webnovel

SOON TO BE DELETED

Date started: March 2018 Date completed: September 1,2018 Language: Tagalog/English HIGHEST RANK ACHIEVED: #1 IN HELL (8/12/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 IN HELL (8/5/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #3 IN HELL (8/4/22) --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · วัยรุ่น
Not enough ratings
53 Chs

♥ CHAPTER 48 ♥

⚕ Special Chapter for the characters⚕

Mrs. Lim's POV

I am in my office right now while drinking a cup of coffee ng bigla siyang kumatok. Ibinaba ko ang iniinom ko at tinignan ang pintuan, "Come in"

Pagkapasok niya, alam kong siya ang ipinadala sa akin as I expected.

"Have a seat" wika ko sabay turo sa chair infront of me. Yumuko muna siya bago umupo.

"So? What brings you here?" tanong ko.

Tinignan niya ako at alam kong seryoso ang sasabihin niya,

"He worked hard for that day Mrs. Lim. Now, now, everything is settled as planned. It would take hours para i-announce na sa buong campus" sambit niya sa akin.

That's good to hear.

I raised my eyebrows, "So, are you saying that we just need to wait for him para ibigay ang hudyat?"

He nodded, "Exactly"

"All along, we're planning to do this dahil 'yon ang gusto niya. Now that his plan have worked, I'm sure na satisfied na siya at excited sa magaganap. He's really a monster, nakain siya ng galit niya" -L

"We can't do anything to stop it"

"I guess...it's now time" tumingin ako sa kanya and he nodded before leaving.

Past was so bad for the students, present is currently torturing them. I should say now, the future will lead them to death. The time now would be the worst for them.

⚕ Nash⚕

Sa tagal at dami ng araw na hindi ako nagpakita, hindi naman nasayang 'yon dahil may mga mahalagang bagay akong ginawa. Sa pagsunod ko sa kanila, nalaman ko na ang bawat kilos at galaw nila, lalo na siya.

Gusto ko lang namang ipaghiganti ang kapatid ko dahil sa ginawa nila sa kanya, hindi ko papalagpasin ang pangyayaring 'yon.

Sa kabilang banda, alam kong kakayanin niyang makatayo para gumanti. 'Yon din ang oras na sasamahan ko sila para ipaghiganti ang kapatid ko. Alam kong balang araw, babagsak ang Blood Rebels. Pero wala akong ginawa dahil alam kong mas makakabuti 'yon. Sa araw na mag-aannounce ang council, sisiguraduhin kong magbabayad siya sa lahat ng ginawa niya.

⚕ Clyde ⚕

Nakuha ko na lahat ng bagay na meron siya. Yung mga bagay na inaasam-asam ko dati pa. Palagi ko ng nakakasama ang babaeng pinakamamahal ko, legal na ang relasyon naming dalawa at sobrang masaya na kami. Pero hindi namin alam kung anong binabalak ng Black Vipers lalo na si Carson. Nananahimik sila at hindi sila gumagawa ng gulo. Alam kong may binabalak si Carson, hindi pwedeng basta lang siyang nananahimik. 'Yon ang kailangan kong paghandaan, pero sigurado namang wala na siyang panama sa'kin. Dahil lahat ng meron siya, na sa akin na.

Gagawa ako ng paraan para tirahin siya ng pailalim. Uumpisahan ko sa mga members niya hanggang sa siya nalang ang matira. Uubusin ko sila para wala ng hahadlang sa akin sa Prison School.

Isa pa, akala ba ni Syden titigilan ko siya? Pwes, hinde. Kahit na masaya kami ni Roxanne, gusto ko pa rin siyang patayin dahil maaari pa rin siyang maging threat sa amin. Lalo na't kasa-kasama na siya ng Black Vipers, mas lalong lumaki ang tyansang gusto ko na siyang tapusin. Papahirapan ko lahat ng members ng Black Vipers. Gusto ko sa araw na yon...makita ni Carson na mahirapan ang mga members niya at mawalan ng buhay sa mismong harap niya ng wala siyang nagagawa.

