webnovel

SOON TO BE DELETED

Date started: March 2018 Date completed: September 1,2018 Language: Tagalog/English HIGHEST RANK ACHIEVED: #1 IN HELL (8/12/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 IN HELL (8/5/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #3 IN HELL (8/4/22) --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · วัยรุ่น
Not enough ratings
53 Chs

♥ CHAPTER 35 ♥

(Continuation)

⚚ Raven's POV ⚚

Papunta na kami ni Axelle sa dorm para puntahan si Syden. Para na rin sabihin sa kanya na walang nangyaring masama sa akin at hindi naituloy ng council ang balak nilang pahirapan ako.

Bago pa man kami makalabas sa lugar na 'yon na tambayan ng buong Blood Rebels' members, napansin namin na umuulan at medyo malakas. Wala pa naman akong dalang payong.

May kinuhang jacket with hood si Axelle kaso bago niya pa man maisuot 'yon, bigla siyang napatigil kaya nagtaka ako.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan niya ang jacket na hawak niya.

"Hindi pala natin pwedeng gamitin 'to" -A

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya sabay tingin sa labas.

"Kapag may nakakita sa atin, malalaman nilang Blood Rebels tayo lalo na't may logo pa ng Blood Rebels" pumunta na siya doon sa tabi ng pintuan at doon isinabit ang hawak niyang jacket.

Hindi lang naman iisa ang jacket na 'yon. Marami sila at pare-pareho.

"May cap ka ba dyan?" tanong ko at napatingin siya sa akin.

Nagisip-isip muna siya bago sinagot ang tanong ko.

"Tingin ko meron. Wait, lemme check it" -A

Pumunta siya sa pinakasulok kung saan may mga locker at binuksan niya ang isa sa mga 'yon. Nakita kong may inilabas siyang dalawang cap sa locker na 'yon. Nilapitan niya ako at inihagis niya sa akin ang isa. Parehong kulay itim pero magkaiba ang design na astig naman sa paningin ko.

Buti naman at nasalo ko.

"Cool!" sambit ko habang pinagmamasdan ang cap at isinuot ko 'yon.

"Ayos lang ba sa'yo na lumabas sa kalagitnaan ng ulan, cap lang ang gamit mo?" pagdadalawang-isip niya.

"Okay lang" tipid kong sabi.

Lumabas na kami at kahit umuulan, normal lang ang lakad namin although nababasa na kami. Medyo malayo pa naman at hindi pwedeng tumakbo dahil madulas ang daan kaya mas mabuti siguro kung mag-uusap muna kami habang naglalakad.

"Bro, hindi kaya napansin ng Phantom Sinners na may koneksyon ako sa Blood Rebels dahil halos kayo ang kasama ko nitong mga nakaraang araw?" tanong ko sa kanya.

Napansin kong kami na lang din ang naglalakad sa daan. Halos tahimik dahil siguradong nagpapahinga na ang mga estudyante. Gabi na rin kasi.

"No. Hindi naman nila kami kilala at hindi nila maiisip na members kami ni Carson" -A

Kahit umaapaw na ang tubig sa daanan, diretso pa rin ang lakad namin at basang-basa na ang sapatos namin.

"Bakit naman? Eh d'ba sikat kayo?" -R

"All of the students here, ang alam nila si Dustin ang right hand ni Carson because Carson introduced Dustin infront of the students as his right hand. But that's not true...I am really Carson's right hand, itinago niya 'yon sa lahat ng estudyante rito para makagalaw ako ng maayos. Because no one knew my identity, ako ang nangangalap ng impormasyon para sa Blood Rebels. Sa tuwing lumalabas ang Blood Rebels, si Dustin ang kasama niya para mapaniwala niya sila na si Dustin talaga ang right hand niya. Ako at ang tropa ko na nakasama mo, we are the secret members of Blood Rebels kaya kahit gumala kami, walang mag-iisip na BR members kami dahil hindi nila kami kilala, even Clyde and Roxanne" pahayag niya sa akin.

Now I know. Hindi iisipin ng Phantom Sinners na may koneksyon ako sa Blood Rebels dahil hindi naman pala nila kilala si

Axelle.

"Member ka na ng Blood Rebels. Kaya ito ang pinakaunang bagay na ituturo ko sa'yo" pahayag ni Dave sa akin habang hinahawakan niya ang padlock.

Di ko napansing nakarating na kami sa dorm, nakasara na kaya hindi ako makapasok. Ayaw ko naman na manggising ng ibang tao dahil siguradong nagpapahinga na silang lahat.

"Baka naman mahuli tayo sa gagawin natin?" tanong ko kay Dave ng may pag-aalinlangan.

Balak kasi naming buksan ang padlock para makapasok kami sa loob. Pero hindi pwedeng may makakita sa amin.

"Bro, alam kong new member ka pa lang ng Blood Rebels, pero dapat mong lakasan ang loob pagdating sa mga ganitong bagay. Kung mahina ang loob mo, wala kang magagawa ng dahil lang sa takot" -A

Hinawakan ko ang padlock at tinignan ko 'yon, "Paano natin mabubuksan 'to?"

