of the top five most high-tech biotech research facility in the world.  Three months inside that research facility was heaven. Gusto niya iyon.

"Yes. Maganda ang nai-impart mong idea noong conference. Maraming mga delegates ang naging interesado sa presentation mo kasama na ang director ng Al Ishaq Biotech Research. Natagalan lang ang pagsundo ko sa iyo…"

"Pagsundo? Susunduin mo ako?"

 Tumango ito. "I got tied up with a lot of engagement in Al Ishaq."

"Like women?" she asked before she could stop her self.

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "You must be jealous then."

She put on her gloves and rearranged the flasks. "I am not."

"Ang alam ko di ako nakipag-date sa loob ng isang buwan. Ikaw na ang huling naka-date ko. Di mo ba nabalitaan?"

Umiling siya. "Hindi ka naman scientific news, di ba?"

"Go ahead and pretend that you don't care about me. After all, you are all mine in Al Ishaq. I will meet you at the airport. I will give you the schedule of our flight. And don't even think about backing out."

Humalukipkip siya. "Why should I back out? Pupunta ako sa Al Ishaq para sa  research study. I won't pass up that opportunity."

 Tumango ito. "You are really smart."

"But it doesn't mean that I will go out with you. Paulit-ulit lang masasaktan ang pride mo dahil sa akin. Stop being incorrigible."

"I am incorrigible, alright!" Hinapit nito ang baywang niya at inilapit ang labi sa tainga niya. "Three months is more than enough for you to fall for me."

"Huh! Well, goodluck!" usal niya nang bitiwan siya nito. Di niya alam kung para saan ang goodluck. Saka kanya o para dito. Nanginginig kasi ang tuhod niya tuwing hinahawakan siya nito. It was not a good sign.

She must resist him. She must! Or at least die trying.

KHAMYA felt so good while cuddling something warm. Masarap ding matulog dahil sa bangong nanunuot sa ilong niya. She never felt so comfortable in her life. Sumiksik pa siya sa mainit na bagay na iyon.

"Welcome to Al Ishaq, Khamya."

Napabalikwas siya nang marinig ang boses na iyon at biglang dumilat. "Beiron!" Saka niya natuklasang nakahilig siya sa dibdib nito. Magkatabi sila sa double seat ng chartered plane nito na patungong Al Ishaq. "Anong ginagawa mo dito?  Di ba doon ka dapat sa kabilang seat?"

"Mukhang hindi ka komportable habang natutulog ka kaya tinabihan kita. I guess you slept well. Ngumingiti ka pa nga habang natutulog ka."

Iniwas niya ang tingin para di nito makita ang pamumula niya. She was blushing. Binuksan niya ang window ng eroplano para makaiwas dito. Bahagya siyang nasilaw sa liwanag ng papasikat na araw habang nasa ibabaw sila ng ulap. Parang nagmistulang ginto ang bawat ulap na nasinagan ng araw. "This is breathtaking!" usal niya. She had never seen a spectacular view in her life.

"Whenever I travel, I always love to watch the sunset from here. It always reminds me how beautiful life is. And makes me feel great."

"Good for you," matabang niyang sabi. Madali para dito na isiping maganda ang buhay. He was born a royalty. Nakukuha nito anumang gustuhin.

While she had been through so much in her life. Bata pa lang siya ay itinanggi na siya ng kanyang ama. Naghirap sila ng nanay niya. Nagpakamatay ito sa pagiging labandera mabuhay lang siya. Naranasan niyang maglako ng kung anu-anong paninda matulungan lang ang nanay niya. Pinilit niyang mag-excel sa klase para makakuha ng scholarship. Life for her was a constant struggle. At kung kailan umuunlad na ang buhay niya ay saka naman binawi sa kanya ang nanay niya.

"Excuse me. I will just wash my face," wika niya nang maramdaman ang pamamasa ng mata niya. Tumayo siya at tumuloy agad sa restroom.

Naghilamos siya. Natutunanan niya mula pagkabata na walang mangyayari kung iiyak lang siya at magpapakahina. Life would be harsher to those who were weak. Di na niya kailangang umiyak. Naabot na niya ang gusto niya sa buhay. At di siya papayag na matulad siya sa nanay niya na naging mahina dahil sa pag-ibig. Hindi si Beiron Rafiq ang maaring sumira sa depensa niya.

Composed na siya nang samahan muli si Beiron. "Do you want breakfast here or at the guesthouse?" tanong nito paglabas niya.

"Tea would be fine." At inilabas niya ang laptop computer niya. ILang minuto pa ay lalapag na sila sa airport. Ayaw niyang sayangin iyon sa pagpapansin nito.

"I guess we'll have breakfast at Tree House instead. I am sure some of my friends will be there." Iyon ang pinaka-prestihiyosong restaurant sa Al Ishaq. Halos lahat ng royalty ay doon kumakain.

Tiningnan niya ito sa malamig na mata. "I just want to rest. I am not in the mood to meet people. I am sorry." She was there to work. Wala itong lugar sa buhay niya o kahit na sinong lalaki. Hindi siya ang babaeng aamo dito.

Feel free to follow me here:

Facebook: Sofia PHR Page

Twitter: sofia_jade

Instagram: @sofiaphr

Youtube: Sofia's Haven

Sofia_PHRcreators' thoughts