webnovel

SOON TO BE DELETED

Date started: March 2018 Date completed: September 1,2018 Language: Tagalog/English HIGHEST RANK ACHIEVED: #1 IN HELL (8/12/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 IN HELL (8/5/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #3 IN HELL (8/4/22) --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · วัยรุ่น
Not enough ratings
53 Chs

♥ CHAPTER 36 ♥

⚚ Syden's POV ⚚

Naglalakad ako sa hallway para bumalik na sa dorm namin at makapag-pahinga na ako. Sa patuloy kong paglakad, nakayuko lang ako, ni hindi ko nga maitingala ang ulo ko dahil sa kahihiyan tungkol sa nangyari kagabi sa cafeteria.

Pero hindi lang naman 'yon ang dahilan kung bakit nahihiya na ako. May isa pa. Simula pagpasok ko kaninang umaga, pinagtitinginan nila ako. Bawat makakasalubong o malalapitan ko, lumalayo na parang takot na takot sa akin. Samantalang ang iba naman, nagbubulungan na parang pinag-uusapan ako.

Ano nanaman bang problema nila sa akin? Tsk! Mga chismosa talaga, kalat na kalat. Pag-chismisan ba naman ako.

Hanggang ngayong dismissal, pinag-uusapan pa rin nila ako dahil naririnig ko ang pagbubulungan nila habang nakatingin sila sa akin.

"Totoo nga, na member siya ng Phantom Sinners! But how?!" dinig kong pag-uusap nila habang dumadaan ako sa tapat nila.

"I can't believe this! A girl member of Phantom Sinners?! She must have been did something para makapasok sa group ni Clyde!" Haha! Kalokohan!

"At first, hindi ako naniwala dahil baka, usap-usapan lang. But, I was wrong"

"Ano naman kaya ang ginawa niya para makapasok sa Phantom Sinners?"

"She might be flirting with the members of Phantoms Sinners or...maybe Clyde?"

Flirting daw?! Haha Bitch please!

"Maybe she joined them just because she wanted to have power, to control us!"

Controlin mo mukha mo!

Habang naglalakad ako, 'yon lang ang naririnig ko sa mga estudyante. Gustung-gusto ko silang patulan pero pinipilit ko ang sarili ko na umiwas sa gulo dahil pagod na pagod na akong maparusahan at mapahiya sa harapan ng mga tao.

Ipinikit ko na lang ang mata ko bago ko binilisan ang paglalakad, hanggang sa tumakbo na ako para makalayo sa kanila. Nakakarindi na kasi ang mga boses nila kaya ayaw ko ng pakinggan ang mga sinasabi nila tungkol sa akin.

Kung pwede ko lang sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako nasa Phantom Sinners, sasabihin ko sa kanila. Pero alam ko naman na kailangan kong hintayin ang tamang oras at tamang tao, para sabihin ang sikretong 'yon. Huh! So complicated!

Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin. Basta ang mahalaga, makabalik na ako sa dorm para magpahinga.

Madalang ko na rin makita sila Icah kaya hindi kami nakakapag-usap ng maayos dahil kahit sa dorm, minsan ko na lang din sila makita. Miss ko na nga sila eh huhu!

Nasa harapan na ako ng dorm at hinihingal ako dahil sa pagtakbo ko kanina sa hallway.

Bago ko mabuksan ang pintuan, may nakita akong babae na palabas naman galing sa loob. May bitbit siyang mga bag at tinignan ko 'yon ng maayos. Mukhang pamilyar sa akin ang mga bag na dala-dala niya. May kasama din siyang dalawang babae sa likuran niya at may bitbit din silang bag.

Ang ilan sa mga bag na dala nila, pamilyar sa akin. Binuksan nila ang pintuan kaya napaatras ako. Nagkasalubong ang mga mata namin at mataray nila akong tinitignan. Nagtinginan silang tatlo at ngumiti ng masama. Ano namang nginingiti-ngiti nila?

Inihagis nila sa akin ang mga bag na hawak nila kaya nabigla ako. Natukoy kong sa akin ang ilan sa mga bag na 'yon kaya napatingin ako sa kanila.

