webnovel

SOON TO BE DELETED

Date started: March 2018 Date completed: September 1,2018 Language: Tagalog/English HIGHEST RANK ACHIEVED: #1 IN HELL (8/12/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 IN HELL (8/5/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #3 IN HELL (8/4/22) --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · วัยรุ่น
Not enough ratings
53 Chs

♥ CHAPTER 22 ♥

(Continuation)

Hindi ko kayang pumatay at hindi ko rin kayang magpakamatay. Tinitignan ko ang hawak kong kutsilyo habang nanginginig ang mga kamay ko, nasa harapan ko lang si Dustin at seryoso lang na nakatingin kay Clyde.

"H-hindi ko talaga kaya" sambit ko habang nakaluhod sa harapan niya.

"Kayanin mo" seryosong sabi ni Dustin habang nakatingin sa akin na parang nag-aalala siya.

Unti-unting lumapit sa amin si Clyde at lumuhod din siya para harapin kami kaya napatingin kami sa kanya.

"Number 1 rule ng mga Phantoms, kung hindi mo kayang gawin ang ipinapagawa nila sa biktima" sarcastic na sabi ni Clyde habang masama siyang nakatingin sa akin.

"You should do it to yourself" saad niya.

"If hindi mo kaya" tumayo siya at kinuha ang kutsilyong hawak ko.

"Ako ang gagawa para sa inyong dalawa" diretso niyang sabi gamit ang nakakatakot niyang boses.

"No!" sigaw ko.

Hinarangan ko si Dustin para depensahan siya kay Clyde.

Simula ngayon, gagawa ako ng paraan para malaman ng Blood Rebels ang totoo.

"What are you doing right now?" sarcastic na sabi ni Clyde habang ako matapang na nakatingin sa kanya.

"A phantom member? Protecting a Blood Rebels' member?" nakangiti niyang sabi at parang hindi siya makapaniwala.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang si Clyde, sarcastic na nakatingin sa akin.

"Is keeping my mouth shut not enough para tigilan muna ako at ang ibang tao?" mahina kong sabi habang wala akong tinitignan ni isa sa kanila.

Kahit hindi ko tinitignan si Clyde, alam kong nawala ang ngiti sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"I've endured a lot in this sh*tty group of yours" kasabay ng pagtingin ko sa kanya, tumulo ang luha ko kaya lumabo ang paningin ko.

Halatang nagalit ko siya kaya galit siyang lumapit sa akin at sinampal ako ng malakas.

"You must not treat your girl member like that!" galit na sabi ni Dustin.

"Ano bang pakielam mo!? Wala kang karapatang pagsabihan ako dahil isa ka lang Blood Rebels!" hinarapan niya si Dustin.

"And you don't have the rights to hurt her" dahil sa sinabi ni Dustin, sinuntok siya ng malakas ni Clyde kaya lalong dumugo ang bibig niya. Pero agad din siyang tumayo.

Masama ang tingin nila sa isa't isa habang ako naman dahan-dahang tumayo.

Dahil sa galit ni Clyde, inayos niya ang pagkakahawak niya sa kutsilyo at inatake niya si Dustin kaya nabigla ako.

Biglang bumukas ang pinto at bago pa man nasaksak ni Clyde si Dustin, napigilan siya ni Carson. Nabigla din si Clyde pero dahil nagkita sila, masama ang tingin nila sa isa't-isa. Dumudugo ang kamay ni Carson dahil hinawakan niya ang kutsilyo para pigilan

si Clyde sa intensyon niyang pagsaksak kay Dustin.

Nagulat din si Dustin dahil sa nangyari.

"You don't have the permission to kill my own member. Kung nagagawa mo 'to sa mga member mo. Ibahin mo 'ko" seryosong sabi ni Carson kay Clyde habang masama ang tingin nito sa kanya.

"I have the rights to kill him since teritoryo ko 'to" sagot sa kanya ni Clyde.

"Pero ngayon, wala ka ng karapatan" binitawan ni Carson ang kutsilyong hawak niya habang dumudugo ang kamay niya.

Kasama niya rin ang mga member niya at nasa may pintuan sila.

Tinignan niya si Dustin at mukhang nag-alala siya sa lagay nito dahil sa pagkakabugbog sa kanya kaya duguan siya.