Lumapit siya kaya binitawan ko ang padlock na hawak ko at siya naman ang humawak. May kinuha siyang pin sa bulsa niya at tinignan ako.

"Tuturuan kita kung paano mo dapat buksan 'to ng hindi gumagamit ng susi kaya dapat mong tandaan" -A

Inumpisahan niya ng buksan ang padlock gamit ang pin na hawak niya at tinignan ko 'yon ng mabuti. Inikot-ikot niya yung pin habang nasa loob ng padlock at nakita kong bumukas ang padlock. Tinignan niya ako at ngumiti siya ng masama at nakita kong ni-lock niya ang padlock kaya nawala ang tuwa ko.

"Oh, bakit mo sinara?" tanong ko.

Ibinigay niya sa akin ang pin na hawak niya kaya nagtaka ako.

"Subukan mong buksan" wika niya sa akin.

Huminga ako ng malalim habang kinukuha ko sa kanya ang pin na hawak niya. Hinawakan ko ang padlock para buksan ito gamit ang pin na 'yon. Inikot-ikot ko ng maraming beses, pero parang hindi ko nabubuksan. Kaya tinignan ko si Axelle.

"Hindi ko kaya, ang hirap" -R

"Palagi mong iniikot yung pin pero hindi mo naman sinisigurado kung nakatutok sa lock, kaya nga hindi mo mabuksan" -A

"Hinihintay na ako ng kapatid ko" pagpupumilit ko sa kanya.

"Hindi tayo magtatagal dito kung mabubuksan mo 'yan" sagot niya habang nakasandal sa wall na katabi ng pintuan.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga sinabi niya. Hinarapan ko na lang ulit yung padlock. Kailangan kong mag-focus para mabuksan ko na at matapos na ang problema ko.

Focus Raven. Focus.

Inilagay ko ulit ang pin sa loob ng padlock at hinanap ko muna ang lock sa loob bago ko inikot ng ilang beses. Pagkatapos noon, nakita kong nabuksan na yung padlock kaya unti-unting puminta sa mukha ko ang ngiti ko na parang proud na proud ako sa sarili ko. Binigay ko ulit sa kanya yung pin.

"I told you. Ang bilis mo naman palang matuto" pahayag ni Axelle habang nakangisi.

Dahan-dahan ko tinanggal ang padlock at kadena. Binuksan ko rin ang pintuan ng dahan-dahan para walang makarinig sa amin lalo na't gabi na. Siguradong konting pagkakamali lang, may makakarinig sa amin.

Pumunta kami sa harap ng kwarto ni Syden at naka-lock ang pinto. Kung kakatok naman kami, siguradong may makakarinig sa mga katabing kwarto niya.

"Asan na?" bulong ko sa kaibigan ko na kalmado lang na nakatayo habang nagmamasid sa paligid.

Noong una, nagtaka siya. Pero mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya ibinigay niya ulit sa akin yung pin na ginamit namin kanina.

Kinuha ko 'yon sa kanya at napagtanto kong door knob pala ang nais kong buksan. Kaya napatigil ako.

"Pareho lang 'yan. Kung ano yung ginawa mo kanina sa padlock, ganon din ang gawin mo diyan" pahayag niya sa akin.

Hinawakan ko ang door knob para buksan ito. Just like earlier, I did the same process at ganon din ang kinalabasan. Narinig kong bumukas ang lock sa loob kaya napangiti ako ng masama dahil sa tuwa.

Sh*t! Magaling na ba ko?

Pumasok kami ng dahan-dahan sa loob at isinara ko ang pintuan. Pagtingin ko, wala si Syden kaya kahit maliit lang ang kwartong 'yon, hinanap ko siya sa bawat sulok, pati na rin sa ilalim ng kama niya, pero wala talaga siya.

"Nasaan ang kapatid mo?" tanong ni Axelle habang tinitignan din ang buong kwarto.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagtatakang wala pa siya at napatingin ako sa orasan.

8:23 pm na.

"Ano ng oras pero wala pa siya dito. Sa ganitong oras, nagpapahinga na dapat siya. Pero bakit wala siya dito?" tanong ko sa sarili ko habang nag-iisip.

Baka naman may ginawa nanaman ang Phantom Sinners sa kanya kaya wala siya dito.

"Hanapin natin siya. Baka ano ng nangyari sa kanya" sambit ko sabay tingin kay Axelle.

Tumango siya at lumabas na kami sa kwarto ni Syden. Gaya kanina, tahimik lang kami sa paglalakad para walang makarinig sa amin. Pagkarating namin sa pintuan. Inilagay ko ulit ang kadena at padlock para i-lock ang pintuan.