"Anong ginagawa niyo?! Bakit niyo inilabas ang mga gamit ko?!" galit kong tanong sa kanila habang nakakalat sa sahig ang ilan sa mga gamit ko.

"You don't belong here that's why we packed your things. Kulang nga ang mga bag mo para maimpake namin lahat ng gamit mo kaya you should be thankful dahil ipinahiram namin sa'yo ang bag namin" mataray na sagot ng isa sa kanila.

Napangiti ako at tinignan ko rin sila ng masama,

"At sino kayo para palayasin ako dito? Hindi kayo ang nagpatira sa akin dito kaya wala kayong karapatan na paalisin ako" mataray kong sabi sa kanila.

Nilapitan ako ng pinakamataray sa kanila para tapatan ako. Well, sino ba siya para tarayan ako?

"A member of Phantom Sinners, is not allowed inside this building" sambit niya.

"Oo. Member nga ako. But I would never do something just like what the Phantoms are doing. I'm not like them" -S

"Fine. Let's say you're not one of them and you won't be like them. Mukhang wala ka pang alam sa mga Phantom Sinners. Soon, magiging katulad mo rin sila gustuhin mo man o hindi. Phantom Sinners cannot be trusted. That's why you can't deceive us" inilagay niya ang hintuturo niya sa bandang dibdib ko at itinulak niya ako kaya napaatras ako. Sarap sabunutan!

"Kahit ano pang sabihin niyo. Hindi ako aalis dito" saad ko sa kanilang tatlo.

Mukhang mas lalo pa silang nainis sa sinabi ko. Kinuha nila ang mga inihagis nilang bag kanina sa harapan ko at ibinato 'yon papunta sa akin. Hinarang ko ang kamay ko para depensahan ang sarili ko. Syempre papatalo ba ko? No way!

"Hoy, ano bang ginagawa niyo?! Tigilan niyo nga siya!"

Narinig ko ang boses ni Icah kaya napatingin ako. Kasama niya rin si Maureen at Hadlee.

Nakita sila ng mga babaeng kaaway ko kaya napatigil sila sa pagbato sa akin pero hindi pa rin nila binibitawan ang ibang pang bag na hawak nila. Oh ano kayo ngayon? Haha nganga!

"You're the leaders at alam niyong hindi tama na may kasama tayong Phantom Sinners' member d'ba?" tanong ng isa sa mga kaaway ko kila Icah.

Tinignan sila ng masama ni Icah,

"Wala kayong karapatan na palayasin siya!"

"Pero mali na manatili siya dit- "

"Ako ang nagtayo sa grupong Outsiders. Outsiders' kayo ni Syden. Kaya wala kang magagawa kundi sumunod sa kagustuhan ko!" -I

Tinignan nila ako ng masama at ibinato na ulit sa akin ang mga bag na hawak nila.

"Hindi ba talaga kayo titigil o kayo ang papaalisin ko dito?!" sigaw ulit ni Icah sabay tingin sa kanilang tatlo.

Natahimik  sila at hindi nakakibo pero dahan-dahang tinignan ng isa sa kanila si Icah.

"Okey...Sorry, it's better kung babalik na lang kami sa loob" wika niya. Buti naman ginamit niya utak niya!

Tumalikod na sila para pumasok sa loob, pero bago sila pumasok tinignan nila ako ng masama.

"You can't hide the fact na magdadala ng gulo ang babaeng 'yan sa Silent Alliance" sambit niya sabay tingin kay Icah.

Umalis na sila at kami na lang ang natira sa labas. Nilapitan nila ako at mukhang nag-alala sila.

"Okay ka lang ba? Did they hurt you?" tanong ni Hadlee sa akin.

Umiling ako at ngumiti,

"Okay lang. Hindi naman nila ako nasaktan dahil dumating kayo" -S

Pinulot ko ang lahat ng bag na nakakalat sa sahig dahil siguradong nandoon lahat ng gamit ko dahil medyo mabigat. Tinulungan nila ako sa pagbitbit ng mga gamit ko hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.

Ng maibaba na nila ang mga gamit ko sa sofa, nginitian nila ako.

"Salamat pala hindi niyo pa rin ako pinaalis kahit tinataboy na nila ako" -S

"No problem. Alam naman naming hindi ka tutulad sa mga Phantoms dahil kinamumuhian mo sila d'ba?" wika ni Maureen habang kumakain ng lollipop. Uy! Lollipop girl haha!

