webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 14

Alumpihit si Jemaikha sa kinauupuan. Di niya alam kung sasagutin niya ang tawag o hindi. Huminga siya ng malalim at pinisil ang cellphone. Moment of truth. At least malalaman ko kung babalik pa ako sa buhay niya o hindi na.

Uminom muna siya ng tubig bago iyon sinagot. "Hello."

"Moshi moshi, sensei. Nasaan ka? Pupuntahan kita. Let's talk."

Biglang kinabahan ang dalaga. Ngayon na ba sila maghaharap? Di ba pwedeng sa phone na lang? Luminga siya sa paligid. "Ano... nasa FX na ako pauwi. Bukas na lang tayo mag-usap ha?"

"Usso! Ayaw mo akong kausapin."

Nagulat siya dahil tinawag siya nitong sinungaling. Paano nito nalaman na nagsisinungaling siya? Paano nito natiyak na ayaw nitong kausapin.

"Bukas na nga lang tayo mag-usap," giit niya. "Mata ashita." Nag-call na siya para di na nito makulit pa at saka sumubo ng ice cream. Siguro naman ay di na ito mangungulit.

"Bakit bukas pa? I'm here," tanong ng boses ng binata na nanggagaling sa likuran niya. At nagulat siya nang umupo ito sa tabi niya.

Nanlaki ang mata ni Jemaikha habang naiwan sa bibig niya ang kutsaritang plastic. Huli na siya nito. Di na siya makakaiwas. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sabi ni Manong Guard dito ka pumunta. Bakit ka nagsinungaling na nasa FX ka na?"

"N-Nag-ice cream lang. Paalis na ako. Bumalik ka na sa taas. Baka magalit pa ang girlfriend mo sa iyo," pagtataboy niya dito.

"Bukas na nga lang tayo mag-usap," giit niya. "Mata ashita." Nag-call na siya para di na nito makulit pa at saka sumubo ng ice cream. Siguro naman ay di na ito mangungulit.

"Bakit bukas pa? I'm here," tanong ng boses ng binata na nanggagaling sa likuran niya. At nagulat siya nang umupo ito sa tabi niya.

Nanlaki ang mata ni Jemaikha habang naiwan sa bibig niya ang kutsaritang plastic. Huli na siya nito. Di na siya makakaiwas. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sabi ni Manong Guard dito ka pumunta. Bakit ka nagsinungaling na nasa FX ka na?"

"N-Nag-ice cream lang. Paalis na ako. Bumalik ka na sa taas. Baka magalit pa ang girlfriend mo sa iyo," pagtataboy niya dito.

"She's not your girlfriend. Paano siya nagkasusi sa condo mo?"

"She is the landlord's daughter, my mother's old friend owns the condo. She abused her position. She crossed the line. Sabi ko aalis ako sa condo kapag pumasok ulit siya ng unit nang walang valid reason" sabi ng binata na nanatiling seryoso ang anyo. Akala pa mandin niya ay malalim ang relasyon ng mga ito. Kung ganoon ay totoo ang sinabi ng binata na wala itong girlfriend.

"Mahal ka niya. Ayaw mo ba sa kanya?" tanong niya. Baka mamaya ay pinaasa lang ito ni Hiro o nag-assume ito. Parang siya lang. Assumingera pagdating sa binata.

Nalukot ang mukha ni Hiro. "I don't like her. We can be friends. Nothing more. And even if I like her, wala siyang karapatan na itaboy ka. She must respect the people around me, especially you. You are my sensei. I can't like a disrespectful person." Ginagap nito ang kamay niya. "Ikanaide. Please don't leave."

Sensei na lang. Teacher. Di na hime. Pero ayos lang sa kanya kahit na hindi siya ang prinsesa nito. Ang mahalaga ay ayaw ni Hiro na umalis siya. Wala nang Shobe sa buhay nito. Wala rin itong girlfriend.

"Oo na. Di ako aalis hangga't di mo sinasabi," sabi ni Jemaikha at parang umaapaw ang kaligayahan sa puso. Ibig sabihin ay magkakasama pa rin sila ni Hiro nang mas matagal. Gusto niyang magtitilli sa kilig. Okay lang sa kanya kung magiging sensei nito habambuhay. Kahit di na siya ang prinsesa nito basta kasama lang niya ito.

"Gusto mo pa ng sorbetes?" alok ng binata. "Ubos na 'yan." At ngumuso sa cup niya.

"Sorbetes talaga," aniya at humalakhak.

"Mali ba ang sorbetes? Nakita ko sa dictionary…"

"Tama ang sorbetes. At gusto ko pa ng sorbetes 'yung tsokolate," sabi niya at tumango.

Ngiting tagumpay siya habang tine-text ang mga kaibigan na okay na ulit sila ni Hiro. Tumatawag ang mga ito pero di muna niya pinansin. Mamaya na niya kakausapin ang mga ito.

Pinagmasdan niya si Hiro habang namimili ng ice cream. Gusto niyang titigan si Hiro. Sa bilis nitong matuto, baka makalipas ang ilang linggo ay di na rin nito kunin ang serbisyo niya. Mas alam pa nga nito ang sorbetes kaysa sa kanya. Di talaga nito sinasayang ang panahon para matuto.

Mananatili siya sa tabi nito hangga't kailangnan siya nito.