"I came here to get my friend" tinignan ni Carson si Clyde at masama nanaman silang nagkatitigan.

Astang lulusob sana ang member ni Clyde pero pinigilan niya ang mga ito.

Bago sila umalis, napatingin si Carson sa akin at parang nagtaka siya. Namumula ako dahil sa pagkakasampal ni Clyde kanina at namamaga rin ang mata ko. May ibinulong sa kanya si Dustin kaya tinignan niya muna si Clyde bago siya tuningin sa akin at mabilisan siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako papalapit sa kanila.

"She doesn't deserve to be in your group kung sinasaktan niyo siya" seryoso niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

Hinila ako ni Clyde papunta sa likod niya dahil lalo siyang nagalit sa sinabi ni Carson.

"Wala kayong pakielam kung anong gusto kong gawin sa kanya! Hinahayaan na kitang kunin ang member but not this girl!" galit niyang sabi.

Hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko dahil gustung-gusto ko talagang sabihin pero nangingibabaw ang takot ko.

"Bakit ba kasi may girl member ka?" sarcastic na tanong niya kay Clyde.

"Kung ayaw niyong magkagulo dito...umalis na kayo!" tinuro ni Clyde ang pintuan at tinapatan si Carson.

"I'm curious" sarcastic niyang sabi kay Clyde habang tumitingin siya sa aming dalawa.

Pero kapag tumitingin siya sa akin, parang may tinatanong siya. Tinitignan ko siya palagi para sana kahit sa tingin lang, masabi ko sa kanya na may kailangan siyang malaman.

Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Blood Rebels na lang ang naiisip kong lapitan kahit hindi ko alam kung paano. Pero gagawa ako ng paraan para malaman nila ang totoo.

Tumalikod siya para lumabas na sila at isinama niya si Dustin. Bago siya lumabas, tumingin muna siya ulit sa akin ng seryoso.

"Hindi na mauulit 'to kung lalayuan mo sila" seryosong sabi ni Clyde habang nakatingin siya sa may pintuan.

Napatingin ako sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Kung hindi mo kayang gawin ang pinapagawa ko. Huwag ka ng sumali sa amin. Simula ngayon, hindi ko na iisipin na ipagsasabi mo ang sikreto ko. Ang gusto ko lang, iwasan mo sila" pagkatapos niyang sabihin 'yon, lumabas na sila at sumunod sa kanya ang mga member niya.

❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖

▨ Carson's POV ▨

Pagkalabas namin sa classroom na 'yon kung nasaan ang Phantom Sinners, agad kaming pumunta sa clinic para magamot si Dustin, pero pinaalis ko na ang mga member ko pagkarating namin at kaming dalawa lang naiwan dahil may pag-uusapan pa kami.

Saturday naman ngayon kaya nakabukas ang clinic. Wala naman siyang natamong pilay dahil sanay naman siyang makipaglaban pero duguan siya.

"Ano bang ginawa nila sa'yo? Bakit duguan ka?" tanong ko habang nakaupo siya sa kama. Ako naman nakatayo lang.

"Binugbog ako. Halata naman d'ba?" normal niyang sabi.

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya. Sumandal ako sa wall habang siya naman nakatingin sa akin.

"Sinagot ko kasi si Clyde and I compared him to you" sarcastic niyang sabi habang nakangiti siya.

Ngumiti din ako at huminga ng malalim,

"You knew na magagalit siya pero ginawa mo pa rin. Iba ka talaga Dustin" sabi ko sa kanya habang nakangiti ako.

"Mayabang kasi. Ang akala niya, kontrolado niya lahat ng tao" sambit niya.

"Magmula umpisa alam naman natin na mayabang talaga siya" saad ko sa kanya habang ginagamot ng nurse ang mga sugat niya.

"Gusto niya kasi, lahat ng meron ka, meron din siya" sabi niya.

Naglakad-lakad muna ako at lumabas ako ng clinic. Tinignan ko ang magkabilang hallway at tahimik lang. Hindi naman kami nakapag-usap ni Roxanne dahil lagi siyang busy sa pag-iikot ng buong campus para mag-check.