"Sige, magpahinga ka na Sy. Siguradong pagod na pagod ka na" sambit ni Icah bago niya binuksan ang pintuan.

Lumabas na silang tatlo pero bago isinara ni Hadlee ang pintuan, nginitian niya ako.

"Kung may manggugulo ulit sa'yo, tawagin mo lang kami. Mainam kung sumigaw ka para kaagad naming marinig" ngumiti ako at isinara na niya ang pinto.

Pumunta ako sa sofa kung saan nila ipinatong ang mga bag na pinaglagyan ng gamit ko para ibalik na sa cabinet at ayusin.

Inilabas ko ang mga damit ko isa-isa mula sa mga bag. Habang nag-aayos ako, biglang may kumatok kaya napatingin ako sa pintuan. Ibinaba ko ang hawak kong damit para buksan ang pintuan.

Pagkabukas ko, nakita ko si Raven at kasama niya si Axelle.

"Oh, anong ginagawa niyo dito?" -S

Nabigla din ako dahil hindi ko naman expect na darating sila. Pumasok silang dalawa at tinignan ang buong kwarto ko.

Simula kagabi, ang weird ng dalawang 'to.

"May problema ba?" tanong ko habang nagmamasid sila.

Tinignan ako ni Raven at ngumiti,

"Wala naman. I'm just checking kung okay ka lang dito" -R

Tinignan ko si Axelle kaya napansin niya ako. Pero nabaling ang atensyon niya sa mga damit na inaayos ko.

"Bakit naka-impake ang mga gamit mo?" tanong ni Axelle sa akin, ang dahilan kaya napatingin din si Raven sa mga inaayos kong gamit. Hala shet!

Nagkamot ako ng ulo bago ako nagsalita.

"Eh kasi...pagkarating ko kanina, may mga babaeng nagdadala ng mga gamit ko at pinapalayas nila ako" pahayag ko habang sila naman, nagtataka.

Nilapitan ako ni Raven at tinignan ang laman ng mga bag na nasa tabi ko.

"Bakit ka naman nila pinapalayas?" tanong niya ng may pag-aalala.

"Pinag-uusapan kasi ako sa buong campus. Alam na ng lahat na member ako ng Phantom Sinners. Kaya hindi daw ako nararapat na tumira dito" dissappointed kong sabi sa kanila.

"Buti na lang dumating sila Icah kaya hindi ako tuluyang napaalis dito" dagdag ko.

"Sigurado naman akong tutulungan ka nila kapag may nagpaalis ulit sa'yo" wika ni Raven.

"Iniisip ko...paano kung isang araw, mapaalis na talaga ako dito?" tanong ko sa kanya ng may malungkot na boses. Paano kung ganon nga ang mangyari?

Bigla niya akong inakbayan kaya napatingin ako sa kanya at ngumisi siya,

"Kung papalayasin ka nila dito, syempre sasamahan kita" -R

"Ako lang ang dapat na umalis dahil Phantom Sinners ako, kaya hindi kailangang sundan mo pa ako" -S

Inalis niya ang pagka-akbay niya sa akin at mukhang naging malungkot siya kaya nagtaka ako.

"Dapat rin naman akong umalis at samahan ka dahil hindi rin ako nararapat dito" -R

Kumunot ang noo ko habang tinitignan ko siya, "Bakit naman? Member ka ba ng Phantom Sinners?" patawa kong sabi kay Raven.

Binibiro ko siya pero agad ring nawala ang ngiti ko dahil nagtinginan silang dalawa ni Axelle at hindi kumikibo.

Parang may mali talaga sa dalawang 'to.

"Axelle? Raven? Magsabi nga kayo ng totoo" normal kong sabi habang tinitignan silang dalawa.

Nagtinginan nanaman silang dalawa at parang hindi sila mapakali.

"May tinatago ba kayo sa akin?" tanong ko sa kanila.

"Actually kasi..." sabi ni Axelle habang nagkakamot ng ulo.