Inumpisahan na naming hanapin si Syden, kahit patuloy pa rin ang pag-ulan ng malakas. Pumunta kami sa building kung saan kami nagkaklasi para doon hanapin si Syden. Nilibot namin ang building at sinilip ang bawat rooms dahil baka ikinulong siya sa loob. Pero hindi namin siya nakita. Pumunta kami sa cafeteria dahil 'yon na lang ang hindi pa namin napupuntahan. Naka-lock na din ito at madilim sa loob.

"Hindi kaya siya dinala sa abandoned building nila Clyde?" tanong ko kay Axelle habang nag-iisip ako.

"Hindi nagdadala ng victim ang mga Phantoms sa abandoned building. Sabi ni Carson kailangan ka daw ni Syden kaya siguradong may problema siya" -A

"Kung ganon, saan natin siya pwedeng mahanap?" tanong ko sa kanya ng may pag-aalala.

Lumabas siya sa building kaya sinundan ko siya. Hinarapan niya ako kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano bang klasing lugar ang pinupuntahan niya kapag malungkot siya o umiiyak?" -A

"Kadalasan gusto niyang mapag-isa. Sa lugar na walang tao kung saan wala talagang makakakita sa kanya" -R

"I think I know where she is" wika niya sabay tingin sa daan.

"Saan?" -R

Ngumisi siya at nag-umpisa ng maglakad kaya sinundan ko siya. Medyo humina na rin ang ulan at lumamig ang panahon. Habang naglalakad kami, padilim ng padilim sa bawat paglakad namin.

Parang nabubulag na ako sa sobrang dilim pero napahinto si Axelle sa paglalakad niya kaya tinignan ko siya at nagtaka ako. May itinuro siya sa akin at ngumisi siya. Ng makita ko ang itinuturo niya, nanlaki ang mata ko at dali akong lumapit.

There, I saw my twin-sister, basang-basa at nakaupo sa sulok. Nag-iisa at umiiyak. Nilapitan namin siya at hinawakan ko siya.

Ang lagkit ng damit niya pero ng tignan ko ang kamay ko, it was oily.

"Sy? What are you doing here?!" pag-aalala ko.

Tinignan niya ako ng maayos at parang nabigla siya.

"R-raven? Ikaw ba yan?" -S

"Oo" -R

Tinignan niya rin si Axelle at parang nag-aalinlangan siya.

"B-but how?" tanong niya sa amin at ngumiti siya ng konti.

Tinignan ko si Axelle at ngumiti ako bago ko sinagot ang tanong ni Syden.

"My friends saved me. Naka-lock na ang dorm but Axelle helped me para makapasok. I was supposed to visit you para ipaalam sa'yo na nakaligtas ako, but wala ka doon. Kaya hinanap ka namin" -R

Nginitian niya ako pero yumuko siya at biglang umiyak.

"Hey, what's wrong?"  -R

Hinawakan ko ang balikat niya at dahan-dahan siyang tumingala para tignan ako.

"Bakit nandito ka? At bakit ang dumi mo? Come on, tell me everything" -R

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya at umupo siya ng maayos, ipinatong niya ang ulo niya sa tuhod niya.

"Redblades...and Phantom Sinners" sambit niya habang umiiyak.

Nagtinginan kaming dalawa ni Axelle at mukhang mas lalo pa kaming  nag-alala.

"Anong ginawa nila sa 'yo?!" -R

"Pinahiya nila ako sa cafeteria...No one helped at pinagtawanan nila ako. They treated me like a trash" hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak at nakita kong masamang masama na talaga ang loob niya.

Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. Tahan na, kambal ko.

"The way na nakikita ngayon. Mukhang alam ko na kung ano ang pinag-gagagawa nila sa 'yo!" -R

It's like binato nila siya ng itlog at binuhusan ng mantika and some more. I really hate Phantoms! D*mn you Clyde!

"Tiniis ko naman lahat, d'ba? Nanahimik ako. I never said anything. Why should I be punished?" -S

Niyakap ko siya at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Sy. I'm sorry...I..should have been there para ipagtanggol ka...I'm sorry na naiwanan kita" -R

"It's not your fault. Totoo nga ang sinabi ni Roxanne. I would really not forget this day for the rest of my life. Right now, nagsisisi ako. Pinagsisisihan ko na nanahimik ako at kung bakit nananahinik ako. Takot pa din naman ako hanggang ngayon kay Clyde...pero mas natatakot ako para sa sarili ko, na baka sa sobrang galit ko makapatay ako at hindi 'yon kakayanin ng konsensya ko. I won't let that happen. Kaya na-realize ko, hangga't may oras pa. Hindi na ako mananahimik"

-S

Nabigla kami ni Axelle at parang nakuha namin kung anong ibig niyang sabihin.

"What do you mean?!" -R

"They've reached my limitation. Sobra-sobra na ang pang-aabuso nila sa akin. Napahiya na ako sa harap ng karamihan" -S

This is the right time para kunsintihin namin siya ni Axelle kaya nangako kaming tutulungan namin siyang makalapit kay Carson.

Umaayon ang lahat as planned.

To be continued...