Papasok na sana ako pero nakita kong lumabas na si Dustin.

"Ok ka na ba? " tanong ko.

"Oo. Maliit na bagay lang ang pagsuntok nila sa akin" pagmamayabang niya.

May band-aid ang noo niya at maayos na rin siyang tignan dahil hindi na duguan.

Pero hindi ko na siya kinulit na magpahinga dahil alam ko naman na sanay na sanay siyang makipaglaban kaya immune na ang sakit niya sa katawan.

Pumunta na kaming dalawa sa kabilang building kung saan kami nagpapahinga ang mga member ko. Tinitignan ko ang mga classroom hababg naglalakad kami at dumiretso ako sa tambayan namin.

Pagkapasok namin ni Dustin, wala ang mga kasama namin at si Dave lang ang naabutan kong mag-isa. Nakaupo siya at dahil napansin niya kami, tumingin siya sa amin.

"Anong nangyari sa 'yo Dustin?" pagtataka niya habang nakatingin kay Dustin.

"Binugbog ng mga Phantoms" sambit ni Dustin.

"H-ha?! Ikaw?! Binugbog? That's impossible" wika ni Dave.

Alam niya kasing magaling si Dustin sa pakikipaglaban kahit ilang katao pa ang kalabanin niya. Kaya hindi siya makapaniwalang nabugbog si Dustin.

Umupo ako sa pwesto ko sa pinakaharap at umupo din si Dustin sa harapan ko. Si Dave naman na nasa likod, lumipat malapit sa harapan ko.

"Paano ka nabugbog? D'ba magaling ka?" pagtataka ni Dave habang nakatingin kay Dustin.

Tumingin sa akin si Dustin at ngumiti kaming dalawa sarcastically at nakita 'yon ni Dave kaya ngumiti siya ng masama.

"Imposibleng mahuhuli ng Phantom Sinners si Dustin. I knew it!" sambit niya habang nakangiti lang kami ni Dustin.

"It was your plan, right?" tanong niya.

"It was my plan to sacrifice myself. Magpapahuli sana ako sa Phantom Sinners, kaso sabi ni Dustin, baka daw mahalata nila na may plano ako. That's why Dustin asked me na siya na lang daw ang magpapahuli instead of me" pahayag ko kay Dave.

"Kung imposible akong mahuli, mas imposibleng mahuli si Carson. That's why

I did this para sa plano ni Carson" saad ni Dustin habang si Dave naman hindi makapaniwala.

Hindi ko nasabi sa kanya dahil hindi naman kami magkasama at magkaklasi. Kaklasi ko kasi si Dustin kaya siya ang napagsabihan ko kanina tungkol sa plano.

"Ano bang plano mo?" tanong ni Dave.

Ngumiti ako at tumayo, habang sila naman nakatingin sa akin. Nag-umpisa akong maglakad-lakad sa harapan.

"I'm curious sa girl member ng Phantoms" sambit ko at tumingin ako kay Dave habang nakangiti.

"At bakit naman? Dahil babae siya?" tanong ni Dave.

"No. I'm curious kung bakit isinali siya ni Clyde sa mga Phantoms...kaninang umaga

sumunod siya sa mga Phantoms pero dati hindi naman siya sumusunod sa kanila d'ba?" pahayag ko habang nakatingin sa malayo para mag-isip.

"Tuwing Saturday, naghahanap ang Phantom Sinners ng biktima from the members of Blood Rebels. Kaya I sacrificed Dustin para magpahuli sa mga Phantoms" umupo ako ulit sa pwesto ko para harapin sila.

"Curious ka sa babaeng 'yon then Dustin sacrificed? Then what's the plan?" tanong ni Dave.

"Para makita ni Dustin kung anong pinapagawa ni Clyde sa babaeng 'yon. Gusto ko lang talagang malaman kung paano siya itrato sa Phantom Sinners group" sambit ko.

"May nalaman ka ba Dustin?" curious na tanong ni Dave.

Umayos ng upo si Dustin at seryoso kaming tinignan habang kami ni Dave nakatingin sa kanya para pakinggan ang sasabihin niya.

"Inutusan siya ni Clyde para patayin ako using a knife. The girl's name is Syden. Kung talagang faithful daw siya sa Phantom Sinners kailangan niya akong patayin" sambit ni Dustin.