"Pupunta kami sa club ngayon ni Sean. At saka, tutulungan ka pa namin na maghanap ng impormasyon kung paano kakausapin si Carson d'ba? Kaya gusto sana naming pumunta don" -A

'Yon naman pala, bakit hindi nila masabi-sabi sa akin at nagdadalawang-isip pa sila.

"Kaya naman pala. Pero, sigurado ba talaga kayo na hindi kayo mapapahamak sa gagawin niyo?" tanong ko kay Axelle.

Inumpisahan ko ng ayusin ang gamit ko habang kinakausap ko sila.

"Sigurado kami kaya huwag kang mag-alala" saad ni Raven.

Sige! Bahala kayo.

May tiwala naman kasi ako sa kanila at dapat akong magtiwala sa kanila.

"Sige, basta mag-ingat kayo ah?" -S

Tumango si Raven at nginitian ako. Tumalikod na sila para umalis at sinundan ko sila para isara ang pintuan. Pero bago sila umalis, kinausap ako ni Raven.

"Sy, mag-iingat ka" -R

Tumango na lang ako at isinara ko na ang pinto. Binalikan ko ulit ang mga gamit ko para ayusin. Habang inaayos ko ang mga damit ko, napatigil ako dahil biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng babaeng nakaaway ko kanina.

"Magdadala lang daw ako ng gulo sa buong Silent Alliance"

Naisip ko ang sinabi sa akin ni Icah noong first day namin dito.

Silent Alliance is a group na hindi dapat maki-involve sa away ng mga Phantom Sinners, Blood Rebels at Redblades. It means, wala dapat silang koneksyon ni isa sa mga members ng mga grupong 'yon para mapanatili nila ang katahimikan at maiwasan nila na masangkot sila sa gulo.

Kung mananatili ako rito, sigurado akong makakapagdala nga ako ng gulo sa mga estudyante rito. Siguradong gagawa sila ng paraan para paalisin ako. Hindi rin dapat na masangkot si Raven sa pagpapaalis nila sa akin.

Napagtanto kong dapat ko sigurong kausapin sina Icah tungkol dito. Tumayo na ako at nilisan ang kwarto ko para puntahan sila sa kabila. Kakatok sana ako pero nakita kong medyo nakabukas ang pinto at hindi naisara, bubuksan ko na sana pero narinig ko ang pinag-uusapan nila kaya napatigil ako sa pagpasok sa kwarto nila.

"Naiintindihan kita dahil kaibigan natin siya. Pero Icah, alam nating lahat na mali at hindi dapat" narinig kong sabi ni Hadlee.

"Kung tayo, kaya natin siyang ipagtanggol. Pero paano ang ibang tao, kapag lahat sila nagalit...wala tayong magagawa kahit tayo pa ang leader dito" dagdag pa ni Maureen.

"Pwede naman natin silang kausapin ng maayos para hindi maging masama ang tingin nila kay Syden d'ba?" sambit ni Icah.

"Ano hahayaan na lang ba natin siyang mapaalis dito?" -I

"Ang dami nating pinaghirapan para maitayo ang Silent Alliance. Tapos sa isang iglap, mawawala lang ang lahat ng 'yon dahil lang sa pagtulong natin sa kanya" -M

"Hindi! Hindi natin siya papaalisin dito- " -I

"Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya. Ako ang magsasabi!" galit na sabi ni Maureen.

Alam kong tumayo si Maureen. Binuksan niya ang pintuan at nakita niya akong nakatayo sa labas kaya nagulat siya ng makita niya ako. Nakita ko rin ang itsura nila Icah at Hadlee na parang hahabulin nila si Maureen para pigilan siya pero nagulat din sila ng makita nila ako.

"Syden?" sambit ni Maureen na halatang gulat na gulat ng makita ako.

"K-kanina ka pa ba d'yan?" tanong ni Hadlee at pinagpapawisan silang lahat.

Tumango ako at ngumiti. Humakbang ako papunta sa loob ng kwarto nila kaya tumabi si Maureen. Tahimik lang silang tatlo dahil sa pagkabigla ng makita nila ako. Hindi nila ako matignan ng diretso.

Humarap ako kay Maureen at tinignan ko rin sa Icah at Hadlee.

"Pwede ba tayong mag-usap?" mahinhin kong sabi sa kanila.

To be continued...