⚕ Roxanne ⚕

Hindi namin alam ni Clyde kung bakit nananahimik ang Black Vipers, pero isa lang ang nasisiguro namin. May pinaplano si Carson lalo na't hindi siya nanggugulo, siguradong may binabalak siya. As of now, pinapractice ko muna ang Redblades for new techniques para sa pakikipag-laban. Mabilis naman silang matuto kaya masaya na'kong maturuan pa sila. Gusto ko mas maging magaling sila sa Black Vipers. Uubusin ko ang members ni Carson at uumpisahan mula sa pinakamababa papunta sa kanya. Yon din naman ang gusto ni Clyde kaya susuportahan ko siya. Marami na ring nagawang hindi maganda si Carson sa'kin kaya natural lang na gantihan ko siya lalo na't paulit-ulit niya akong sinaktan noon.

Hindi ba mas madaling tapusin ang buhay kung hindi bihasa sa pakikipag-laban? Tutal, kasama na rin naman nila si Syden, pwes...siya ang uunahin ko.

⚕ Carson⚕

Hindi pa tayo tapos, Redblades at Phantom Sinners. May araw din na babagsak kayo, at sisiguraduhin kong sa araw na yon...pinapanood ko kayo. Lahat ng meron kayo ngayon, kukunin ko balang araw. Hindi ko pa nakakalimutan lahat ng ginawa niyo sa akin. Yung sakit at galit, hanggang ngayon dala-dala ko pa. Hindi ko hahayaang basta na lang kayong maging masaya. Alam ko naman na plano niyong ubusin ang natitirang members ng Black Vipers, at hindi ko hahayaang mangyari yon. Kapag may nangyaring masama sa kanila, hindi niyo na ako makikilala. At alam ko namang ayaw niyong mangyari 'yon. Kaya kung ano man ang pinaplano niyo, ngayon pa lang itigil niyo na.

⚕ Raven ⚕

Isang bagay lang naman ang dahilan kung bakit nagkaganito ako. Gusto kong maging malakas para protektahan ang kakambal ko. Dati, siya palagi ang nagtatanggol sa akin. Ngayon, gusto kong bumawi sa kanya, gusto ko ako naman ang magtanggol sa kanya. Naging malapit na rin ako sa Black Vipers, kaya kahit ano mang mali ang nagawa nila dati, hindi ko na lang pinansin dahil mas pinahalagahan ko ang pagkakaibigan namin. Basta ang mahalaga, kaibigan ang trato nila sa'kin, ang saya ko nga dahil napansin kong ganon na rin ang trato nila kay Syden. Never nila kaming sinaktan o minaliit. Oo, masama ang ginagawa nila, pero para sa amin ni Syden, hindi sila masamang tao.

⚕ Someone⚕

Sinisisi ko yung sarili ko kung bakit napunta sila dito. Wala akong nagawa para pigilan sila. Pero isa lang ang masasabi ko, miss na miss ko na sila, lalo na siya. Oo, gusto ko siya pero hindi ko sinabi dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Pero kapag nagkita na kami, gagawin ko ang lahat para protektahan siya. I am the reason kung bakit napunta siya dito. Ayaw kong makita siyang nahihirapan kaya mas pinili kong itago ang sarili ko sa kanya. Salamat sa tulong ng isang kaibigan kaya nakapagtago ako.

Pero huwag kang mag-alala. Magkikita na rin tayo. Malapit na, Syden. Malapit na.

Ending of Prison School is approaching.

To be continued...

Hello Queen and King Heartfilias/readers! Sorry po sa late update dahil super busy ko, nawala sa isip ko but here we are. Just like what you've read, it was already a hint or a clue rather. 2 more chapters ahead and it will be the end. Yup, that's true dahil patapos na po tayo. I know this is bad news for all of you but don't let your emotions consume you. After all thank you for the endless support. Love sent!