webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
557 Chs

Chapter 11

"NAPAKABILIS lumipas ng panahon. Dati teenager pa lang ang dalawang anak ko. Alastair even hated wearing coat and tie. But look at him now. He is every inch a gentleman. Lahat halos ng babae, kinikilig sa kanya," anang si Katalina na nakaguhit ang ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang mga anak na nagkakarera kay Gudofredo. Nahuli si Alastair at kasalukuyang sinesermunan ng ama.

She also wore a satisfied smile. "Yes. I can see that, Tita."

Alastair was doing great on horseback. Wala na marahil ang kaba na nararamdaman nito kanina. Kahit sinong makakita dito, iisipin na lalaking-lalaki ito habang nakasakay sa mabalasik na kabayo. Kahit pa nga huli ito sa karera, mas mabuti na iyon dahil napapasunod pa rin nito ang kabayo.

Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Katalina pagkuwan. "I am worried about Kester. Narinig mo ba ang sinabi niya kanina? Cynic siya sa mga babae dito sa riding club. Mahigit isang buwan na siya dito pero wala ka pa rin bang nababalitaan na nagugustuhan niya?"

"Marami pong may gusto sa kanya. Pero sa palagay ko po masyado siyang busy para intindihin pa ang mga babae na nakapaligid sa kanya."

Katalina let out a sigh. "Puro na lang siya trabaho. How about you, hija? Wala ka bang nagugustuhan sa mga anak ko?"

"Po?" bulalas niya at di alam kung ano ang isasagot. Mas madali sanang sumagot na lang ng hindi. Pero bakit parang di naman siya sigurado kahit hindi pa ang sabihin niya. Is she still harboring some special feelings for Kester?

"Ma, Yoanna, what's taking you so long?" pasigaw na tawag sa kanila ni Alastair at kumaway. "Hurry up! Pupunta daw tayo sa waterfalls sabi ni Kuya."

Pinabilis niya ang pagpapatakbo sa kabayo. "You are doing great, Al!" wika niya at bumuntot ang kabayo niya sa likuran ng kabayo nito.

Sabay silang napasigaw ni Alastair nang biglang sumipa ang likurang paa ng kabayong si Hard Luck. Mabilis na umurong ang kabayo niya. She tugged its rein and let it step back at a safe distance. Iyong di na siya maaabot pa ng kabayo ni Alastair.

Patuloy pa rin sa pagtili si Alastair. "Al, shut up!" saway niya dito nang mamataang papalapit ang mga magulang nito at si Kester. Saka lang ito kumalma at mabilis na pinakalma ang kabayo.

Siya agad ang nilapitan ni Kester at inalalayang bumaba ng kabayo. "Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?" He touched her face, her shoulder and her waist. It was an impersonal touch. Pero pakiramdam niya ay libu-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan niya sa bawat pagdampi ng kamay nito. Nang walang marinig na pag-angal sa kanya ay binalingan nito si Alastair. "Ano bang ginawa mo at bigla na lang sumipa ang kabayo mo? Muntik nang masaktan si Yoanna."

"Hindi ko alam, Kuya," sagot ni Alastair at bumaba ng kabayo. Namumutla ito at pinagpapawisan. "Nakasunod lang naman si Yoanna sa likuran ko tapos bigla na lang sumipa ang kabayo ko. I am sorry."

Hinawakan niya ang kamay ni Alastair. "It is okay. It is not your fault. Siguro territorial lang ang kabayo na ito. Ayaw niyang may lumalapit na kabayo sa teritoryo niya. Dapat siguro walang susunod sa kanya sa likuran."

"Gudofredo, di mo dapat pinili ang mga kabayo na iyan!" nagpupuyos na wika ni Katalina. "Look what you've done! You put our children's lives in jeopardy. Pati si Yoanna madadamay pa. Ibalik mo na ang mga kabayo na iyan."

"I am sorry, hija," anang si Gudofredo na bakas ang pagsisisi at maging ang takot sa asawa. Isa marahil iyon sa mga pagkakataon na nakita niya itong tumiklop sa babae. Kapag kasi kapakanan ng mga anak ang pinag-uusapan, parang inahing manok si Katalina na lalaban kahit pa sa tandang. "Babalik na tayo sa stable. Papalitan na natin ang kabayo nina Kester at Alastair."

Alastair smiled as a sign of relief. "Thank God! Everything is okay now."

"Baka natatakot ka pang sumakay ng kabayo, Yoanna. Pwedeng doon ka na lang sumakay sa kabayo ko para maalalayan kita," alok sa kanya ni Kester.

ILing agad ang sinagot niya. "Hindi na kailangan. Kabayo naman ni Alastair ang nagwala at hindi ang kabayo ko. I will be fine." Mas gusto pa niyang sumakay sa nagwawalang kabayo kaysa makasama sa isang kabayo si Kester. Baka kung anu-ano lang ang maisip niya. Ipinangako pa mandin niya sa sarili na hindi na niya ito pagpapantasyahan pa. Better safe than sorry.

"If that is what you want," Kester said in half-whisper. Madilim ang mukha nito nang sumampa sa kabayo nito. Di niya alam kung bakit.

Hinaplos niya ang noo ni Alastair. "Okay ka lang? Di ka ba natakot?"

"Konti lang naman. Basta huwag ka na lang sumunod sa likuran ko. And thank you for saving me a while ago."

Hinaplos ng daliri niya ang dulo ng ilong nito. "Tandaan mo na may utang ka sa akin, okay?" aniya at nagkatawanan na lang sila.

"If you two are okay, let's get moving," Kester ordered and maneuvered his horse. "Malapit na ang lunch time. Di na tayo pwedeng mang-abala ng tao sa stable para papalitan ang mga kabayo natin kapag lunch time na."

"Anong problema ng kuya mo?" tanong niya at nagtatakang sinundan ng tingin si Kester habang humahagibis ng takbo palayo ang kabayo nito. Kanina lang ay mabait ito sa kanya. Alalang-alala pa ito na baka nasaktan siya sa pagkakasipa ng kabayo ni Alastair. Ngayon naman ay nagsusungit ito.

"Ewan ko. Baka naman may dalaw," hula ni Alastair.

Humalakhak siya. "May tama ka!"

Sayang! Nawawala pa mandin ang inis niya dito kapag nag-aalala ito sa kanya. Kaso binabawi na niya. Prinsipe pa rin ito ng kasungitan at mood swing. Kahit kailan ay hindi niya ito maiintindihan.