"So anong ginawa niya?" tanong ni Dave.

"Hindi niya daw kaya. Tumitingin siya sa akin at umiiyak siya" seryosong sabi ni Dustin.

"If hindi niya kayang gawin ang utos ni Clyde. Kailangan gawin niya sa sarili niya d'ba? That's the Phantom rule" saad ko.

"Oo. Lumuhod lang siya sa harap ko at nanginginig ang kamay niya hawak ang kutsilyo. Pero wala siyang ginawa sa akin o sa sarili niya" wika niya.

Tahimik lang kaming nakikinig ni Dave sa kanya habang nakaupo kami at seryoso ang mga mukha namin.

"She also said this, 'Is keeping my mouth shut...not enough para tigilan muna ako'" habang sinasabi ni Dustin 'yon ,malalim ang iniisip niya na parang inaalala lahat ng nangyari.

"Clyde also mentioned about his secret. Parang alam ata ni Syden" sambit ni Dustin.

"That girl is keeping her mouth shut...and Clyde has a secret" sambit naman ni Dave habang nag-iisip.

"I knew it!!" sigaw niya pero malayo pa rin ang tingin niya.

Kami naman ni Dave nagulat sa biglaan niyang pagsigaw.

"Dustin is right. Alam ni Syden ang sikreto ni Clyde" sambit niya kaya nagtaka ako.

"And what could be the secret?" tanong ko naman habang nag-iisip ng malalim.

"Syden also mentioned that she endured a lot sa grupo ni Clyde, kaya nga nainis si Clyde at sinampal niya si Syden at 'yon ang ikinabigla ko" sambit ni Dustin.

Ang malalim na pag-iisip namin , biglang nawala dahil sa narinig namin.

"What did you say?! Sinampal ni Clyde yung babae?!" gulat na tanong ni Dave at tumango naman si Dustin.

"Hindi naman tama na saktan niya ang babaeng 'yon" saad naman ni Dave.

"If that girl endured a lot sa Phantom Sinners group. Then, Clyde made her join his group by torturing her" sambit ko habang seryoso ang mga mata kong nakatingin sa kanila.

Kilalang kilala ko si Clyde and he will do everything para walang makaalam ng sikreto niya by using threat para mapasunod ang kahit na sino.

"He made her join his group para hindi magsalita ang babae tungkol sa sikreto niya" sambit ni Dustin.

"Because as long as you are in his group, kontrolado ka niya because he will use the people around you para mapasunod ka"

sambit naman ni Dave.

"Masyado naman atang importante ang sikretong 'yon? Kinukuha kanina ni Carson si Syden pero agad siyang binawi ni Clyde" wika ni Dustin.

Dahil sa sunud-sunod nilang pagsasalita lumalalim lalo ang pag-iisip ko.

"Si Roxanne naiinis din sa babaeng 'yon at gusto niya akong lumayo sa kanya. Si Clyde naman mas naiinis sa akin kapag nilalapitan ko ang babaeng 'yon. Remember Dustin, noong itinabi ko si Syden sa akin, inis na inis si Clyde?" nagtataka talaga ako kaya lalo akong naku-curious sa babaeng 'yon.

"Napansin ko rin. What if kausapin natin siya?" sambit ni Dustin.

"No. Hindi nga hinahayaan ni Clyde na lapitan natin siya d'ba?" pahayag ko.

What shall I do?

"Kawawa siya at mukhang pinapahirapan siya ni Clyde" nag-aalalang sabi ni Dustin.

"Wait! Seryoso ba kayo? Parang gusto niyo siyang iligtas?" sarcastic na tanong ni Dave.

"No, I'm not planning to save her. I'm just curious about that girl and the secret" sambit ko.

Lagi ko siyang tinitignan to observe her movements beside the Phantom Sinners. Parang takot na takot siya at palaging balisa. Pero iba ang nakikita ko, everytime I look at her, it looks like she wants to say something. and now, naaawa ako sa ginagawa sa kanya ni Clyde kaya curious talaga ako sa kanya.

Inumpisahan na naming pag-usapan ang plano at sinigurado naming kami lang tatlo ang nakakaalam.

To be continued..😆